2.09.2014

Bye 2013; Heller 2014!

Aloha milkyway!!!

Tagal ko na naman di nakapost ng chever. Busy-busyhan at usual. At lahat nung gusto kong isulat ay nakalimutan ko na.

*bravo*

heniweys, bilang tradisyon, ito na lang ang recap ng 2013 at mga bagong echos sa 2014.

2013, grabe lang yung mga pagbabagong naganap sa taong ito. I think sa lahat in general - ie, nagpalit ng pope, super laking pork scandal sa pinas, etc. Sa akin, personally, na-overwhelm din ako sa daming ups and downs sa mga nangyari sa pamilya, friends at karir.Ito yung list, sa pagkakaalala ko :D

- January: nagpunta ako sa wedding nila Grace and Jed. Nakita ko muli yung dati kong churchmates. Hindi na ko masyadong nakachika pero masaya akong nakita ko sila, si Anmarie particularly, after a decade :)
Photo: Heller heller! :-)
- February: First time sumali ni Zyric sa Math Quizbee and almost got a place. Sobrang proud nanay moment syempre, hindi man siya nanalo eh natutuwa ako na natural sa kaniya mag-seek ng excellence sa schoool kahit hindi namin pinupush ni Benjie :) Had a chance to see Japanese echos sa Orchard din

Photo
- March: 29th Birthday! ahehe! celebrated it with family and friends sa pinas pero syempot had some echos din sa SG :) Jollibee opened its first store in SG din! Hooray for chickenjoy! Sana lang ay magkaroon na sila ng palabok at peach mango pie soooooon! :D



- April: Graduation ni Benjie!!! Yeeeeey! Grabe sobrang tagal naming hinintay 'to. Finally!!! *tearsofjoy* Nagpunta kami sa Laiya for celebration. Gondo mag-snorkelling ^_^ Nag-1 year din pala ko sa Ipsos this month acheche!


- May: 2013 Senatorial Elections. Campaigned for Teddy C pero hindi siya nanalo. Kahit si Gordon, hindi pa rin makapasok! Ipasok si Dick!!! :D Nga pala, this month, namatay si Eddie Romero. Na-meet ko siya once sa episode ng Real Stories re National Artists, ito yung paborito kong episode. Kaka-starstruck!

- June: Dumating na si Benjie sa SG yooohoooo!!! Nagkaroon ng haze though at after non ay kumanta ako sa aking first ever gig at band (Jennifours). Check ang bucket list! :) Work related, end month ni Anita sa Ipsos at si Ate Char na ang boss ko! Char!


- July: Naghiwalay na ang balerkey. Iba-iba na rin kasi kami ng lugar ng trabaho di tulad ng dati na nasa 50 Scotts lang kami lahat. Si Juni lumipat na sa Toluna, si Michael sa isang pharma, si Pamy naman, ang aming honorary housemate ay nasa Raffles Place na banda, Incite. Si Berto na lang ang natitira sa WPP hehe! Ako naman, syempre kasama ko na si Benjie. yung napili naming lugar ay sa Bukit panjang-jang-jang with ex-churchmates. Tapos nagpunta rin pala kami sa month na ito kila Tere. Ok naman si Drich at Benjie. Uminom kami doon syempre at voila! buntis si tere for the second time! ahihihihi :D


- August: Watched E-heads for the first time!!! \m/ Nagkawork na rin si Benjie tapos Zyric turned 7 years old! Wohoho! Bday din pala ni Mommy 'to.



- September: Last month ni Carine sa Ipsos. Ahuhu! Pumalit si Pinaki. Nagkasakit naman si Bayang this time though. 1 month siyang naconfine sa hospital. May bumara daw sa utak. Buti naman at nadaan sa gamot. ahahay! Happy kami na magaling na siya pero ang downside nito ay kami ang nagbabayad ng bills hanggang mid-this year pa. har har har! pero ayun, ganun talaga. Sabi nga ni Donald Margolis sa Breaking Bad (patungkol sa pamilya), "You can't give up on them. Never." Drama... on another note, nameet din namin sila Kuya Noy (na imeemeet ko mamaya hahaha), Pastor June, Van, at sila Ate Liz ulit. May planong mag-organize ng something pero walang natuloy ahehehe! Ayos! Heniwey, another impt chenes, 2nd and last gig naman ng J4. bow.

- October: 27th Bday ni Benjie. Happy celebration naman with couple friends Tere and Drich, Ipsos, Balerkey, TNS, ang Timothy. Ang dami ring nagcelebrate ng buwang ito at ginawa namin ang Umbrella dance kila Teena wahahaha! Napunta rin pala kami sa Hello Kitty Land with Tere and family :) Kulit ni Faye! ahehehehe! at panghuli sa buwan na ito, 2nd bday ni Shen-Shen. Di kami nakauwi though dahil nga sa dami ng gastos pero binigyan na lang namin siya ng piano hehehe!



- November: Nagkasakuna sa Pinas dahil kay Yolanda. Naging busy kami sa fund-raising sa office. First time na nag-kaisa ang mga pinoy sa office for one purpose. Ang galing! This time though, i think na-iistress ako ng todo sa bagong director ng grupo kay nakikipag-usap na ako sa Toluna. I resigned this month din.



