9.13.2013

Skyfall


Pwedeng nakakainis ka lang sa 3 dimensyon, Paolo? Gggrrr...

Anyway, gusto ko lang sabihin na sana manalo ka sa The Voice of the Philippines. Cheers! :)

Happy Friday!


#blockednomore
#bakitakohumahashtagsablogger

9.11.2013

LightHouse Family

Pampa-good vibes.

*cue background music*

Got this card last month from a good friend. Katuwa lang kasi ngayon lang yata ako nakakuha ng card na na pinadaan sa post hindi galing sa FW supplier. Uso pa pala. Ahehe!

Merci Mon Ami! :)




pahinging pasencia biscuits

seriously, i'm getting tired of all the hashtagseseses. gusto ko na lang matapos na itong echos na ito soon.

*pagoda jones*

9.09.2013

Ode to J4 atb pang Naunsyameng Bagay-Bagay

Kanta para sa naunsyameng banda - Almost Lover bilang ang bigat pero magaan at the same time ang pakikipaghiwalay dito. Parang jowa lang. CHAR! well, naalala ko lang din ang song na ito at gusto ko siyang kantahin ahihi!

Anyway, may naudlot pala kong post nung ako ay masaya last month. bakit nga ba di ko napost? kabusyhan hahaha!

Ang title niya dapat ay The Emancipation of Me-Me

Happy mood noon dahil sa mga sumusunod:
- may work na si Benjie *hooray*
- Long weekend: Selamat Hari Raya at Singapore National Day
- lipat bahay sa bukit panjang with happy housemates, kwarto at atmosphere in general kaya keri lang kahit what a journey everyday. katuwa kasi di na masyadong kailangang mag-adjust kasama yung mga bago naming housemates na members ngayon ng dati kong church which will bring me to my 2nd naunsyameng post mamaya
- Napanood ko na rin ang Eheads! yahoooo! Ako lang yata yung self-confessed fan na ngayon lang sila napanood. anyare? Pero related pala yung pagbibigay sa akin ni benjie para mapanood sila Ely sa aking susunod na point.
- Nakapagdecide na rin ako sa wakas (well, for my sanity's sake) na iwan na muna na J4 bilang white flag na ko sa warlahan portions. May last gig na lang kami sa 28, rakrakan for Relief para sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo. at least may maicontribute naman ako sa lipunan kahit sa huling sandali ng pagbabanda. CHAAAR! kailangan ko ng kabisaduhin ang songs at karirin talaga. Todo na 'to!!!

Speaking of warlahan pala, paano ba matatapos ang warlahan sa Syria, Middle East at Mindanao? Ang dapat kasing i-address ay ang ugat nito. Hindi ito matatapos sa pamamagitan ng mga baril, granada at bomba. pero sa ngayon, dasal na lang muna ang magagawa ko para sa mga biktima ng digmaan.

Mapunta tayo sa dasal at another naunsyameng post - Confessions of a Confused Soul

So ganito yan, di ko alam kung anong meron sa taong ito pero lahat ng passion ko sa buhay noong unang panahon ay umaatikabong nagbabalik sa layp ko ngayon.

