8.12.2010
hard to believe
just some updates, si zyric, nag-aaral na sa claret. medyo bulol pa sya so Lalah suggested na magconsult kami sa speech therapist. hopefully maayos din ang pagsasalita nya. tapos ngayon pala, ang mga pinagkaka-abalahan nya e Thomas and Friends na show at toys tapos syempre mga cartoons na walang kamatayan. gusto ko sya pag-aralin ng kahit anong musical instrument (piano siguro?) tsaka karate. chorva lang hehe
di ko actually mafeel ang aking pagiging nanay. pero mas kailangan kong maging provider e. basta lumaki lang zyric na mabuting bata e masaya na aketch.
bottomline ay... uwing-uwi na ko!!!
^_^v
7.30.2010
salamat, bit-wa-terrr
panaghoy ng ulan,
pusong nagsusumamo
sa nanunuksong karimlan...
Huni ng mga ibon
pagaspas ng mga dahon
hinagpis ng nakaraan
patuloy na hinahagkan
Patak ng tubig
hangad kong manumbalik
makulimlim na kalangitan
animo’y pakutyang dumaraan
O HENI O HENI
Wag nang malumbay
Umulan ma’t umaraw
Kami’y iyong karamay...
- jordan, 07.30.10
7.26.2010
07.25.10
because I was able to:
- talk to zyric and good deka friends
- greet my parents for their 25th anniversary
- watch asap
- go to the church
- watch The Sorcerer's Apprentice
- cook food for today
- iron my clothes
- watch Moulin Rouge and almost finished it
trip trip lang... from The Sorcerer's Apprentice OST:
flang...
madalas alam naman talaga natin kung anong dapat gawin sa mga problema natin; alam natin ang kaibahan ng tama sa mali. Pero madalas din, kinakailangan nating marinig ang mga 'yon sa ibang tao para makumbinsi natin ang mga sarili natin na gawin ang nararapat.
Sabi nga, it's easier said than done.
*migraine*
5.21.2010
some random chorva
- nakadinner ko sila pamy at che kanina. super bundat pero super winner din talaga food sa din tai fung. medyo mahal pero worth it naman. nakapagchikahan din kami ng kung anek-anek - from MB, comres pips at si jessica na pamangkin ni che. hehe!
- miss ko na dekaron sea. buryoyong amf! laki pa naman gastos namin ni benjtot sa mage kakabili ng dills at gamit. wokokok! hhaaayyyzzzz... miss ko na deka friends at pets ko. huhuhuhu... OFW life is boring ng walang dekaron sea. XD
- nakapagparticipate ako sa 1st automated election sa pinas. in fairness, di masyadong magulo ang eleksyon pero ang tagal lang bago makaboto kasi kaunti lang mga pcos machines. around 4 precints nagshare sa isang machine. di bale, hhhmmm... worth it na rin. bilis ng results although talagang may mga machines pa rin na di gumana at mga kaguluhan. pero nonetheless, generally peaceful sya. less tension at bintangan ng dayaan. just can't believe na erap is #2. sabi nga ni pamy, kundi pa namatay ni cory, si erap na naman presidente natin. kalorki @@ another surprise is Binay. akala ko talaga runaway winner si roxas. o well, philippine politics. har har har
- miss ko na si zyric at benjie. kakauwi ko lang nyan ha. kaso iba talaga kapag magkakasama ang magkapamilya. gusto na ni zyric sumama dito sa singapore. kung pwede lang talaga. sana magawan ng paraan. medyo di na rin yata healthy na di nya kasama nanay nya sa kaniyang paglaki. T_T
- sakit na naman lalamunan ko. at least di na ko nasusuka.
- excited na ko manood ng shrek pero mas excited ako sa "last airbender" movie. kinakarir ko ngayon yung cartoons. sana matapos ko hanggang book 3 bago lumabas yung movie sa july. gusto ko nga try minsan mag-airbend o waterbend. baliw na ba ko pag ginawa ko yon? XD nood ako ulit cartoons after neto.
- kinikilig ako everytime na nanonood ako ng detective conan. wala lang. *wink*wink*
- salamat pala sa www.otaku-streamers.com. mahal na kita. haha!
