4.16.2011

hhhaaaayyy

nakita ko noong nakaraang buwan na pinost ng isang FB friend ang blog ni Vincent Jan Cruz Rubio. Isa siya sa mga paborito kong manunulat sa Philippine Collegian kaya minabuti kong basahin ang blog niya. habang bina-browse ko ito kanina, napansin kong 2006 pa yung last entry. pordat, sinearch ko sa google baka may iba pa siyang blog o kung anumang related websites. gusto ko kasi sanang basahin muli yung entri niya sa literary portfolio ng Kule na Trip - Ang Aking Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran sa Bundok ng Sagada. Tindi ng recall ko doon dahil sa galing ng istilo niya sa panulat at plot ng istorya. Tungkol sa isang binatang maraming problema sa buhay kaya gusto nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa bundok ng Sagada ngunit sa bandang huli ay pipiliin na lang na magbaril. Subalit pagkatapos kong i-click ang "Search" button sa Google ay tumambad sa akin ang balitang brutal siyang pinaslang noong 2009. Sobrang nakakagulat at nakakalungkot na katapusan para sa isang taong may mabuting hangad para sa lipunang Pilipino at di matatawarang galing sa pagsulat. Bakit nga ba yung mga taong ganoon pa yung nawawala agad sa mundong ito?

nakakalungkot lang.

pero kung nasan ka man ngayon idol, sabi nga ng mga kaibigan mo, mukhang masaya ka naman. Isang pagpupugay para sa iyo at sa lahat ng kontribusyon at inspirasyong iniwan mo sa amin. Mananatili kang alamat sa aming puso, utak at kaluluwa.

ito ang kaniyang blog --> http://brownsiopao.blogspot.com/

4.10.2011

Responsibilidad atpb

ang sulat kong ito ay bilang sagot sa "makabagbag" damdaming "di-umanong" pamamaalam ni Willie Revillame sa kaniyang palabas sa TV 5 at sa anggulo ng sa bandang huli, responsibilidad pa rin ng mga magulang ang pangalagaan ang interes ng kanilang mga anak at hubugin sila upang maging mabuting tao.

Noong nakaraang Biyernes, ika-8 ng Abril inilabas ni Willie ang kaniyang sagot sa mga bumabatikos sa kaniya at nanawagan na isara ang kaniyang palabas at wag na muling bumalik sa telebisyon. "magaling" siya sa dalawang punto. una, inungkat niya lahat ng isyu mula pa sa Wowowee at pinalabas kung paano niya, yes, siya lang mag-isa at kaniyang bulsa, hinarap lahat ng mga yon para sa kaniyang 'di umanong layunin na tulungan ang mga mahihirap. pangalawa, sa bandang huli ng kaniyang talumpati, sinabi niyang babalik siya sa kaniyang palabas at isasakripisyo niya ang kaniyang sweldo para lang makatulong sa mahihirap - take note, kahit pa ito'y malugi dala nang walang suportang mga patalastas.

bakit ko sinabing magaling? dahil napapogi na naman niya ang kaniyang imahe sa kaniyang target audience - ang masa. at paano ba sumikat at kumita si Willie? dahil sa masa. paano? mas maraming manonood - masa - mas maraming ads sa palabas at sa bandang huli, maraming PERA para kay Willie. ito ang dahilan kung bakit ganun na lang ang kaniyang pagkapit/pagsuyo sa mga ito. paano niya ginawa 'yon? simple lang - sa pamamagitan ng "ang show ko ang pag-asa ng mahihirap para umunlad at ako, ako lang ang instrumento niyo para maabot ito". natural, ang mahirap, sabi nga sa kasabihan, kahit sa patalim ay kakapit para mabuhay lang. kahit pa umiyak sa telebisyon at ilahad ang lahat ng hirap hanggang sa ayaw na niyang magsalita ay pipilitin pang ilahad kung ano yung paghihirap na dinadanas niya para maraming maawa at may mga TFC subscribers na magbigay ng pera. Noong nakaraan lang, sukdulang magsayaw ang bata ng macho dance habang umiiyak at sa bandang huli, kokomento pa siya, "ang hirap nga naman ng buhay ngayon, pati pagsayaw ng ganiyan ng bata eh gagawin na para kumita ng pera". sinasabi nilang natakot lang kay Bonel yung bata kaya umiyak. regardless kung anuman ang dahilan ng pag-iyak ng bata, the fact na umiiyak na siya, di pa ba 'yon sapat na dahilan para patigilan siya? bakit 'di siya pinatigil? dahil may mga natutuwang manonood sa palabas niya. kahit ano na lang ano? basta "masaya" ang manonood mo? kahit pa kumain ng bubog o gawing tanga ang sarili sa harap ng telebisyon, basta maraming natutuwa, ok lang ano?

