8.17.2007

pagkakataon na ito!!!

dahil kay bagyong egay makakauwi ako nang maaga ngayon...



at makakapagpost ng mga blog entries... weheheh!

pero hindi dapat magsaya dahil marami ang mapeperwisyo dahil sa kalamidad na ito.

sa Japan naman, may heatwave. tapos nito lang, lumindol naman sa Peru at marami ang nasawi...

haaayzzz...


malapit na ang bertdey niya...


mag-iisang taon na ang super kulit kong anak...
hapi bertdey zyric!!!

elevetor at horror


nanood ako noong nakaraang linggo ng "the eye 2" at meron akong napansin tungkol sa mga horror movies...

madalas sa mga ito, asian horror movies sa partikular, ang mga scenes kung saan magpapakita ang mumu sa mga may third-eye na karakter kapag nasa elevator sila. at take note, madalas nasisira ang elevator o kaya naman ay pupundi-pundi ang ilaw nito kapag malapit nang magpakita ang mumu.
sabagay, sa elevator kasi, wala kang matatakbuhang iba kapag nasa loob ka na nito at nakasara na ang pinto. wala kang magagawa kung hindi ikeber ang mumu o harapin ito kaya naman nakakatakot di ba? isipin mo kayang nakulong ka sa elevator kasama ng mumu... katakot! eeeehhh...

isa pa, merong suspense factor sa ganitong mga senaryo dahil hihintayin ang manonood, habang kabado, ang pagbukas ng pinto nito na siyang pag-asa ng aktor/aktres na makatakas mula sa mumu.

buti na lang at kahit matatakutin ako, hindi ako nakakakita ng mumu... kahit pa kasama ko siya sa elevator :p ayos! apir!

7.23.2007

Ten Ways to Fight Global Warming

'Got this from an inquirer article (http://globalnation.inquirer.net/mindfeeds/mindfeeds/view_article.php?article_id=78230) by Queena Lee-Chua.

1. Choose energy-efficient lighting. The old incandescent light bulbs in our homes are inefficient; only 10 percent of their energy generates light (the rest is lost as heat). Replace them with efficient compact fluorescent lights that may cost more at first, but which last 10 times longer and use 66 percent less energy.

2. Maintain appliances properly. Do not place the fridge next to the oven; the fridge works harder to keep cold. Clean air-con filters. Wash dishes by hand (not dishwasher) and use the clothesline (not the dryer). Unplug appliances when not in use. Twenty-five percent of the energy our TVs use is consumed when they are plugged but not turned on.

3. Conserve water. Take showers instead of baths. Install low-flow showerheads. Use the more efficient front-load rather than top-load washing machines. Better still, wash clothes by hand, in cold water rather than hot.

4. Use computers wisely. Computers are usually left on when not in use, but keep them in low-power mode. Laptops and inkjets are more expensive than desktops and lasers, but they are 90 percent more energy-efficient. Choose multi-function devices that print, fax, copy and scan, since they use less energy than individual machines.

5. Reduce driving miles. Walk, bike, carpool or take public transport. Avoid commuting in rush hour to lessen traffic time and fuel burned. Keep cars in good condition. Plan and combine different errands into one trip.

6. Reduce air travel. With today’s communications technology, I often wonder why business people need to travel so frequently when they can telecommute or conference-call instead. Take the bus, train, boat or even car instead of the plane.

7. Buy less. Energy is consumed in making and transporting everything we buy. Borrow, rent, recycle or use an item secondhand. Choose durable items over disposable ones. Repair rather than discard. Filter tap water instead of buying imported bottled water, since it has to be transported from long distances.

8. Bag groceries in a reusable bag. Gore says, “Americans use more than 12 million barrels of oil each year just to produce plastic grocery bags that end up in landfills after only one use and then take centuries to decompose. Paper bags require cutting down 15 million trees annually.” Bring a reusable bag when shopping. I applaud Rustan’s Fresh Supermarket for encouraging this.

9. Compost. Organic waste such as kitchen scraps and raked leaves usually end up in landfills. Without oxygen to make them decay, they ferment and give off methane, 23 times worse than carbon dioxide in global warming terms. Compost organic waste in gardens—this even makes the soil richer and gives us a good workout, too.

10. Eat less red meat. Aside from health risks, a diet rich in meat requires more energy to produce and transport. Most of our forests have been cleared to create grazing land for livestock, at the expense of our trees. Eat fruits, vegetables and grains instead, which are healthier for us, and which require 95 percent less energy than meat to produce.

“The earth is our only home,” Gore says. “And that is what is at stake - our ability to live on this planet, to have a future as a civilization.”

7.17.2007

Paminsan-minsan...

wala lang... galing 'to sa friendster blog ko (http://potchipotch.blogs.friendster.com). entry ko noong March 2, 2007. Naisipan ko lang na ilagay rin dito.


paminsan-minsan, kailangan nating magkamali para matuto.

pero paano kung hindi ka na natututo?

paano nga ba?

sa totoo lang hindi ko rin alam. magulo rin talaga ang utak ko ngayon. pero di ba? tama naman, kailangan nating magkamali minsan para matuto.

yun lang.

bow.

Parang Magic

Nagtratrabaho ako limang araw sa isang linggo. Sa loob ng isang araw, tatlo hanggang apat na oras akong nasa biyahe, siyam sa opisina, tatlong oras sa krus na ligas para magturo (ibang isyu pa ito). Kung gayon, ilang oras na lang ang ilalagi ko sa bahay kasama ang pagtulog, pag-aayos sa sarili at higit sa lahat, pag-aalaga sa kakulitang anak.

