2.19.2012

kyeme-kyeme Sunday

Pagoda coldwave pa ko sa team outing namin sa Batam. masaya naman siya. Salamat sa cool naming boss \m/ nanalo rin akong top scorer sa bowling. (sorry kailangang magbuhat ng bangko dahil ngayon lang nangyare to sa tanang buhay ko... charot! wahaha! muntik na kasi akong bumagsak sa bowling class nung college. kalorkey.)

Side choba lang dun sa massage namin. Ok naman yung masahe pero yung nagmasahe sa aming mga ate ay nakaka-stress drilon. Nag-expect sila ng tip tapos nung binigyan ko yung sa 'kin ng 5,000 rupiahs, tinapon niya lang sa floor. Nashock lang ako sa pangyayari. di ko na pinatulan si ate. Dapat nga pasalamat siya at binigyan ko pa siya pero siguro talagang kailangan niya lang ng pera kaya niya nagawa yon. Sadyang wala na kasi akong rupiahs, PASENCIA biscuits naman.

***

Nung Thursday night, natanggap ko na yung hinahantay kong offer kaya lang di masyadong kumikitang kabuhayan. nakipagnego pa ko pero feeling ko di nila kakayanin yung demand ko. Sayang naman dahil excited na ko lumipat. Baka rin di pa time. Sayang naman kasi yung bonus. So how? Hintay ko muna bukas chova nila. Bukas na lang ulit ako mag-iisip :-D

pero sana ma-extend pa ang Sunday. Gusto ko pang magpahinga at magborlog ng mas mahaba. pero may plantsahin pa ko... how ha? @@'

***

Quote of the day:

Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
- Bob Ong

2.14.2012

happy balentayms

Dahil ang bagal ng maconomy...

haggard @@'

***

heniwey, ngayon ay araw ng mga puso. kaniya-kaniyang upload ng mga photos ng roses at kung anek-anek na kyeme ang mga tao sa FB. ang dami na namang kinita ng mga flower shops. panalo. it's their time to shine!

***

at ngayong araw na ito, sa dalawang paraan mo lang mailalarawan ang tao:
1. kung hindi ka "nilalanggam" sa katamisan mo o ng partner mo o mas lalo kapag parehas kayong matamis,
2. isa kang "pinapaitan" na umiinom ng abs bitter herbs.

syempre nandun ako sa #2 dala ng temang L.D.R.

cheka!

pero binati nga pala ako ng magtatay ko. sapat na yung pagbati kaya aakyat ako sa #1. :-)

hehehehe :-D

***

pero, ngunit, subalit, datapwat...

di ba pwedeng araw na lang ng puso araw-araw bilang pwede namang magmahal ng 24/7? mas masaya yown anez?

pag-ibig. pag-ibig. pag-ibig.

although, sige, ibawas natin yung mga oras na tulog tayo.

charot!

all we need is love...

charot another!

***

maiba naman, kinakabahan ako dahil may final interview ako bukas ng 8am. kinakabahan ako dahil:
1. kailangan kong gumising nang maaga
2. sana hindi ako bangag kapag ininterview aketch

good luck na lang! ^_^Y

ok, maconomy, dapat ka nang matino, okie?

*wink*wink*

2.13.2012

Riot at 644


weto happy kyeme:
To vote for your favorite housemate, text "Name of Housemate" to 2366.

Charot!

hahaha!

ang daming takes ni Mikey subalit di pa rin siya nakuntento sa kaniyang kyeme. ngunit masaya lang sa aming flat. nakakakabag lang sa katatawanan at kalokohan.

***

another happy thought... i got my license to watch Foo Fighters concert which is 3 days before my 28th birthday.

*hafiness*

2.12.2012

wanted: positive energy

kinarir namin yung 50/50 nung madaling araw ng Sabado tapos The Descendants sa hapon. sa parehas na temang pagtanggap ng kamatayan, nakakalungkot lang silang tunay. nakaka-drain ng energy. Nakuha ko pang magbasa ng The Hunger Games na literal na patayan sa kagutuman.

may mali ano?

*depresyon*

pordat, bawal manood ng Knight Hunters ngayong gabi.

happy thoughts happy thoughts happy thoughts dapat

nuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuni

^_^Y



Pahabol: Nakakagulat ang pagpanaw ni Whitney Houston at nakakaloka rin na biglang nakikiramay sa kaniya ngayon ang buong mundo habang kahapon lang ay kinokondena ng lahat ang kaniyang mga palpak na performances dala ng pagkalulong sa drugs. oh well, towel. ganyan yata talaga ang layp.

happy thoughts dapat ulit...

nuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuninuni

^_^Y

2.02.2012

so how?

Parang expressway ang utak ko sa mga rumaragasang samu’t saring shit na tumatakbo dito. Di ko alam kung anong dapat gawin. O, sa totoo, baka naman wala dapat gawin. Pero pwede bang walang gawin?

