Samu't Saring Kyeme 2016

2016 – Grabe ka lang. 7 inch ovarian cyst. My lola’s passing. Benjie’s lola too. Kantar First. Year I said goodbye to SG. Duterte. Trump. Passing of David Bowie, Prince, Thailand’s longest monarchy, Fidel Castro. Brexit. Extension of my probation for the fist time. Marcos’ burian sa LNMB. Ano paaaa? Gaaaaah.

Pero sabi nga, perspective lang ito. Have to look at this as the year that teaches me a lot of things. To look at things on a bigger picture and learnings. To be more prepared and less complacent. To pray more. To reevaluate finance and plan for the future. To live more and worry less. To be more open-minded. To be more understanding. To learn how to stand on my own and ask for God and friends’ help. To be humble. To be positive always. To maintain a positive attitude despite all chaos. To accept things that I can’t change. Unconditional love. Hope. Faith about fate.

There’s a reason why I listened to Steve Jobs’s speech this year about attitude and outlook about failure. About not fearing failure. About drive. About pursuing things that you feel meant for you regardless of what other people think. To fear nothing. To appreciate death. An d to keep going no matter what as there is always hope. Believe in a brighter future.

And I’ve never been prayerful until we faced so many challenges this year. Grabe lang yung bugbog na ko sa challenges pero in fairness, with the help of prayers and friends, I’m surviving an uneasy phase of my life here in Thailand. It hasn’t been easy to be in a totally foreign country, alone, with no friends, and language that I don’t understand. I’m very much willing to learn but this is really not easy, considering that I’m learning how to live alone again, without any social support, and learning how to do CS, how to work along others and understanding our company’s tools. IT IS REALLY NOT EASY. But in God’s grace, I pray that I get this through and become successful in time J


2016 has not just disrupted my personal life and the world as well. As we can see with Trump, Duterte, Brexit, Putin and stuff, there is clearly a shift towards a conservative perspective – self-preservation and security but within your group only. Unfortunately, as a result, there is less respect for women, human rights and diversity now. Perhaps, we can see this as a failure of the liberals. We’ve probably become too “atas” and dismissed the opposition’s opinions as dumb and senseless when in fact, we should be understanding them instead and address it in a way that we get their support, rather than alienate them.  The sad cases of Hillary and Roxas were obviously the same – the clamor for decency versus the conservative ideas of Trump and Duterte who promised extreme changes in the government to make the country “great” again. Simply put, the call for “decency” and “intelligence” meant that the opposing groups are indecent and dumb, hence calling them “tards” and all bad names. Gloomily, this strategy had backfired, making the candidates lose despite their high credibility and capability to govern.

Nonetheless, we shouldn’t just get ourselves dragged. Instead, the more that we have to continue fighting but with a different mindset – instead of putting the others’ opinions down, we should challenge ourselves on how we can make them understand our point of view  and why it always right to fight for what is right.


Speaking of what is right, the biggest tragedy in Philippine history is when the highest body of justice serves the president instead of the people. Consequently hailing Marcos as legally entitled for a hero’s burial. A N Y A R E  P O??? This just made 1986 People Power useless and our history twisted. That the Marcoses did nothing wrong when in fact it has been proved that they stole billions of dollars from the people. Amount of which we are paying until now. And the scarier part? Marcos Jr has an impending case in the Supreme Court and looking at the trend right now, mukhang mananalo siya sa kaso niya.

God bless the Philippines na lang.

Another form of tragedy though is that instead of people coming together to oppose Marcos’ hero’s burial, they went to their own groups and prioritized their own propagandas. Kesyo ang mga dilawan ay ganire at ang mga pulahan ay ganyan. Anak ng tipaklong! Hindi pa pwedeng magprotesta bilang Pilipino na may malasakit sa bansa at hindi bilang myembro ng kung anumang grupo? Iniisip ko kung mauulit pa ang People Power sa EDSA. Yung tipong kusang nagtipon-tipon ang mga tao. Walang kulay. Walang pangalan ng organisasyon. Yung taos puso lang na nakikipaglaban para sa bayan. Kelan kaya mangyayari yon? T_T

God bless the Philippines na lang ulit.