Una, pagbabanda. Naalala ko pala, kumanta na rin ako sa dating church kasama si Lolo Jesse. Nakalimutan ko kung anong name ng banda namin basta kasama namin si Lyn ahaha! Well, supposedly love songs ang kakantahin pero nagmaganda kaming tinugtog at kinanta at Spolarium. Bakit nga ba? Di ko na rin maalala. So nung January yata or Feb, si Macky nagpost na naghahanap ng drummer nga ba o vocalist so nagmaganda ako (na naman) kung pwede kakong mag-audition. All-girls daw na banda. Ka-excite. Tapos yung bahista namin, tinanong kung pwede akong mahiram nung isa niyang banda sa jamming session - kahit pa di niya ko narinig kumanta ever. So ayun, nagpunta ko doon at naki-echos sa kanila. Di ko akalaing ok ako sa kanila eh. dami naming pag-uulit kasi original songs. Well, kahit yung mga cover songs, di naman din talaga ako ok kasi di naman talaga ko nagpraktis. ahehe! Tapos 1 or 2 months after, nagtext si bahista. ask niya kung gusto ko pa ring magbanda. So sagot ko - proxy lang ba o jam? sige, game ako. Tapos, di na siya nagreply. Tapos after a month yata ulit, nagtext siya. Jam daw kami nila koyah (akala ko same band na pinroxyhan ko). Suggest daw akong songs. Pagdating ko, iba pala yung drummer tapos wala pala kaming lead guitarist pa. Eh di kere lang. jam lang. enjoy naman :) sayang nga nadelete ko yung videos toinks! tapos biglang, nagset na sila ng gig! tapos nagkaroon na kami ng whatsapp group na nakapangalan sa 'kin. sobrang bilis ng pangyayari, di nag-sink-in agad sa 'kin. At magquiquit talaga ko dapat dahil alam kong di ako papayagan. pero nagmatigas ang ako ng ulo. naisip ko kasi, dahil nakapangalan sa 'kin yung band, baka para sa akin talaga 'to. so huma-haze na and all, muntik na kaming maging mutant dito sa singapore, eh sumige pa rin ng first gig. nyahaha! tapos ayon, eh dahil sa mga away, quit lang din naman ako. pero nakakasar lang kasi inunahan ako ni bart. ahehehe! well, sabi nga ni anlyn, at least pag binalikan ko ang bagay na ito eh maging proud naman ako sa sarili ko (char) na kinaya ko talagang maging bokalista *vindicated* nakakapanghinayang lang talaga but oh well... sabi nga ni batas, baka naman magkaroon ng panahon ng awakening si Sir Chief. Wag daw muna naming isara ang J4. So let's see how leh?

Anyway, may napagtanto pala ko sa bagay na yan. nakakapressure din palang magbanda. kailangan ng commitment, pag-aaral ng kanta at pagbubuti sa talento. Seryoso siyang bagay. paminsan, kapag naman masyadong seryoso, nawawala yung fun. ganon yata kapag nagiging "career". Choz

Pangalawa - Church. Nakakalerkey kasi yung mga housemates ko ngayon ay leaders sa dati kong church. di ba naman nakakapressure yon na mag-isip tungkol sa pagbabalik. ahehe! although nakakatuwa rin kasi di naman dahil lang sa church kaya kami nagkakaunawaan. may chemistry rin talaga mga kwentuhan namin lalo na tuwing almusal. laugh trip parati sa umaga. mabalik sa topic, so ayun. parang "searching" mode kami ngayon ni benjie ng church. Ok pala yung pinupuntahan din naming mass sa Good Shepherd tuwing 6pm ng Sunday. Malalim yung approach niya sa homily. Pang-"kristiyano" talaga. Tapos nag-attend din kami sa Hope. Parang kapamilya na rin kasi turing namin sa Timothy kahit di kami active. Sila kaya yung masugid na nagpray para magkawork si Benjie. So ayun, naka-attend na rin pala kami sa central christian church twice tapos ok din yung preacher. kakatuwa namang mag-aral ulit ng bible. Kaya lang may bagay pa talaga akong kailangan iresolve about free will and all that jazz. Pero katulad nung unang punto, let's see how leh. Ayokong madiliin ang mga bagay-bagay. kung babalik man ako sa church or kung anuman, dapat yung 100% na ramdam ko talaga. walang halong pag-aalinlangan.

