7.29.2015

On Friendship

Naipost ko itong echos na ito sa FB nung nalasheng ako months ago pero binura ko don dahil malamang, malaking kontrobersiya lang siya, as useless!

Heniwey, hindi na ito yung original note pero it goes a little something like this. CHAR!

***

Naalala ko yung tweet ni Direk Joey Reyes (na hindi ko na makita) pero parang ganito yon - you don't leave a friend just because others have branded him with their opinions.

Malamang hindi sakto yan pero basta gets niyo na yon wahaha

Pero I totally agree with Direk Joey. You don't throw away precious yearzzz of friendship just because other people have issues with your friend(s). Kung wala ka namang kinalaman doon at maayos naman ang relasyon niyo ng kaibigan mo, bakit mo naman siya iiwan? Para saan pa at kaibigan ka.

Di ko ineechos ang mga ito dahil gusto kong sabihin ako ay perpektong kaibigan. For sure, marami akong mga kaibigan na na-betray in one way or another, sinasadya ko man o hindi. Tao lang eh. Hindi perpekto. Walang perpekto. Sabi nga ni Dong Abay, wala naman, wala namang perpektong tao. Ano ba ang depekto kung meron kang depekto?... Wala namang perpektong tao.

Pero, gayun pa man, you can always choose to be a/the better person/friend. How? Magandang summary ang artekel na itey kung ano ang totoong kaibigan - http://www.lifehack.org/articles/communication/are-you-wasting-time-with-bad-friends-here-are-5-traits-true-friends.html

So reminder to jenpot:
Listen sincerely. Be honest. Accept completely. Be dependable. Be present.

Anyway, maisama lang ang isa sa mga moral lessons mula kay Commissioner Gordon este Sirius Black


Yes FM!

Pitumpu't Pitong Puting Pating


Well, walang kinalaman ang titulo ng echusan portion na ito sa gusto kong sabihin.

ACHECHE!

Gusto ko lang isulat na palagay ko, Seven Psychopaths ay pinakaprogressive na pelikulang napanood ko in my loife. Ganda ng execution, sapat lang ang bilis ng phasing ng pelikula, ang kulit ng acting, ayos yung cast, intellectual yung mga usapan, tapos natalakay din niya halos lahat ng marginalized sectors - women, LGBT, race, etc. 

Anyway, panoorin niyo na lang pormor. Hindi siya ganun kabigat kasi nakakatawa yung execution (hindi katulad ng Bird Man na black comedy pero parang ang dark niya lang. pero maganda rin naman ang Bird Man pero dapat ibang post na yan wahaha) so henjoy siyang panoorin. Aylavet!

Ilang sa mga favorite kong lines ^_^

On women...
Hans: Marty, I've been reading your movie. Your women characters are awful. None of them have anything to say for themselves. And most of them get either shot or stabbed to death within five minutes. And the ones that don't probably will later on. 
Marty: Well, it's a hard world for women. I guess that's what I'm trying to say.



On violence:
Marty: Yeah, I'm sick of all these stereotypical Hollywood murderer scumbag type psychopath movies. I don't want it to be one more film about guys with guns in their hands. I want it... overall... to be about love... and peace. But it still has to be about these seven psychopaths, so this Buddhist psychopath, he... he doesn't believe in violence. I don't know what the fuck he's going to do in the movie.

LGBT and dreaming :)
Hans: So you know, your Vietcong psycho story becomes the final thoughts of a man who chose not the darkness, but the light. The light being, you know, suicide by self-immolation. But I think that's the best we're gonna get. And, you know...

...Not just fags. Oh, by the way, I don't think they like being called "fags" anymore. I think nowadays they prefer homos. 

On God... 
Myra: God loves us. I know He does. He's just got a funny way of showing it sometimes. Sometimes I think God's gone crazy sometimes. Stuff He does, stuff He don't do.
Hans: Well, He's had a lot to contend with in his time, too, you know. Bastards killed His kid, too.

Ted

hindi yung teddy bear na patawa

Ang ganda pala ng Ted Talks. Sobrang ganda at enlightening ng mga insights at ang lawak ng range ng mga paksa sa mga sessions nila. May light lang, may tungkol sa mga relasyon, pagsugpo sa kahirapan, pulitika, arkitektura, sikolohiya, at kung anek-anek.

Pordat, I think this year ay mas nawili ako sa Ted Talks kay sa mga libro. Pero syempre, gusto ko pa ring magbasa ng mga libro. Doon ko pala unang nagustuhan si Malcolm Gladwell.