Mabalik kay Steve Jobs… This year, I’ve finally finished all Gladwell books (after finishing David and Goliath). Actually, si Steve Jobs, nasa Outliers. Pero after watching the documentary about him, I’m thinking kung dapat ba siyang nasa Outliers or David and Goliath? He was an adopted child in a not so well-off family anyway. Or pwede sigurong parehas. Anyway, I love both books. I love all Gladwell books nyahaha! Kahit pa sabihin nilang he tends to oversimplify things. Well, he probably does but it does not mean his observations are invalid. He offers other perspectives of looking at things like spaghettis and happiness, how we can change the world, and how one succeeds.
So ang medyo may conflict nga between Outliers at David & Goliath. The former discusses about how advantaged people get successful. And this is good because it is very humbling. It says that one does not simply succeed because of his innate or trained abilities but instead, one is also a product of his time, place, race, culture and specific circumstances. Hence those who already have advantages on these things will of course tend to succeed (in case of Steve Jobs, he grew up in Silicon Valley and have been exposed to programming and computers at a very early age). Whereas, David & Goliath tackles how people with disadvantages (like dyslexia, being orphans, etc) shouldn’t be discouraged because there are ways to battle giants using strategies where they are good at. In any case, I think, to some extent, both books are enlightening and encouraging. That actually, anyone can succeed. And one factor that I’ve noticed is that successful people are driven and game changers and they don’t let other people’s perception hinder them from fulfilling their dreams – regardless of having advantages or disadvantages.

On another note, I also particularly like Gladwell’s podcast about generous orthodoxy. That we must find the balance between the 2 because orthodoxy without generosity leads to blindness – just like the belief in absolute truth may lead to extremists and aggressively putting that belief’s agenda ALL THE TIME. In the same way, being generous or just being open to any other idea and not sticking to one, if not a few, is just shallow and empty. I guess this is something that the world needs right now. Just like seeing that different people like different kinds of spaghettis, we have to learn how to respectfully live in a world with fragmented beliefs while not losing our own beliefs as well. And that’s probably a key to world peace.

May peace be with us all.




Matagal ko ng gustong sumulat tungkol sayo lola. Kaya lang, maisip ko lang yon, naluluha na ko agad (hanggang ngayon pa rin naman). Nalulungkot lang ako kasi feeling ko, hindi ko pa nabigay lahat sayo. Hindi pa ko nakabawi sa lahat ng tulong na naibigay mo sa 'kin. Sana naipagamot pa kita, sana naipasyal pa kita, Sana nabigyan pa kita ng mas magandang buhay. Sorry, lola. 

Kung pwede ko lang ibalik ang panahon. Sana hindi ka na lang naaksidente. Sana hindi ka na nahirapan at dumanas ng sobrang sakit. 

Pero lola, sa huli, gusto ko lang maalala yung mga panahong masiyahin ka at malusog ka pa. Alam ko naman lola na nagawa mo na ang lahat para sa pamilya at mga apo mo. Ikaw ang modelo ko ng mabuting tao na handang tumulong kahit kanino. Na minsan, kahit wala na, bigay ka pa rin ng bigay kasi sobrang laki ng puso mo lola. Ni hindi ka nagagalit. Lagi ka lang positibo. Laging nakangiti.

Kung tutuusin, kung wala ka, 'di ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Ikaw ang nagpuno sa lahat ng kakulangan ng mga magulang ko. You were always there. You never turned me down. Hindi ko 'yon malilimutan sa habang panahon.

Lola, you're the most beautiful person in the world. inside and out. Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, tulong at gabay.

Sana payapa at masaya ka sa piling ni lolo ngayon.

Paalam Lola. Mahal na mahal kita.

Mga walang kwentang kuro-kuro tungkol sa Batman vs Superman

'Di ako masyadong nakaconcentrate sa panonood ng Batman vs Superman bilang ang dami kong hanash wahaha!