- December: Stress drilon sa GSK presentations, nagtrabaho pa ko hanggang Dec 24 anez! Pumanaw yung natitirang kapatid ni Daddy na si Tito Benny. Hindi man kami ganoon ka-close eh malungkot pa rin. Wala na kasing natitirang buhay na kapatid si Daddy. layp. Anyway, nashock din kami sa buwang ito dahil nalaman naming 8-month buntis si Karen tapos after a week na nalaman namin ay nanganak na siya! nyahahahaha! nakauwi naman kami sa pinas para magpasko. actually, lumipad kami nung pasko mismo hehehe! miss ko na ang mga bata har har har



Maiba lang, notable chenes for this year para sa 'kin:
Fave artists this year: Daft Punk, Arctic Monkeys, Alt J, Up Dharma Down, Imago
Books read: The Adventures of Huckelberry Finn, The Westing Games, Silver Linings Playbook, Bloodline
Fave Movies: Trance, Warm Bodies, Cloud Atlas, Lincoln, Hunger Games Catching Fire, Before Midnight, Frozen, World War Z, Monsters Inc, Cloudy with a Chance of Meatballs Part 2, Despicable Me Part 2, The Conjuring, Way Way Back, etc
TV Series: GOT Red Wedding, Breaking Bad (susulat ako ng entry dito dapaaaat!!! :D)

oh 2014 naman! ngayong bagong taon, ang tema ko ay Go For Gold, hindi lang sa karir or financial chenes, kundi sa lahat ng dimensyon ng buhay - spiritual, physical, mental, emotional and all that jazz. Panahon na rin siguro para pagbigyan at mahalin ko naman ang aking self (char). Hopefully, with this new journey sa Toluna, support from family and friends ay maisakatuparan ko ang mga kaechosan ko sa layp.


Actually, nandito ko sa HK at namamasyal, nagmumuni-muni rin habang nagtraitraining. Hopefully, maganda naman ang 2014 for everyone :)

sobrang dami ko pang ibang pictures sa Fb ahaha!

heniwey, masabi ko lang, not that I'm gonna "break bad" like Walter White, but I just feel that... it's my time.

Let's DOH it! ^_^Y

11.26.2013

random thoughts post-yolanda

ang seryoso ng title ng entry na ito ano? antok na kasi ako. gusto ko lang isulat kung anuman ang maisip ko para di na naman matengga

noh?

noh?

noh?

So ito yung mga pache-pache ko lang naiisip tungkol sa mga nangyari sa pinas noong dumaan ang stronger typhoon to land, ever gotesco:
  • *update*: Ito yung unang-unang point na nakalimutan kong isulat wahahaha! anyway, gusto ko lang sabihin na pruweba ang yolanda na seryosong problema na ang climate change. Idagdag pa ngayong taon ang sobrang babang temperatura sa canada at america, pati na rin paglamig sa South East Asia. Anyareeeeeee??? sana lang eh may mabago pa para maibsan ang kondisyon nating ito. har har har
  • Hindi mo mababayaran ang bagyo para maisalba ang buhay mo. Sa panohon ng natural na kalamidad, walang silbi ang pera. Kahit ilang bilyon pa yan, kung binaha ka, hinangin, o natrap kung saanman, lahat yon pati buhay mo ay mawawala lang ng bula sa oras na tamaan ka ng kalamidad. Lesson: Wag igugugol ang buhay sa pagpaparami ng pera. Pagyamanin ang sarili sa ibang mga aspeto - mental, sosyal, at ispiritwal na matatangay mo hanggang sa huli. Choz.
  • May tendency ang mga pinoy na isipin na ang universe (yes, hindi man lang solar system) ay umiikot sa atin ano? Yung pinoy pride kasi natin nagkalat kung saan, kahit sa mga hindi tamang lugar. Naalala ko tuloy yung isang friend ko sa FB: "Really now, slapping the logo of a news organization on a comment left by some rando. And devastation and death is a privilege. Ooookay. Sometimes it's really apparent that the proud to be Pinoy crowd is collectively missing a chromosome." wahaha! Well, di ko naman sinasabing maling maging proud, in fact, coping mechanism natin talaga yan eh - lalo na kapag ofw ka at inaapi ang lahi mo sa bansang pinagtratrabahuhan mo. Ang akin lang siguro, ilagay natin sa tamang lugar dahil hindi naman mabubuhay ang mga namatay na dahil kay Yolanda sa pamamagitan ng pagmamayabang. at wag nating kalimutang hindi lang mga pinoy ang tao sa universe ano?
  • Sobrang dami ng balita, hindi mo na alam kung ano ang totoo. Yung mainstream media, grabe makasensationalize, of course dahil sa ratings. Wala ng pakundangan kung magpost man ng mga videos or photos ng mga patay which is just really not ethical. Marami pa sa mga media practioners eh kilala mong taga-UP. Mga hindi ba kayo nagsipag-comm190 ha? *galet* Tapos yung mga tao naman sa social media, share ng share ng kung anu-ano nang hindi man lang vineverify ang source. React agad ng negative. mura dito, mura doon. grabe ngayon lang ako nakatanggap ng sobrang negative energy sa aking fb newsfeed dahil sa lahat ng galit na post. Well, oo nakakadisappoint naman talaga ang gobyerno, pero bago magmura o magpost ng anuman, isipin muna kung makabuluhan o may maitutulong. Nagcre-create lang tayo ng unnecessary stress sa mga buhay natin. para tayong mga sira lahat. 
  • Heniwey, sana naman eh magkaroon na ng sistema sa pre and post disaster operations na i-cascade nationally ano? Di pa ba tayo nagsasawa na react lang tayo ng react sa kalamidad. Parang kulang talaga sa preparasyon eh. Sana diyan na lang igugugol ang pork money.
  • At syempre feeling expert ako ano? yan din yung napansin ko sa social media lately. Biglang lahat ng mga pinoy experts. libo-libong kung anu-anong opinyon yung nababasa ko - kesyo dapat ganito, dapat ganyan, blah blah blah. Aba, kung lahat pala tayo expert eh bakit ang hirap pa rin ng bansa natin ano? eh puro kasi tayo expert sa kuda. Pag aksyunan portion na eh turuan na at kung anu-anong sh*t na pag-eexcuse na. Anyare? Eh di wala. 3rd world country pa rin tayo at nagbabadya na magkaroon ng another Marcos na presidente.
  • A F R A I D Y   A G U I L A R
  • Light naman tayo. So nagkaroon kami ng Bayanihan donation drive sa office at nakakatuwa yung response ng mga tao. yung ramdam mo na taos sa puso talaga nila yung pagbibigay at hindi lang napilitan. Yung mga kinakainisan kong tao, nakatrabaho ko man o hindi, eh nagsipagbigay lahat. parang sila pa nga yung pinaka-generous. pordat nagpapakabait na ko sa kanila wahaha! masama talagang maging judgmental kasi. yan din yung kailnagan kong ayusin na attitude. Heniwey, ngayon lang nagkaroon ng collective action talaga ang mga pinoy sa office din kaya nakakatuwa. lahat ng tao nagbigay ng mga ideya at kontribusyon sa ilang araw na preparasyon. buti hindi na-dedmadela ang aking email para sa initiative na ito at nakiisa ang lahat. So masasabi kong successful ang event na ito hindi lang dahil marami kaming nalikom na pera kundi sa mas mataas na antas pa - commaraderie, positive spirit, compassion, etc. Naway marami kaming matulungan sa Samar at Palawan. Speaking of donations, kailangan ko pa palang ayusin yung ilang bagay mamaya. wahaha! Karir na ito! 
  • Tungkol sa event, kakatuwa rin kasi 2 yung nagsabi sa akin na pwede akong maging presidente ng pilipinas na talagang pangarap ko 2 decades ago. WHATIFFF??? 
  • ISANG MALAKING TSARLOT NA ITO KAYA MATUTULOG NA KO! 
Mwahahahahahahaha!