So dahil idol ko si Gladwell, baka one day ay makapagsalita rin ako sa Ted Talks.

*nangarap na naman ng gising*

Kill Bill

Matagal nang nakapark ang topic na ito sa aking utak so heto na, heto na at isusulat ko na. Choz!

Lately ko lang napagtanto na hindi ko pa pala napanood yung Kill Bill 2. Akala ko napanood ko na parehas.

So napanood ko na rin siya finally (#memoriesinbukitpanjang) habang nagplaplantsa at nalerkey ako na simple lang pala lahat ng ugat ng yishun ni Bill. Najontis si ate black mamba na ex-jowa ni Bill at lumayo bigla ng walang sabi-sabi. Well, nakakabuset naman talaga yon. Ni-Ha/Ni-Ho waley. Nakakapraning kaya yung ganyan dahil di mo alam kung buhay pa o dedz na yung mahal mo sa buhay. Tapos nalaman niya na lang na jontis at magpapakasal na sa isang hindi kilalang kulafu. So how?

So anyare ay sa salita nga ni Bill nung magkausap sila finally ay "I overreacted". Eh big time assassin lang naman siya. what do we expeeeect??? sweet happy ending???



syempre hindi divams?

Pero sabi nga ni Bill nung huling pag-uusap nila ni Black Mamba:
The Bride: [Describing her pregnancy to Bill] Before that strip turned blue, I was a woman. I was your woman. I was a killer who killed for you. Before that strip turned blue, I would have jumped a motorcycle onto a speeding train... for you. But once that strip turned blue, I could no longer do any of those things. Not anymore. Because I was going to be a mother. Can you understand that?
Bill: Yes. But why didn't you tell me then instead of now?
The Bride: Because once I would have told you, you'd claim her, and I didn't want that.
Bill: Not your decision to make.
The Bride: Yes, but it was the right decision and I made it for my daughter. She deserved to be born with a clean slate. But with you, she would have been born in a world she shouldn't have. I had to choose... I chose her.

To some extent, feeling ko may point naman si Bill eh. Bakit hindi na lang sinabi ni 'teh. Eh di sana, wala ng na-massacre na napakaraming tao, inosente man o hindi. Literal na blood bath, mas madugo sa kahit ano pang war sa Game of Thrones.

Baka naman nagconclude agad si 'teh na magiging masamang tatay si Bill.

Pero who am I to judge? YESSSS hahaha! Eh hindi ko naman nga kilala rin si Bill. Helleeer?

Eh ang akin kasi, feeling ko, lahat ng bagay ay madadaan sa maboteng usapan. Parang yung sa How to Train A Dragon 2 movie. Gusto ko kasi parati ng peace. Pag-usapan ang issue. Magresolve.

Ayoko ng issues. Pero nakatira ako ngayon sa Yishun.

Charot.

So anyway, nung nagmumuni-muni ako tungkol dyan, napagtanto ko rin na hindi basta-basta usap lang ang makakasolve ng mga bagay eh. Kailangan din yung mga mag-uusap ay mayroon isang objective - to agree to disagree. Para maresolve na ng 100% ang mga bagay-bagay. At matapos na ang dapat matapos.

Pero mangyayare lang din yan kase kung lahat ng parties involved ay magpapaka-honest sa totoo nilang nararamdaman at iniisip. Kung hindi talaga ok, sabihing hindi ok para makapagsorry ang dapat magsorry kung mali talaga or maclarify ang bagay na akala niyong mali pero ok naman pala. At kung ok na, dapat ok na talaga. Hindi yung pagkatapos ng usap eh ang dami palang opinyon. Lekat.

May forever kahit issues hahaha!

Anyway, naalala ko lang din yung sa Forgiveness Seminar ni Dr. Enright. Sabi nga, sa pagpapatawad mo, hindi mo naman kailangang i-inform yung taong nagkasala, at least sa paningin mo, na napatawad mo na sila. At sa pagpapatawad, hindi necessary ang reconciliation. Bonus na lang yan kung baga. Pero importante ang pagpapatawad. Nakakapagpalaya siya ng utak at puso.

Pordat, naniniwala na ko na there are things better left unsaid. In time, maghihilom din ang mga sugat, kahit pa gaano ito kalalim basta marunong tayong magpatawad.

