7.27.2012
Chorva ko sa SONA 2012
Nakakatuwang malaman na dumadami na muli ang mga investors (via BPOs) sa bansa at napakalaki ng ambag ng mga OFWs (tulad ko... woooot) sa ekonomiya ng bansa. Subalit higit diyan, mas natuwa ako dahil mahabang bahagi ng kaniyang speech ang tumukoy sa pagbuti ng social services sa bansa - Philhealth para sa mga pinakamahihirap ng Pilipino, bagong classrooms, 1:1 aklat sa mga pampublikong paaralan, mas magandang offer sa mga guro, mas malaking budget sa edukasyon, pabahay sa mga pulis at sundalo para ganahan naman sila at maiwasan na rin ang kurapsyon at kung anu-ano pa. Narinig ko nga rin sa balita dati na isasama na sa leksyon ng mga bata ang tungkol sa mga bagay na pinansyal na sa tingin ko ay kailangang matutunan ng mga Pilipino para matanggal na ang 'makaraos lang' na mentalidad. Nakatulong nang husto sa talumpati ang mga stats tungkol sa:
1. Ano ang meron dati
2. Ano na ang mga nagawa
3. Ano pa ang kailangang gawin
4. At higit sa lahat - Kailan matatapos!
Patunay lang ang lahat ng nabanggit na kung mababawasan ng malaki ang korapsyon sa bansa, may pera naman talaga tayo para sa pagpapaunlad ng nakakararaming Pilipino.
Dagdag pa sa mga nabanggit, hindi niya pinalampas ang mga usapin sa paghabol sa mga tiwali sa gobyerno at pagbibigay hustisya lalo na sa Maguindanao Massacre.
Sana nga totoo ang mga numbers na pinakita niya at matupad niya lahat ng sinabi niya at kung magkakagayon, siya siguro ang magiging pinakamahusay na pangulo sa bansa - 'malinis', makamasa at makatarungan.
Positibo ba ang tingin ko sa kaniya ngayon dala na rin ba na masyadong mababa ang expectations ko sa kaniya?
Oh well... whatever, I'm just happy sa takbo ng pamamalakad niya at nawa'y ipagpatuloy niya at ng kaniyang cabinet ang mahusay nilang trabaho. Kailangan lang pag-ibayuhin ang mga ito sa tingin ko:
- Ilayo ang isyu ng kurapsyon sa personal na atake laban kay Arroyo at mga alipores nito. (ie, mas mahusay sana kung na-convict talaga si Corona dahil sa matinding basehan at hindi lang basta ill-gotten wealth ek-ek at dahil sa kakampi siya ni Arroyo). Maging mas objective sana ang approach dito para talaga masabi ng lahat kasama si Joey de Leon na:
- Makita ang mga resulta sa lokal na lebel. Naway masupil na rin pati mga 'small time' na kurakot. Kung susumahin kasi yung mga maliliit na kinukurakot ng mga maliliit na opisyal kabilang ang mga baranggay tanod at MMDA officers, ilang bilyon din siguro yon.
- Mas maraming benepisyo at mas efficient na serbisyo para sa mga OFWs (kamusta naman kasi ang mga embassy natin sa ibang bansa?)
- Mas magandang airports na paperless ang processes, please lang!
Di naman talaga natin ma-a-achieve ang Utopia bilang isa siyang imposibleng bagay pero at least nakikita natin paunti-unti ang mga pagbabago para sa ikabubuti ng Pilipinas.
Side kyeme re Red Carpet sa okasyon ito - 'Di ko alam kung ako lang nag-iisip nito pero sa tingin ko ay hindi nararapat ang pagrampa ng mga opisyal ng gobyerno sa isang seryoso at pormal na okasyon tulad nito. Para sa 'kin, ang pagmamaganda nila suot ang mga designer kyeme ay nagrereflect lamang kung paano nila gastusin ang budget ng gobyerno para sa sarili nilang imahe/kasiyahan. Pwede naman nating ipagmalaki ng bongga ang pambansa nating kasuotan sa mga star awards at kung ane-anek pang sh*t pero pwede bang patawarin nila ang SONA? Oo, sige ako na ang KJ.
