
ang mage kong weak! kasama na rin yung seg T_T
maglilimang taon na ang anak ko pero kung susumahin, siguro wala pa sa tatlong taon ko lang talaga siya nakasama at naalagaan bilang ina. nasa ibang bansa kasi ako para kumita ng mas “disenteng” halaga para sa aming pamilya. maikling panahon lang yon kung tutuusin at sa totoo lang, hanggang ngayon, palagay ko, di ko nararamdaman/nararanasan ng buong-buo kung paano maging ina - yung mag-alala ng anak (lalo na kapag may sakit), magturo ng assignments, magkulay, magbasa, magsulat, magluto, at iba pa. kaya naman sa araw na ito, may pag-aalinlangan ako sa pagsali sa sarili ko sa pagbating “Happy Mother’s Day”.
hhhhaaayyyzzz…
di bale, babawi rin naman ako, pramis. malapit na ring matapos sa pag-aaral yung tatay niya at babalik na rin ako, dapat, para gampanan yung tungkuling dapat ginagawa ko simula pa noong ika-31 ng Agosto taong 2006. kailangan yan dahil naniniwala ako na malaking bahagi ng pagkatao natin ay mula sa pagpapalaki ng ating mga magulang. ayokong mamiss pa ‘yong pagkakataon/obligasyon na yon sa aking junakis.
*side comment*
maiba ako. batid ko ang napakahalagang papel ng mga ina sa lipunang Pilipino (at sa buong mundo). pero bakit kaya ang mga sikat na mura sa anumang wika (yata) ay may kinalaman sa “ina/mother”? guilty rin naman ako sa ilang pagkakataon sa pagbanggit sa naturang mura pero, kung pakalilimiin, kailangan bang tumawag tayo ng “putang” ina sa tuwing galit at bad trip tayo? unfair naman yata yon. mahirap maging ina.
*balik sa topic*
heniwey, bilang biktima ng diaspora, marami-raming tapang, pasensiya at balde-baldeng sipag ang kinailangan ko para lumipad ditong mag-isa, magtrabaho at maging malayo sa pamilya para sa mabuting layunin. kaya sige na nga, pagbibigyan ko na rin ang sarili ko…
maligayang araw ng ina sa ‘kin, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan, mga kakilala kong nanay at sa mga ina ninyong lahat.
bow.
Nais ko sanang isulat ngayon ang lahat ng aking mga saloobin, pakiramdam at pagtingin sa kung anu-anong mga bagay sa aking buhay at paligid tulad ng tungkol sa pagkamiss ko sa aking pamilya, sa mga gusto kong gawin namin at sa mga lugar na gusto kong aming mapasyalan (esp sa Japan para makita ni Zyric yung mga malulufet na tren na pinapanood nya sa youtube), mga chorvang gusto kong gawin tulad ng pagsakay sa GMAX Reverse Bungee at panonood ng gig ng Tanya Markova dahil kahit pa gaano kaharsh ang mga lyrics ng mga awitin nila, bet ko ang "sining" na taglay ng kanilang musika. Gusto kong ilarawan kung gaano ko kagustong kumanta o tumugtog kahit di naman kagalingan at kung paanong gustong-gusto ko ang ASAP Rocks pwera lang kay Reyver dahil napakachismoso at feelingero 'nya. Nais kong ilista ang mga pelikulang gusto ko pang panoorin tulad ng Kung Fu Panda 2 at last Harry Potpot movie at kung alin-alin na ang aking mga napanood na, kasama ng mga komento ko sa mga ito tulad ng kung gaanong gustong-gusto namin ni ayeeh si Ludo este, ang Rabbit Without Ears 2 kaya naman 'di kami makapaghintay makuha yung CD ng part 1 at isulat kung gaano karaming chorva ang ginawa ni Jake at Anne sa Chorva & Other Drugs. Maganda rin sanang ilarawan ang pagka-amaze ko kay Arnel Pineda as a person at sa mga 100%/50%/25%/5%/1% na mga pinoy (ie, Enrique I, Bruno Mars, Charice, etc) na kilala sa buong World sa kanilang mga katangi-tanging talento. Sa kabilang banda, gusto ko ring isambulat kung paanong ako'y buset na buset kakurakutan ng mga pulitiko sa Pilipinas at kay Kris Aquino bilang sinisira nya ang peace & order sa Pilipinas, tsk, tsk.
Ang dami pa sanang ibang mga paksa ang umiikot sa utak ko ngayon na madalas namumuo sa aking isipan habang naglalakad o di kaya'y nasa byahe. Subalit sa kabila ng lahat ng kagustuhan kong ito, may nag-iisang pwersang pumipigil sa akin para magsulat. Dahil kung paano ilarawan ng mga taong malapit sa 'kin ang sabog-sabog kong utak na kasing gulo ng buhol-buhol na trapiko sa Maynila tuwing Lunes hanggang Byernas ng umaga, ganoon din katindi ang tama ng mantra ni George Coladilla The Great sa aking ulirat. Isang salita lang:
Nakakatamad.
Bow.
*sabog-sabog na utak*
lakas kong kumain lately. lakas din antukin. nagtataka pa ko na tumataba ako?
more than 14 hours-a-day-work sucks. dali ko ng mapagod o sadyang nakaka-stress lang mga kausap ko? signs of aging?
subalit kailangan ng magtigil sa mga kalokohan at pang-aabuso sa katawan sapagkat sa panahon ngayon, bawal magkasakit! (di ako shareholder ng clusivol)
dami kong pimples. sobrang nakakainis na. dami pang pimple-scars. gggrrrrr... ano ba kayo??? tantanan nyo na ko please!!!
ang haba na ng hair ko, literally at figuratively. what to do? what to do? what to do when there's really nothing to do. haha!
i want peace of mind. bakit ba napaka-aktib mo lang brain? pakain kita sa zombie eh!
bakit ba kasi consitent na inconsistent ako? kalorkey. kakapagod. amf.
bakit naman din kasi ang dami kong tanong? adik pala ako e no?
segue --> pag naririnig ko ang salitang "why", lagi kong naalala ang linya ni Agent Smith sa The Matrix Revolutions. bakit ba? di ko rin alam:
Why, Mr. Anderson? Why do you do it? Why get up? Why keep fighting? Do you believe you're fighting for something? For more than your survival? Can you tell me what it is? Do you even know? Is it freedom? Or truth? Perhaps peace? Could it be for love? Illusions, Mr. Anderson. Vagaries of perception. The temporary constructs of a feeble human intellect trying desperately to justify an existence that is without meaning or purpose. And all of them as artificial as the Matrix itself. Although, only a human mind could invent something as insipid as love. You must be able to see it, Mr. Anderson. You must know it by now. You can't win. It's pointless to keep fighting. Why, Mr. Anderson, Why? Why do you persist?
daming tanong. simple lang naman sagot ni Neo -->
because i choose too
ano ba kasing problema ko ngayon? bat di pa ko matulog? why? why? why?
gulo ko.
migraine.
bow.