ok lang yan syempre kay Willie dahil alam niyang"human interest" ang lahat ng iyan - ang drama at pagiging tanga sa harap ng maraming tao ay makapupukaw sa maraming manonood. bagay na siya ring nangyayari kahit pa sa mga balita sa telebisyon - pakita mo yung kamag-anak ng hostage taker na pinapanood sa telebisyon yung kapatid nila habang binabaril. pakita mo na malungkot sila para maraming manood. ganyan. ganyan ang nakakalungkot na nangyayari sa telebisyon para lang kumita. syempre iba-ibang level yan, at si Willie ay sadyang na-master na ang ganiyang pagmanipula sa damdamin ng mga mahihirap. sabi nga, dun ka aatake sa kahinaan ng kalaban mo. alam niyang pera ang kailangan ng mahihirap, "halika kayo rito at bibigyan ko kayo ng pera at pag-asa." alam na alam niya yan dahil muli, nag-komento pa siya na "ang hirap nga naman ng buhay ngayon, pati pagsayaw ng ganiyan ng bata eh gagawin na para kumita ng pera".

ang kalakaran sa telebisyon - labanan ng ratings para sa kita ang dahilan kung bakit kailanman, di maaaring mangyari ang sinasabi niyang, babalik siya sa telebisyon at isasakripisyo ang sweldo para lang makatulong sa mahihirap. pwede ba, willie, sa tingin mo ba may sira-ulong owner ng TV station ang magpapatakbo ng palabas para lang mamigay ng pera sa mahihirap? lokohan na ito to the highest level eh. e di magtayo ka na lang ng charitable institution o kaya gumawa ka na lang ng livelihood program para di lang "asa" sayo ang mahihirap? pero syempre di mo gagawin yan. pano na yung mga mansyon mo? yung mga magagara mong sasakyan? yung condo mo? at kung anu-ano pang mga luho mo? kaya di ako maniwala sayong gusto mo lang tumulong sa mahihirap eh. kung taos talaga yan sa puso mo, mamumuhay ka ng simple at ibabahagi mo sa mga kanila ng walang kapalit yung mga biyayang natatanggap mo. nangyayari ba yan? HINDEEE. tapos sasabihin mo si Villar sinuportahan mo dahil nakita mo na bukal sa puso niya ang pagtulong sa kapwa. hello??? gusto niyang tumulong kaya nagsayang siya ng bilyong piso sa kampanya niya? ilang libong Pilipino na sana ang nabigyan ng pagkakabuhayan sa halagang iyon? gusto niyang tumulong sa mahihirap kaya niya ipinalihis yung C-5 para dumaan sa mga subdivisions niya? pwede ba?

sinabi mo rin sa talumpati mo, na bakit di na lang ibang isyu ang atupagin ng mga tao at mga sangay sa gobyerno imbes na dikdikin ka? di mo kasi alam kung anong negatibong epekto "mo", yes "mo" at ang iyong existence sa mundo sa kultura ng masang Pilipino - maling pag-asa. aasa na lang ako sa game show tutal naman uunlad ang buhay ko dyan. "ay di bale ng di ako magtrabaho o mag-aral, pag nanalo naman ako sa show ni Willie, giginhawa na ang buhay ko." ganyan. yan nga ang dahilan kung bakit maraming namatay sa Ultra noon eh. na kay willie ang pag-asa ko kaya pipila ko ng ilang araw, para makapasok sa anniversary show niya. na kay willie ang pag-asa ko kaya kung kakaunti lang ang makakapasok sa Ultra, aapakan ko kung sinuman makapasok lang sa loob ng Ultra at makalaro at makakuha ng ano? lima, sampung libo? saan ka naman dadalhin non, Willie?

