
Haller madlang pipolll!!!
May nakita kong pinost na article sa FB. Sulat ng isang religious writer. Ang title niya, "how to find your true love". Naisip ko lang, eh may formula ba sa paghanap ng tunay na pagmamahal? Kung meron siguro, eh di sinundan na nating lahat yon kaysa patrial-trial-and-error tayo at paulit-ulit na masaktan. O baka naman... mahina tayo sa Math? hhhmmm... ewan. Syempre ako lang 'to :D
***
Another KJ kyeme of me...
***
Nakita ko rin yung kumakalat na video ngayon entitled "Best proposal in the world/Best proposal ever". Na-curious ako at pinanood pero di naman ako kinilig o na-impress. Nasa ka-engradehan pa ng proposal ma-eeskima ang kalidad nito? Engrande nga, ang daming taong involved pero inayos lang naman ito ng isang TV program para sayo, best na yon? Hhhhmmm.... baka KJ lang ulit ako pero hihiramin ko ulit yung paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro". Kung mukhang wala naman sa loob nung nagpropropose yung higanteng sorpresa niya sa jowa niya, waley lang yon para sa 'kin. aksaya lang sa pera at effort ng mga tao. pero syempot, di naman ako yung jowa. natuwa naman yung gerlash. so ba't naman ako nakiki-elam eh kasiyahan nila yon?
waley lang.
It's just me and my utopic view of lab...
*nahawa na yata kasi ako kay Michael Ostique XD*
L e k a t XD
maglilimang taon na ang anak ko pero kung susumahin, siguro wala pa sa tatlong taon ko lang talaga siya nakasama at naalagaan bilang ina. nasa ibang bansa kasi ako para kumita ng mas “disenteng” halaga para sa aming pamilya. maikling panahon lang yon kung tutuusin at sa totoo lang, hanggang ngayon, palagay ko, di ko nararamdaman/nararanasan ng buong-buo kung paano maging ina - yung mag-alala ng anak (lalo na kapag may sakit), magturo ng assignments, magkulay, magbasa, magsulat, magluto, at iba pa. kaya naman sa araw na ito, may pag-aalinlangan ako sa pagsali sa sarili ko sa pagbating “Happy Mother’s Day”.
hhhhaaayyyzzz…
di bale, babawi rin naman ako, pramis. malapit na ring matapos sa pag-aaral yung tatay niya at babalik na rin ako, dapat, para gampanan yung tungkuling dapat ginagawa ko simula pa noong ika-31 ng Agosto taong 2006. kailangan yan dahil naniniwala ako na malaking bahagi ng pagkatao natin ay mula sa pagpapalaki ng ating mga magulang. ayokong mamiss pa ‘yong pagkakataon/obligasyon na yon sa aking junakis.
*side comment*
maiba ako. batid ko ang napakahalagang papel ng mga ina sa lipunang Pilipino (at sa buong mundo). pero bakit kaya ang mga sikat na mura sa anumang wika (yata) ay may kinalaman sa “ina/mother”? guilty rin naman ako sa ilang pagkakataon sa pagbanggit sa naturang mura pero, kung pakalilimiin, kailangan bang tumawag tayo ng “putang” ina sa tuwing galit at bad trip tayo? unfair naman yata yon. mahirap maging ina.
*balik sa topic*
heniwey, bilang biktima ng diaspora, marami-raming tapang, pasensiya at balde-baldeng sipag ang kinailangan ko para lumipad ditong mag-isa, magtrabaho at maging malayo sa pamilya para sa mabuting layunin. kaya sige na nga, pagbibigyan ko na rin ang sarili ko…
maligayang araw ng ina sa ‘kin, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan, mga kakilala kong nanay at sa mga ina ninyong lahat.
bow.