Ewan ko.

Basta sali-saliwa ang pagbaling ng kaisipan ko sa kung anu-anong mga bagay na kung tutuusin, di naman ganon kahalaga kumpara sa pagpukaw sa problema ng kahirapan sa mundo.

Puta.

Ano ba tong mga pinag-iisip ko???

Hahaha!

‘Di ko alam kung bakit ako madamdamin nung mga nakaraan. Di ko rin alam bakit ako nagsusulat. Para lang ba may maisulat?

‘Di siguro.

1.23.2012

Happy Lunar New Year 2012 Post


Haller madlang pipolll!!!

(akala maraming nagbabasa ng blog... lol!)

heniwey, long time no post so it's time to update this kachorvahan ;-)

matagal na natengga ang kyeme kong ito bilang ako ay najontis at naging busy-busyhan sa workaloo. at dahil sa stress drilon, premature kong naipanganak ang aming second junakis na si Shen-shen. buti na lang at malusog siyang bata. So far di pa naman siya nagkakasakit *salamat*.
di nga lang namin siya agad nakasama dahil na-incubator siya for 4 days pero keri na rin.

haggardo versoza rin dahil na-CS ako. pramis, mas mahirap siya ng di hamak sa normal delivery. Pag normal kasi, magaling na magaling ka na after 1-2 weeks. Sa CS, dahil nga na-operahan ka and all that jazz, minimum ang 2 buwan para makagalaw-galaw na ng maayos. after nyan, bawal ng gumawa ng mga kyemeng masyadong pisikal. medyo ok na rin naman ako ngayon at back to work na. in fact, nagtratrabaho na ng weekend at holidays. wahahaha! lekat na projects yan.

another work-related chorva, di ako masyadong nasiyahan sa appraisals ko dahil parang ang dating ay hadlang ang aking matagal na maternity leave sa pagtaas ng sahod at promotion. kasalanan kong majontis? *bitter ocampo* and haller??? tatlong taon na kong waley promotion T_T although... sobogoy, pasalamat pa rin ako dapat na may stable akong trabaho at above average na sweldo kaya... ayun. bow. hehe! naghahanap-hanap din akong work pero kuntento pa naman ako. tignan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

mabalik tayo kay Shen-shen. Sobrang nakakatuwa siya dahil sobrang taba niya na ngayon di katulad nung kakapanganak ko palang sa kaniya :-s tapos si zyric, kinakarir ang pagiging kuya. hihi! mas excited pa kaysa sa 'min ni Shaider. ajejejeje! kakalungkot lang ngayon dahil iniwan ko sila. medyo di pa kasi kaya ng finances. hopefully sa april or may ay madala ko sila ditey sa jingapore para makasama ko sila ng matagal-tagal. haaayyyzz buhay-OFW :-s di bale, 1 year na lang at gragraduate na si Shaider. akalain niyo yon may graduate na ko? ehehehehe :-D plan namin sa singapore na muna mag-stay para makapag-pundar na ng bahay, negosyo, mapa-aral ang mga kapatid, and all that jazz. haggardooo pero syempre mas masaya naman ang tumutulong sa mga mahal sa buhay. hay buhay :-D

tapos this year pala ay lumipat na kami ni juni sa flat nila berto at mikey. happy naman pormor katipiran at riot! ilang beses kaya kami mapapapulis? =))

hhhmmm... ano pa ba? marami-rami na ring naganap sa pulitika. sulat ako about that sa ibang pagkakataon. magbabasa muna ko ng The Catcher in the Rye habang nakikinig sa Jam 88.3 ^_^

hanggang sa muli! ^_^

9.19.2011

Come to think of it...

I'm still 27.

http://www.youtube.com/watch?v=7l8o1gINMHU

sssshhhhh again

wagniyokongkausapin

8.06.2011

pending pending pending

matagal ko nang gustong isulat ito --> The Dangers of Resignation and Foregoing Due Processes.

kaso, tinatamad pa rin ako. ajejeje :D

on a lighter side (hindi yung pangsindi pero pwede rin naman), natupad na ang isa sa mga matagal ko nang pangarap - ang magkaroon ng assistant sa office. Bonus pa bilang kagalingan naman siya. Processes na lang yung kailangan kong ibrief sa kaniya. Winner!

Good morning Saburdey :-)

7.26.2011

halu-halong ek-ek

Gusto kong ulitin ang Harry Potpot 7.2.