*bow*

7.21.2015

#simplengbuhay

matagal kong pinag-isipan kung anong peg ko for 2015. Di pa ako ok talaga sa "walang basagan ng trip" peg dahil kahawig din yun ng breaking bad wehehe!

anyway, ang daming naganap sa first half ng taon. nakekelerkey! pordat di ako nakapagsulat sa 1-sentence a day journal (heller pamy hehe!) at matagal din natengga ditey sa blog. parang yung dalawang naunang posts ko eh dahil lang sa init ng ulo ko. play - wag na init ulo baby :)

ganire kase... dumaan ako sa darkest times ng aking karir - daming trabaho, mga buset na kliyente (pwera kay pamy at jamie - may disclaimer ganownz!), kanchong na amo tapos amo ng amo na sinabihan kami ng "feel free to leave" pagkatapos tumulong paangatin ang jupisiners ng anim na buwan. pero buti nga at nakausap namin si george the great at nahimasmasan rin kahit papaano. normal lang daw yon kapag nagpapalit ng mga tagapamahala sa kumpaniya so hindi dapat personalin. tama naman nga si rudy fernandez - trabaho lang walang personalan dapat. nagsabay-sabay lang din siguro hanggang sa di na kinaya ng powers ang bigat ng pressure sa pagtratrabaho hanggang lang napaisip na ko. teka lang kasi divams? para saan nga lahat ng pagpapakadedz sa trabaho? di naman kasing halaga ng loyf ko ang ilang libong dolyar at mamahaling pagkain. hindi ko na talaga naintindihan kung bakit kailangan magbuwis buhay para maging numero uno ang kumpanya.

FOWHAAAAT???

hence my peg - #simplengbuhay.

kung baga sa Game of Thrones, gusto ko na lang maging taga-buhos ng wine or maging isang wilding... ay teka, ayoko sa while walker so basta simpleng mamamayan na lang sa westeros.

yung hindi na ko nangangarap ngayon ng mataas na posisyon or sobrang taas na sweldo basta may buhay, hindi praning at walang iniisip na trabaho, may totoong oras para sa sarili (at tuloy, importante ang masayang tulog), pamilya at mga kaibigan. sabi nga sa trainspotting - choose loyf.

so hooray! natapos naman na ang madilim na yugtong yan at nakalipat na rin ng trabaho (masabi ko lang din, magaan naman ang paalaman portion ko sa dating kumpanya which is really really noice :)).

Ngayon, bumalik ako sa tns. i must admit na it's really nice to be back kasama ang mga dating kaibigan at mga amo na may tiwala sayo. at hindi lang yan! lumipat rin kami ng baler! from buking panjang-jang-jang to Yishun! syempre with old housemates. mas mahirap maghanap ng disenteng housemates kaysa sa magandang bahay or ok na location anez! :D

"new" simple life with old good people ;)

at finally, nakatapos na rin ako ng book - Good Enough Parenting. huling-huli na pala ko sa aking listahan. Pero keri lang. habol na lang syempot. Next in line - The Book of Laughter and Forgetting (heller for the 3rd time pamy! :D). Excited na kong magbasa ulit ng Milan Kundera book.

Speaking of book, nakakatawa si Shen nung isang araw. nagskype kami tapos kunwari siya na binabasahan niya kami ng book tungkol sa dinosaurs. Hongkyut lungz. Initial diagnosis pala sa kaniya ay developmental language disorder. Medyo worried pa rin ako pero hopefully madaan naman sa speech therapy and all that jazz. In fernezz sa RLS Therapeutic Learning Center, ang laki na ng improvement ni Shenee so sana tuluy-tuloy na ang paggalin niya <3 p="">
Si Zyric naman, selos galore pala kay Shenee. Pero syempre I think nagkukulang naman nga kami ni Benjie. Dami kong natutunan sa GEP book at hopefully ay maayos naman namin yung mali namin ni benjtot sa pagpapalaki sa mga kids kaya iniisip na namin silang dalhin sa SG para magkakasama na rin kami sa wakas!

zsazsa padilla! yan na muna sa ngayon. cheka ulit next toym! 

6.26.2015

Quick Rantinela Session

Gusto ko lang ipagpag na hindi ko ma-take yung mga kliyenteng ireremind mo sa specs na kailangan mo kasi marami yung tables at icocode tapos matagal nilang ibibigay. Tapos pagbigay nila, mamadaliin ka. Syempre magtratrabaho ka ng sabado / linggo or sa kahit anong oras para magbigay yung gusto nila. Tapos kapag nagbigay ka ng deadline sa pagsagot nila sa mga tanong mo para makadeliver on time, ang isasagot sayo ay "You can't just do that to me noh? You can't just ask me to work on Sunday morning to answer all your queries." Eh kung sagutin ko rin kaya siya ng ganyan o kaya eh ako bang nagmamadali? Sino bang late magbigay ng specs? huh? huh? huh?

