10.23.2010

mahal ko ang ulan

di ko alam kung bakit pero kakaiba ang enerhiya ko sa tuwing umuulan. parang may extra positive energy akong nararamdaman kapag umuulan. di ko alam kung weird ba itong kyeme kong ito dahil parang lahat ng kakilala ko, ayaw ng ulan. nakakalungkot daw. plus, siguro yung hassle sa paglabas kapag umuulan. dapat may dalang payong and all that jazz.


ewan ko ba kung dahil lang nakakaantok kapag umuulan kaya gustong-gusto ko sya. (oo, sadyang lab ko rin ang pagtulog at mga katamaran sa layp) sarap matulog di ba? pero bukod sa malamig na simoy ng hangin na dala ng ulan, gustong-gusto ko rin ang tunog ng paglagapak ng mga patak nito sa kalsada, bubong, puno o kung saan man. para sa 'kin, isa sya sa pinakamagandang musika sa buong mundo. oo, ganon! buong mundo. gusto ko ngang bumili ng rain stick eh!

pwede rin sigurong may kinalaman ang zodiac sign ko sa kyemeng ito? although din naman din talaga ko naniniwala sa mga horoscope pero bilang piscean yata, sadyang malapit ang puso ko sa anumang bagay na may kinalaman sa elementong tubig. bet na bet ko rin kasi ang mga sea creatures at mga under the water adventures. gusto ko ang beaches. gusto ko ang pagbababad sa tubig. gusto ko ang huni ng rumaragasang tubig sa ilog o kung saan man. basta, gusto ko ang tubig...

oh well, basta masaya ko pag umuulan. isa marahil ako sa mga kakaunting tao na tunay na maligaya kapag umuulan.

mahal ko ang ulan.

salamat Po sa ulan ^_^Y

(kindly disregard my eclavu... TH na kung TH! nag-iin-artist lang. haha!)

10.17.2010

makulay ang buhay


bilang kaburyongan, napag-isip-isip kong bumili ng pastel at sketch pad last week. wala trip trip lang. f na f ko ang pangangailangan ng outlet. dami ko rin kasing nasasayang na talent. nasa maling industriya talaga ko... oh well. feeling ko naman masyado ang pagiging talentado? wahaha!

anyway, finished reading The Lost Symbol kasi 2 weeks ago. dami lang realizations. biruin nyo noong unang panahon, ang concern ng tao ay tungkol sa purpose ng life. nakokonek din dito ang nature ng tao na i-attribute ang mga bagay-bagay sa higher being at magkaroon din ng spiritual life. ang seryoso ng post? ahehe!

Naisip ko lang din, ang mga tao puro mga material na bagay na lang ang concern sa life. Consumerism at its best! nakukuha na lang naten mga kasiyahan naten sa materyal na bagay. di ko yata bet maging parte ng sistemang iyan. pordat, naisip ko lang din, to live one day at a time, to cherish relationships at gumawa ng mga bagay na makakatulong sa iba. naniniwala ako na parte dito ang pagkakaroon ng positibong disposisyon. nakakahawa kasi di ba kapag good mood at makulit ang kasama mo? maikli lang naman ang buhay, so might as well make most of it by making other people happy ^_^ wak na masyadong humugot ng hafiness sa mga bagay-bagay like brands. this is ironic though kasi sa market research ako nagwowork - all about brands! haha! pero basta, one day, i'll do what i really want to do - kumanta, drowing, magsulat, at social work! gusto ko naman magamit din mga talento ko. sayang naman :-)

so bat ako nagdrowing? wala lang... por mor positive energy lang. praktis muna 'to. messy kasi di ko pa alam gamitin pastel. pang-krayola lang yata ang beauty ko. wokokok!

heniwey, ang sabog ng post kong ito. har har... pero basta, yun na yon. dami ko pa gusto chorva kaso alis na kami ng housemate ko. eat pray love (na feeling ko e dragging. good luck na lang)

^_^Y