Nais ko sanang isulat ngayon ang lahat ng aking mga saloobin, pakiramdam at pagtingin sa kung anu-anong mga bagay sa aking buhay at paligid tulad ng tungkol sa pagkamiss ko sa aking pamilya, sa mga gusto kong gawin namin at sa mga lugar na gusto kong aming mapasyalan (esp sa Japan para makita ni Zyric yung mga malulufet na tren na pinapanood nya sa youtube), mga chorvang gusto kong gawin tulad ng pagsakay sa GMAX Reverse Bungee at panonood ng gig ng Tanya Markova dahil kahit pa gaano kaharsh ang mga lyrics ng mga awitin nila, bet ko ang "sining" na taglay ng kanilang musika. Gusto kong ilarawan kung gaano ko kagustong kumanta o tumugtog kahit di naman kagalingan at kung paanong gustong-gusto ko ang ASAP Rocks pwera lang kay Reyver dahil napakachismoso at feelingero 'nya. Nais kong ilista ang mga pelikulang gusto ko pang panoorin tulad ng Kung Fu Panda 2 at last Harry Potpot movie at kung alin-alin na ang aking mga napanood na, kasama ng mga komento ko sa mga ito tulad ng kung gaanong gustong-gusto namin ni ayeeh si Ludo este, ang Rabbit Without Ears 2 kaya naman 'di kami makapaghintay makuha yung CD ng part 1 at isulat kung gaano karaming chorva ang ginawa ni Jake at Anne sa Chorva & Other Drugs. Maganda rin sanang ilarawan ang pagka-amaze ko kay Arnel Pineda as a person at sa mga 100%/50%/25%/5%/1% na mga pinoy (ie, Enrique I, Bruno Mars, Charice, etc) na kilala sa buong World sa kanilang mga katangi-tanging talento. Sa kabilang banda, gusto ko ring isambulat kung paanong ako'y buset na buset kakurakutan ng mga pulitiko sa Pilipinas at kay Kris Aquino bilang sinisira nya ang peace & order sa Pilipinas, tsk, tsk.
Ang dami pa sanang ibang mga paksa ang umiikot sa utak ko ngayon na madalas namumuo sa aking isipan habang naglalakad o di kaya'y nasa byahe. Subalit sa kabila ng lahat ng kagustuhan kong ito, may nag-iisang pwersang pumipigil sa akin para magsulat. Dahil kung paano ilarawan ng mga taong malapit sa 'kin ang sabog-sabog kong utak na kasing gulo ng buhol-buhol na trapiko sa Maynila tuwing Lunes hanggang Byernas ng umaga, ganoon din katindi ang tama ng mantra ni George Coladilla The Great sa aking ulirat. Isang salita lang:
Nakakatamad.
Bow.
*sabog-sabog na utak*
lakas kong kumain lately. lakas din antukin. nagtataka pa ko na tumataba ako?
more than 14 hours-a-day-work sucks. dali ko ng mapagod o sadyang nakaka-stress lang mga kausap ko? signs of aging?
subalit kailangan ng magtigil sa mga kalokohan at pang-aabuso sa katawan sapagkat sa panahon ngayon, bawal magkasakit! (di ako shareholder ng clusivol)
dami kong pimples. sobrang nakakainis na. dami pang pimple-scars. gggrrrrr... ano ba kayo??? tantanan nyo na ko please!!!
ang haba na ng hair ko, literally at figuratively. what to do? what to do? what to do when there's really nothing to do. haha!
i want peace of mind. bakit ba napaka-aktib mo lang brain? pakain kita sa zombie eh!
bakit ba kasi consitent na inconsistent ako? kalorkey. kakapagod. amf.
bakit naman din kasi ang dami kong tanong? adik pala ako e no?
segue --> pag naririnig ko ang salitang "why", lagi kong naalala ang linya ni Agent Smith sa The Matrix Revolutions. bakit ba? di ko rin alam:
Why, Mr. Anderson? Why do you do it? Why get up? Why keep fighting? Do you believe you're fighting for something? For more than your survival? Can you tell me what it is? Do you even know? Is it freedom? Or truth? Perhaps peace? Could it be for love? Illusions, Mr. Anderson. Vagaries of perception. The temporary constructs of a feeble human intellect trying desperately to justify an existence that is without meaning or purpose. And all of them as artificial as the Matrix itself. Although, only a human mind could invent something as insipid as love. You must be able to see it, Mr. Anderson. You must know it by now. You can't win. It's pointless to keep fighting. Why, Mr. Anderson, Why? Why do you persist?