***

Work-related Announcement:
I'm extending my Avada-Kedavra-Mode today until Thursday. 'Wag makulit.
\m/

***

Just listened to Pnoy's SONA. Mayroon namang pasadong puntos para sa 'kin (ie, isyu sa bigas, mga natitipid natin mula sa paglaban sa korupsyon, etc). Sana nga lang, umusad tayo sa pagbatikos sa dating administrasyon at kyemeng wang-wang patungo sa mga mas konkretong aksyon katulad ng pagkulong kay GMA at paglikom sa lahat ng ninakaw niya, pagbibigay hustisya sa mga biktima ng Ampatuan massacre, mas mababang unemployment rate at libreng pampublikong edukasyon para sa kabataan. 'Wag sanang matapos ang 6 years mo nang di na-aachib ang mga yan, Sir Pnoy. Tigilan mo na rin po sana ang pagyoyosi para di ka ubo nang ubo :P

***

RIP Amy Winehouse (1983-2011)

***

Gusto ko ng wapak na masahe this weekend.

***

Kailangan ko nang matulog.

***

Bow
^_^Y

7.18.2011

sssshhhhh

wagniyokongkausapin.com

6.21.2011

last chance na 'to

pag naulit pa, ayawan na talaga.

6.18.2011

trulab

May nakita kong pinost na article sa FB. Sulat ng isang religious writer. Ang title niya, "how to find your true love". Naisip ko lang, eh may formula ba sa paghanap ng tunay na pagmamahal? Kung meron siguro, eh di sinundan na nating lahat yon kaysa patrial-trial-and-error tayo at paulit-ulit na masaktan. O baka naman... mahina tayo sa Math? hhhmmm... ewan. Syempre ako lang 'to :D

***

Another KJ kyeme of me...

***

Nakita ko rin yung kumakalat na video ngayon entitled "Best proposal in the world/Best proposal ever". Na-curious ako at pinanood pero di naman ako kinilig o na-impress. Nasa ka-engradehan pa ng proposal ma-eeskima ang kalidad nito? Engrande nga, ang daming taong involved pero inayos lang naman ito ng isang TV program para sayo, best na yon? Hhhhmmm.... baka KJ lang ulit ako pero hihiramin ko ulit yung paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro". Kung mukhang wala naman sa loob nung nagpropropose yung higanteng sorpresa niya sa jowa niya, waley lang yon para sa 'kin. aksaya lang sa pera at effort ng mga tao. pero syempot, di naman ako yung jowa. natuwa naman yung gerlash. so ba't naman ako nakiki-elam eh kasiyahan nila yon?

waley lang.

It's just me and my utopic view of lab...


*nahawa na yata kasi ako kay Michael Ostique XD*

L e k a t XD

6.12.2011

kalayaan daw

ika-12 ng Hunyo ngayon. sa mga aklat ng kasaysayan, ito di-umano ang araw ng kalayaan ng Pilipinas, partikular mula sa kapangyarihan ng Espanya. Subalit ilang taon matapos nito, sinakop naman ang bansa ng mga Amerikano at mga Hapon. So, ang unang tanong, ito nga ba talaga ay masasabing araw ng kalayaan?

pangalawang tanong: tunay na bang malaya ang mga Pilipino mula sa mga dayuhan? palagay ko, ang sagot diyan ay ang paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro".

sa isang bansang ang malaking bahagi ng kultura ay naiimpluwensiyahan ng banyagang mga elemento, pano mo masasabing malaya na talaga tayo? oo, wala na ang mga base militar ng Amerika sa Subic, pero nananatili pa rin sa marami ang "American Dream". oo, di na tayo kolonya ng kung alinmang bansa, pero ang pag-asa ng masang naghihirap ay nasa pangingibang bansa dahil walang makitang disente sa sarili niyang bayan dala ng socio-economic structure nito na di naman nakadisenyo sa pag-unlad ng nakararami.

gusto ko sanang batiin ang mga kapwa kong Pilipino ng mapagpalayang araw ngayon, pero di ko na trip. lalo na nang nalaman kong gumasta ang gobyerno ng sampung milyong piso para ipagdaos ang araw na ito. nagsayang na naman tayo ng pera.

tsk.

6.06.2011

wooot

watched My Sassy Girl (Korean movie) for the nth time at ako pa rin ay kinilig, nalungkot, natawa at nainlab sa pelikula. sa panahon ngayon, meron pa bang totoong Gyeon-Woo?

Wooot!

*tapos kilig*

wahahahahaha!

heniwey, trip trip lang:

1. Don’t ask her to be feminine.
2. Don’t let her drink over three glasses. She’ll beat someone.
3. At a cafe, drink coffee instead of coke or juice.
4. If she hits you, act like it hurts. If it hurts, act like it doesn’t.
5. On your 100th day together give her a rose during her class. She’ll like it a lot.
6. Make sure you learn fencing and squash.
7. Also be prepared to go to prison sometimes.
8. If she says she’ll kill you, don’t take it lightly. You’ll feel better.
9. If her feet hurts, exchange shoes with her.
10. She likes to write, encourage her.