BAGOTA JONES!!! wahaha!

Anyway, yun lang. bow.

Cheeeers :D

5.25.2015

Say Something

Nakikinig ako ngayon ng Piano Ballads playlist ng spotify at narealize ko lang na ang kupal pala ng song na "Say Something"... I'm giving up on you. Ikaw na nga mang-iiwan, nagdedemand ka pa ng reaction. Pag sinabihan ka na iiwan ka na eh hindi pwedeng tumahimik lang para magmuni-muni at magproseso ng feelings, nothing more than feelings?

CHAROT!

#yearoftheHUGOAT

Cheka Lungz

Morpheus: Do you believe in fate Neo?

Neo: No.

Morpheus: Why not?

Neo: Because I don't like the idea that I'm not in control of my life.


The Matrix (1999)

1.31.2015

First nuninuni of 2015

Alohamilkyway!

End na agad ng unang buwan ng 2015. Anyare mga marz??? CHAR!

Heniwey, ito lang ang akin mga puntos mula sa mga pagmumunimuni ngayong simula ng taon:

  • On peace, Mamapasano Clash and Charlie Hebdo: 
    • Sino ba namang mababagabag sa nakakabother na patayan sa Paris at Maguindanao? Of course, mali ang pagpatay. Yan naman ay universal. Pero ang mga naisip ko rin...
      • Sa kaso ng Charlie, hindi ka pwedeng gumawa ng materyal na nambabastos sa paniniwala ng mga partikular na grupo ng tao at isipin na, ine-exercise mo lang kung anumang paniniwala din ang meron ka (sa lugar nila eh anarchists kasi sila na gustong basahin ang kahit na anumang awtoridad) at i-expect na lahat ng tao ang mauunawaan ang pagka-progressive ng utak mo at magkibit balikat lang kung hindi man tumawa sa materyal mo. Parang ang arogante lang kasi ng ganoong aksyon para sa akin, lalo na, alam mo namang may mga taong nagrereact ng bayolente lalo na kapag relihiyon ang pinag-uusapan. 
      • Mapunta namans a Mamapasano Clash, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot at awa para sa mga pamilya - galit at poot sa mga lider sa gobyerno. Bakit ka naman kasi susuong sa kampo ng mga rebelde na todo uniporme para tugusin ang isang wanted ng hindi mo naman bansa nang hindi ka pamilyar sa lugar at hindi ka nagsasabi sa kung kaninuman? Parang anong klaseng intel yon? Ganoon ba tayo katanga? Tapos yung pangulo mo, naturingang commander-in-chief, hindi man lang salubuhin yung mga bangkay ng mga pulis na sinugal ang buhay para saan? Bounty fee mula sa US? Ilang milyong dolyar para sa 44 na buhay at malaking potensyal na gulo pa sa Mindanao? Pangulo na hindi marunong umamin sa pagkakamali. I mean, hindi naman siya masamang pangulo, posible nga na isa siya sa mga hindi corrupt na pulitiko sa kasaysayan ng Pilipinas, pero P^%$#&!!! bakit ba kasi wala siyang balls at sabihing "I am responsible".
    • Well, siguro ang gusto ko lang sabihing primaryang dahilan sa mga gyera o kahit anumang alitan ay una, kawalan ng respeto sa kapwa at pangalawa, pagka-iresponsable. 
      • Mahirap kasing magbigay ng respeto sa panahong pwede mong sabihin o i-express ang kahit anumang iniisip mo. Di ko naman sinasabi ng hindi tayo dapat mag-isip ng masama sa paniniwala ng ibang tao. Wala naman tayong sa Nineteen Eighty Four kung saan krimen ang magisip. Natural lang naman yon sa tao na batikusin ang mga bagay-bagay sa paligid. Pero ang execution ay mahalaga rin. Hindi ka basta-basta lang pwedeng magsabi ng iniisip mo sa lahat ng tao alam mo yon? Dahil merong tinatawag na respeto. Kung di mo kayang paniwalaan ang idelohiya ng iba, sabihin mo sa maayos na paraan. At kung wala kang makumbinsi, eh waley. Walang pilitan. Pluralismo. World Peace.