Ito yung mga walang kwenta kong opinyon:
- Ilang beses ba kailangang mamamatay sila Mr. and Mrs. Wayne sa movies. Naaawa na ko sa kanila. Pagpahingahin na naten sila please....
- Nahirapan ako sa umpisa na tanggaping si Ben Affleck si Bruce Wayne. Si Nick Dune pa rin ang nakita ko nung umpisa nyahaha!
- Bakit masyadong baliw-baliwan portion si Lex? Mukha siyang meth head na nerd. Tapos parang sa dark knight yung conflict sa dulo. Pero si Superman naman ang mamimili tapos si Lex yung joker.
- Sa scale na 1-10, gaano kapani-paniwala ang mga abs ni Henry Cavill?
- Mabuhay si Tyang Amy!
- Bakit yung kapa ni Superman, nagwawave tulad ng Kapa ni Leonidas sa 300? (Alam naman naten kung bakit)
- Eh yung magkatabi lang naman pala ang Gotham City at Metropolis?
- Nung sumakay si Gal Gadot sa mabilis na kotse ni Bruce, eh di Fast & Furious na yon :P
- Bakit ginawang powder ni Batman yung kryptonite? Tapos mawawala rin bisa. Wenks.
- Tapos dahil lang sa magkaparehas na Martha yung mga mudrakels nila Batman at Superman, besties na sila agad? Nyahaha!
- at bakit kailangan ng dream within a dream. Inception na yon.
- At higit sa lahat, bakit kumuha sila ng artista para kay Alfred na mukhang matandang Robert Downey Jr tapos kung umakting ay parang si Jarvis. Bakeeeeeet?


Kidding aside, may mga parts naman na ok yung movie. Like yung mga philosopical na linya at superb din siya visually. Kung tutuusin, maganda siyang sequel for Man of Steel. Magaling din si Ben Affleck pero syempre ibang-ibang brand na ng Batman kumpara sa Dark Knight series. Kaya naman pala malungkot siya na masama ang reviews T_T Naappreciate ko rin na strong yung women characters lang yung senator, si tyang Amy, 2 Marthas at syemps si Wonder Woman na sobrang galing dun sa fight scenes.

Bilang pagtatapos, gustong-gusto ko rin yung positive choba ni Batman sa huli ng movie - Men are still good. Gusto kong isipin yan kapag nakakapanlumo yung mga balita tungkol sa suicide bombers at kung anu-ano pang mga walang kwentang patayan at mga warlahan. Sabi nga dun sa isa kong nabasa na di ko na maalala kung sinong nagsabi, mas marami pa ring mga mabubuting tao sa mundo. Kasi kung hindi, dapat natapos na ang lahi naten.

Kaya naten 'to! :)



Play This --> Shoop


Gusto ko lang sabihin ulit na sobrang ganda ng Deadpool. Effects, script, acting, lahaaat! ibang klaseng experience siya. as in orgasmic ang panonood - yung hindi bastos  :P

At ang pinakanakakalokang discovery for me ay... nakakatawa pala si Ryan Reynolds!!! wahaha! Ngayon ko lang siya din napansin talaga bilang actor. Well, nadala naman nya yung Buried pero ibang klase siya sa Deadpool. Isa siyang Class S kung sa Ghostfighter at One Punch Man. Tapos, bukod sa swerte niya sa pagkita sa Deadpool, naka-Scarjo na siya, naka-Blake Lively pa. Anak ng #!@$&*(#%!!! hindi naman siya masyadong pinagpala. SIYA NAAA!!! wahahaha

Anyway, bukod sa pagpuri sa Deadpool, gusto gusto ko lang magpakawitty (minus all the cussin') sa post na ito. 


Maiba lang ng kaunti. Speaking of pagiging witty, I think si Brod Pete ang dabest sa pinas. Witty rin si Remz Sarita ng Show Time pero puro siya tungkol sa drugs eh. Parang... dude, sige na, ikaw na adik wahaha! Si Brod Pete kasi, ibang level. Ang snappy at ang talino ng mga jokes. Best din sa paglalaro ng mga salita. At siya lang siguro yung talagang nakakatawa pero hindi kailangang manlait or manakit ng ibang tao. Hindi niya rin kailangang maging bastos although syempre minsan bastos siya wahaha! So ayun, idol ko talaga sa kalokohan si Brod Pete.

So ito na ang attempt kong magpakawitty or sige na, listahan lang 'to ng mga walang kwenta kong naisip. Excuse ko lang sila Deadpool at Brod Pete hahaha!