Pangatlo - Aktibismo. itong taon rin, may nilapit sa akin si Lyn na taga-HK daw na "kasama". mineet namin siya nung nakaraang buwan lang. nakakatuwa naman din itong si Kuya Noy. Ang kenkoy lang - Diliman humor - pero alam mong seryoso sa pakikibaka. So ang eching namin ay tumulong sa pag-organize ng mga DH dito sa Singapore. Syempre mahirap siya pero ok din doon kasi sa church kami nakatoka. so tutulungan daw namin si pastor Jun. protestant naman ito. di ba naman ako maguluhan? ahahaha! So sabi namin, kung tungkol sa mga national issues eh walang problema. tutulong talaga kami. bakit naman hindi. tsaka maganda rin kasi may mga educational discussions din kami so matututo kaming 2 ni benjie. pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi na ako ayon sa idea ng *bleep*bleep* - mahirap na baka mahuli haha! Dahil after all, ako ay naniniwala na "the means doesn't justify the end". magtagumpay man ang rebo, ano ang garantiya na magtatagal ito kung hindi naman nag-aagree ang lahat? ang K ay mangyayari laman sa isang ideal na mundo kung saan lahat ay pare-parehas mag-isip (parang sa movie na The Invasion) at mag-emote. Pero alam naman natin ang ating nature bilang tao. Kailan ba talaga nagkaroon ng consensus sa mga bagay-bagay? laing may mga puwersang nagsasalungat dahil at the end of the day, iba-iba naman kasi talaga tayo. So ayon ang aking palagay diyan. Maganda naman ang layunin ng K, pantay-pantay lahat ng tao, pero our nature as human beings will definitely fail us. Ngayon nga may dilawan. At sa kilusan mismo, maraming iba-ibang version ng mga kachorvahan. So ganon. Pero di ko naman sinasabing wag kumilos. Marami namang anyo ng aktibismo. Hindi lang siya sa paraan na K. Basta naghahangad at gumagawa ka ng bagay na makabubuti sa nakararami, sa paningin mo at least.

So ayan, ang haba ng nobela na ito ha. halatang di ako busy sa jupisiners ngayon. pero paparating na ang busy days. soooo... babush na muna. tapusin na ang magulong kaechosang ito. pasensiya na, wala ng edit-edit. go na lang ng go!

bow.

PS: Go Paolo Onesa! Sfyfaaaaaaall unlimited.

8.05.2013

decisions decisions decisions!

i'm so tuliro right now...

syempot patawang intro lang yan wahahaha!

on a serious (black) note, ang gusto ko lang naman sabihin nagugulumihanan ako kung itutuloy ko pa pagbabanda o ititigil na ang kalokohan itey bilang lagi na lang namin siyang pinag-aawayan ni sir chief sa point na hindi niya ko pinapayagang mag-gig. so para saan pa di ba? pero kasi, alam naman nating lahat na yun ay pangarap ko sa buhay at napakalaking bagay sa akin na naisasakatuparan ko siya. as in, sobrang big deal siya sa akin. as in as in as in

and there goes Before Midnight mode.

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh

*cries*

T_T

anyway, dahil hindi pa ko makapag-decide. eto yung aming GIG last June 22 kalokohan nung Sunday - J4 Acoustic. Pagpasensiyahan niyo na lang at barado ilong ko nung acoustic portion! wahaha! lekat na sipon. wala rin kaming lead guitarist bilang inunahan niya kong magquit at late naman si drummer boy woot.

so how how de carabao?

ambotz.

6.08.2013

chenes

update update lang

- echos sa vice ganda issue: while i agree that we shouldn't we joking about people's physical appearances nor gang rape, i find it more bothering that people only reacted violently against vice ganda because he used Jessica Soho as subject. In other words, kung hindi naman si Jessica yon, may magmamaganda ba ng tungkol sa pagjojoke sa rape and all? seriously? Ok, guilty ako na natatawa ako sa mga jokes ni vice kasi ito ang problema natin - it's in our culture to make fun of people with physical defects. yun ang mali natin... wag nating i-zero in lang kay vice. not that I'm a fan pero katulad niya, can we just take things with a mature mind all the time??? (yes, lasing na naman ako hahaha)
- pinayagan na akong magjoin sa banda... with a press release na proxy lang hehe! hinay-hinay lang muna. anyway, umaapila pa ko na baguhin yung band name kaso mukhang decided na yung mga mokong kong kasama T_T so how??? gusto ko sana talaga yung Gray Joy eh. XD heniwey, excited na rin ako sa gig kahit feeling ko hindi pa ako handa talaga listening to our first rehearsal's recordings. sakit sa utak ng decode version namin. que horror!!!
- bothered pa rin ako sa Red Wedding. as in... hindi ako makatulog at minsan natutulala ako sa trabaho dahil naalala ko yung patayan portion. Siguro bilang nanay din, sobrang ramdam ko si catelyn stark... sana manalo siya ng award sa acting niyang yon. sobrang galing... at sobrang nakakabother talaga yung episode na yan. si robb naman kasi, inuna pa paglalandi. nadeds tuloy siya T_T although, sabi pala ng author, automatic pala na kailangang mamatay ni robb dahil ineexpect ng lahat na magtatagumpay siya sa revenge niya sa pagkamatay ng tatay niyang si ned - yung actor being a walking spoiler! hahahaha!!! at i kinda agree rin sa sinabi niya - na kailangan pag may pinatay na character sa isang show or book, kailangang maapektuhan yung audience. otherwise, isa lang siyang superficial experience. ayaw natin ng superficial experiences! hehehe! kabagot kaya yung mga show na yung audience yung mamimili ng ending. nagshow ka pa? walang paninindigan??? charzzz
- natapos ko na rin yung main decks ko for next week hence I'm declaring that I'm not working this weekend. praktis-praktis at linis muna ng bahay ang peg. darating na rin si benjie next week. excited ako although syempre may lungkot factor din dahil less lakwacha with friends... har har!