ito na naman ang nagdadala sa pangalawa kong punto - responsibilidad. nagkomento ako sa youtube video ng speech ni Willie at may napansin akong intersanteng punto ng isang youtube member tungkol sa macho dancing na naganap. sabi nung isa doon, at the end of the day, responsibilidad pa rin ng magulang ang kaniyang anak sa kaniyang mga akto. ang magulang ang maghuhubog dapat sa kaniya. wag isisi sa iisang tao - sa kaso ito, kay Willie - lang kung anuman ang nangyari sa show na iyon.

sang-ayon naman ako, na sa bandang huli, ang magulang pa rin ang accountable sa mga akto ng kaniyang anak. sila ang nagpasayaw kay Jan-Jan sa palabas ni Willie. bahagi sila ng problema. pero para sa akin, di sapat na dahilan iyon para magkibit balikat na lang sa mga maling nakikita ko sa lipunan ko dahil lang sa "yung mga magulang pa rin naman niya 'yun eh". eh di magkaniya-kaniya na lang tayo kung magkagayon at hintayin na lang natin na may mga makitil ulit na buhay sa stampede o kung anuman sa pagsunod sa palabas ni willie at mapasama sa kultura ng "maling pag-asa"?

para sa akin, nasa mahusay na pampublikong edukasyon ang pag-asa ng Pilipinas. Kung bibigyan mo ng de kalidad at abot kayang edukasyon ang mga mamamayan mo, matuturuan mo sila sa larangan ng akademya at kung paano magkaroon ng pangarap, tumayo sa sariling paa at magpahalaga sa marangal na source ng pagkakakitaan. importante yung huli dahil sa pamamagitan noon ay mapupuksa ang kultura ng korupsyon na literal na pumapatay sa mga mahihirap sa Pilipinas.

hayyyy... ang haba na ng magulo at di pulido kong chorva. pero what do you expect sa isang bogsa na manunulat tulad ko kundi kachorvahan XD

bilang panghuling banat, ito ang isa sa mga dabest na kyeme ni pareng Bob Ong:

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

o diveyn!?! makatulog na nga. marami na namang pagtutuos na magaganap bukas.

bow.

3.09.2011

veintisiete

waley lang. summary ng uwi ko this march:

zyric-benjie-tanya markova-SM North-peach mango pie-palabok-pandesal ni aling nena-operation hatid si zyric sa claret-alkohol-tamang tama lang-hayden kho?-sbarro-YES mag-sarah-reyver-christine chizmax-maskom-mam jo-mam jane-bonsai garden-sunken garden-acad oval-Church of Holy Sacrifice-Tuesday Vargas-San Mig Light-Chablis-Iced Tea-Sa Guijo-BBQ-Trinoma-Twilight Saga-Kremil S-Advil-benjie-zyric ulit.

mission accomplished naman kahit papaaano ^_^

heniwey, gusto ko lang ilista mga aim kong chorvahin bago mag-28:
  • night safari
  • universal's
  • songs of the sea with Zyric Kun at benjtot
  • mag-aral at matuto sa camera
  • magkaroon, mag-aral at matuto sa gitara
  • mapaayos ang bahay sa bulacan
  • matapos ang twilight saga
  • matapos ang sigma series ni james rollins
  • makapagdrowing ng at least 20 na maayos na pieces
  • magpaliit ng tyan
  • magpakahealthy (woot)
  • makita si zyric mag-ring bearer
  • makapagbeach sa holy week - Palawan man lang sana
  • makapanood ng concert sa jingapore - sarah bareilles?
  • mapanood ang lion king play
  • matapos ang Trigun series (26 episodes lang ano veh?)
  • makapanood ng marami pang Conan episodes
  • buhayin ang blog na itey
  • mapanood ang last movie ng harry potpot, kung fu panda 2, rango, cars 2, punch suckers and all that jazz
ok na muna siguro yang mga yan. fanet naman pag masyadong marami :D

zsazsa padilla. let's all be happy ^_^

2.23.2011

konsensya

Dory: Are you my conscience?