Alam kong hindi sapat ang oras ko para kay Zyric. Sabado't Linggo ko lang siya matagal nakakasama. Kaya naman, isa sa pinakakinababahala ko bilang ina ang hindi kilalanin o lubusang mahalin ni Zyric. Mas madalas nga niyang kasama ang biyenan kong siyang nag-aalaga sa kaniya araw-araw.

Pero parang kakaiba.

Sa kabila ng sasandaling mga panahon naming magkasama, alam ni Zyric na ako ang nanay niya at laging naglalambing kapag nakikita ako. Iyon marahil ang tinatawag nilang "lukso ng dugo".

Kapag ako ang may hawak sa kaniya, wala siyang pakialam sa ibang tao. Kampante siyang kasama ako at ayaw niya nang sumama sa ibang tao kahit pa sa biyenan kong kasama niya maghapon. Minsan nga, parang napipikon ang biyenan ko kapag buhat niya si Zyric at pipilit ng batang sumama sa akin kapag nakita ako. Ibibigay sa akin si Zyric at sasabihing, "o ayan! sumaksak ka diyan sa nanay mo!". ahehehe!

Bihira siyang magpapababa - kapag gusto niya lang ang palabas sa TV na karaniwan ay shampoo commercials, isama mo na sa listahan ang "makulay na buhay sa sinabawang gulay" nina charlene, nash at aaron. Kapag tapos na ang gusto niyang panoorin, hahanapin niya na akong muli, aakap at maglalambing.

Paminsan, alam kong masyado na akong huli sa pagpasok pero hindi ko matiis ang grabeng pag-ngawa niya kapag kuniha na siya sa 'kin. Sabi ko nga sa kaniya, "umiyak ka ng ganyan 'pag namatay na ko". Ganun ka-grabe ang iyak niya kaya kukunin ko na lang siya ulit para tumahan na.

Hindi ba't nakakamanghang nakikilala ng isang sanggol ang kaniyang mga magulang kahit hindi niya lagi itong nakakapiling? Instinct na siguro 'yon ng tao... ang galing! parang magic...

Haayzzz... Sa totoo lang, mahirap maging magulang. Nakakapagod paminsan. O sige na nga... madalas. ehehehe! Pero kapag kapiling mo na ang anak mo at alam mong maligaya siya kasama ang kaniyang ama't ina, parang nawawala lahat ng agam-agam, pag-aalinlangan at gagawin mo ang lahat para sa iyong munting prinsipeng naghahantay sa iyong pagdating.

7.16.2007

Represyon at Kawalan ng Disiplina

Subukan mong sumakay sa MRT sa kasagsagan ng tao (rush hour: 7a-8a at 6p-7p) at siguradong maiisip mong walang disiplina ang mga Pilipino.

Sa pagpila sa pagbili ng tiket, pagpapainspeksyon sa gwardiya, pagsakay sa escalator, sa pagpasok at paglabas ng tren, talamak ang singitan, siksikan, balyahan, tulakan… imagine mo, kapag nasa punto nang nasa bukana ka na ng tren ay walang ka-effort-effort kang makakapasok sa loob nito dahil sa lakas ng pwersa ng mga taong nagtutulakan sa likod mo. At hindi lang yon, may bonus pa, marami kang makaka-close, pwedeng “figurally” pero sa lahat ng pagkakataon, magiging ka-close mo sila “literally”, as in kulang na lang ay makapalitan mo na ng mukha ang katabi mo. Putekkk!!! Ipagdasal mo na lang na fresh pa ang hininga balat ng kasiksikan mo at kung hindi ay malas mo na lang!

Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong sumakay sa MRT. Kaya lang, kung iisipin ko ang mega-traffic na sasagupain ko sakaling mag-bus ako sa EDSA, “de bale na lang dong, makepagseksekan na lang aku sa trin.”

Ilang araw ko na ring pinag-isipan kung bakit ganito ang mga Pilipino – madalas na walang pasensya sa mga bagay-bagay. Ayaw na naghihintay. Hangga’t kayang sumingit sisingit. Kahit naka-red ang traffic light, kung mukhang ok naman, sige pa rin. Kung pwedeng idaan sa fixer para mas mabilis, magbabayad na lang nang kahit magkano. Sa madaling salita, walang disiplina.

E bakit nga ba ganito tayo?

Nung una, iniisip ko na maiuugat ito sa kasaysayan. Kung paano namuhay at tinatrato ang mga Pilipino mula noong panahon ng Kastila at Amerikano. Siguro ay dito natin nakuha ang ganitong kultura. Pero may katagalan na ‘yon di ba? Bakit hanggang ngayon ay wala tayong totoong konsepto ng kahit “pagpila” man lang ng matiwasay at “paghihintay” sa tamang oras sa mga bagay-bagay.