      • Sumunod naman, kailangan nating maging responsable sa mga aksyon natin dahil hindi ka kumikilos para sa sarili mo lang. After all, lahat tayo ay parte ng lipunan at tayo bilang mga myembro ang huhulma rito. Lalo na sa mga lider, hindi ka pwedeng basta-basta lang magdesisyon ng hindi iniisip ang implikasyon ng mga desisyon mo. Sabi nga ni Carl Sagan, marami kasing akala nila mas mahalaga ang buhay nila kaysa sa iba kaya wala silang pakundangan kumilos pero kung tutuusin, pareparehas lang naman tayong mga butil ng buhay sa universe. Lahat ng buhay ay mahalaga sa pare-parehas na paraan.
    • Ayan, masyadong seryoso na naman ako sa itaas. ayayay! sa ibang echos naman, naalala ko lang bigla na sumali at nanalo ako noon sa photojourn contest. May sipat naman ako noon pero parang nawala ko na ngayon. So isa sa mga projects this year ay subukang makipagbalikan sa aking hilig sa paglilitrato. YEEEZZZ wahahaha
    • Yung the Voice of the Philippines parang contest ng mga laos. Hindi naman sa ayoko sa kanila pero let's give chance naman to others divams? Gawa na lang sila ng ibang contest para sa mga gustong magbalik. Parang yung isang contest sa noon time show. Singing contest para sa mga 40YO+. Sabi nga, better late than nevah! :D (PS: ang galing pala talaga ng ex-rivermaya vocalist na si Jayson Fernandez. As in IMBA. Sayang waley na siya. PS PS: Ibang level din yung si Casper. Pero kapag Casper ba ang pangalan mo kailangan nakakatakot din ang boses mo? choz!)
    • Kakaaliw naman ang Gone Girl. Malapit ko na siyang matapos. In fernezz sa movie, decent naman ang pagkakaremake. O love ko lang din movies ni David Lynch haha! heniwey, kailangan ko na palang gumawa ng reading list for this year. syempre dapat matapos ko lahat ng Gladwell books. bukas bukas maglilista na rin ako :D
    • Oscar's naman. So far, 3 palang napanood namin - Whiplash, Birdman at Grand Budapest Hotel. Syempre Grand Budapest pa rin bet ko. Pero yung Birdman eh kakaiba - ambisyoso sa kaniiyang 1 camera set-up, kaboom na actors at lalim ng mga hugot ng linya. Kung ang Budapest eh lulunurin ka sa detalye at kulay, lulunurin ka naman ang Birdman sa pilosopiya. Akala ko naman comedy lang yon. But no... hahaha! Sana mapanood din namin yung iba. Mukhang maraming magagandang movies this year :D
    • This year, sana rin eh gumaling akong mag-manny bilyar. College pa kasi nung huli akong maglaro ng matino. Kailangan talagang bumawi sa pagsipat.
    • Shen is getting a lot better na pala. Hopefully makapagsalita na sya nang maayos soon at makapasok na sa regular school
    • Gusto kong magBoracay this year. Let's see how? :D
    • Cute yung English Only at ang ganda lang ni Jennylyn Mercado. Well, at least kaparehas ko siya ng pangalan wahaha!
    • Nagkasakit ako ng 1 week this month so halos di rin nakayoga. Kailangang gumaling this year! Do it for the... TSARLOT! Gusto ko lang mamaster ang basic vinyasa man lang. pampalaki ng maskelzzz!
    • Next next week ay darating na ang mga bagong team mates. Hopefully ay gumaan na ang workload kahit papaano. At sana hindi na gaanong topakin si BT. Gusto ko na lang din mag-stay muna siguro sa jolunabells hanggang makauwi na eventually. tapos mag-aral. Ayan na naman ang aking mga pira-pirasong pangarap. hihihi
So this year, hindi ko pa alam ang peg ko talaga. Basta gusto ko lang eh: 
www.youtube.com/watch?v=Z6DUCHo-UHs 


Wala na kong maisip. hahaha!

Bow.

12.11.2014

Bogsa

Self-love does not mean ego-feeding.