- quite happy naman ako sa work. nakakadeliver naman at napapangatawanan ang pagiging key person ng account. sana mapangatawanan ko yan ng matagal. kakapagod lang minsan. kaloka lang yung isang chika about 1 manager. as in. @@
hhhmmm... haba din pala :D iwas muna ko sa nega posts. hehe! update-update muna.
bahala na si kick-ass. lagi na lang si batman e. tao rin yon, napapagod din. (ganda pala ng kick-ass in fairness)
hanggang sa muli... ciao! ^_^
8.05.2009
8.03.2009
To Pres. Cory Aquino
***
I wonder though when the Filipinos will have their true "democracy" and freedom...
The questions are How and When. The Who should definitely belong to us, Filipinos.
*wink*wink*
i find it sad and weird...
isn't it?
7.09.2009
hhhmmm... zzzzzzz
*wink*wink*
can someone give me my wings? please?!?
5.18.2009
wa ka pakels!!!
Toinks!!!
Gusto ko lang magsulat ngayon. Walang kokontra!!!
Hindi maayos ang trabaho ko. Sabog utak ko. Na-award ako sa di nasagot na email pero dedma na lang. Di matatapos ang mundo sa kalechehan na yon. Wala na rin naman sa loob ko ginagawa ko. Wala na akong ginagawang matino. Wala!
Bakit ba kasi kailangan pang magtrabaho para sumweldo?!? Di ba pwedeng maglaro na lang ng dekaron maghapon at wala na kong intindihin? Tae. Tae. Tae. Taena..
May kailangan akong gawin pero di ko magawa. Ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa. Kakasawa. Kakapagod. Ang hirap maging ako. Bakit ba kasi ako pinanganak na ganito?!? Pinanganak para maging loser!!! LOSER!!! (Take note, kahit nga sa food fling sa facebook loser ako. tae talaga.)
Hhhaaayyyzzz….
Sa mga panahong ito, gusto ko munang maging rak istar. Mala-lougee o kitchie nadale (yes, nadale talaga). Basta rak istar. Pwede na rin kung tutugtog na lang ako. kahit orchestra.. tang-ina. Basta importante makatugtog. May instrumento. Ayun. O kaya gusto kong maging writer, ala bob ong kung sinuman basta writer na binabasa yung sinusulat. Gets? Magagamit ko siguro mga kagaguhan ko don. Kikita pa ko. Tangna. Gusto ko na lang ding bumalik sa TV work. Kahit ano, producer o writer. Kahit sa going bulilits. Masaya yon. O kaya gawa ko script para sa movie ng star cinema yung tipong mala-popoy at basia. Tae yung movie na yon. Ganda. O kaya manonood na lang ako ng pelikula. Pwede rin akong dubber… dubber ng mga extrang character sa mga cartoons. Masaya na ko… mababaw lang kaligayahan ko e.
Pero kung mababaw ang kaligayan ko, bakit di ako masaya ngayon?!?
Gusto kong mawala muna… sa kawalan…
###
12.29.2008
before 2008 ends...
Aloha Milky Way!
Bago man lang magtapos ang taon, makapagsulat naman sa blogag na ito.
In fairness, maganda naman ang 2008 for me and my family in general. To recap, ito yung mga major events sa taong ito:
- January - 100 years na ang UP!!!
- February - nagkagulo ang Pinas dahil sa chorva ni Jun Lozada re ZTE scandal
- March - Ang machorva kong paglipat sa Project Management dept ng MB bilang “acting head”; 24th bday (pero may kliyenteng bumati na “so how old are you, 30?”; buti di ko namura… ehehe)
- April - American Idol si David Cook; 2nd wedding anniv
- May - got interested in applying to work abroad
- June - Chi-Ken’s 4th year
- July - Got my TNS SG noodle dream
- August - Zyric’s second birthday; Last month in MB PH
- September - flew to TseNeS SG
- October - Benjie’s 22nd bday
- November - nandito na rin si Benjie
- December - regular na ko sa TseNeS; 1st Christmas in SG but w/o Zyric L
Ayan, so ngayon, andito pa rin kami sa SG. Plan naming umuwi sa pinas sa April pero sa totoo lang, sobrang ang dami kong namimiss at ang mga iyon ay ang mga sumusunod:
- Zyric!