Nung isang araw ay may bigla akong naisip, di ko maalala kung paano pumasok sa magulong utak ko ang konseptong ito – represyon. Repressed tayo sa maraming bagay kaya naman kailangan nating i-channel out ang mga angst na nararamdaman sa mga paraang maaari nating ilabas ito. Sa pagod mo sa pagpapagalit ng magulang mo, sa bunganga ng asawa mo, sa mga kachuvahan ng mga anak mo, sa panlalait sayo ng biyenan mo, sa chismis ng mga kapitbahay at katrabaho mo, sa pang-aalipin sayo ng boss mo, sa laki ng mga bayarin at patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa kabila ng kakarampot mong sweldo, maging sa panloloko sayo ng gobyerno mo (partikular ng “pangulo” mo), sa maduming pulitika sa bansa, at sa kung anu-ano ka-imbyernahang nararanasan ng isang karaniwang manggagawang Pilipino, pati ba naman pagkakataong makapasok sa opisina sa tamang oras para maganda ang rekord at makauwi ng bahay nang maaga upang makapagpahinga ay ipagkakait pa ba nila? Ubos na ang pasensiya sa lahat ng represyong nararanasan mo kaya wala kang sasantuhin kahit matandang uugod-ugod o batang ngawa nang ngawa makakuha ka lang kahit na pwesto sa loob ng tren. Makahinga ka lang, pwede na yon. Ilang minuto lang naman ang kailangan mong tiisin.

Pero hindi sa lahat ng oras ay pwede yan... malas mo kapag hindi umubra ang angas mo sa siningitan mo. Mapapaaway ka nang ‚di oras.

Haayzzz... ayan. Oras na ng pag-uwi ko at sasakay na naman ako sa MRT.

Isang malaking GOOD LUCK.

ilang pananaw tungkol sa Pinoy Diaspora

pinag-aralan namin ito sa socsci 1 kay ma'am sarah at feel ko lang siyang ibahagi sa inyo ang dalawang pananaw sa Pinoy Diaspora: isang mula kay Patricia Evangelista (speech comm major) at kay E. San Juan, isang kilalang manunulat ng "kritikal" na perspektiba.

_______________________________________________
Blond and Blue Eyes
By Patricia Evangelista

When I was little, I wanted what many Filipino children all over the country wanted. I wanted to be blond, blue-eyed, and white.

I thought -- if I just wished hard enough and was good enough, I'd wake up on Christmas morning with snow outside my window and freckles across my nose!

More than four centuries under western domination does that to you.

I have sixteen cousins. In a couple of years, there will just be five of us left in the Philippines, the rest will have gone abroad in search of “greener pastures.” It's not just an anomaly; it's a trend; the Filipino diaspora.

Today, about eight million Filipinos are scattered around the world.

There are those who disapprove of Filipinos who choose to leave. I used to. Maybe this is a natural reaction of someone who was left behind, smiling for family pictures that get emptier with each succeeding year. Desertion, I called it.

My country is a land that has perpetually fought for the freedom to be itself. Our heroes offered their lives in the struggle against the Spanish, the Japanese, the Americans. To pack up and deny that identity is tantamount to spitting on that sacrifice.

Or is it? I don't think so, not anymore.

True, there is no denying this phenomenon, aided by the fact that what was once the other side of the world is now a twelve-hour plane ride away. But this is a borderless world, where no individual can claim to be purely from where he is now.

My mother is of Chinese descent, my father is a quarter Spanish, and I call myself a pure Filipino -- a hybrid of sorts resulting from a combination of cultures.

Each square mile anywhere in the world is made up of people of different ethnicities, with national identities and individual personalities. Because of this, each square mile is already a microcosm of the world. In as much as this blessed spot that is England is the world, so is my neighborhood back home.

Seen this way, the Filipino Diaspora, or any sort of dispersal of populations, is not as ominous as so many claim. It must be understood.

I come from a Third World country, one that is still trying mightily to get back on its feet after many years of dictatorship. But we shall make it, given more time. Especially now, when we have thousands of eager young minds who graduate from college every year. They have skills. They need jobs. We cannot absorb them all.

A borderless world presents a bigger opportunity, yet one that is not so much abandonment but an extension of identity. Even as we take, we give back. We are the 40,000 skilled nurses who support the UK's National Health Service. We are the quarter-of-a-million seafarers manning most of the world's commercial ships. We are your software engineers in Ireland, your construction workers in the Middle East, your doctors and caregivers in North America, and, your musical artists in London's West End.

Nationalism isn't bound by time or place. People from other nations migrate to create new nations, yet still remain essentially who they are. British society is itself an example of a multi-cultural nation, a melting pot of races, religions, arts and cultures. We are, indeed, in a borderless world!

Leaving sometimes isn't a matter of choice. It's coming back that is. The Hobbits of the shire travelled all over Middle-Earth, but they chose to come home, richer in every sense of the word.
We call people like these balikbayans or the 'returnees' -- those who followed their dream, yet choose to return and share their mature talents and good fortune.

In a few years, I may take advantage of whatever opportunities come my way. But I will come home. A borderless world doesn't preclude the idea of a home. I'm a Filipino, and I'll always be one. It isn't about just geography; it isn't about boundaries. It's about giving back to the country that shaped me.

And that's going to be more important to me than seeing snow outside my windows on a bright Christmas morning.

Mabuhay. And thank you.


__________________
Tenk Yu Beri Mats
NI E. SAN JUAN, JR

Nang manalo si Patricia Evangelista sa English-Speaking Union kontest
Nagdiwang ang barkada ng mga elitistang patakbuhing sipsip sa padrino
Biro mo, pers prays sa pag-ayaw sa “blond and blue eyes”—di biro ‘yan

Tayong kasama sa 8 milyong diyaspora—dapat daw magselebreyt din
Bakit kung wala namang diperensiya kung saan ka nanggaling o tutungo
“Borderless world” na raw kaya dini o doon/abrod o “at home” pareho lang iyan
Tenk yu beri mats!