Good morning :)

Walang kamatayang pork

*Late upload*

Matagal na pala kong di nakapagsulat ng may kinalaman sa pulitika (define matagal? Not in the past 3 months? :D) so here yah go... My thoughts on pork barrel:

Lahat naman (ng mga hindi pulitiko o at least hindi kaanak ng pulitiko) ay pabor para sa pag-scrap ng pork. Wala ng karagdagang argumento pang kailangan para ijustify ang pagtanggal dito. Tignan niyo na lang pictures ng lifestyle ng mga napoles or your local politicians for that matter para sa instant na pagtaas ng inyong blood pressure di ba? Kamusta yon? Pure evil lang talaga. 

Bow.

Pero ang tanong ko diyan, bukod sa panawagan na yan, may kongkreto na ba tayong plano kung saan mapupunta yung nakalaang budget sa pork? Mantakin ninyo ang daming pera non!!! So how? Don't think the president has addressed this already. Well sabi niya tatanggalin na raw at nakulong na si "MA'AM" (ma'am daw eh! Wow!) Janet. Pero anyare na? He could have addressed this issue in detail during his press release 2 weeks ago but no... Nag-self defense lang siya. At syempre ang ginamit na pera sa pagbayad ng pinang-ere ng self-defense speech? Pera ng taong bayan! Tenen!!! Heniwey, di naman ako anti-Aquino. Nakakaasar lang dahil puro siya self-defense these days.

*recent chenes*

So naideklara na pala ng Supreme Court na illegal ang pork barrel... AFTER SO MANY YEARS??? BAKEEET? Divams? Kung hindi pa dahil dyan sa issue ni Napoles eh di go lang ng go mga tongresman at senador sa pangungurakot ano? So sa susunod na eleksyon, sana di na tumakbo yung mga gusto lang gawing negosyo ang supposedly na paglilingkod sa bayan.

Speaking of Napoles, sana naman eh hindi mapunta sa wala yung kaso niya at managot ang dapat managot. Wag nating kalimutan katulad ng kaso ng mga Ampatuan. Di natin pwedeng sagutin yan ng "Di ko po maalala", "di ko po alam", "wala po akong alam". Anyare? Bawal ang pork, ang beans, ang... ano nga ba?

wahaha! (nakuha pang tumawa)

Anyway, yun lang. Sana may direksyong tunay na matuwid ang patunguhan ng lahat ng mga pangyayaring ito ano?

bow. 

11.04.2013

Don't Die Wondering

Napag-isipan namin ni benjie manood ng Way Way Back kagabi habang nagplaplantsa para sa "light lang" na peg. Steve Carell naman daw kasi siya at maganda naman ang reviews so akala naman namin, well, akala KO hehe na light lang siya. But no... Heavygat yung tema niya - broken families, infedelity, bullying, drugs, spoiled brats and the likes. Anyare?

Di ko rin alam wahaha! Pero in fernezz, maganda naman talaga siya at feel good ang ending. In fact, tumatak talaga sa kin yung isa sa linya ng movie (refer to this post's title). Sapat na sapat lang para sa paghahanap ng mga katanungang matagal nang hindi nasagot. Baka nga ba ngayon ko lang napag-isipang harapin? Dont know leh!