- Pagbili ng pandesal at kakanin sa umaga
- MRT blues; so far, wala pa kong awayang nasaksihan sa loob ng MRT sa SG di katulad sa pinas na hindi buo ang araw ko kapag walang warlahang naganap. Ang mahirap lang sa SG kapag may nakatabi kang napster, mahihilo ka sa bango :D
- UP: sunken garden & acad oval
- SM north, shoppersville, glorietta
- Jollijeep at pagsakay sa jeep at tricycle. Puro buses, MRT at taxi lang dito sa SG
Krus na ligas - Chikahan galore kina lalah, meltot, jhoyskee, junifur, levyness, pamy, et al
- Gay lingo
- Pinoy ads (ang chaka ng mga commercial dito sa SG pramis!!!)
- OPM… ano na bang uso ngayon?
- Nikowliyala at kristsuper tuwing umaga
- Oh yes, MB at links!
- Videoke!!! Perya at iba pang kajologs-an
- At higit sa lahat, si Zyric!!! Huhuhuhu

Speaking of zyric, mukhang may future naman at pinagmanahan.. ehehe!
Looking forward for more chenelyn this 2009.
Happy new year sa ating lahat!
4.13.2008
castronauts, unite!
hindi ko super gusto ang version na 'to ni jason ng somewhere the rainbow. masyado kasing maganda yung kinopya niya kay IZ
Siguro, out of 10, 7 lang ang rating ko sa kaniya.
Nevertheless, gusto ko na rin siya dahil si jason castro e. wahaha!
por dat, come on castronauts, unite!
4.11.2008
3.21.2008
2.29.2008
sari-sari...
oh well, ilang sari-saring chorvanes lang:
- dahil di nga ako nakapasok, di ko nameet si Lola Lyn. Sadness... Kita ko pala sa news, punong-puno ang Ayala. wwwweeeehhhh!!! I wonder kung nakauwi nang maaga ang mga taga-MB at kung nakapanood sila Des at Ling ng My Big Love. mukhang wala din naman kasi sa kanilang interested sumama sa rally. kaniya-kaniyang chorva naman yan.
- kairita yung "Trabaho, 'Di Gulo" campaign ng ilang maka-administrasyon. nakita ko kanina yon sa circle. meron pang free medical check-ups, job fair at... free pagupit! san ka pa? well, in the first place, baka nga admin lang may pakulo non para madivert ang atensyon ng mga tao. at teka, sino ba yung gumawa ng gulo? e di ba yung mga corrupt na nilalang na nabuko eventually? aaammfff
- another irritation. nakita ko sa TV na hinaharang ng mga militar yung mga galing probinsya para magpunta sa Makati. come on, ano bang masama at nakakatakot kung magpunta sila don? hindi rin naman magreresign si GMA e. hhhaaaayzzzz...
- reaksyon lang sa sinabi ni G. Jun Lozada (Seek truth justice for love of victims). di ba't lahat naman tayo ay biktima ng korapsyon? sa kongkreto, marami ang namamatay dahil jan (mga hindi nabibigyan ng social services at iba pa dahil ninanakaw ng mga magagaling na govt employees ang buwis na binabayad nating lahat).
- kay Neri naman, ayoko siyang tawaging duwag. sa tingin ko, it's just that masyado siyang ipit tapos, kawawa pa siya dahil sa masasamang comments sa kaniya. mukha siyang mabuting tao (or less evil siguro) para sa 'kin. nagkataon lang talaga na mahirap ang sitwasyon. pero hindi ko sinasabing tama ang ginagawa niya. dapat lang talagang magsabi siya ng totoo.
- mukhang ok 'tong pinopropose na pester power ni missingpoints. check niyo na lang ang kapangyarihan ng kakulitan.
- maiba naman ako, last day na pala ng komedya chuvalu sa peyups kanina. sayang di kami nakapunta nila zyric sa quezon hall para makita yung mga kung anek don. nakaabot lang kami ng fireworks. ayos na rin.
ayan lang muna yung mga naalala ko. sa susunod naman ulit. :P
ciao!