Safeguard: Ako nawa.

Me to Safeguard: IKAW NA!!!

cheka.

bow.

2.22.2011

kaboom

paumanhin sa awit ni Bruno Mars.

pahingeng granada.

kaboom.

bow.

2.14.2011

Variations on the Word Love

Para sa okasyon ngayong araw na ito.

This is a word we use to plug
holes with. It's the right size for those warm
blanks in speech, for those red heart-
shaped vacancies on the page that look nothing
like real hearts. Add lace
and you can sell
it. We insert it also in the one empty
space on the printed form
that comes with no instructions. There are whole
magazines with not much in them
but the word love, you can
rub it all over your body and you
can cook with it too. How do we know
it isn't what goes on at the cool
debaucheries of slugs under damp
pieces of cardboard? As for the weed-
seedlings nosing their tough snouts up
among the lettuces, they shout it.
Love! Love! sing the soldiers, raising
their glittering knives in salute.

Then there's the two
of us. This word
is far too short for us, it has only
four letters, too sparse
to fill those deep bare
vacuums between the stars
that press on us with their deafness.
It's not love we don't wish
to fall into, but that fear.
this word is not enough but it will
have to do. It's a single
vowel in this metallic
silence, a mouth that says
O again and again in wonder
and pain, a breath, a finger
grip on a cliffside. You can
hold on or let go.

by Margaret Atwood

2.09.2011

bow

I fail to understand some things, some times, too.

Sa Tagalog, tao lang ako 'teh, sumasakit din ang bangs tulad mo.

1.19.2011

sulat lang

Nais ko sanang isulat ngayon ang lahat ng aking mga saloobin, pakiramdam at pagtingin sa kung anu-anong mga bagay sa aking buhay at paligid tulad ng tungkol sa pagkamiss ko sa aking pamilya, sa mga gusto kong gawin namin at sa mga lugar na gusto kong aming mapasyalan (esp sa Japan para makita ni Zyric yung mga malulufet na tren na pinapanood nya sa youtube), mga chorvang gusto kong gawin tulad ng pagsakay sa GMAX Reverse Bungee at panonood ng gig ng Tanya Markova dahil kahit pa gaano kaharsh ang mga lyrics ng mga awitin nila, bet ko ang "sining" na taglay ng kanilang musika. Gusto kong ilarawan kung gaano ko kagustong kumanta o tumugtog kahit di naman kagalingan at kung paanong gustong-gusto ko ang ASAP Rocks pwera lang kay Reyver dahil napakachismoso at feelingero 'nya. Nais kong ilista ang mga pelikulang gusto ko pang panoorin tulad ng Kung Fu Panda 2 at last Harry Potpot movie at kung alin-alin na ang aking mga napanood na, kasama ng mga komento ko sa mga ito tulad ng kung gaanong gustong-gusto namin ni ayeeh si Ludo este, ang Rabbit Without Ears 2 kaya naman 'di kami makapaghintay makuha yung CD ng part 1 at isulat kung gaano karaming chorva ang ginawa ni Jake at Anne sa Chorva & Other Drugs. Maganda rin sanang ilarawan ang pagka-amaze ko kay Arnel Pineda as a person at sa mga 100%/50%/25%/5%/1% na mga pinoy (ie, Enrique I, Bruno Mars, Charice, etc) na kilala sa buong World sa kanilang mga katangi-tanging talento. Sa kabilang banda, gusto ko ring isambulat kung paanong ako'y buset na buset kakurakutan ng mga pulitiko sa Pilipinas at kay Kris Aquino bilang sinisira nya ang peace & order sa Pilipinas, tsk, tsk.


Ang dami pa sanang ibang mga paksa ang umiikot sa utak ko ngayon na madalas namumuo sa aking isipan habang naglalakad o di kaya'y nasa byahe. Subalit sa kabila ng lahat ng kagustuhan kong ito, may nag-iisang pwersang pumipigil sa akin para magsulat. Dahil kung paano ilarawan ng mga taong malapit sa 'kin ang sabog-sabog kong utak na kasing gulo ng buhol-buhol na trapiko sa Maynila tuwing Lunes hanggang Byernas ng umaga, ganoon din katindi ang tama ng mantra ni George Coladilla The Great sa aking ulirat. Isang salita lang:


Nakakatamad.