Heniwey, kung di niyo bet ng mabigat ng topic at nalulungkot kayo, wag panoorin ang movie haha! Para siyang Little Ms Sunshine na slightly less disturbing.  Maghakot muna ng maraming positive energy bago ipress ang play button ;)


cheesy people of the world, unite!

you have nothing to lose but your... heart? tsarlot!

ano nga ba? ahaha! wala nomon.

ang keso lang ng artikulong ito - 12 Things I Need From You.

Betty Mae Mucho! Wooooot :)

10.21.2013

3 Month Rule*

So J4 will push through with the Oct 26 gig kaya pala may banner. but no, hindi ako kasama! ahehe! Anyway, nagdecide na sila uncle na magpa-audition ng kapalit kong bokalista tonight. Magjudge daw ako.

Ngi!!!

yung feeling na nakipagbreak ka sa jowa (not pertaining to uncle but the whole band ha!) mo tapos yung jowa mo naghahanap ng kapalit at hinihingi ang approval mo?

Yan ang pakiramdam ko ngayon. 

awts.

it hurts! it hurts you know!

Well, as if naman nakipagbreak na ko before! hahaha!

anyway, nakakatawa pero may kurot. And I honestly feel heart-broken and just want to cry right now.

Yeeeessss! ang drama! hahaha!

tsarlotera lang ^_^Y

oh well, ganun talaga ang layp. sabi nga sa Gravity, kailangang matutong mag-let-go sa mga tao at mga bagay-bagay in general.

So eto... kailangang maging last post ko na 'to about J4 (heller 75% yata ng posts ko ngayong taon eh about J4 lang hahaha) at kailangan nang magmove-on. Sabi nga ni pareng bob ong (yeah, close kami... in my dreams!!!):

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

Let's keep moving forward ;)

bow.


*3-month-rule: bawal magjowa muli hanggang wala pang 3 months kayong naghiwalay ng former jowa ayon sa legendary movie One More Chance. So last month lang yung huling gig namin at feeling Popoy ako ngayon hahaha! =))

10.07.2013

Disturbia

Uncle's subtle pangongosensiya is haunting me.

Yes.

Plus... Struggling with these pain killer reports to be submitted to dementor boss. Mara na naman for sure ang peg ko nito. Ang diary tiyo kards!!! Alam mo yung mga taong pag ayaw ka nila eh kahit anong gawin mong maganda eh waley pa rin? But no... I dont want to play your games man. Gusto ko na lang lumipat kung saan man matapos lang itong mga pain killers na ito. 2 weeks paaaa!

Bakit ko nga ba kasi inuna pagkanta? Bakit nga ulit?

sa kabilang dako pa roon, di ko magets ang ka-oc-han ni teh. Di ko talaga gets.

At nakakapagod at nakakatamad ang mahabang byahe. Yep, im contradicting my previous post.

At meron pang kung anu-anong sh*t na mind games which my brain cant stop thinking about. 

Anak ng pitumpu't pitong puting pating nga naman!

Darn i feel so restless despite 14 hours of sleep yesterday!

Anyare?

Bakit ang buhay ay puno ng kompromiso na kahit anong pilit mo para magawa ang mga bagay para sa mga tao, kung hindi man sa sarili mo, mayroon ka pa rin parating madidisappoint? Lagi ka pa ring may palpak.

Bakit ba kasi rin ako ganito? Bakit ko ba kasi iniisip lahat yon?

Ewan. 

Ayoko nang mag-isip lekat.

Gusto ko na lang maghibernate in 2 weeks para paggising ko, tapos na reports, may bago na kong team, at nakalimutan ko na yung mga dapat kalimutan.

Sedate me, please.


10.05.2013

Cornerstone

So... tinatamad akong magwork kaya ieechoz ko na lang ditey na Arctic Monkeys ang aking latest obsession ngayon. Winner combination ng groovy rhythm, tamang bigat ng bass at drums, at swabeng-swabeng boses ni Alex Turner. Boomz!

So far, ito yung mga paborito ko - Cornerstone (pang lungkut-lungkutan portion at panalong muntanga music video), Fake Tales of San Francisco, Mardy Bum at syempre Fluorescent Adolescent.

At pwede ko rin bang sabihing hangkyut-kyut lang ni Alex???

*Ahihi*

<3 p="">



Once upon a time in Singapore...

I "had" a band called Jennifours (yes, natanggap ko na lang yun ang name niya after 3 times na pag-aapila at rejection hahaha). "Had" kasi sinusubukan pang kumbinsihin si sir chief. sana pumayag kahit once a month :-s ahuhuhuhuhuhu

Heniwey, sobrang saya nung Rakrakan 4 Relief V4 gig namin. Super mas okay kumpara nung 1st gig bilang hume-haze at basta, may stress factor lang talaga siya. Pero this time, happy lang ^_^Y. Nakapag-bioman theme kami pwera kay Azza (patawarin na - hindi pinoy haha), sobrang ok yung crowd, kumpleto friends at mga ex-bossings tapos wala naman din akong major sabit pwera lang sa pag-murder ko ng lyrics ng can't stop (so sorry lah). buti na lang din at na-late si onin kaya hindi kami yung nag-opening. dumami pa yung mga tao. Sa sobrang saya niya, 2 songs lang tuloy narecord ahaha! Pero ito yung complete set para marekord lang :D

  • Take Me Out
  • I Think I'm Paranoid
  • Lovefool: Nakakatawa pala ko kapag nagpeperform hahaha!
  • Sway
  • Can't Stop
  • Jaded: Sorry sintunado yung dulo ahehehehe

At sobrang saya rin niya talaga, sobrang hirap din talagang magpaalam at tigilan. Haaayyy... So how???

ambot talaga kaya ito na lang mga pictures for more MMK portion:

 Red 1 Martial Law Diche @ Rhythm Guitar + promotor / uncle ng banda, Yellow 4 Adik Analyn Curay @ Bass Guitar + Fink 5 Jenpot @ Vocals at Kajejehan, Black Ranger Prince Azza @ Drums + Yellow-Green 2 & "Matinee" Idol Onin Hiceta @ Lead Guitar



PS: Kamusta naman yung 90 na student number ni Law? Grade 1 palang ako 1st year college na siya! Tandaaa! hahaha!