oh well towel. hanggang sa muliiiiiiii ^_^

5.27.2013

Dear antok, where are thou???

Ching!

Kanina ko pa palang gustong isulat to. Iniisip kong i-status to sa fb kaso baka maghakot ng kontrobersya. Ayaw naman natin ng unnecessary stress anez? Anyway, gusto ko lang naman sabihing, ang OA lang ng mga negative reactions ng mga pinoy sa pagsulat ni dan brown na nasa Manila ang gates of hell. Utang na loob friends, fiction lang naman ang inferno. Parang tayo lang yung lahi na ganyang mag-react. Kung sinabi ni Brown na nasa bangkok yon, for sure dedmadela lang yung mga thai. Para tayong mga engotz kung makareact. Char! Eh minsan na nga lang tayong mababanggit sa popular lit anez. Hanoverzzzz!!!

Heniwey, ngayon ko lang napansin na ang tagal na naming di nagkwentuhan ng matagal ni berto. So mega catch-up kami kanina. At happy naman ang long weekend with pamy at mikey na parang di ko nakaaway nung nakaraan lang hehe! Sana wala ng away kasi maghihiwalay naman na kami bilang housemates. At i must confess na mamimiss ko ang balerkey at extended family pamy, meg at cel pag nagkataon. Henjoy din ang pamorningan videoke session sa unofficial auditorium. Wasak na puso songs ang peg. Dabest yung may emo cartoons na 'you made my heart so happy that i vomited blood.'

BOOM!!!

Heller pressure cooker na last week of May 3013. let's get it on, sabon ;) 


5.25.2013

Times like deeezzz

Holiday kahapon pero nagwork ako. Ngayon, work pa rin. Natapos ko naman yung 2 topline reports, script set-up at nakapolish ng isa pang report. But no, meron akong kailangang gawin topline sa Lunes na kailangang ipasa sa Martes. Di ko magawa dahil wala pa yung data.At sa susunod na 2 weeks, 3 full reports yung kailangan kong ideliver plus 1 project set-up at charity work (walang bayad) para sa isang global fmcg company. Isama na rin yung pending discussion dun sa 2 dips. Di ko alam kung paano ako makakasurvive lalo na paparating na rin si sir chief ditey sa sg. How ha??? How do I, how do I, how do I liiiiiiiiive....???

TSARLOT!

Times like deeezzz... iniisip ko kung ano ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko... kasunod na niyan ang katamaran   at kawalang gana sa work. gusto ko na lang manood ng movie sa unofficial auditorium. iniisip ko pa kung anong papanoorin ko habang nagsusulat at tinatapos ang walang kwentang Immortals (bawi lang sila sa visuals at wagas na blood spills). hehehe!

On a serious note, I firmly believe na hindi talaga ito ang calling ko. biglang nagdrama??? hahaha!ACHOOOOCHOOOO :D

Anyway, yung calling ko naman eh ilang beses ko nang nasabi sa mga entries ko - kung tama ako ng pagkakaalala.