Kahit saan ka naroroon, sabi mo, nasa ‘Pinas ka pa rin nagpapalamig sa Jollibee
Sakay lang sa eruplano’t nasa Roma Los Angeles Tokyo Baghdad ka na
Sabagay di engineer o nars kundi d.h. “mail-order bride” o sinindikatong puta

Umalis ka man o hindi, pasok o labas, migrante’y lumubog-lumutang kung suwerte
Nasa Payatas ka man ang Lea Salonga’y puwedeng maging Miss Saigon
Puwedeng maging nars ang doktor o domestik ang titser salamat sa globalisasyon
Tenk yu beri mats!

Pero Inday, libre na bang lahat sa supermall? wala nang uri o paghahati-hati?
Halu-halo na ba ang mga puting burgesya sa UK Europa at Norte Amerika?
Paano ang mga “homeless” mga bilanggo mga beteranong Pinoy na nalimutan na?

Pagdating mo sa “melting pot” idilat mo lang ang singkit mong mata
Bida mo’y haluan kang “hybrid” Kastila’t Intsik-- tatak mestisang Pinay pa rin!
Lumingon sa pinanggalingan para maibukod sa iba pero walang dilihensiya doon
Tenk yu beri mats!

Kongratyulasyon at salamat sa mga puting nag-patronays sa pabonggang promo
Siguradong may “offer” ka na sapagkat kailangan ng burgesya ang ilusyong ito
Tutal sa bayan ng kurakot at trapo, napakamura’t bulgar na ang nasyonalismo
Uuwi ka pa ba e bakit pa kung wala namang diperensiya--nakalimutan mo na ba?
Kahit polluted na’t nagbabaha ‘white X’mas” pa rin sa bakuran kapag Pasko
Kahit maniwala sa sabi, walang bait sa sarili, di bale basta may pera’t premyo
Tenk yu beri mats!

Mabuhay ka, Patricia, balikbayan ka na rin pero hanggang dito na lamang ba tayo?
“Bagong bayani” ng imperyong bumitay kina Flor Contemplacion Maricris Sioson
Yumari ng preso sa Guantanamo, namalimos kay Bush, naglinis sa Abu Ghraib
Tenk yu beri mats!

7.04.2007

ang dami na pala nilang lumipad na...

ang dami na pala nilang lumipad na...

tinignan-tignan ko ang mga profiles ng mga ka-friendster ko lately at may napansin akong trend. marami na sa kanila ang lumipad na upang mangibang-bayan. Kung hindi nasa Amerika, nasa Dubai ang mga ka-utawan. pangunahing dahilan marahil ang hanapbuhay dahil kumpara dito sa Pilipinas, mas malaki (di hamak) ang kita sa ibang bansa.

hindi naman masama, para sa akin, ang pangingibang-bansa lalo na kung ang layunin mo ay umunlad ang pamumuhay at makatulong sa pamilya. ako man, minsan ay natutuksong lumipad at magtrabaho sa ibang bansa para makapagpatayo ng sariling bahay at mag-invest para sa kinabukasan ng pamilya.

kaso, may problema sa ganoong pag-iisip.

karamihan na sa mga Pilipino ang gustong lumipad at subukan ang kanilang kapalaran sa abroad. sabi nga dun sa pelikulang "can this be love", darating ang panahon na ang matitirang tao na lang dito ay mga matatanda kasi lahat na lang gusto umalis ng Pilipinas. Hindi ba’t hindi na siguro kasi maganda (at hindi ba kaala-alarma na rin?) kung ang mga mamamayan mo ay ayaw sayo? na sa kabila ng pag-subsidyo mo sa kanilang pag-aaral ng highschool at kolehiyo ay plano pala nilang lumipad sa ibang lupalop ng mundo para maging nurse, teacher, engineer at kung anu-ano pa pagka-graduate nila?

e kung lumipad na lang kaya tayong lahat papuntang ibang bansa tapos ibenta na lang natin ang Pilipinas?

isa iyong malaking joke!!!

wala lang... nakakalungkot kasi lalo na kung malalaman mo na yung ibang masagana na sa ibang bansa ay kinalimutan na ang pagka-Piliipino nila at pinakamalala na ang dautin ang sarili nilang lahi. kamusta naman di ba? well, kahit anong gawin nila, kahit magpapalit pa sila ng kulay ng balat, buhok at mata (o kung magpapalit man sila ng dugo), Pilipino pa rin sila. so sinong dinadaot nila?

haaayzz... siguro kung ako si bonifacio o si ninoy at makikita ko ang sitwasyon ng bansa (isama mo na ang maduming pulitika), parang mapapa-isip ako e, "are the Filipinos really worth dying for?” hmmm...

pero siguro, hindi lang naman ako ang ganitong mag-isip. mayroon pa ring mga umaasa para sa pag-ahon ng bansa, ng mga karaniwang magsasaka, mangingisda, tindera, guro, estudyante... karaniwang Pilipino. kaya naman ang sagot ko sa tanong ko kanina:

yes, the Filipinos are still worth dying for.