O siya, makapagtrabaho na nga. ang dami kong bwelo ahihi

9.25.2013

Please

Dear nega vibes,

Please naman, layuan mo na ako. Ang aga-aga eh. Nakakadrain. Hanovers.


Thanks,
Jen

9.19.2013

OST

Listening to Arctic Monkeys' "Mad Sounds" on my way to the office makes me feel like i'm in a movie  , traveling scene in the countryside or wherever.

Ahihi <3

#feelgood

9.13.2013

Skyfall


Pwedeng nakakainis ka lang sa 3 dimensyon, Paolo? Gggrrr...

Anyway, gusto ko lang sabihin na sana manalo ka sa The Voice of the Philippines. Cheers! :)

Happy Friday!


#blockednomore
#bakitakohumahashtagsablogger

9.11.2013

LightHouse Family

Pampa-good vibes.

*cue background music*

Got this card last month from a good friend. Katuwa lang kasi ngayon lang yata ako nakakuha ng card na na pinadaan sa post hindi galing sa FW supplier. Uso pa pala. Ahehe!

Merci Mon Ami! :)




pahinging pasencia biscuits

seriously, i'm getting tired of all the hashtagseseses. gusto ko na lang matapos na itong echos na ito soon.

*pagoda jones*

9.09.2013

Ode to J4 atb pang Naunsyameng Bagay-Bagay

Kanta para sa naunsyameng banda - Almost Lover bilang ang bigat pero magaan at the same time ang pakikipaghiwalay dito. Parang jowa lang. CHAR! well, naalala ko lang din ang song na ito at gusto ko siyang kantahin ahihi!

Anyway, may naudlot pala kong post nung ako ay masaya last month. bakit nga ba di ko napost? kabusyhan hahaha!

Ang title niya dapat ay The Emancipation of Me-Me

Happy mood noon dahil sa mga sumusunod:
- may work na si Benjie *hooray*
- Long weekend: Selamat Hari Raya at Singapore National Day
- lipat bahay sa bukit panjang with happy housemates, kwarto at atmosphere in general kaya keri lang kahit what a journey everyday. katuwa kasi di na masyadong kailangang mag-adjust kasama yung mga bago naming housemates na members ngayon ng dati kong church which will bring me to my 2nd naunsyameng post mamaya
- Napanood ko na rin ang Eheads! yahoooo! Ako lang yata yung self-confessed fan na ngayon lang sila napanood. anyare? Pero related pala yung pagbibigay sa akin ni benjie para mapanood sila Ely sa aking susunod na point.
- Nakapagdecide na rin ako sa wakas (well, for my sanity's sake) na iwan na muna na J4 bilang white flag na ko sa warlahan portions. May last gig na lang kami sa 28, rakrakan for Relief para sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo. at least may maicontribute naman ako sa lipunan kahit sa huling sandali ng pagbabanda. CHAAAR! kailangan ko ng kabisaduhin ang songs at karirin talaga. Todo na 'to!!!

Speaking of warlahan pala, paano ba matatapos ang warlahan sa Syria, Middle East at Mindanao? Ang dapat kasing i-address ay ang ugat nito. Hindi ito matatapos sa pamamagitan ng mga baril, granada at bomba. pero sa ngayon, dasal na lang muna ang magagawa ko para sa mga biktima ng digmaan.

Mapunta tayo sa dasal at another naunsyameng post - Confessions of a Confused Soul

So ganito yan, di ko alam kung anong meron sa taong ito pero lahat ng passion ko sa buhay noong unang panahon ay umaatikabong nagbabalik sa layp ko ngayon.

Una, pagbabanda. Naalala ko pala, kumanta na rin ako sa dating church kasama si Lolo Jesse. Nakalimutan ko kung anong name ng banda namin basta kasama namin si Lyn ahaha! Well, supposedly love songs ang kakantahin pero nagmaganda kaming tinugtog at kinanta at Spolarium. Bakit nga ba? Di ko na rin maalala. So nung January yata or Feb, si Macky nagpost na naghahanap ng drummer nga ba o vocalist so nagmaganda ako (na naman) kung pwede kakong mag-audition. All-girls daw na banda. Ka-excite. Tapos yung bahista namin, tinanong kung pwede akong mahiram nung isa niyang banda sa jamming session - kahit pa di niya ko narinig kumanta ever. So ayun, nagpunta ko doon at naki-echos sa kanila. Di ko akalaing ok ako sa kanila eh. dami naming pag-uulit kasi original songs. Well, kahit yung mga cover songs, di naman din talaga ako ok kasi di naman talaga ko nagpraktis. ahehe! Tapos 1 or 2 months after, nagtext si bahista. ask niya kung gusto ko pa ring magbanda. So sagot ko - proxy lang ba o jam? sige, game ako. Tapos, di na siya nagreply. Tapos after a month yata ulit, nagtext siya. Jam daw kami nila koyah (akala ko same band na pinroxyhan ko). Suggest daw akong songs. Pagdating ko, iba pala yung drummer tapos wala pala kaming lead guitarist pa. Eh di kere lang. jam lang. enjoy naman :) sayang nga nadelete ko yung videos toinks! tapos biglang, nagset na sila ng gig! tapos nagkaroon na kami ng whatsapp group na nakapangalan sa 'kin. sobrang bilis ng pangyayari, di nag-sink-in agad sa 'kin. At magquiquit talaga ko dapat dahil alam kong di ako papayagan. pero nagmatigas ang ako ng ulo. naisip ko kasi, dahil nakapangalan sa 'kin yung band, baka para sa akin talaga 'to. so huma-haze na and all, muntik na kaming maging mutant dito sa singapore, eh sumige pa rin ng first gig. nyahaha! tapos ayon, eh dahil sa mga away, quit lang din naman ako. pero nakakasar lang kasi inunahan ako ni bart. ahehehe! well, sabi nga ni anlyn, at least pag binalikan ko ang bagay na ito eh maging proud naman ako sa sarili ko (char) na kinaya ko talagang maging bokalista *vindicated* nakakapanghinayang lang talaga but oh well... sabi nga ni batas, baka naman magkaroon ng panahon ng awakening si Sir Chief. Wag daw muna naming isara ang J4. So let's see how leh?