- Zacapa: Ito yung brand ng alkohol na iniinom ng mga nanay kapag feel nilang mangdamay kapag galit sila.
- Hublot: Ang brand na kinukuha ng pwersahan
- Tissot: Ang brand kapag nadapa ka
- Dhaml: Wag kang Dhamol (yeah, Andrew E :P)
- Kung merong amoy-araw, bakit walang amoy-gabi? o kaya'y amoy buwan? 
- Ilang litrato na kaya ang naphotobomb ko? Nakakatawa kaya ako?
- Ilang beses ko na kaya nagawa yung tatawa na lang ako kapag di ko naintindihan yung kausap kong iba ang lahi?
- Bakit nga ba dun sa Oscar's, mga itim lang yung may reklamo na puro puti lang yung na-nominate? Eh wala namang reklamo mga Asyano, Latino, at iba pang lahi. Chika lang itey *peace*
- Nung sinulat ba ng Sugar Free ang Hari ng Sablay, si Mar Roxas kaya ang nasa isip nila? #howinspiring #oknasanakasonagingbatopa #sanbagalingmgahiritmo #waleytalagamar

But no, nawala na 'yung iba kong nakakatawang naisip (kung nakakatawa man sila) so itutuloy ko na lang next toym ang walang kwentang listahang ito. Wahahahahaha!


Hanggang sa muli :D



Napanood namin kagabi yung debate na hinost ng GMA 7. Ito ang aking mga kuru-kuro tungkol dito.

- Format: Marahil ay hindi 'yon ang best na format kaya hindi umaatikabo ang debate. Well, debate nga kasi siya dapat. Siguro rin, hindi "combat mode" ang mga presidentiables. Pero dahil idol din natin si Sir Monico, positibo tayong tumingin. Marami pa rin naman tayong nakuhang impormasyon para kilatisin ang mga kandidato.
- Panalo: Kung pipili ng iisang panalo, ibibigay ko ng lahat ng rounds kay Senator Poe. Klaro. Confident. Detalyado. Handa. May mga datos. May kongretong plataporma. Positibo. Hindi naninira. Walang bahid ng anumalya. Special mention sa pagbanggit niya sa kanta ni Gloc 9 - kayo pong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo, upang makita niyo ang tunay na kalagayan ko. *clap*clap* Ang tanong na lang ay - kaya ba niyang ideliver kaya lahat ng sinabi niya? Tungkol naman sa nationality niya, feeling ko, natural born siya eh. Alangan naman nanggaling pa siya sa ibang bansa bago siya inampon nila FPJ. Well, posible naman yon. Pero parang wala lang sense na hindi siya natural born. At in fernezz, bilang hindi naman siya corrupt, ano bang makukuha niya ring benepisyo kung magiging pangulo siya. Feeling ko, bukal naman sa loob niya ang maglingkod. Well, feeling ko lang naman yan dahil sa mga sagot niya sa debate. Although, ang problema ko rin sa kaniya ay may panganib na maging trapo siya. Let's see
- Iba pa:
- Mar Roxas: Sabi nga ni Pat Evangelista, Mar Roxas was at his best last night. Sumasang-ayon ako doon. Magaling siyang magsalita. Matalino. May plataporma at mukhang malinis din ang hangarin niya para sa bayan. Gusto ko yung end speech niya. Kung tutuusin, siya naman talaga ang pinaka-competent sa position ni Noy. Pero ang problema talaga ay, wala siyang karisma. Walang x-factor. Alam mo yung makita mo palang siya eh magtataaas ka na agad ng kilay o kaya eh sasapakin mo na lang dahil nakakaasar siya sa hindi mo masabing kadahilanan. Ang solution sana dyan ay kung nakapareha niya si Grace Poe. That could have been the best tandem para sa bansa. Kaya lang hindi na yan mangyayare so waley talaga eh. Pero malay naman naten.
- Duterte: Gusto kong magtumbling sa comment niya "Actually, it is biology." Ano hoooo??? wahahaha! anyway, I think ang best niyang nasagot ay yung sa issue sa Mindanao. Kung mayroon mang nakakaunawa sa kalagayan ng Mindanao ay siya yon. Although ineexpect ko na mas fierce siya pero kere lang.
- Miriam: I think lahat magsasabi na she wasn't her usual self kagabi. May nakain yata sila ni Mike Enriquez at medyo sabog sila. Of course may sense mga pinagsasabi niya pero parang nawalan ng pangil ba na parang she wasn't in it to win it. Tapos nakipagkampihan kay Duterte. Anyareeee? So mukhang 3 na lang pagpipilian ko - Poe, Roxas, Duterte.
- Binay: Trapong-trapo. Siya ang TNT - Tunay na Trapo. Sayang sa oras ang pakikinig sa kaniya pero ang nakakatakot ay alam kong alam niya kung paano targetin ang nakakararaming botanteng masa. Wag naman sana siya ang manalo. Juicecolored!

Sana mas exciting ang mga susunod na debate. Pilipinas, galingan naten!!!