6.22.2007

After 10 years...

sa maniwala man kayo o hindi, totoo ito! ako'y nagbalik after 10 years....

kamusta naman di ba?

sa sobrang tagal ko ngang hindi nag-blog, may mga naglagay ng mga bagong komento (partikular sa entry kong "di biro"). take note, hindi ko kilala ang mga nagbigay ng komento... akalain mo
yon?!? nyahaha!

some updates tungkol sa 'kin:
  • una, kakalipat ko lang ng work (na naman?!?). oo, tama ka! lumipat na naman ako - mula sa pagawaan ng biskwit sa caloocan, sa research agency naman. kaya nga sa halos dalawang taon kong pagtratrabaho, hindi pa ko naging regular sa kumpaniya sa kakalipat ko. ehehehe! pero pramis! gusto ko na talagang pumirme ng trabaho. wish ko lang ay ok na ko sa millward. super haggard lang ang pagsakay sa MRT, as in!
  • pangalawa, si zyric ay nag-aaral nang tumayo at maglakad mag-isa. siguro isang buwan pa at matututo na rin siya. haaayzzz... parang kailan lang babyng-baby pa siya... malapit na pala bertdey niya (August 31). kailangan nang mag-ipon-ipon. wokokok!
  • pangatlo, hindi ako makapag-blog sa office dahil (for some unknown reasons) chinese ang default language ng blogger.com don 'pag ino-open ko... for that, hindi ko alam kung kelan ako makakapag-update ulit :D
oh well, sana lang makasulat ako ulit. minsan kasi ala ako sa mood (o tinatamad for short).

ciao!

1.02.2007

Meet Zyric

2006: taong 'di ko malilimutan

Sa halos 23 pamamalagi ko dito sa mundo, ang taong 2006 ang pinakamakulay sa lahat at hindi ko ito malilimutan. Narito ang tala ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa aking buhay.

  • Enero
    • nabagabag dahil delayed ako
  • Pebrero
    • nakumpirma sa preganancy test na ako'y nagdadalang tao
    • natapos ang kontrata ko sa Real Stories
  • Marso
    • ika-22 kaarawan ko
    • natanggap ako sa kick.ads (isang nagsisimulang kumpanya)
  • Abril
    • kasal namin ni Benjie
    • pagdalo ng pagtatapos sa UP Diliman
    • natanggap si Benjie sa SM Warehouse
  • Mayo
    • nakarating ako sa Isabela noong mahal na araw
  • Hunyo
    • Ikalawang taong anibersaryo namin ni Benjie
  • Hulyo
    • Nakumpirmang lalaki ang aming anak sa pamamagitan ng ultrasound
  • Agosto
    • Ipinanganak ko si Zyric
  • Setyembre
    • Bumalik ako sa kick.ads
  • Oktubre
    • Ika-20 kaarawan ni Benjie
  • Nobyembre
    • Nalaman naming magsasara na ang kick.ads
  • Disyembre
    • Nagsara na ang kick.ads
    • Unang pasko naming tatlo ni benjie at zyric
    • Binyag ni Zyric
    • Natanggap ako sa Rebisco
Inulan ako ng napakaraming pagsubok nitong nakaraang taong 2006 subalit marami rin naman akong natanggap ng biyaya. Ngunit sa kabuuan, napakalaking bahagi ng buhay ko ang nahubog sa taong yaon. Kaya naman, hinding-hindi ko ito malilimutan.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng naging parte ng aking paglalakbay!

Paalam 2006!

9.26.2006

'Di Biro

(Mahabang kwento)

Matagal ko nang inasahan ko ‘yon. ‘Di talaga biro ang manganak…

Pagkatapos kong mag-leave sa opisina noong kalagitnaan ng Agosto, ‘di na ako mapakali sa kakaisip kung kalian ako manganganak. Bawat araw, naghihintay ako ng mga senyales na manganganak na ko – paghilab ng tiyan, pagputok ng panubigan, at kung anu-ano pa. Gusto ko na agad manganak dahil bukod sa nais ko nang makita ang magiging anak namin ni Benjie, gusto ko nang pagdaanan ang sakit ng panganganak. Sa totoo kasi, takot akong manganak dahil ang sabi nila, masakit manganak. Mahina kasi ang tolerance ko sa sakit. Naisip ko, konting galos nga lang iniinda ko na ang sakit, ang manganak pa kaya. Haha! Kamusta naman ‘yon? Pero kinaya ko naman kaya nga heto’t nagsusulat ako para ikwento sa inyo ang pinagdaanan ko.

Ika-28 ng Agosto, nagpatingin ako sa doktor. “2 to 3 days na lang…” at manganganak na daw ako. Hay naku, lalo akong nasabik dahil sa wakas, makikita ko na rin ang anak namin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko noon dahil sigurado na akong malapit na ang araw na hinihintay ko. Ibinalita ko na ito agad kay Benjie at sa lahat ng mga nakakasalubong kong kakilala. Excited! Hehe. Bumili na ako ng mga karagdagang gamit at pagkain para sa pamamalagi sa ospital. Simula noong araw na iyon, hindi na ako makatulog nang maayos sa gabi dahil naghihintay ako kung sasakit na ang tiyan ko. Maaga na ang makatulog ako ng alas quatro ng madaling araw. Hindi pala maaga ‘yon, “umaga” na.

Ika-30 ng Agosto, alas tres na umaga, dinugo na ako. Nabanggit sa ‘kin ng isang kakilala na ganito rin ang nangyari sa kaniya bago siya nanganak. Kaya naman, ayun, hindi na ako natulog dahil hinihintay kong sumakit ang tiyan ko. Ginising ko na si Benjie at nagtext kami sa sa Tita Grace niya (doktor) ko. Nagreply naman agad at hintayin daw naming humilab ang tiyan ko bago magpunta sa ospital (sa Calumpit dahil doon siya nakadestino). Alas siyete ng umaga ng naramdaman ko nang humihilab ang tiyan ko. Hindi naman siya ganoon kasakit kaya nag-alangan kami kung pupunta na kami sa Calumpit pero napagdesisyunan na rin naman tumuloy doon.