Bow.

1.13.2011

digs no more

dati kong hinangaan ang blog na TNL dahil sa malaking potensyal nitong ipromote ang satire na diskurso tungkol sa machismo shit kyeme. naalala ko dati, maya't maya kong inabangan ang kanilang mga entry noong nagsisimula pa ang blog. nagbigay ito ng sampung pamantayan patungkol sa kung sino ang papasa sa titulong "tunay na lalake". nakakaaliw kung paano nila nilalaro ang mga pamantayang ito bilang pagtuligsa sa mga nakakainis na chorva ng "tipikal" na lalake. nang lumaon ay nadagdagan ito nang nadagdagan tulad ng "trabaho lang, walang personalan" rule at kung anu-ano pang shit. di ko na rin nasundan dahil sa kabusy-han sa trabaho at nawala na rin ako sa dami ng bagong rules.

kaninang hapon lang, nasabi sa kin ng isang kaibigan na ang dati naming propesor ang ginagawang tampulan ng katatawan sa nasabing blog kaya binisita ko ulit ito. laking pagtataka ko dahil sa aking pagkakaalam, ang mga manunulat sa blog ay mga dating aktibista na galing sa parehas na unibersidad na aking pinag-aralan. malamang-lamang ay magkakakilala sila. tama naman, magkakakilala nga sila ayon sa blog ng aming dating propesor. ang di ko magets hanggang ngayon eh kung saan galing ang kanilang kyeme na si prop ay vaklush. malamang dahil sa pagbatikos nito sa TNL? pero napakababaw na dahilan non para bastusin, oo yung terminong yon ang nararapat sa ginagawa nila, ang dati naming propesor na sobra kong ginagalang.

sa pagdiskubre sa personal nilang atake kay prop, napagtanto ko rin na wala na halos saysay ang kanilang mga entries sa kasalukuyan. ok, meron pa ring mga "ok-ok" na papasa bilang satire pero halos naging blog na lang sya ng mga porn videos at photos. higit sa lahat, imbes na maging satire sya na tumutuligsa sa seksismo, tila lalo pa nitong iprinopromote ito. talamak ang pambabastos sa mga kababaihan at sa iba pang kasarian. di na nakakatuwa. bastusan na talaga. nakakalungkot malaman ito lalo na dahil dati kong tiningala ang blog at nagtiwala ako sa mga manunulat nito. kaso ayun nga... haaayyysss... sayang lang.

ang pagtingin ko ngayon sa TNL blog, wasak na wasak, sa literal na paraan.

tsk, tsk...

11.09.2010

wadapak naman nga talaga kasi...


mwahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhaha


bow.

nuninuni

*sabog-sabog na utak*

lakas kong kumain lately. lakas din antukin. nagtataka pa ko na tumataba ako?

more than 14 hours-a-day-work sucks. dali ko ng mapagod o sadyang nakaka-stress lang mga kausap ko? signs of aging?

subalit kailangan ng magtigil sa mga kalokohan at pang-aabuso sa katawan sapagkat sa panahon ngayon, bawal magkasakit! (di ako shareholder ng clusivol)

dami kong pimples. sobrang nakakainis na. dami pang pimple-scars. gggrrrrr... ano ba kayo??? tantanan nyo na ko please!!!

ang haba na ng hair ko, literally at figuratively. what to do? what to do? what to do when there's really nothing to do. haha!

i want peace of mind. bakit ba napaka-aktib mo lang brain? pakain kita sa zombie eh!

bakit ba kasi consitent na inconsistent ako? kalorkey. kakapagod. amf.

bakit naman din kasi ang dami kong tanong? adik pala ako e no?

segue --> pag naririnig ko ang salitang "why", lagi kong naalala ang linya ni Agent Smith sa The Matrix Revolutions. bakit ba? di ko rin alam:

Why, Mr. Anderson? Why do you do it? Why get up? Why keep fighting? Do you believe you're fighting for something? For more than your survival? Can you tell me what it is? Do you even know? Is it freedom? Or truth? Perhaps peace? Could it be for love? Illusions, Mr. Anderson. Vagaries of perception. The temporary constructs of a feeble human intellect trying desperately to justify an existence that is without meaning or purpose. And all of them as artificial as the Matrix itself. Although, only a human mind could invent something as insipid as love. You must be able to see it, Mr. Anderson. You must know it by now. You can't win. It's pointless to keep fighting. Why, Mr. Anderson, Why? Why do you persist?

daming tanong. simple lang naman sagot ni Neo -->

because i choose too

ano ba kasing problema ko ngayon? bat di pa ko matulog? why? why? why?

gulo ko.

migraine.



bow.

