Matagal nang nakapark ang topic na ito sa aking utak so heto na, heto na at isusulat ko na. Choz!
Lately ko lang napagtanto na hindi ko pa pala napanood yung Kill Bill 2. Akala ko napanood ko na parehas.
So napanood ko na rin siya finally (#memoriesinbukitpanjang) habang nagplaplantsa at nalerkey ako na simple lang pala lahat ng ugat ng yishun ni Bill. Najontis si ate black mamba na ex-jowa ni Bill at lumayo bigla ng walang sabi-sabi. Well, nakakabuset naman talaga yon. Ni-Ha/Ni-Ho waley. Nakakapraning kaya yung ganyan dahil di mo alam kung buhay pa o dedz na yung mahal mo sa buhay. Tapos nalaman niya na lang na jontis at magpapakasal na sa isang hindi kilalang kulafu. So how?
So anyare ay sa salita nga ni Bill nung magkausap sila finally ay "I overreacted". Eh big time assassin lang naman siya. what do we expeeeect??? sweet happy ending???
syempre hindi divams?
Pero sabi nga ni Bill nung huling pag-uusap nila ni Black Mamba:
The Bride: [Describing her pregnancy to Bill] Before that strip turned blue, I was a woman. I was your woman. I was a killer who killed for you. Before that strip turned blue, I would have jumped a motorcycle onto a speeding train... for you. But once that strip turned blue, I could no longer do any of those things. Not anymore. Because I was going to be a mother. Can you understand that?
Bill: Yes. But why didn't you tell me then instead of now?
The Bride: Because once I would have told you, you'd claim her, and I didn't want that.
Bill: Not your decision to make.
The Bride: Yes, but it was the right decision and I made it for my daughter. She deserved to be born with a clean slate. But with you, she would have been born in a world she shouldn't have. I had to choose... I chose her.
To some extent, feeling ko may point naman si Bill eh. Bakit hindi na lang sinabi ni 'teh. Eh di sana, wala ng na-massacre na napakaraming tao, inosente man o hindi. Literal na blood bath, mas madugo sa kahit ano pang war sa Game of Thrones.
Baka naman nagconclude agad si 'teh na magiging masamang tatay si Bill.
Pero who am I to judge? YESSSS hahaha! Eh hindi ko naman nga kilala rin si Bill. Helleeer?
Eh ang akin kasi, feeling ko, lahat ng bagay ay madadaan sa maboteng usapan. Parang yung sa How to Train A Dragon 2 movie. Gusto ko kasi parati ng peace. Pag-usapan ang issue. Magresolve.
Ayoko ng issues. Pero nakatira ako ngayon sa Yishun.
Charot.
So anyway, nung nagmumuni-muni ako tungkol dyan, napagtanto ko rin na hindi basta-basta usap lang ang makakasolve ng mga bagay eh. Kailangan din yung mga mag-uusap ay mayroon isang objective - to agree to disagree. Para maresolve na ng 100% ang mga bagay-bagay. At matapos na ang dapat matapos.
Pero mangyayare lang din yan kase kung lahat ng parties involved ay magpapaka-honest sa totoo nilang nararamdaman at iniisip. Kung hindi talaga ok, sabihing hindi ok para makapagsorry ang dapat magsorry kung mali talaga or maclarify ang bagay na akala niyong mali pero ok naman pala. At kung ok na, dapat ok na talaga. Hindi yung pagkatapos ng usap eh ang dami palang opinyon. Lekat.
May forever kahit issues hahaha!
Anyway, naalala ko lang din yung sa Forgiveness Seminar ni Dr. Enright. Sabi nga, sa pagpapatawad mo, hindi mo naman kailangang i-inform yung taong nagkasala, at least sa paningin mo, na napatawad mo na sila. At sa pagpapatawad, hindi necessary ang reconciliation. Bonus na lang yan kung baga. Pero importante ang pagpapatawad. Nakakapagpalaya siya ng utak at puso.
Pordat, naniniwala na ko na
there are things better left unsaid. In time, maghihilom din ang mga sugat, kahit pa gaano ito kalalim basta marunong tayong magpatawad.
*bow*