PS: Sure na kong Robredo ako sa VP.

Scariest Political Ad Ever

Naengganyo ako sa isang TV ad. Ang ganda ng pagkakagawa. Disente ang produksyon. Ang peg mga simpleng mamamayan na isa-isang nagsasabi na "hindi ako ang nakaraan". Ang ganda nga naman ng pangako ng clean slate. Panibagong simulang walang bahid.

Pero namutla yata ako nung makita ko sa huli kung sinong pulitiko ang iniendorso ng patalastas na ito. #juicecolored

Nakakapanlinlang ang ad na yon. Nakakakilabot. At gusto mong paulit-ulit na sabihin na #neveragain

Ang buhay natin ay hindi dapat madiktahan ng nakaraan pero may dahilan kung bakit nag-aaral tayo ng kasaysayan. Ito sana ay sa hangad na hindi na maulit ang mga kabalintunaan ng nakalipas na panahon para sa mas magandang kinabukasan.

Malaki ang problema kung gusto mong burahin ang nakaraan na parang walang nangyare. At kung ganito nga ang gusto niyang mangyare, talaga namang walang bahid ng pagsisisi tayong makikita sa kaniya. Wala namang masamang nangyare eh. Walang remorse. Walang apology.

Cannot V. Hindi talaga maari. Hindi tayo papayag.

Sa aking palagay, ang pagkatao mo ngayon ay bunga ng nakaraan. Nasasayo na lang yon kung paano mo gagamitin ang iyong mga karanasan at karunungan para sa kinabukasan.

Ngayon 2016, bumoto ng wasto. Magsaliksik at mag-aral.



Steve Murphy at Pacman. Parehas na malalaking pangalan pero hindi immune sa pagkakamali. Ang pagkakaiba siguro nilang 2 ay hindi sinasadya ng nauna yung pagkakamali niya. Yung isa naman, ang panget lang talaga ng mga ginamit na salita para magbigay ng opinyon sa isang super sensitive na paksa. 

Parehas din silang humingi ng paumanhin pero hindi napawi ng mga sorry nila ang galit ng maraming tao. Kaya naman mapapaisip ka - minsan, kahit gaano karaming magandang ginawa ka sa mundo, pwedeng mawala dahil sa isang pagkakamali - sinasadya man o hindi. Of course may mga taong mananatili ang pagsuporta sayo pero marami ang madali kang ihuhulog at wawarlahin ng bongga. 

Yung kay Steve nga, ilang segundo lang ang pagitan ng pagsorry niya pero grabe yung level ng damage na nagawa. Yung kay Pacman, ang daming kembot sa social media at may mga nasunog na sapatos dahil sa gulong kinasabwatan niya. Putol pala yung video clip ng interview niya pero huli na ang lahat para i-save pa ang basag na niyang reputasyon. 

After ng ilang taong ng pakikiboxing sa ngalan ng bansa mo, pagkatapos ng ilang championships ay ganun lang kabilis. Waley ka na agad. 

Honestly, naaawa ako sa kaniya pero san ba niya kasi nakuha yung salita na 'yon? I mean kung sa opinyon niya ay hindi nararapat ang same-sex marriage eh wala namang kaso. Opinyon niya yun eh. Pero syempre, para ikumpara niya yon sa mga hayop at sabihing mas mababa pa yon sa hayop, kahit pa akto lang ang tinutukoy niya ay below the belt na hirit talaga. Nagsorry naman na siya at sinabi niyang he's not condemning people from the LGBT community pero grabe yung kontrobersiya na nagawa dito. 

Iniisip ko nga kasi siguro iba talaga yung impact dahil si Pacman yung nagsabi. Eh halos ituring na natin siyang pambansang bayani. Ang hirap lang tanggapin na magbibigay siya ng ganong statement tapos tatakbo pa siya sa senado. Hayz Pacman.

Pero ang hindi naman din magandang sagot kay Pacman ay yung pagtawag sa kaniya ng bobo at kung anu-ano pang masasakit na salita. Magbigay na kayo ng mala-nobelang posts sa social media pero wala na sana bitawan pa ng masasakit na salita. 

Respeto mga paps. Respeto.

Sa ganitong pagkakataon, mahirap maging rasyunal. Pero best pa rin nga na magpakita ng accountability at humility.

Yun lang poes. Ay tenkyubow.