Anyway, may napagtanto pala ko sa bagay na yan. nakakapressure din palang magbanda. kailangan ng commitment, pag-aaral ng kanta at pagbubuti sa talento. Seryoso siyang bagay. paminsan, kapag naman masyadong seryoso, nawawala yung fun. ganon yata kapag nagiging "career". Choz

Pangalawa - Church. Nakakalerkey kasi yung mga housemates ko ngayon ay leaders sa dati kong church. di ba naman nakakapressure yon na mag-isip tungkol sa pagbabalik. ahehe! although nakakatuwa rin kasi di naman dahil lang sa church kaya kami nagkakaunawaan. may chemistry rin talaga mga kwentuhan namin lalo na tuwing almusal. laugh trip parati sa umaga. mabalik sa topic, so ayun. parang "searching" mode kami ngayon ni benjie ng church. Ok pala yung pinupuntahan din naming mass sa Good Shepherd tuwing 6pm ng Sunday. Malalim yung approach niya sa homily. Pang-"kristiyano" talaga. Tapos nag-attend din kami sa Hope. Parang kapamilya na rin kasi turing namin sa Timothy kahit di kami active. Sila kaya yung masugid na nagpray para magkawork si Benjie. So ayun, naka-attend na rin pala kami sa central christian church twice tapos ok din yung preacher. kakatuwa namang mag-aral ulit ng bible. Kaya lang may bagay pa talaga akong kailangan iresolve about free will and all that jazz. Pero katulad nung unang punto, let's see how leh. Ayokong madiliin ang mga bagay-bagay. kung babalik man ako sa church or kung anuman, dapat yung 100% na ramdam ko talaga. walang halong pag-aalinlangan.

Pangatlo - Aktibismo. itong taon rin, may nilapit sa akin si Lyn na taga-HK daw na "kasama". mineet namin siya nung nakaraang buwan lang. nakakatuwa naman din itong si Kuya Noy. Ang kenkoy lang - Diliman humor - pero alam mong seryoso sa pakikibaka. So ang eching namin ay tumulong sa pag-organize ng mga DH dito sa Singapore. Syempre mahirap siya pero ok din doon kasi sa church kami nakatoka. so tutulungan daw namin si pastor Jun. protestant naman ito. di ba naman ako maguluhan? ahahaha! So sabi namin, kung tungkol sa mga national issues eh walang problema. tutulong talaga kami. bakit naman hindi. tsaka maganda rin kasi may mga educational discussions din kami so matututo kaming 2 ni benjie. pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi na ako ayon sa idea ng *bleep*bleep* - mahirap na baka mahuli haha! Dahil after all, ako ay naniniwala na "the means doesn't justify the end". magtagumpay man ang rebo, ano ang garantiya na magtatagal ito kung hindi naman nag-aagree ang lahat? ang K ay mangyayari laman sa isang ideal na mundo kung saan lahat ay pare-parehas mag-isip (parang sa movie na The Invasion) at mag-emote. Pero alam naman natin ang ating nature bilang tao. Kailan ba talaga nagkaroon ng consensus sa mga bagay-bagay? laing may mga puwersang nagsasalungat dahil at the end of the day, iba-iba naman kasi talaga tayo. So ayon ang aking palagay diyan. Maganda naman ang layunin ng K, pantay-pantay lahat ng tao, pero our nature as human beings will definitely fail us. Ngayon nga may dilawan. At sa kilusan mismo, maraming iba-ibang version ng mga kachorvahan. So ganon. Pero di ko naman sinasabing wag kumilos. Marami namang anyo ng aktibismo. Hindi lang siya sa paraan na K. Basta naghahangad at gumagawa ka ng bagay na makabubuti sa nakararami, sa paningin mo at least.

So ayan, ang haba ng nobela na ito ha. halatang di ako busy sa jupisiners ngayon. pero paparating na ang busy days. soooo... babush na muna. tapusin na ang magulong kaechosang ito. pasensiya na, wala ng edit-edit. go na lang ng go!

bow.

PS: Go Paolo Onesa! Sfyfaaaaaaall unlimited.