daming tanong. simple lang naman sagot ni Neo -->
because i choose too
ano ba kasing problema ko ngayon? bat di pa ko matulog? why? why? why?
gulo ko.
migraine.
bow.
because I was able to:
- talk to zyric and good deka friends
- greet my parents for their 25th anniversary
- watch asap
- go to the church
- watch The Sorcerer's Apprentice
- cook food for today
- iron my clothes
- watch Moulin Rouge and almost finished it
trip trip lang... from The Sorcerer's Apprentice OST:
Toinks!!!
Gusto ko lang magsulat ngayon. Walang kokontra!!!
Hindi maayos ang trabaho ko. Sabog utak ko. Na-award ako sa di nasagot na email pero dedma na lang. Di matatapos ang mundo sa kalechehan na yon. Wala na rin naman sa loob ko ginagawa ko. Wala na akong ginagawang matino. Wala!
Bakit ba kasi kailangan pang magtrabaho para sumweldo?!? Di ba pwedeng maglaro na lang ng dekaron maghapon at wala na kong intindihin? Tae. Tae. Tae. Taena..
May kailangan akong gawin pero di ko magawa. Ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa. Kakasawa. Kakapagod. Ang hirap maging ako. Bakit ba kasi ako pinanganak na ganito?!? Pinanganak para maging loser!!! LOSER!!! (Take note, kahit nga sa food fling sa facebook loser ako. tae talaga.)
Hhhaaayyyzzz….
Sa mga panahong ito, gusto ko munang maging rak istar. Mala-lougee o kitchie nadale (yes, nadale talaga). Basta rak istar. Pwede na rin kung tutugtog na lang ako. kahit orchestra.. tang-ina. Basta importante makatugtog. May instrumento. Ayun. O kaya gusto kong maging writer, ala bob ong kung sinuman basta writer na binabasa yung sinusulat. Gets? Magagamit ko siguro mga kagaguhan ko don. Kikita pa ko. Tangna. Gusto ko na lang ding bumalik sa TV work. Kahit ano, producer o writer. Kahit sa going bulilits. Masaya yon. O kaya gawa ko script para sa movie ng star cinema yung tipong mala-popoy at basia. Tae yung movie na yon. Ganda. O kaya manonood na lang ako ng pelikula. Pwede rin akong dubber… dubber ng mga extrang character sa mga cartoons. Masaya na ko… mababaw lang kaligayahan ko e.
Pero kung mababaw ang kaligayan ko, bakit di ako masaya ngayon?!?
Gusto kong mawala muna… sa kawalan…
###
Aloha Milky Way!
Bago man lang magtapos ang taon, makapagsulat naman sa blogag na ito.
In fairness, maganda naman ang 2008 for me and my family in general. To recap, ito yung mga major events sa taong ito:
Ayan, so ngayon, andito pa rin kami sa SG. Plan naming umuwi sa pinas sa April pero sa totoo lang, sobrang ang dami kong namimiss at ang mga iyon ay ang mga sumusunod:
Speaking of zyric, mukhang may future naman at pinagmanahan.. ehehe!
Looking forward for more chenelyn this 2009.
Happy new year sa ating lahat!
ayan lang muna yung mga naalala ko. sa susunod naman ulit. :P
ciao!
asid, peggy, moi, lalah, marlon, jenpot, peter, minette
dec. 30 @ Congo Grille, Trinoma
Your Birthdate: March 5 |
![]() You have many talents, and you are great at sharing those talents with others. Most people would be jealous of your clever intellect, but you're just too likeable to elicit jealousy. Progressive and original, you're usually thinking up cutting edge ideas. Quick witted and fast thinking, you have difficulty finding new challenges. Your strength: Your superhuman brainpower Your weakness: Your susceptibility to boredom Your power color: Tangerine Your power symbol: Ace Your power month: May |