*Biebs dahil sa kanta niyang Is It Too Late to Say I'm Sorry :D

Babush 2015, Heller 2016

Bilang naka-MC ako ng 2 weeks para magpagaling mula sa laparoscopic cystectomy last Friday (take note - 8cm na cyst haggard!!!), may panahon at inspirasyon na rin akong magsulat sa wakas. :D

So para sa entry na itey, gusto ko lang magpaalam sa 2015. Nakakaloka ka bilang taon bilang tinest mo lahat na yata ng dimensyon na buhay ko. Chaaar! Wag na nateng idetalye pero ang masasabi ko na lang ay muntik na talaga akong malerkey pero buti na lang ay nakabawi na rin sa tulong ni Benjie, friends and colleagues. Yay! I'm just happy kung nasaan man ako ngayon (like nakaupo, nagtytype at nanonood ng TV wehehe).

Maraming challenges sa 2015 pero marami ring mga masasayang nangyare like Incubus at Up Dharma Down concerts, mga kalokohan sa TNS, Puerto Galera trip although ang concern ko pala don ay super lamig ng tubig kaya di ko siya masyadong na-enjoy pero kere naman, usual inuman and dinnervas with CCDs and Pamy, movie and inuman sessions din with Tere, Drich at Prens, Yishun Block partey kung saan nagkaroon kami ng ex-celebrity na bisita hahaha, bagong friends sa church at  trabaho, magagandang movies (notable ones - Kingsman, Cinderella, Man From U.N.C.L.E, The Little Prince, Spectre), series (Better Call Saul, House of Cards, My Love from Another Star), anime (Attack on Titan, Death Note, Baccano, One Punch Man) at kung anek-anek pa. Konti lang pala nabasa kong books (10 lang - Gone Girl, Strange Library, The Book of Laughter and Forgetting, Birthday Stories, Thick Face Black Heart, What the Dog Saw, Black Order, Outliers, Good Enough Parenting, Stupid is Forever) so habol na lang this year :D

Anyway, baunin naten sa 2016 ang mga aral ng 2015.

Ngayon taon, ang pinaka-inspirasyon ko ay si Pia Wurtzbach. Yezzz hahaha! Siya ang epitome ng positive na example ng taong may Thick Face, Black Heart. Siya ang may true grit. Never sumuko hanggang sa makuha niya ang talagang pangarap niya sa loyf habang nananatili siya sa pagiging humble. Ang positive lang ng aura niya talaga so ayun, siya ang gusto kong tuluran 'di lang this year pero hanggang sa mga susunod pang taon. naks! :D Feeling ko kasi, nawala ko na yung part of me na talagang gagawin lahat para makuha lang ang pangarap tulad nung college pa ako. Actually, whenever I feel down, masarap balikan yung college - sobrang purita zobel pero kung anu-anong pinaggagawa ko para lang makatapos wahaha! lahat na ng scholarships ay pinasahan ko hanggang sa nakapasa rin, lahat na rin ng part time jobs ay pinatos ko at sa kabila ng lahat ng yan, maganda pa rin ang standing ko sa acads. #yabang #buhatbangko hahaha! pero seriously, pasensiya na sa yabang pero proud lang ako talaga na nagawa ko lahat yan. CHAROT!

But of course, sabi nga sa Outliers ni Gladwell, 'wag masyadong mayabang dahil ikaw ay hindi lang produkto ng sarili mong mga efforts. Ikaw ay produkto ng iyong panahon, lugar, pamilya, kaibigan, teknolohiya, lipunan at samahan mo na rin ng swerte. Hindi mo kayang umangat ng mag-isa lang :D

Pero gayunpaman, gusto ko lang ding bumawi at maging determined ulit sa karir at loyf in general. Feeling ko naman papunta na ko sa daan na yan lalo na at positive ang reviews ko sa rotten tomatoes este trabaho lalo na nung sinabihan ako ni Astro na presensiya ko palang daw ay malaking bagay na sa grupo. Gusto kong maiyak at yakapin siya sa tuwa pero syempre di ko naman ginawa yon hahaha! For the first time, masasabi kong masaya talaga ako sa trabaho at gusto kong maging useful para sa team. Aja aja!

Kung susumahin nga sa kanta, ito ang pakiramdam ko para sa taong ito - like, kasama si Snoop and all that jazz - Clint Eastwood.