Pero actually, kung ikukumpara ko sa dami ng projects sa dami kong company, di hamak na mas marami akong hawak dati pero nakakasurvive naman ako nang maayos. Ewan ko ba ngayon kung dahil lahat kasi talaga ako - from set-up to dp to charting to reporting to... to... to... choz! O siguro napapagod na lang talaga ko dahil hello??? hindi naman na ako bumabata. Grade 1 na nga si Zyric sa pasukan. ahehe :D

Ma-relate ko lang sa calling, nakasama pala ko sa rehearsal ng isang band dito sa SG. pangalawa ko kahapon at syempre, hindi na naman ako nagpaalam kay si chief. mwahahaha! akala ko naman kasi jam-jam-an lang para makatugtog sila. but noooo :D nagulat na alng ako nag-sked sila ng gig sa June 22 at hindi naman ako makahindi. hindi ko na alam kung anong gagawin ko... kung magpapaalam ba ko at mag-aaway kami dahil hindi naman talaga ko papayagan o maghahanap na lang ako ng proxy sa kin o... hindi ko alam. amfzzz T_T' Tina-try ko palang i-upload dito or sa youtube yung aming rehearsal kaso fail nang fail eh. try ko na lang ulit some other toym.

o zsazsa padilla, inom ko na lang muna itetch at pupunta na sa audi hehe! a bientot! ^_^

5.19.2013

Post-election thoughts

Writing with the influence of absolut and bombay sapphire...  Please excuse grammatical errors

- grace poe by far (?) #1 senator: ibig sabihin, si fpj talaga ang presidente natin nung 2010 elections. Hindi ba? Seriously!!! And i wouldnt mind having her in the senate. She is definitely not a bimbo nor non-sense considering her significant contribution in mtrcb (not to mention her good educational background). Ibig sabihin, may drive si ate, which i think is more important than intelligence anez???
- nancy binay: i dont think she's bobo. And i dont buy the jokes about her color dahil mahiya naman ako sa balat ko no? Hhhmmm... Ok, natatawa rin ako minsan. Ahahahaha! Kidding aside, her election clearly says one thing - her father jejomar binay definitely has good chances in malacanang in the upcoming presidential elections. My worry is just that jejomar is likely to manipulate her decisions in the senate, similarly having forced her to run this year. Hindi ba??? I dont think gusto niyang tumakbo. Layp
- dick gordon: honestly, bentang-benta sa 'kin ang #ipasoksidick jokes dahil oo, ako na green. Pero on a serious note, malungkot ako na hindi siya makapasok sa national govt after his second attempt. Bakeeeet??? Bakeeeeet???? Sobrang gusto ko pa naman siya dahil alam ko g marami siyang possible ma maicontribute sa lipunan. Kailangang may gawin!!!
- legarda, chiz at trillanes: another bakeeeet???? Waley akong naramdan na naidulot bilang positibo sa bansa natin considering the number of years of their service. Meron ba???
- meme about miriam: ibig bang sabihin malaki tiwala natin kay miriam. I seriously wouldnt think twice voting for her if she runs for president in 2016 :)
- calling majority of the voters bobo at claim na tax payers na lang ang dapat bumoto: hello??? Una sa lahat, lahat ng kumokonsumo ng goods sa galing sa pinas ay tax payers. So anong pinagsasabi niyo? Hindi ko matake ang pagka-exclusionist ng mga tao. Sasabihin pa na bobo mga botante. Ano ba yan??? Imbes kasi na gumawa tayo ng paraan para maayos ang buhay ng marami, umiiral yung pagkamakasarili at pagmamataas natin. Base nga sa mga komento ng mga kaibigan ko sa fb, kailangan ng pagbabago sa perspektiba ng mga tao - kailangan nating lahat na makita ang mga sarili natin bilang parte ng lipunan - hindi bilang audience na naghihintay sa pagbabago nito. Kailangang magcontribute ng bawat isa at hindi naman kailangang drastic moves parati. Every little act of kindness will do. Sino pa bang magmamahal sa bayan natin kundi tayo rin? Di ba? At kailangan nating maniwala sa eleksyon. We cant jur give up dahil hindi nanalo yung binoto natin. Keep moving forward... Upward! Hindi paurong. Hindi pahila sa atin pababa. Kailangan nating maniwala that the system will work kasi ano pa??? WLangmangyayari sa tin sa pagrerrklamo habang nagcocontribute naman tayo sa korapsyon sa pamamagitan ng paglalagay sa mga tao sa gobyerno and all that jazz... Wala namang problem ang proseso ng eleksyon. Ang problema ay ang mato at paraan ng pag-iisip ng mga ito.