2.28.2008
ang posisyon ko...
.......................................
nabansagan ako dito sa opis na raliyista dahil may tibak inclinations ako. pero sori, hindi ako raliyista dahil once palang ako nakasama sa rally (SONA 2004). Pero, wala naman akong masamang chorva sa mga raliyista. Karapatan nila (at nating lahat) na magpahayag ng ating saloobin at magtipun-tipon sa isang "demokrasyang" bansa. Isa pa, mahalaga ang mga rallies para may balanse - kailangan parati ng oposisyon para hindi maging kampante at mapagsamantala ang pamahalaan. oh well, ang ironic lang dahil ang "Pangulo" ngayon na iniluklok noong una sa pamamagitan ng "People Power" e takot na takot sa mga rallies. Laging may mga kapulisan kahit na maliliit na rallies lang. kamusta naman yon?!?
teka, balik tayo sa main topic ko - posisyon sa kaguluhang pulitikal ngayon sa bansa.
i don't think uubra ang isa pang "People Power" katulad nung mga nauna dahil sa maraming mga salik. una, totoong meron ng "fatigue" ang mga tao dahil sa "failure" ng mga sumunod na leaders na mabago o mapabuti yung naunang sistema. pangalawa, malakas ang hawak ni GMA sa militar at mukhang gagamitin niya (well, ginagamit niya na) yon para mapigilan ang mga tao, and por dat, parang imposible para sa kaniyang mag-resign o bumaba at her "own" will (haller?!? hello garci nga na sya mismo involve, namatay na lang ang isyu... hhhaaaayyyzzzz). pangatlo, ayaw ng middle at upper class kay Noli bilang kapalit ni GMA. well, anong rason, it's self-explanatory already (oh yes, i'm so sama with this point). pang-apat, mahirap himukin ang mga tao upang lumabas at sumama sa mga rallies dahil puro mga bandera ng mga orgs at party list. pano ka naman ma-eengganyo sa ganon? baka iniisip nila na kapag sumama sila sa mga ganon e kailangan nilang magmember. something to that effect.
i guess yung mga nabanggit ko e yung main reasons. may mga ilan pa siguro pero yan yung nakikita kong major issues.
so ano na ngayon?
ang posisyon ko e due process. hayaan natin ang mga legal na institusyon ang magpasya sa kaso ni GMA pero dapat pa rin tayong magbantay para masigurong makukuha ang hustisya. ang problema nga lang, lakas ng hatak ni GMA sa kongreso (na wala naman talagang kwenta) kaya mejo malabo ang impeachment. tignan natin sa ombudsman at sendado. salamat nga pala kila dating senador Jovito Salonga at mga abogado sa UP na masugid na gumagawa ng legal actions laban sa katiwalian ng admin ni GMA.
However, hindi ako ayon sa iba na makikipagnegosasyon sa mga liders para matapos ni GMA ang termino bago matapos ang kaso para hindi pumalit si Noli. Di ba, kung gusto nating mabago ang sistema, wala dapat mga ganyang manipulasyon. yun ang tingin ko don.
and finally, to sum this entry up, check niyo iyong Pinoy Kasi column ni Prof. Michael Tan, yung Due Process article niya. parehas kami ng sentimiyento.
****
Nga pala, nakalimutan ko yung name ng youth org na yon. sabi, wag daw diktahan ng mga teachers ang mga estudyante sa posisyon nila sa ZTE-NBN deal. haller?!? hindi po robot ang mga estudyante para diktahan. ang baba naman ng pagtingin niyo sa mga kabataan.
2.14.2008
isang pagpupugay para kay Jun Lozada
check niyo na lang 'tong Hero article ni Conrado de Quiros sa PDI for more chorva kung bakit siya bayani. :P
mabuhay ka G. Jun Lozada!
at maraming maraming salamat sa iyong kabayahihan.
2.06.2008
gaya-gaya...
survey... survey... survey...
1.Student number?