Masyado na palang mahaba ang chobang ito. Basta, mas feel ko nang sabihin ngayon na It's more fun in the Philippines! Wooohooo! :-)
*bow*
7.26.2012
keso kayo dyan mga sukiii
The Shivers - Kisses
Ang saya lang magsenti kasama ng mga awit ng The Shivers.
Keso pa!!!
*bow*
Credit goes to Robert Zinc for the <3 photo.
Crowd
7.03.2012
Lovely date with Mr. A to Z
At baket ako nag-iingles? isang malaking TSARLOT! :-D
Heniwey, may ilang pics pa ako sa phone subalit dahil sa mahusay ang telepono ko ay di ko siya ma-itransfer ngayon. layp.
Balik sa paksa - Megatron, Pamy, Berto and I managed to get a good "spot" sa concert ground kaya ang saya-saya lang na kita namin nang medyo malapit Mr. Mraz. Ito yung isa sa mga pang-baket? este bucket list. Kailan ko kaya ulit mapapanood si Jason? Dapat kasama na Benjtot next time bilang keso overload lang ang tema ng marami sa mga kanta ni pareng Jason. Sabi nga niya -It's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved...
On another note, I got confirmed pala sa work the same day for more happiness. Nakakapagoda coldwave lotion nga lang these days kaya ang tagal ko na ring hindi nakapagblog. hopefully in the next 2 weeks ay hindi na masyadong mabigat ang load at makauwi sa mga junakis. miss ko na sila ng big time... (mag-emo daw? hehe)
Love & Peace ^_^Y
5.06.2012
4.28.2012
This is what doobie night does to me...
Hehehe!
Nakikinig ako sa Jam 88.3 Doobie Night Session ngayon at ako ay inspired. Naks! Waley lang!
Matagal akong nahintong shumembot ditey. Napaka-busy kasi ng March. I-bullets ko na lang ang mga kaganapan... FOR MORE!
- Nagresign na ako sa TNS noong March 2; Nagsimula sa IPSOS ng sumunod na buwan. Medyo nahaggard lang ako emotionally sa mga kabagayan at hindi nai-set masyadong mga expectations - like not getting my bonus and all that jazz. Ok pa naman ako sa bagong work bilang wala pang masyadong ginagawa - and hence, boredom! hehehe! Mas mahirap pala yung magpatay ng oras nang nagpapanggap na may ginagawa kaysa yung sobrang kabusyhan. Although, mukhang exciting naman yung mga paparating na projects. Let's see tutubi! Sadyang mas masaya lang yata talaga sa TNS dala ng marami na akong kaibigan doon at maraming flexi benefits. Pero bawal nang mag-regret, ginusto ko to eh! hahaha! may mga bagay talaga na dapat ipinapagpag sa balikat, pinangangatawanan, at chinacharge sa experience. walan namang interes yon ;-)
- 28th Birthday
- Wicked :-)
- Na-hook ako sa Hunger Games series to the point na sinira niya ang tulog ko! haha! Yung book 3, 2 days ko lang binasa. Ganung level. Haaayyzzz! Bukod sa napakarelevant lang ng story niya sa mundo, maibibigay ko kay Suzanne Collins ang di matatawaran niyang istilo sa pagsusulat. Yung tipong hindi mo na maiwan yung libro pag nasa gitna ka at pagkatapos na pagkatapos mo ng book 2, hahanapin mo tiyak ang book 3. Ganown!!! Alam niyo naman, di talaga ako masyadong fan ng pagbabasa. Nang malipat na lang talaga ako sa Jingapore tsaka ko natutong gawing libangan ang pagbabasa ng mga kung anek-anek. Teynks sa impluwensiya ni Villa Madera :-) Ok din naman yung movie. *clap*clap* Last week nga lang, napanood namin yung Battle Royal at obviously, dun kinuha ng writer yung inspirasyon at concept. May mga kaibahan din sila bukod sa pagiging mas marahas at madugo ng BR pero maghahatol ako kung alin ang mas maganda pag napanood ko na rin yung past 2 ng Japanese movie. Hhhhmmm... so judge ako? cheka lang :-D pero ang di ko matatanggap na ikumpara ang HG sa Twilight. Utang na loob!!! Gawa na lang ako ng different entry about HG. Medyo mahaba-haba yatang chever at gusto kong i-justify na dapat siyang tignan bilang isang buong series at hindi itrato ang bawat libro independently. Ang dami kasing may ayaw sa book 3. As if namang macoconvice ko ang mga tao sa pagsusulat kong iyon eh bukod sa kin, wala naman masyado nang nagbabasa ng blog na ito. mwahaha!