10.24.2010

randomness 101

some random chorva:
- kakapost ko lang kanina pero ayun, mahal ko ang ulan at kung anumang mga may kinalaman sa tubig
- ako ay agnostic
- gusto ko ang pula bilang kulay ng sneakers, wallet at payong
- gusto ko ang pakiramdam ng maong na ilang beses nang naisuot pero di pa nalalabhan.
- sobrang paborito ko ang eraserheads pero never ko silang napanood gu-mig. as in, kahit yung reunion 1/2 concerts. wichikels! @@
- gusto kong magsulat pero mga kalokohan lang
- parang gusto kong maging teacher pero di ko sure if I'm capable to be one
- gusto kong maging dubber
- nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil hinayaan nila akong maglaro sa kalsada para maranasan ang kaligayang dulot ng paglalaro ng piko, chinese garter, syato, langit-lupa, tagu-taguan, ten-twenty, foot ball, mataya-taya, teks, pog, agawan base, (ano ba yung pinapalsik mo yung rubber band?) at kung anek anek pa.
- dati akong "aktibista"
- di ako morning person
- paborito ko ang mga shades ng asul at berde
- masaya lang minsan magpuyat sa mga walang kawawaang bagay
- masayang mainlab (sabi nga kay sarap ng may minamahal)
- gusto ko ang kahit anong bagay na related sa Japan. siguro dahil sila ang pinakaprogresibong bansa sa Asya at sadyang defined ang kanilang kultura. lab na lab ko ang anime. gusto kong naririnig ang Japanese na lenggwahe. basta,gusto ko ang Japanese chorva!
- di ako naniniwala sa chorva ni ratatouille na "anyone can cook". ang pagluluto ay talento lang din. may formula pero iba ang finish product kung sadyang talentado ka sa larangan na yon.
- gusto kong vumideoke
- laking saya ko na kapag nakakanta o nakatugtog ako sa isang gig other than company event
- paborito kong lab movie ang eternal sunshine of the spotless mind
- keso ako kung keso
- ako ay trying hard na artsy fartsy
- masaya ang rugged na porma. kahit siguro tumanda na ko yung pa rin ang pipiliin ko
- sadyang mahal ko ang musika. noong bata ako, tagal ko ring naging member ng lyre and drum band. kaligayan ko non ang pagtugtog, pagsunod sa rhythm.
- gusto ko ulit matutong tumugtog ng piano
- gusto kong gumaling sa gitara
- sadyang di ako fan ng mamahaling brands
- gusto ko ng lumiit tyan ko
- namimiss ko na ang dekaron sea at mga kaibigan ko 'don
- gusto ko camera na may malufet na lente pero naknakan naman ng mahal
- gusto ko rin ang dumadagundong na speakers. yung nakakabasag ng eardrums hanggang sa dumugo na yung tenga =))
- gusto ko si johnny depp at ely buendia
- pinaka-hate kong parte ng katawan ang mga binti ko bilang ang lalaki lang nila
- masayang mag-ice cream at chocolate
- mabuhay ang himig ng dekada nobenta at mga Tagalized Cartoons noong erang ito (ceddie, sailormoon, ghostfighter, atbp)
- mas nasiyahan ako sa high school
- miss ko na magsulat ng nutri at math jingles
- komportable ang buhay sa singapore dahil convenient lang lahat. mamamatay ka lang sa kaburyungan kapag wala kang internet.
- pag-iinternet at kuryente lang ang bisyo ko
- miss ko na si zyric. sana yung mga di ko nagagawa ngayon, magawa nya in the future. nawa'y maging mabuti at talentado syang tao.
- mahal ko ang unibersidad ng pilipinas. naiinis ako sa mga isko/iska na walang pagmamahal sa bayang nagpaaral sa kanila ng kolehiyo. yung mga tipong ipagpapalit ang Pinas passport nila kapalit ng convenient na pagtravel sa ibang bansa. HELLO???
-mahal ko ang Pilipinas. kahit na gaano ka-corrupt ang gobyerno at kahit gaanong nakakasuka ang sistema nito, marami pa ring dahilan para ipagmalaki ko ang bansa ko at mga kapwa ko
- boring ang mundo kapag wala ang Pilipinas sa mapa nito. sige, imagine nyo.
- naniniwala akong may pag-asa pa ang Pilipinas kapag bawat Pilipino mag-iisip ng ganito --> "ako ang simula ng pagbabago"
- ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. pag-aralin mo ang mamamayan mo at tiyak na uunlad ito. tigilan ang komersyalisasyon ng edukasyon.
- laging may rason para maging masaya. sabi nga, always look at the bright side of the story. kahit pa dot lang ito.
- parang gusto kong bumalik sa TV work
- pangarap kong makapunta sa paris at rome
- di ko masyadong bet ang mga outer space adventure
- wala akong talent sa sports
- never pa kong nakapunta sa mang jimmy's kung saan bottomless ang rice
- masaya lang mahiga habang nagsousoundtrip. yung tipong wala kang iisiping iba, makikinig ka lang sa kanta at musika.
- masayang manood ng pelikula sa sine
- gusto ko ang keso
- walang sinabi ang Ovaltine sa Milo
- di ako mahilig sa kape. di ko lang talaga sya trip lalo na't di kaya ng sikmura ko ang asido nito. wirdo non kasi 2 cans ng Coke sa isang araw, di pa sumusumpong hyper-acidity ko. kalahating tasa lang ng kape, ayan na sya @@
- di ako fan ng gatas
- betty mae ko ang Ceres Whispers of Summer
- sadyang makulit ako sa chat
- sadyang masaya lang chumika
- haller sa mundo ng cyber-stalking. salamat sa fezbuk!
- wala na ko maisip ngayon. o tinatamad na ko magsulat?