Anyway, lasing na ko at hindi pa tapos bado ko. Sa susunod na lang ulit.

Bow :)

5.12.2013

Happy Mother's Day :)

Another mother's day without the kiddos... Medyo malungkot na hindi ko sila kasama. Buhay ofw nga naman... Pero salamat sa teknolohiya at budget airlines, madalas ko naman silang nakakausap at nakikita (relatively).

Anyway, mag-7 years na pala kong 'nanay' :D honestly, 10 years ago, wala sa hinagap ko na magkakaroon ako ng sariling pamilya at of course may konting regret na sana na-enjoy pa ang single-hood. Pero pag nakikita ko naman yung mga junakis ko, alam ako naman na lahat ng pagod, puyat, luha at kung anu-ano pa ay all worth it :)

Bow.

Priceless

Maipagpag ko lang, marami talagang bagay na hindi nabibili ng pera - love, family, true friends, respect, commitment, fun, positive energy, sanity at kung anu-ano pa.

*release nega vibes*

5.08.2013

May!

As useless, matagal na namang natengga ang aking blog. Special thanks to candy crush, the voice season 4, bloodline at syempre walang kamatayang work, busy-busyhan ang peg ko lately. Hhhmmm aaminin ko na katamaran portion don ahaha!

Listahan ng chobas:
- eleksyon na! Boboto ko sa saberdey at nakahanda na ang aking kodigo. Medyo nagdadalawang isip pa ko sa party list at ibang candidates. Heniwey kinabahan din ako kasi wala yung name ko sa list n absentee voters. Buti na lang at kinonfirm naman agad ng embassy na registered ako. At mabilis ang reply ha! I'm chorprised! Charotz!!! And C for teddy C!
- speaking of teddy, wala akong doubt na mananalo siya ngayong eleksyon at for sure marami siyang magagawa sa senado di tulad ng mga trapo. Although... Naisip ko lang, what if magig presidente siya anez. Unang presidenteng makakaliwa... Ano kayang mangyayari sa pinas??? Hhhmmm
- sana hindi manalo sila binay at bam aquino... Please lang!!!
- graduate na si benjie yahoooo! Naghihintay na lang siya ng cisco ek ek at passport renewal. Sana mafinalize na pagpunta niya dito sa june. Sakto for our. 9th anniv as magjowa. Akalain niyo yon? ^_^
- nagresign ang aking lola na laging kawork. Although nakakaasar siya minsan, nakakalungkot din kasi magkasundo naman kami. Oh well, layp.
- 29 na pala ko! Acheche! Di na ko nakapagblog about cel'n and all that jazz!

Marami pa sana kong ilalagay pero tinawagan na ko ni zyric. Hanggang sa muli!!! ^_^

4.18.2013

Intellectualize natin lahat anez?

Honestly, naloloka ako sa pag-intellectualize at panghuhusga ng mga tao sa hiwalayang Janine at Jaypee. Seriously?!? Ang dami niyong time sa ganiyan anez? Pero alam niyo na ba kung sinu-sinong mga iboboto niyo?

*Yes, ako na galet! hahaha*

Kung makapanghusga naman tayo wagas. Malay naman natin kung pinalaki lang yung The Script issue. Di na kayo nasanay sa media! (obviously, hindi! sagutin-ang-sariling-tanong-mode)

*****

Anyway, ang dami kong nakatenggang topics sa pagsulat na nasa utak ko lang. Medyo busy ngayon sa work... so how ha? abangan na lang! :D


3.22.2013

Anyare?

Parang wala ako sa 'working self' ko this week at parang wala akong na-accomplish ng matino. Anyare??? Di ko alam kung dahil may . lang ako ngayon o wala lang talaga na kong gana mag-mr. Whatever! Basta pinayagan naman akog magwork-from-ph office next next week. That's worth celebrating tonight! woooooohooooo! mwahahahaha!