8.05.2013

decisions decisions decisions!

i'm so tuliro right now...

syempot patawang intro lang yan wahahaha!

on a serious (black) note, ang gusto ko lang naman sabihin nagugulumihanan ako kung itutuloy ko pa pagbabanda o ititigil na ang kalokohan itey bilang lagi na lang namin siyang pinag-aawayan ni sir chief sa point na hindi niya ko pinapayagang mag-gig. so para saan pa di ba? pero kasi, alam naman nating lahat na yun ay pangarap ko sa buhay at napakalaking bagay sa akin na naisasakatuparan ko siya. as in, sobrang big deal siya sa akin. as in as in as in

and there goes Before Midnight mode.

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh

*cries*

T_T

anyway, dahil hindi pa ko makapag-decide. eto yung aming GIG last June 22 kalokohan nung Sunday - J4 Acoustic. Pagpasensiyahan niyo na lang at barado ilong ko nung acoustic portion! wahaha! lekat na sipon. wala rin kaming lead guitarist bilang inunahan niya kong magquit at late naman si drummer boy woot.

so how how de carabao?

ambotz.

6.08.2013

chenes

update update lang

- echos sa vice ganda issue: while i agree that we shouldn't we joking about people's physical appearances nor gang rape, i find it more bothering that people only reacted violently against vice ganda because he used Jessica Soho as subject. In other words, kung hindi naman si Jessica yon, may magmamaganda ba ng tungkol sa pagjojoke sa rape and all? seriously? Ok, guilty ako na natatawa ako sa mga jokes ni vice kasi ito ang problema natin - it's in our culture to make fun of people with physical defects. yun ang mali natin... wag nating i-zero in lang kay vice. not that I'm a fan pero katulad niya, can we just take things with a mature mind all the time??? (yes, lasing na naman ako hahaha)
- pinayagan na akong magjoin sa banda... with a press release na proxy lang hehe! hinay-hinay lang muna. anyway, umaapila pa ko na baguhin yung band name kaso mukhang decided na yung mga mokong kong kasama T_T so how??? gusto ko sana talaga yung Gray Joy eh. XD heniwey, excited na rin ako sa gig kahit feeling ko hindi pa ako handa talaga listening to our first rehearsal's recordings. sakit sa utak ng decode version namin. que horror!!!
- bothered pa rin ako sa Red Wedding. as in... hindi ako makatulog at minsan natutulala ako sa trabaho dahil naalala ko yung patayan portion. Siguro bilang nanay din, sobrang ramdam ko si catelyn stark... sana manalo siya ng award sa acting niyang yon. sobrang galing... at sobrang nakakabother talaga yung episode na yan. si robb naman kasi, inuna pa paglalandi. nadeds tuloy siya T_T although, sabi pala ng author, automatic pala na kailangang mamatay ni robb dahil ineexpect ng lahat na magtatagumpay siya sa revenge niya sa pagkamatay ng tatay niyang si ned - yung actor being a walking spoiler! hahahaha!!! at i kinda agree rin sa sinabi niya - na kailangan pag may pinatay na character sa isang show or book, kailangang maapektuhan yung audience. otherwise, isa lang siyang superficial experience. ayaw natin ng superficial experiences! hehehe! kabagot kaya yung mga show na yung audience yung mamimili ng ending. nagshow ka pa? walang paninindigan??? charzzz
- natapos ko na rin yung main decks ko for next week hence I'm declaring that I'm not working this weekend. praktis-praktis at linis muna ng bahay ang peg. darating na rin si benjie next week. excited ako although syempre may lungkot factor din dahil less lakwacha with friends... har har!

oh well towel. hanggang sa muliiiiiiii ^_^

5.27.2013

Dear antok, where are thou???

Ching!

Kanina ko pa palang gustong isulat to. Iniisip kong i-status to sa fb kaso baka maghakot ng kontrobersya. Ayaw naman natin ng unnecessary stress anez? Anyway, gusto ko lang naman sabihing, ang OA lang ng mga negative reactions ng mga pinoy sa pagsulat ni dan brown na nasa Manila ang gates of hell. Utang na loob friends, fiction lang naman ang inferno. Parang tayo lang yung lahi na ganyang mag-react. Kung sinabi ni Brown na nasa bangkok yon, for sure dedmadela lang yung mga thai. Para tayong mga engotz kung makareact. Char! Eh minsan na nga lang tayong mababanggit sa popular lit anez. Hanoverzzzz!!!

Heniwey, ngayon ko lang napansin na ang tagal na naming di nagkwentuhan ng matagal ni berto. So mega catch-up kami kanina. At happy naman ang long weekend with pamy at mikey na parang di ko nakaaway nung nakaraan lang hehe! Sana wala ng away kasi maghihiwalay naman na kami bilang housemates. At i must confess na mamimiss ko ang balerkey at extended family pamy, meg at cel pag nagkataon. Henjoy din ang pamorningan videoke session sa unofficial auditorium. Wasak na puso songs ang peg. Dabest yung may emo cartoons na 'you made my heart so happy that i vomited blood.'

BOOM!!!

Heller pressure cooker na last week of May 3013. let's get it on, sabon ;) 


5.25.2013

Times like deeezzz

Holiday kahapon pero nagwork ako. Ngayon, work pa rin. Natapos ko naman yung 2 topline reports, script set-up at nakapolish ng isa pang report. But no, meron akong kailangang gawin topline sa Lunes na kailangang ipasa sa Martes. Di ko magawa dahil wala pa yung data.At sa susunod na 2 weeks, 3 full reports yung kailangan kong ideliver plus 1 project set-up at charity work (walang bayad) para sa isang global fmcg company. Isama na rin yung pending discussion dun sa 2 dips. Di ko alam kung paano ako makakasurvive lalo na paparating na rin si sir chief ditey sa sg. How ha??? How do I, how do I, how do I liiiiiiiiive....???