Tanghali na nang dumating kami doon. Akala ko sa ilang sandali ay manganganak na ako noong araw na ‘yon. Pina-admit na ko sa ospital at pinalagyan ng dextrose. Ang haba ng karayom na ginamit, in fairness, masakit. Nilagyan na rin ng pampahilab ang dextrose ko para mabilis ang paghilab. But no! Ang tagal niya at natitiis ko pa rin ang sakit. (Yung hilab pala ay pawala-wala. Akala ko kasi walang tigil. May pagitan rin na ilang minuto, at pag manganganak ka na talaga, ilang segundo na lang.) Akala ko pa naman manganganak na ko nang araw na iyon pero hindi pa pala. Pinapalitan na ang dextrose ko nang bagong pampahilab, mas matindi ito. At iyon na nga, noong hating-gabi habang 24 oras ang palabas hanggang Reporter’s Notebook (nanonood kasi kami sa kwarto ng doktor ko) humilab na nang matindi. Maya-maya lang ay dinala na ako sa operating room.

Agosto 31, ala una ng umaga. Painless daw ang gagawin sa ‘king operasyon. Papatulugin daw ako. Akala ko naman, pagkatulog ko, tapos na ang paghihirap ko. Painless daw e. But no! Kapag humihilab ang tiyan ko, kailangan pang umire. Oh well, ang wirdo nga e. Feeling ko nagsasalita ako habang natutulog at bigla na lang akong nagigising para umire. Ehehe. Nakawalong ire daw ako bago ako nanganak. Ang gara nga e. Nung naramdaman kong lumabas na ang bata, dire-diretso na ang tulog ko. Ni hindi ko na nakita si Zyric paglabas na paglabas niya, ni hindi ko nga siya narinig na umiyak. Ginising na lang nila ako nung umaga dahil gutom na si Zyric. Parang ayoko pang bumangon noon dahil bangag pa ako, sa pampatulog at pagod din siguro. Pero bumangon na rin ako dahil umiiyak na si Zyric. Hindi ko mapaliwanag kung anong pakiramdam nang nakita ko siya. Siya pala yung gumagalaw-galaw sa tiyan ko dati. Siya pala yon… At malaki nga siyang bata. Kumpara sa ibang mga bata na kasabayan niya, malaki siya talaga at mukhang matitibay na ang mga buto. Nakakatuwa nga dahil marunong siyang makinig kapag kinakausap… Haaay…

Paggising ko, ang hirap bumangon dahil sa operasyon. Ang hirap ding maupo at maglakad. Isang linggo ang lumipas bago ako nakakilos-kilos ng normal.

Ang dami ko pang gustong ikwento kaya lang ang haba na nito at may pinapagawa sa ‘king bago dito sa opisina.

Hanggang sa muli! Ciao!

7.17.2006

kung anek-anek lang

  • ang tagal ko nang hindi nakapagsulat. ang dami kong balak dating isulat pero ni isa sa mga iyon e hindi ko nagawa. haaayyzzz
  • hapi kasi nakapagpa-sound na ko. mukha naman healthy si baby. boy pala siya – taliwas ito sa mga hula na babae siya. pero what if, paglaki niya pala saka siya magiging babae. ehehe!
  • laki na ng tiyan ko. kailangan ko na talagang mag-leave. sana sa end na ng July o kaya mga august 4. kailangan ko na yatang magpaalam.
  • di ko na pala kailangang mag-diet dahil normal naman ang laki ni baby. yehey!!!
  • iniisip ko kung gaano kasakit ang manganak. “wake me up when september ends…”
  • tinatamad pa rin akong magtrabaho. (ano naman ang bago don? haha!)
  • ang dami kong gustong gawin: gusto kong magbasa ng inquirer, magbasa na kung anong ibang mababasa, magsulat, maglaro, kumain ng saging, cloud 9, chocolate at ice cream, gusto ko ng iced tea, manood ng sine, matulog. zzzzzz…
  • makasulat kaya ako ng matinong article mamya? ewan. darating na ang mga bossing maya-maya lang kaya kailangang magbusy-bushan. wahahaha! bahala na si Bugs Bunny

7.11.2006

ulap



ganito pala ang pakiramdam ng isang malapit nang maging magulang…

madalas,
kapag wala kang magawa,
naghihintay man ng sasakyan o habang nasa biyahe,
at maski man habang abala ka,
bigla na lang lilipad ang iyong utak
sa piling ng mga ulap
at mangangarap ng pinakamamagandang bagay
para sa pinakahihintay na sanggol,
na siyang lagi mong pinakikiramdaman
sa loob ng iyong sinapupunan.

maraming kang ninanais.
paglabas niya,
bibilhan mo siya ng pinakamagagarang damit,
nakakatuwang laruan,
lahat ng kagamitan para sa kaniyang pangangailangan.

pingapangarap mo na siyang
ayusan, paliguan, lampinan,
halikan, laruin, yakapin,
aalagaan.

nais mo na sa murang edad,
sana’y magkaroon na siya ng hilig sa pag-aaral.
matutong magbilang at umawit sa edad na dalawa,
sumulat sa edad na tatlo,
bumasa sa edad na apat.