***

As usual, natengga na naman blog kong ito bunga ng katamaran, primarily. Marami-rami akong gustong isulat. Bukas siguro pag sinipag.

Ayos?

Ayoooos!!!! ;)



3.11.2013

BSB Forever!

Dahil bentang-benta sa 'kin ang post na itey, kailangan ko siyang irepost sa blog kong ito. ahihihihi :D

2.24.2013

Japanese night :)

Natyempuhan namin ni juni kahapon yung cosplay kahapon sa The Cathay (promo yata sa One Piece movie) tapos kanina naman song and dance Act dahil meron namang tourism promo ang Okinawa. Para kong bata na nanonood ng anime. I'm so happy with my Japanese weekend!!! ^_^Y sana lang ay makapunta ko sa Japan soon! Libre namang mangarap anez :)



2.14.2013

Happy Heart's Day 2013 Quotes :-)



Quotes para sa maliligayang puso, attached man o hindi :-)

***********************

If she's amazing, she won't be easy. If she's easy, she won't be amazing. If she's worth it, you wont give up. If you give up, you're not worthy. ... Truth is, everybody is going to hurt you; you just gotta find the ones worth suffering for.”
- Bob Marley

***********************

Sen. Miriam Santiago's Insights re Feb 14


Insight # 1: Alam niyo ba ang iba pang tawag sa Valentine's day? Para sa malungkot na single, ang tawag dito ay Single's Awareness Day. Para sa mga masaya na single, ang tawag dito ay Single's Independence Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Thursday.


Insight # 2: Did you know that an earthworm has five hearts, whereas an octopus has two hearts? Kaya kung may kilala ka na nagmamahal ng higit sa dalawa, tanungin mo kung anong klaseng hayop sila.


Insight # 3: Kapag ikaw ay nagmamahal pero sasaktan mo rin lang naman, hamunin mo na lang ng suntukan.


Insight # 4: Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang matalinong estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya tumitingin sa iba kahit nahihirapan na.


Insight # 5: Para sa mga single, umuwi nang maaga mula sa school o sa trabaho para isipin nila may date ka.

***********************

"Ang Valentine's Day ay para sa mga taong ipinaglalaban ang kanilang relasyon, naninindigan laban sa tukso, at tumutupad sa kanilang mga pangako ng pagmamahal--may karelasyon man o wala.

Kaya para sa mga taong kayang isabuhay araw-araw ang totoong komitment ng pagmamahal, isabuhay ang pagiging tapat, pag-ibig na walang iwanan, at relasyong ipinaglalaban."
- July Bernardo

2.08.2013

I have 30 minutes

To write something. Ahihi :D

7pm pa naman yung dinner so chorva muna aketch.

Syempre hindi ko na nagawa ang 2012 re-cap dahil nakalimutan ko na yung mga gusto kong isulat. ang dami ko actually gustong isulat kaso either walang time or walang inspirasyon dala ng kapaguran. Overall naman, siya ang umaatikabong taon. Lumipat ako ng company with halong drama hahaha! Nag-isang taon na si Shen-Shen; 6 naman si Zyric. Nag-100 months na rin kami ni benjie together (at least in spirit char!). At ano pa ba? napanood ko na si Jason Mraz at Rurouni Kenshin Live Movie. Natapos ko na rin ang Legend of Korra at Rurouni Kenshin Series. Nag-adik din sa Hunger Games, Homeland at Tales From the Friend Zone. Hhhhmmm... Ano pa ba? Ok naman sa Ipsos pero parang feeling ko di ko namamaximize yung opportunities ko kaya iniisip kong lumipat. Although, sa totoo lang, ayoko na talaga rin ng market research. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ano. Ayokong lumipas ang araw ko na gumagawa ng charts o nagsusulat tungkol sa brands all my life. Anyway, yung ka-eklatang kong yan ay sa ibang post ko na lang isusunod. Masyadong hahaba itetch. I think yun yung mga nangyari sa kin. Although sa 2012 din, maraming heartbreaks at mga away sa mga kaibigan. Hahaha! Nakakalerkey lang pero syempre alalay mode muna ko sa mga friendship bilang yun yata ang role ko talaga dito sa Singapore. That makes me fulfilled and happy din naman kahit nakaka-stress at times... CHARRR ^_^