- 6th Wedding Anniversary namin ni Benjtot ^_^
- Graduate na si Zyric ng Claret. Di namin inasahan na mapapasama siya sa Outstanding Students. Kakatuwa naman. Mas masarap pala yung feeling na ikaw ang nagsasabit ng medal sa anak kaysa yung sa ikaw ang sinasabitan. Natapos na rin ang exam niya sa UP IS. Sana pumasa siya para maging batang isko. Next week na lalabas yung results. *fingers-and-toes-crossed*
- Mag-6 months na si Shen-Shen sa Monday
- Napanood ko na ang mga sumusunod:
* Trainspotting
* Reservoir Dogs
* Pulp Fiction
* The Reader
* Revolutionary Road
* Good Will Hunting
* Amelie
* The Departure
Marami pa kong nasa listahan. Basically ang plano ay panoorin ang mga classic movies nung 90s at 00's. Kung meron kayong maisusuggest, please do let me know :-)
Nakalinya rin sa kin ang tapusin ang 97 episodes ng Rurouni Kenshin. It's better late than never, ika nga. Plan ko ring panoorin ang Naruto series pero sabi nga ni Berto, aabutin ako ng 10 years don. Baka next year ko na lang iproyekto.
Marami pa dapat akong isusulat, kaso lang, nakalimutan ko na! wahahaha!
pordat, hanggang dito na lang muna akey. kakaririn ko muna si Kenshin.
Hapoy Friday! \m/
2.19.2012
kyeme-kyeme Sunday
Side choba lang dun sa massage namin. Ok naman yung masahe pero yung nagmasahe sa aming mga ate ay nakaka-stress drilon. Nag-expect sila ng tip tapos nung binigyan ko yung sa 'kin ng 5,000 rupiahs, tinapon niya lang sa floor. Nashock lang ako sa pangyayari. di ko na pinatulan si ate. Dapat nga pasalamat siya at binigyan ko pa siya pero siguro talagang kailangan niya lang ng pera kaya niya nagawa yon. Sadyang wala na kasi akong rupiahs, PASENCIA biscuits naman.
***
Nung Thursday night, natanggap ko na yung hinahantay kong offer kaya lang di masyadong kumikitang kabuhayan. nakipagnego pa ko pero feeling ko di nila kakayanin yung demand ko. Sayang naman dahil excited na ko lumipat. Baka rin di pa time. Sayang naman kasi yung bonus. So how? Hintay ko muna bukas chova nila. Bukas na lang ulit ako mag-iisip :-D
pero sana ma-extend pa ang Sunday. Gusto ko pang magpahinga at magborlog ng mas mahaba. pero may plantsahin pa ko... how ha? @@'
***
Quote of the day:
Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
- Bob Ong
2.14.2012
happy balentayms
haggard @@'
***
heniwey, ngayon ay araw ng mga puso. kaniya-kaniyang upload ng mga photos ng roses at kung anek-anek na kyeme ang mga tao sa FB. ang dami na namang kinita ng mga flower shops. panalo. it's their time to shine!