bow.

10.23.2010

mahal ko ang ulan

di ko alam kung bakit pero kakaiba ang enerhiya ko sa tuwing umuulan. parang may extra positive energy akong nararamdaman kapag umuulan. di ko alam kung weird ba itong kyeme kong ito dahil parang lahat ng kakilala ko, ayaw ng ulan. nakakalungkot daw. plus, siguro yung hassle sa paglabas kapag umuulan. dapat may dalang payong and all that jazz.


ewan ko ba kung dahil lang nakakaantok kapag umuulan kaya gustong-gusto ko sya. (oo, sadyang lab ko rin ang pagtulog at mga katamaran sa layp) sarap matulog di ba? pero bukod sa malamig na simoy ng hangin na dala ng ulan, gustong-gusto ko rin ang tunog ng paglagapak ng mga patak nito sa kalsada, bubong, puno o kung saan man. para sa 'kin, isa sya sa pinakamagandang musika sa buong mundo. oo, ganon! buong mundo. gusto ko ngang bumili ng rain stick eh!

pwede rin sigurong may kinalaman ang zodiac sign ko sa kyemeng ito? although din naman din talaga ko naniniwala sa mga horoscope pero bilang piscean yata, sadyang malapit ang puso ko sa anumang bagay na may kinalaman sa elementong tubig. bet na bet ko rin kasi ang mga sea creatures at mga under the water adventures. gusto ko ang beaches. gusto ko ang pagbababad sa tubig. gusto ko ang huni ng rumaragasang tubig sa ilog o kung saan man. basta, gusto ko ang tubig...

oh well, basta masaya ko pag umuulan. isa marahil ako sa mga kakaunting tao na tunay na maligaya kapag umuulan.

mahal ko ang ulan.

salamat Po sa ulan ^_^Y

(kindly disregard my eclavu... TH na kung TH! nag-iin-artist lang. haha!)