This year naman, napagdesisyunan ko nang magpabangs. Natapos ko na rin ang Huck Finn book SA WAKAS!!! haha! Ang kulet ni Tom Sawyer. Para silang Patrick Star at Spongebob actually. Si Huck si Spongebob tapos si Patrick si Tom bilang panggulo lang siya parati. Pero sa totoo, malalim ang mga constructs na nahapyawan sa book - issue ng slavery, revenge, deception, at kung anu-ano pa. Nabasa ko na rin ang book ni Master Ramon Baustista na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo: At iba pang technique para maka-move on sa wasak na puso. Parang loko-loko lang din pagkakasulat pero marami rin siyang sinabi tungkol sa life in general, di lang tungkol sa relasyon. Dahil sa kawalan ng oras, di ako makahanap ng saktong quote na gustong i-share bukod sa "there's more to life than love" :-) At syempre, ang latest kong kinalokohan courtesy of Juni ay ang Silver Linings Playbook (book) ni Matthew Quick. Isa siyang mature na atake tungkol sa relasyon, self-acceptance, friendship, pagmamahal sa pamilya, theraphy at syempre walang kamatayang pagmamahal in general. Gusto ko ngang maging psychiatrist after mabasa ang libro. Feeling ko ay bagay lang ang personalidad, mental capacity, patience levels at mission-sa-life ko sa propesyon na yan. Bakit ba kasi hindi ko naisipan yan 15 years ago??? Oh well, towel. Moving on, dahil sa libro na yan, naging paborito ko na ang Total Eclipse of the Heart. As in paulit-ulit ko lang siya pinapatugtog samantalang dati eh ayaw ko siyang naririnig sa videoke o kung saan man. Saktong-sakto pala kasi siya para sa wasak na puso at ramdam ko yung paghihirap ng main characters (Pat at Tiffany) sa contempo na dance nila na inimagine kong ganito sana sa movie:

So You Think You Can Dance Total Eclipse of the Heart Routine

But no, hindi yan nagawa sa movie kaya na-disappoint ako :-( Pero overall, oks lang yung movie. Di naman pangit. Masyado lang naging mataas ang expectation ko na papantay siya sa 500 Days of Summer pero bigo! Well, ganun yata talaga. Hindi dapat kinukumpara ang libro at movie kasi cannot be namang magawa lahat ng elements ng libro sa movie. Kaya actually, ayoko sanang mabasa yung libro bago manood. Pero wala na. Nabasa ko na siya hahaha! Anyway, I strongly recommend Silver Linings Playbook lalo na sa married couples :-)

O zsazsa padilla! Kailangan ko nang maghanda papunta sa dinnerva bonnevie for Vicki.

Special thanks at live ang Jam 88.3 ngayon sa USTREAM. Nakapag-slide din ako after a month :-)

Ciao! ^_^

1.30.2013

kailangang beki

ahehe!

nakakalerkey lang ang mga utaw sa bansang itey. wagas ang pambebengbang sa gob na andami naming mga furinams masyado at warlalu silang sinabi ng bolang kristal na magiging 50-50 ng mga nilalang ditey ay dugong furinams pero ayaw naman nila ng mababang uri na workaloo at wiz din nila bet mag-junakis kung tanggalin ang mga echoz na furinams ditey, pano na kayo? wititit niyo ba nashembot na ang mga nanditey na kompanya eh gumo-globalness? kung makapagmaganda naman kasi wagas eh! kala mo naman kaya nilang mga buto nila ng sila-sila lang.

anyway, waley naman akong hinanakit sa mga taga-ditey. imbernacles lang kasi yung iba kung makapagreklamo.

simple lang naman ang kailangan niyong gawin: mag-chor kasi kayo at nang makarami ng junakis anez? kung marami na kayo, eh di hindi niyo na kailangan ng dagdag utawski. yun lang naman yown. jusmayonnaise!

tsarlot! XD

1.29.2013

Chillin' on a Monday night

Light lang ang peg natin tonight for more positive outlook in loyf.

Tsarloooooooot! \m/