At sana paglaki niya
maging ganito o ganoon siya.
isang doktor, inhinyero, propesor, abogado…
basta kilala’t lisensyado.
o kaya naman ay sikat na kompositor, gitarista, mang-aawit,
manunulat, nobelista, siyentista, pintor o atleta.

mga pangarap mo siguro na hindi naisakatuparan,
hangad mong maging kapalaran niya.

sa iyong sapantaha ay gagawin ang lahat ng makakaya.
lahat upang lumaki siyang may dignidad at mabuting taong
kapakibakinabang sa kapwa at bayan

sa bandang huli,
iyong maaalala ang iyong mga magulang,
at iyong matatanto na sila man,
sa ganitong yugto ng kanilang buhay
ay minsang nangarap din
sa piling ng mga ulap.

6.29.2006

dahil nahihilig ako ngayon sa saging...

My japanese name is Saruwatari (monkey on a crossing bridge); Michiyo (three thousand generations).

halaw sa: %20Take'>http://rumandmonkey.com/widgets/toys/namegen/969/

6.28.2006

kwentong daga

May bubwit (maliit na daga) na namang nategi dito sa office. Pangalawa na siya sa nabitag sa poison jelly na inilagay sa sahig.

Palagay ko, maraming daga rito. Katabi kasi ng office namin ay isang commissary. Maraming pagkain dun kaya malamang ay dun nanggagaling ang mga daga. Dumadayo siguro sila dito sa opisina para kalkalin ang mga basura ng mga pinagmeryendahan naming biskwit at chichirya. Tsk, tsk, tsk. Wish ko nga lang, sana kumain na lang sila dito, kaso hindi! Dito pa sila minsan nagpupupu at nagweeweewee. Gawin daw ba kaming banyo?

*bleep*bleep*

Naalala ko tuloy yung cookies ko sa bahay. Uuwi ko pa naman sana 'yon sa kapatid ko kaya lang huli na ang lahat dahil natagpuan ng mama ni benjie ang bag kong kinalalagyan ng cookies ay butas na. Huhuhuhuhu. Isang daga ang pinaghihinalaan naming gumawa ng krimen. Pero ang nakapagtataka, parihaba ang sukat ng butas na ginawa niya sa bag ko. Pramis, parang ginamitan pa niya yun ng ruler at gunting. Pantay na pantay e. Ang galing! (Ayus! Apir! hehe). Bukod pa roon, walang kalat na nakita na loob o paligid ng bag para magpatunay na nginatnat niya ang bag. Pati sa bag ng cookies, walang bakas na kumain ang daga. Ano yon? Kumain siya ng isang buong piraso? Wala kasing durog-durog na cookies kaming nakita. Parang tao nga ang kumain e. Pero yung plastik ng bag, mukhang nginatngat nga ng daga, pero again, walang bakas ng kalat.

Hmmm... Sa palagay ko ay kailangan ko ng tulong ni Gosh Abelgosh at ng kaniyang SOCO team upang malutas ang kasong ito...

6.20.2006

Wow! Isang Bilyon! Kamusta naman yon?

Maglalaan daw si Ate Glue ng isang bilyong dagdag sa budget ng mga militar para lipulin ang mga rebeldeng NPA sa loob ng dalawang taon. Kamusta naman ito?

Nakakalungkot na maliit na nga ang budget ng Pilipinas para sa mga serbisyong pampubliko, malaking bahagi sa mga ito ang kundi naibubulsa ng mga “magagaling nating pulitiko”, naitatapon lang sa mga walang kabuluhang bagay. Tsk, tsk, tsk.

At ito na nga. Si Ate Glue ay magsasayang ng P 1 Bilyon para masugpo ang mga rebelde. Di ba kalokohan?!?

Unang-una, ganoon ba kalaki at katindi ang pangangailangan para sugpuin sila? Isa ba silang napakalaking suliranin ng bansa? Para sa akin, hindi. Tumitinding kahirapan pa rin ang nangungunang problema ng mga Pilipino. Habang ang iilan ay patuloy na yumayaman, napakarami ang nalulubog sa hirap. NPA ba ang dahilan nito? Isang malaking HINDI! Kaya may mga magsasaka, manggagawa, estudyante, kababaihan na nagpupunta sa kabundukan ay dahil iyon sa malawakang suliraning sosyal at ekonomikal sa bansa na sa kanilang sapantaha ay malulutas ng pagsusulong ng kamalayang komunista. Kung gayon, ang NPA ang bunga at hindi sanhi.

Kinakampihan ko ba ang mga NPA? Ang sa akin lang naman, kung nilalaan na lang ba niya yung isang bilyon para sa mga makabuluhang problema ng pagpuksa ng ugat ng kahirapan sa bansa e di kahit papaano ay may mas marami ang nakikinabang at hindi ang iilan lang.

Pangalawa, ilang dekada na ang nakakalipas at nandiyan pa rin ang mga komunista. Anong ibig sabihin nito? Tila naman malapit sa imposible ang gustong ito ni Ate Glue. Hindi naman basta-basta lamang ang pagpuksa sa mga NPA, lalo na at nililimita niya ito sa dalawang taon. Anong balak niya? Ipamasaker kay dakilang “Palparan” at mga alagad ang lahat ng ma-sense nilang komunista? Ano na naman ito? Hindi naman, sa aking palagay, sandamakmak na bala ang sagot upang puksain ang isang salungat na prinsipyo.