TSARLOT!

Times like deeezzz... iniisip ko kung ano ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko... kasunod na niyan ang katamaran   at kawalang gana sa work. gusto ko na lang manood ng movie sa unofficial auditorium. iniisip ko pa kung anong papanoorin ko habang nagsusulat at tinatapos ang walang kwentang Immortals (bawi lang sila sa visuals at wagas na blood spills). hehehe!

On a serious note, I firmly believe na hindi talaga ito ang calling ko. biglang nagdrama??? hahaha!ACHOOOOCHOOOO :D

Anyway, yung calling ko naman eh ilang beses ko nang nasabi sa mga entries ko - kung tama ako ng pagkakaalala.

Pero actually, kung ikukumpara ko sa dami ng projects sa dami kong company, di hamak na mas marami akong hawak dati pero nakakasurvive naman ako nang maayos. Ewan ko ba ngayon kung dahil lahat kasi talaga ako - from set-up to dp to charting to reporting to... to... to... choz! O siguro napapagod na lang talaga ko dahil hello??? hindi naman na ako bumabata. Grade 1 na nga si Zyric sa pasukan. ahehe :D

Ma-relate ko lang sa calling, nakasama pala ko sa rehearsal ng isang band dito sa SG. pangalawa ko kahapon at syempre, hindi na naman ako nagpaalam kay si chief. mwahahaha! akala ko naman kasi jam-jam-an lang para makatugtog sila. but noooo :D nagulat na alng ako nag-sked sila ng gig sa June 22 at hindi naman ako makahindi. hindi ko na alam kung anong gagawin ko... kung magpapaalam ba ko at mag-aaway kami dahil hindi naman talaga ko papayagan o maghahanap na lang ako ng proxy sa kin o... hindi ko alam. amfzzz T_T' Tina-try ko palang i-upload dito or sa youtube yung aming rehearsal kaso fail nang fail eh. try ko na lang ulit some other toym.

o zsazsa padilla, inom ko na lang muna itetch at pupunta na sa audi hehe! a bientot! ^_^

5.19.2013

Post-election thoughts

Writing with the influence of absolut and bombay sapphire...  Please excuse grammatical errors

- grace poe by far (?) #1 senator: ibig sabihin, si fpj talaga ang presidente natin nung 2010 elections. Hindi ba? Seriously!!! And i wouldnt mind having her in the senate. She is definitely not a bimbo nor non-sense considering her significant contribution in mtrcb (not to mention her good educational background). Ibig sabihin, may drive si ate, which i think is more important than intelligence anez???
- nancy binay: i dont think she's bobo. And i dont buy the jokes about her color dahil mahiya naman ako sa balat ko no? Hhhmmm... Ok, natatawa rin ako minsan. Ahahahaha! Kidding aside, her election clearly says one thing - her father jejomar binay definitely has good chances in malacanang in the upcoming presidential elections. My worry is just that jejomar is likely to manipulate her decisions in the senate, similarly having forced her to run this year. Hindi ba??? I dont think gusto niyang tumakbo. Layp
- dick gordon: honestly, bentang-benta sa 'kin ang #ipasoksidick jokes dahil oo, ako na green. Pero on a serious note, malungkot ako na hindi siya makapasok sa national govt after his second attempt. Bakeeeet??? Bakeeeeet???? Sobrang gusto ko pa naman siya dahil alam ko g marami siyang possible ma maicontribute sa lipunan. Kailangang may gawin!!!
- legarda, chiz at trillanes: another bakeeeet???? Waley akong naramdan na naidulot bilang positibo sa bansa natin considering the number of years of their service. Meron ba???
- meme about miriam: ibig bang sabihin malaki tiwala natin kay miriam. I seriously wouldnt think twice voting for her if she runs for president in 2016 :)
- calling majority of the voters bobo at claim na tax payers na lang ang dapat bumoto: hello??? Una sa lahat, lahat ng kumokonsumo ng goods sa galing sa pinas ay tax payers. So anong pinagsasabi niyo? Hindi ko matake ang pagka-exclusionist ng mga tao. Sasabihin pa na bobo mga botante. Ano ba yan??? Imbes kasi na gumawa tayo ng paraan para maayos ang buhay ng marami, umiiral yung pagkamakasarili at pagmamataas natin. Base nga sa mga komento ng mga kaibigan ko sa fb, kailangan ng pagbabago sa perspektiba ng mga tao - kailangan nating lahat na makita ang mga sarili natin bilang parte ng lipunan - hindi bilang audience na naghihintay sa pagbabago nito. Kailangang magcontribute ng bawat isa at hindi naman kailangang drastic moves parati. Every little act of kindness will do. Sino pa bang magmamahal sa bayan natin kundi tayo rin? Di ba? At kailangan nating maniwala sa eleksyon. We cant jur give up dahil hindi nanalo yung binoto natin. Keep moving forward... Upward! Hindi paurong. Hindi pahila sa atin pababa. Kailangan nating maniwala that the system will work kasi ano pa??? WLangmangyayari sa tin sa pagrerrklamo habang nagcocontribute naman tayo sa korapsyon sa pamamagitan ng paglalagay sa mga tao sa gobyerno and all that jazz... Wala namang problem ang proseso ng eleksyon. Ang problema ay ang mato at paraan ng pag-iisip ng mga ito.

Anyway, lasing na ko at hindi pa tapos bado ko. Sa susunod na lang ulit.

Bow :)