Sana tuloy-tuloy lang talaga ang positivity this year. Nakatapos na ko ng 2 books - Blink at Kafka on The Shore. Ang ganda lang nila parehas. Yung una, maraming aral tungkol sa buhay in general at yung pangalawa naman, nakakabaliw as usual pero may aral ng forgiveness sa huli. Ang positive lang ng mga endings. At marami rin akong napulot na iba pang pop culture mula sa kanila like Kenna, Radiohead Kid A, opera music, at kung anek-anek pa. Di ko alam na ang ganda pala ng albums ng Radiohead. In Rainbows siguro yung the best pero lahat sila ay IMBA ang pagkakagawa.

Latest na kinakabaliwan ko naman ngayon ay Deadpool. Grabe ang ganda lang. Siya na yata ang best Marvel superhero for me. At ngayon ko lang din naappreciate si Ryan Reynolds. Ang galing niya!

Ok. OA na ko haha!

Basta yun na yon afir!



A review to remember

Minsan lang itey. Aalis na rin kasi si A Walk to Remember. Nakakapagod siyang kawork pero in fairness, marami naman akong natutunan sa kaniya. Oh wellzzz, c'est la vie!


Sa wakas, bukas na rin yung party. Gusto ko na siyang matapos at pagod na pagod na kong mag-intindi nung broadway churva ng group namin. ako daw kasi yung lider woooot!

Masaya naman siya pero nakakapagoood. Gusto ko ng matulog.




Natapos namin noong nakaraang buwan yung Death Note.

Maganda siya, mapangahas at interesting. Yung main character na si Light Yagami ay gustong puksain lahat ng masasamang tao sa mundo sa pamamagitan sa pagpatay sa kanila via death note. Syempre sino bang gustong na laging nangangamba sa masasamang tao?

Madaling malaglag sa argumento ni Light pero ang galing din ng anime para i-peg na hindi dapat inilalagay sa ating mga sariling kamay ang hustisya. Sa bandang huli, natalo rin si Light nila L, N at M.

Gusto ko rin yung father and son angle :D Lagi kong sinasabihan si Benjie na 'wag masyadong maging mahigpit kay Zyric. Masyado na kasing competitive; ayaw magpatalo parang si Light Yagami. Wahaha!

Anyways, syempot mas maganda pa rin ang Full Metal Alchemist for me pero kudos sa Death Note. Nakakahook din siya ^_^

Pero gusto ko lang isingit ang quote na ito lalo na sa nangyare sa Paris. Nakakamangha na may mga taong hindi papatol sa mga gustong maghasik ng takot at galit. Nakakaiyak yung video kahit ilang beses mong panoorin.


Lastly, this quote <3 p="">


This year, I may have been very hard on myself. 

Maraming disappointments tungkol sa mga pagkakamali sa karir, malaki man o maliit at sa mga relasyon sa mga kapamilya at kaibigan. Pinakamadali siguro ring i-down ang sarili sa mga padalos-dalos na desisyon. 

Pero this Christmas, I wanna give myself the gift of forgiveness - para sa lahat ng mga nagawa kong mali sa sarili at ibang tao. Kahit hindi ako "totoong" Kristiyano, I want to remember and be delighted by the thought that Jesus sacrificed Himself so that all of us can be forgiven from our sins. 

Nakaka-humble lang :)

I want to let go of all the guilt, anxiousness and all that jazz. Syempre, hindi naman sa isang iglap. Paunti-unti, in time. Darating din tayo doon.

Merry Christmas, Self. <3 div="">

Minsan, ako'y may tula. choz!


Paano kung wala na ang magic,
Sa isang click, isang pitik?

Itatapon lang ba,
Ang mga panahong masaya,
Dahil sa isang katangahan,
Isang kabalintunaan?

Paano kung wala na ang kilig,
Ang pintig,
Ng pusong minsang umibig,
Nang masidihi at walang patid?

Pagpapatawad ba’y,
Walang lugar at ugnay,
Sa iyong abalang buhay?

Lumaya na tayo
Mula sa gapos nang mabibigat ng tagpo
Sa mundong hindi sumasang-ayon
Sa mga panahong
Iginugol sa pagdaong
Sa kani-kaniyang pundahan

Tama na,
Lipad na.


Dahil wala ng haze

bumaba ako para magchwimming pero maraming tao so basa na lang muna ng Thick Face, Black Heart. Highly recommended itey 👍🏼

PS: wala na rin akong ubo *tears of joy*