Isa pa, ilang inosenteng sibilyan na naman kaya ang madadamay sa walang patutunguhang labanang ito? At ang sabi pa ng ating (in)justice secretary na si Gonzales, natural lang ang mga ganitong pagkakataon. Ito daw ang “collateral damage” na tinatawag. E ngayon pa nga lang, ilang daan na bang mga aktibista, lider manggagawa at mamamahayag ang hindi pa nabibigyan ng katarungan ang kamatayan sa rehimen ni Ate Glue? Isipin niyo na lang kung gaano kalaking “collateral damage” ang maidudulot ng “pangarap” na ito ni Ate Glue…


Panghuli, alam naman ng marami na sa mga bulsa lang ng mga heneral natin mahuhulog ang malaking bahagi ng isang bilyon na yan. E meron nga silang bakasyunan sa Boracay di ba? Talagang binubusog sila ni Ate Glue dahil sila ang kaniyang natatanging sandalan para manatili sa iskwater niya sa MalacaƱang. Kaya nga nagkaroon ng pagtatangka ng coup d’etat ang grupong Magdalo di ba?

O siya, siya, sino kaya ang sasagot sa mga katanungan ko. A alam ko na! Korni pero siya yun… “Hello, Garci?!?”

6.15.2006

Fire Tree


Tinatamad ako parating bumangon sa umaga. Iniisip ko kasi, “hay, papasok na naman ako, kaburyong na naman.” Isang araw na naman ang babakahin ko para maghanapbuhay.

Ganun din naman ang naramdaman ko kanina. Nakakatamad ang umaga. Palibhasa, hindi naman ako “morning person”. Lagi nga akong huli sa pagpasok (ipagmalaki raw ba? Eheheh). Pero may kakaiba bago ako makalabas ng UP Campus*.

8:45 na sa relo namin. Advanced ito ng 20 minutos sa tootong oras pero dahil alas-nueve ang pasok, kailangan ko pa ring magmadali kahit na alam kong male-late na naman ako. Kaya ayun, nagmamadali na akong lumabas ng bahay at sumakay ng pedicab.

Pagdating ko sa may Vinzons Hall, nanalangin na naman ako na sana ay may dumating agad na jeep rutang Philcoa habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagmamadali rin para pumasok sa mga klase nila. Haaay… Nakaka-miss ding maging estudyante – ang pumasok ng late, matulog saglit sa upuan, makipagkulitan sa kaklase at makinig sa guro.

Simpleng araw lang di ba? Pero ewan ko. Mas magaan ang pakiramdam ko kanina. Namumukadkad na naman kasi ang mga fire tree sa campus. Matingkad na matingkad ang pagkapula ng mga bulaklak ng malaking puno. Marami sila. Nakakalat sa buong campus. Nakakatuwa talagang pagmasdan. Para akong turistang namamasyal at manghang-mangha sa nakikita.

Parang ang gaang kasi ng feeling (kahit hindi ako nag-ivory >>>korni!) kapag nakakakita ka ng ganung tanawin na bihirang-bihira mong makikita sa siyudad pwera na lang kung nasa parke ka. Bukod nga sa Fire Tree, marami pang iba-ibang halaman ang namumukadkad. (Hindi ko nga lang alam ang pangalan nila.) Meron sa Lagoon, sa Sunken, sa University Avenue at kung saan-saan pa. Parang nakalimutan ko na ngang bumabiyahe ako papuntang opisina at nangarap na lang ng kung anu-ano.

So ano ngayon ang punto ko? eheheh. Wala lang. Naalala ko nga yung sabi ni Ma’am Hidalgo, naging guro ko sa EspaƱol III, paminsan, kailangan din nating i-appreciate ang paligid natin, lalo na ang nakakasariwang senaryo ng mga puno’t halaman sa UP para hindi tayo ma-stress sa kung anu-anong bagay.

Iba pa rin ang kagandahan ng kalikasan. Walang kapantay.


* Sa pansol lang ako nakatira, sa likod ng Vinzons Hall, UP Diliman.

5.29.2006

mukhang ewan...


Mukhang ewan talaga ako kanina. Ewan ko ba! Kasi paggising ko, parang akong depressed na hindi ko malaman. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako. Tapos, ayun nga, naiyak nga ako nung nagpapaalam na labidabi ko na papasok na siya.

*bleep*bleep*

Hindi ko napigil yung luha ko. Tuloy-tuloy lang siyang pumatak. Para akong bata na iiwan ng magulang. Well, maiiwan naman talaga akong mag-isa pag-alis niya pero hindi naman siguro dahilan 'yon para umiyak ng ganun. Nang tinanong ako kung bakit ako umiiyak, ang sabi ko: "aalis ka na kasi e". Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit ako umiyak kanina. Basta yun na lang ang nasabi ko.

Buti na lang, mukhang maganda naman ang mood ni labidabs. Pinatahan muna ako bago siya umalis. At nagpatawa pa bago nakalagpas na eskinita namin. Umutot sabay aktong lilipad na parang si Superman. Wahahaha! Namimiss ko na tuloy 'yon.

*bleep*bleep* (ulit ^_^)

Haaayzzz... Nga pala, sa June 11, 2 years na kami. Waaah... 2 years! Akalain niyo 'yon?!? Ilang beses na rin kaming dapat naghiwalay pero eto, magkasama pa rin at madaragdagan pa, ng baby. Kahit mukhang maikling panahon lang dalawang taon, para sa amin, matagal na rin 'yon, tila dalawang dekada ng pakikibaka at walang katiyakan. Naks! Ang lalim.

Haaay... excited na nga kaming makita ang baby namin.

Tsaka ko na lang siguro ikwekwento ang kahindik-hindik (ahahaha) na istorya namin. Balak kong gumawa ng entry para sa aming anibersaryo. Yung tipong maiiyak ako at ang mga mambabasa. Wehehe ^_^ Echusa lang. Para lang may something special... May ganun pang nalamaman e no?!?

Ciao!