- 00-63372
2. College:
- Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon
3. Ano ang Major mo?
-CommRes. Hindi commerce ha. Communication Research. Kung ano yon? Tsaka ko na lang ipapaliwanag :D
4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
- Nagshift. sa stat ako nakapasa sa UPCAT e. Kaso nung nakakuha ako ng scholarship, napag-isipin kong lumipat para iwas 5.0. sakto marami akong highschool classmates na comres studs
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
- sa Bulacan State University Gym. Sumakit ulo ko don
6. Favorite GE subject?
- socsci2 (napapanaginipan ko pa ‘to), commres 130 dahil sa boses papel project 2003 , humanidades 1, math 1 :D
8. Saan ka nag-aabang ng hot babe/men sa UP?
- no time to make abang since student assistant ako (sa broad comm) :P dumadating na lang silang bigla. Katulad nung isa na ewan ko kung naka-graduate pero member na pala ng boy band ngayon (di ko na babanggitin, baka maligaw siya sa blog ko, mabuko pa ko!)
9. Favorite prof(s):
- Prof. Luis Teodoro, kailangan pa ba ng explanation?
- Prof. Danny Arao, maraming practical learnings tapos prinsipyadong tao
- Sir Alwin Aguirre, very intelligent and very charming
- Prof. Galileo Zafra, gwapings, magaling at mataas magbigay ng grade
- Prof. Therese Ann Capistrano, super galing at matiyagang magturo ng Stat Subjects. Teacher material talaga
- Prof. Digna Apilado - daming kong natutunan sa tungkol sa nasyonalismong Pilipino. dahil sa kaniya, tumatak sa utak ko na isang imoral na akto ang hindi pag-ubos sa kanin mong nakahain dahil sa laking hirap at sakripisyo ang ginagawa ng mga magsasaka para makapag-produce ng palay.
- Prof. Monico Atienza (+), very patriotic, very inspiring... Good luck to your new journey sir! saludo ako sa inyo
well, marami pang magagaling na prof sa UP kaso nakalimutan ko na yung iba… 3 years ago na rin nung nag-grad ako e
10. Pinaka-ayaw na GE subject(s).
- KAS 2 dahil wala akong natutunan dito. puro reporting lang ang pinagawa ng prof ko.
- Hum2 dahil nagkwento lang ang prof ko tungkol sa mga tibak at lesbian adventures siya (hulaan niyo na lang kung sino). pero in fairness sa kaniya, maganda ang boses niya.
11. Kumuha ka ba ng Saturday classes?
- yep. Comm 100 bago ako nakapagshift. Si malou santos teacher ko, ooppsss… hindi siya yung head sa ABSCBN. Basta ang alam ko e lagi niyang kinukwento yung anak niya na nakifriendster sa kin nung nag-Research Assistant ako sa CommRes dept
12. Nakapag-field trip ka ba?
- Yes, sa laguna para dun sa walang kawenta-wentang Hum2 class ko (consolation na lang dun na katabi ko yung crush kong mukhang Anime na si Richard). Tapos may exposure trip din kami sa Tungko, SJDM, Bulacan sa SocSci1 under ma’am Sarah Raymundo. Sumabit din pala kami sa fieldtrip ng mga BU studs sa Pahiyas Festival, Quezon
13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
- CS lang. na-disqualify ako twice sa US dahil sa PE. Apir!
14. Dorm, Boarding house, o Bahay?
- Bahay for 2 years. Boarding house for 3 years.
15. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
- Fine Arts? Music? Journ? broadcomm?
16. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
- di ko maalala… si julius santos ba o si jenny vee due o baka si joey bote na adik din sa eheads? Basta isang blockmate... mabuhay ang 0-4!
17. First play na napanood mo sa UP?
- Othello na required sa Komunikasyon 1
18. Saan ka madalas mag-lunch?
- Dati sa beach house, tapos naging madalas sa vinzons, pwede na rin sa casaa, tapos sa maskom rin. Minsan umuuwi ako sa boarding house. Gulo ba?
19. Masaya ba sa UP?
- Masaya naman lalo na kapag fair!!! Next week na yon!!!
20 . Nakasama ka na ba sa rally?
- Once lang, 2004 SONA. Maagang natapos kasi umuulan-ulan
21. ano ang favorite spot mo sa UP?
- CS at math area, basta yung shortcut dun. Maraming fireflies… at syempot, ang ever lovable sunken garden