6.03.2011

bigla ko lang namiss


ang mage kong weak! kasama na rin yung seg T_T

heniwey, loved Wolverine's cameo sa X-Men First Class. Ayos! Best cameo Ever! Choz! :-BD


5.09.2011

para sa okasyon ngayong araw na ito

maglilimang taon na ang anak ko pero kung susumahin, siguro wala pa sa tatlong taon ko lang talaga siya nakasama at naalagaan bilang ina. nasa ibang bansa kasi ako para kumita ng mas “disenteng” halaga para sa aming pamilya. maikling panahon lang yon kung tutuusin at sa totoo lang, hanggang ngayon, palagay ko, di ko nararamdaman/nararanasan ng buong-buo kung paano maging ina - yung mag-alala ng anak (lalo na kapag may sakit), magturo ng assignments, magkulay, magbasa, magsulat, magluto, at iba pa. kaya naman sa araw na ito, may pag-aalinlangan ako sa pagsali sa sarili ko sa pagbating “Happy Mother’s Day”.

hhhhaaayyyzzz…

di bale, babawi rin naman ako, pramis. malapit na ring matapos sa pag-aaral yung tatay niya at babalik na rin ako, dapat, para gampanan yung tungkuling dapat ginagawa ko simula pa noong ika-31 ng Agosto taong 2006. kailangan yan dahil naniniwala ako na malaking bahagi ng pagkatao natin ay mula sa pagpapalaki ng ating mga magulang. ayokong mamiss pa ‘yong pagkakataon/obligasyon na yon sa aking junakis.

*side comment*

maiba ako. batid ko ang napakahalagang papel ng mga ina sa lipunang Pilipino (at sa buong mundo). pero bakit kaya ang mga sikat na mura sa anumang wika (yata) ay may kinalaman sa “ina/mother”? guilty rin naman ako sa ilang pagkakataon sa pagbanggit sa naturang mura pero, kung pakalilimiin, kailangan bang tumawag tayo ng “putang” ina sa tuwing galit at bad trip tayo? unfair naman yata yon. mahirap maging ina.

*balik sa topic*

heniwey, bilang biktima ng diaspora, marami-raming tapang, pasensiya at balde-baldeng sipag ang kinailangan ko para lumipad ditong mag-isa, magtrabaho at maging malayo sa pamilya para sa mabuting layunin. kaya sige na nga, pagbibigyan ko na rin ang sarili ko…

maligayang araw ng ina sa ‘kin, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan, mga kakilala kong nanay at sa mga ina ninyong lahat.

bow.

4.19.2011

the big, big

bang!

bang!

bang!


kainis, maghapon kong LSS. amf!

waley

Q: Paano 'pag wala na ako?

A: Eh di wala ka na! Ano pa bang ine-expect mo eh wala ka na nga? Alangan namang meron pa eh wala na nga! wala! wala! wala! Tseeeeehhhh!!!

^_^Y

muni-muni...

"Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… "

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisa at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

Bob Ong, Stainless Longganisa


Naalala ko ang mga quotes na iyan ni pareng Bob (yes, close kami?) bilang napapagod na ko sa konsepto ng pagtratrabaho at pagkita ng pera. Ganito na nga lang ba ang buhay? Ang araw-araw ay tungkol na lang ba sa pagkita ng pera? Paulit-ulit na eksena sa opisina, trabaho, konsumisyon at kung anu-ano pa para lang makuha ang buwanang sweldo. Parang nakakasuka na at napag-isip ako... Eh ano na nga bang pangarap ko? Wala sa listahan ko, noong bata ako, ang maging alipin ng mga malalaking korporasyon. malayo 'yan noon sa pangarap ko. nag-aral ba ko sa marangal na unibersidad para lang maging sunod-sunuran sa mga kliyenteng walang konsiderasyon?

syempre hinde!

XD

pero, ano ba pangarap ko?

ilang linggo din siguro ko nag-isip. parang nakalimutan ko na kase kung ano nga bang gusto kong gawin sa buhay dala nang mga sitwasyong di inaasahan. nakonsumo na ko ng pagkita ng pera. pero kung lahat na lang ay tungkol sa pera, di na yata buhay ang tawag don.

pordat, matapos ko lang talaga yung bagay na dapat kong tapusin, babalik ako ng Pilipinas dahil isa lang naman gustong gawin - maging makabuluhan na mamamayan. Gusto kong maging guro at manunulat. Nais ko ring ibahagi ang aking talento sa musika. at syempre, maging mabuting ina at kapamilya :-)

target ko, sa 2015, dapat ma-achieve ko na ang mga ganitong kyeme ko sa buhay.

sa ngayon, ipon-ipon muna. ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon...

may kaniya-kaniyang panahon naman ang mga bagay-bagay. basta, pangako ko sa sarili ko, tutuparin ko yang mga pangarap ko.

taga ko yan... sa blog ko :-D