10.17.2010

makulay ang buhay


bilang kaburyongan, napag-isip-isip kong bumili ng pastel at sketch pad last week. wala trip trip lang. f na f ko ang pangangailangan ng outlet. dami ko rin kasing nasasayang na talent. nasa maling industriya talaga ko... oh well. feeling ko naman masyado ang pagiging talentado? wahaha!

anyway, finished reading The Lost Symbol kasi 2 weeks ago. dami lang realizations. biruin nyo noong unang panahon, ang concern ng tao ay tungkol sa purpose ng life. nakokonek din dito ang nature ng tao na i-attribute ang mga bagay-bagay sa higher being at magkaroon din ng spiritual life. ang seryoso ng post? ahehe!

Naisip ko lang din, ang mga tao puro mga material na bagay na lang ang concern sa life. Consumerism at its best! nakukuha na lang naten mga kasiyahan naten sa materyal na bagay. di ko yata bet maging parte ng sistemang iyan. pordat, naisip ko lang din, to live one day at a time, to cherish relationships at gumawa ng mga bagay na makakatulong sa iba. naniniwala ako na parte dito ang pagkakaroon ng positibong disposisyon. nakakahawa kasi di ba kapag good mood at makulit ang kasama mo? maikli lang naman ang buhay, so might as well make most of it by making other people happy ^_^ wak na masyadong humugot ng hafiness sa mga bagay-bagay like brands. this is ironic though kasi sa market research ako nagwowork - all about brands! haha! pero basta, one day, i'll do what i really want to do - kumanta, drowing, magsulat, at social work! gusto ko naman magamit din mga talento ko. sayang naman :-)

so bat ako nagdrowing? wala lang... por mor positive energy lang. praktis muna 'to. messy kasi di ko pa alam gamitin pastel. pang-krayola lang yata ang beauty ko. wokokok!

heniwey, ang sabog ng post kong ito. har har... pero basta, yun na yon. dami ko pa gusto chorva kaso alis na kami ng housemate ko. eat pray love (na feeling ko e dragging. good luck na lang)

^_^Y

9.08.2010

2

Today is my second year here in SG as OFW. Not much achievement... pero masaya naman in general.

Salamat TNS, Salamat Singapore, Salamat PO.

More years to come? I love Singapore na, pero TNS???

Let's DISCOVER! Chorva!!!

trip trip lang

Fear is the path to the Dark Side. Fear leads to anger, anger leads to hate, hate leads to suffering.
  • Yoda in Star Wars Episode I: The Phantom Menace (1999)
wikipedia galing yan syempot XD

8.12.2010

hard to believe

in 2 weeks time, meron na akong 4-year-old na junaknak. akalain nyo yon? kahit ako di makapaniwala. dami ko namimiss sa paglaki nya pero ayun e, kailangan pang magtrabaho dito sa jingapore. mag-2 years na pala ko dito. san napunta 2 years ko? haha!

just some updates, si zyric, nag-aaral na sa claret. medyo bulol pa sya so Lalah suggested na magconsult kami sa speech therapist. hopefully maayos din ang pagsasalita nya. tapos ngayon pala, ang mga pinagkaka-abalahan nya e Thomas and Friends na show at toys tapos syempre mga cartoons na walang kamatayan. gusto ko sya pag-aralin ng kahit anong musical instrument (piano siguro?) tsaka karate. chorva lang hehe

di ko actually mafeel ang aking pagiging nanay. pero mas kailangan kong maging provider e. basta lumaki lang zyric na mabuting bata e masaya na aketch.

bottomline ay... uwing-uwi na ko!!!

^_^v

bilang adik sa 500 days of summer

color my life with the chaos of trouble

- belle and sebastian

7.30.2010

salamat, bit-wa-terrr

Ihip ng hangin,

panaghoy ng ulan,

pusong nagsusumamo

sa nanunuksong karimlan...



Huni ng mga ibon

pagaspas ng mga dahon

hinagpis ng nakaraan

patuloy na hinahagkan



Patak ng tubig

hangad kong manumbalik

makulimlim na kalangitan

animo’y pakutyang dumaraan



O HENI O HENI

Wag nang malumbay

Umulan ma’t umaraw

Kami’y iyong karamay...


- jordan, 07.30.10