***
at ngayong araw na ito, sa dalawang paraan mo lang mailalarawan ang tao:
1. kung hindi ka "nilalanggam" sa katamisan mo o ng partner mo o mas lalo kapag parehas kayong matamis,
2. isa kang "pinapaitan" na umiinom ng abs bitter herbs.
syempre nandun ako sa #2 dala ng temang L.D.R.
cheka!
pero binati nga pala ako ng magtatay ko. sapat na yung pagbati kaya aakyat ako sa #1. :-)
hehehehe :-D
***
pero, ngunit, subalit, datapwat...
di ba pwedeng araw na lang ng puso araw-araw bilang pwede namang magmahal ng 24/7? mas masaya yown anez?
pag-ibig. pag-ibig. pag-ibig.
although, sige, ibawas natin yung mga oras na tulog tayo.
charot!
all we need is love...
charot another!
***
maiba naman, kinakabahan ako dahil may final interview ako bukas ng 8am. kinakabahan ako dahil:
1. kailangan kong gumising nang maaga
2. sana hindi ako bangag kapag ininterview aketch
good luck na lang! ^_^Y
ok, maconomy, dapat ka nang matino, okie?
*wink*wink*
2.13.2012
Riot at 644

weto happy kyeme:
To vote for your favorite housemate, text "Name of Housemate" to 2366.
Charot!
hahaha!
ang daming takes ni Mikey subalit di pa rin siya nakuntento sa kaniyang kyeme. ngunit masaya lang sa aming flat. nakakakabag lang sa katatawanan at kalokohan.
***
another happy thought... i got my license to watch Foo Fighters concert which is 3 days before my 28th birthday.
*hafiness*
2.12.2012
wanted: positive energy
2.02.2012
so how?
Parang expressway ang utak ko sa mga rumaragasang samu’t saring shit na tumatakbo dito. Di ko alam kung anong dapat gawin. O, sa totoo, baka naman wala dapat gawin. Pero pwede bang walang gawin?
Ewan ko.
Basta sali-saliwa ang pagbaling ng kaisipan ko sa kung anu-anong mga bagay na kung tutuusin, di naman ganon kahalaga kumpara sa pagpukaw sa problema ng kahirapan sa mundo.
Puta.
Ano ba tong mga pinag-iisip ko???
Hahaha!
‘Di ko alam kung bakit ako madamdamin nung mga nakaraan. Di ko rin alam bakit ako nagsusulat. Para lang ba may maisulat?
‘Di siguro.
1.23.2012
Happy Lunar New Year 2012 Post

Haller madlang pipolll!!!
9.19.2011
8.06.2011
pending pending pending
7.26.2011
halu-halong ek-ek
7.18.2011
6.21.2011
6.18.2011
trulab
May nakita kong pinost na article sa FB. Sulat ng isang religious writer. Ang title niya, "how to find your true love". Naisip ko lang, eh may formula ba sa paghanap ng tunay na pagmamahal? Kung meron siguro, eh di sinundan na nating lahat yon kaysa patrial-trial-and-error tayo at paulit-ulit na masaktan. O baka naman... mahina tayo sa Math? hhhmmm... ewan. Syempre ako lang 'to :D
***
Another KJ kyeme of me...
***
Nakita ko rin yung kumakalat na video ngayon entitled "Best proposal in the world/Best proposal ever". Na-curious ako at pinanood pero di naman ako kinilig o na-impress. Nasa ka-engradehan pa ng proposal ma-eeskima ang kalidad nito? Engrande nga, ang daming taong involved pero inayos lang naman ito ng isang TV program para sayo, best na yon? Hhhhmmm.... baka KJ lang ulit ako pero hihiramin ko ulit yung paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro". Kung mukhang wala naman sa loob nung nagpropropose yung higanteng sorpresa niya sa jowa niya, waley lang yon para sa 'kin. aksaya lang sa pera at effort ng mga tao. pero syempot, di naman ako yung jowa. natuwa naman yung gerlash. so ba't naman ako nakiki-elam eh kasiyahan nila yon?
waley lang.
It's just me and my utopic view of lab...
*nahawa na yata kasi ako kay Michael Ostique XD*
L e k a t XD