***

Gusto kong mag-aral ng sax dahil sa Cowboy Bebop. Spike Spiegel <3 p="">
***

Parang 20 hours akong nagwowork in a day. Pati kasi sa panaginip work pa rin naiisip ko. Pati sa bus, work pa rin. Work from bus! watda divams? Work from bar, work from hotel, work from wherever, anyare? Tapos pag parang wala akong ginagawa sa work, naprapraning na ko LOL! But of course, nakakapagyogi bear pa rin naman ako. OA lang haha! at nakakakain ng masasarap ng fudamz courtesy of best in suhol na amobelz. Isa akong spoiled na slave. TSARLOT! Pero dahil positibo tayong tumingin, at least spoiled kahit pagod wahaha! Tsaka makulit naman si 'teh.

kfinechever!

***

So, may bago pala kong pangarap. After 10 years, gusto kong mag-aral ulit ng psychology para maging Gladwell ng Pilipinas.

BOOOOOOM!

hahaha! libre naman ah? taasan na natin. Parehas pa ng hairstyle si Gladwell at Shen hehe!

Kidding aside, after kong mapanood ang TED talk nya about Spaghetti sauce at segmentation at mabasa ang Tipping Point, napagtanto kong gusto ko naman talaga ng research pero yung research na ginagawa ni Gladwell. At napansin ko rin, hindi ganon karecognized ang psychology bilang industriya sa Pilipinas so gusto kong maging Gladwell. (Pagbigyan niyo na hihihi)

Nakakatuwa pala kasi merong "Gladwell Value Pack" sale sa Popular. 4 Gladwell books sa halagang SGD 25. Gusto kong umiyak sa pagkaGLADWELL.

CHAAAAAR!

At ngayon, di ko na alam kung paano tatapusin ang entry na ito. wahahahahahahaha

Bow.

11.19.2014

Drop-out

Cue music: Sugarcoats and Heartbeats

***

May 2 subjects pala akong dinrop nung college - Math 17 & Sociology and Mass Communication. Baka meron pang iba na hindi ko maalala hahaha!

Well yung Math 17 kasi feeling ko makaka-4 lang ako sa first take. Eh need ko ng scholarship so I opted to drop it na lang. Ayun nga lang, hindi ko na cum laude dahil na-underload ako sa sem na nagdrop ako ng 5 units ng Math 17. To some extent my sisi factor din pero ngayon narealize ko naman eh aanhin ko ba yung honors na yon? Pagtanda mo naman na eh hindi na siya masyadong magmamatter. In the end, mas mahalaga pa rin ang iyong relasyon sarili at sa mga taong mahal mo.

CHAAAR!

Yung Socio yata dahil 'di ko na makita yung sense nung subject. Kung anu-ano kasing pinagsasabi ng teacher kong tibak :D

***

Naalala ko pala, may panghihinayang ako sa hindi pagpunta dun sa immersion sa Anthropology class ko. Nagpunta yung groupmates ko sa Zambales. Ako lang di nakasama dahil di ako pinayagan ni Benjie. Sad.

Pero come to think of it, parang wala pala akong natutunan sa class na yon. hihihi

***

On regrets and what ifs: Syempre tao lang tayo - gusto natin na maayos ang mga bagay at naayon sa gusto natin kaya naman pag lumilihis sa plano natin ang mga sitwasyon eh mag-iisip tayo ng mga what ifs para pahirapan, kung hindi pakalmahin ang mga utak natin para kunwari maitatama pa nating ang mga mali.

Sisihin ang sarili or kung sinuman portion for more kaguluhan at pag-aalala.

Pero isang absolutong realidad na hindi na natin maibabalik ang oras at kahit anong pilit at sisi levels natin ay hindi na natin mababawi ang mga salitang nasabi na at mga bagay na nagawa na.

Sa mga ganitong sitwasyon, madaling sabihin pero mahirap tanggapin na wala nang ibang paraan pa kung paanong mangyayari ang mga bagay-bagay kundi sa paanong paraan ito nangyari nung nakaraan. Yung tipong kahit ibalik natin ang nakaraan ay sa ganoong paraan pa rin sya mangyayari.

Kaya naman mahalaga ang positibong disposisyon sa buhay para tanggapin ang mga mahihirap na sitwasyon at gamitin ito para maging malakas para sa sarili at sa ibang tao.

Parating may mga bagong bagay naman tayong matututunan at maituturo sa iba.

Looking at the bright side of the story efek efek

***

Isa sa inaabangan ko sa Yoga class namin ay yung mga echos ng teacher namin kasi nakaka-inspire sya at nakakagaan ng aura. 

Isa sa paborito ko yung sa Detox Flow. Syempre, pampatanggal ng toxins sa katawan. Pero di ko inexpect na magkwekwento ng something personal yung teacher namin.

Anyway, ang kwento nya ay tungkol sa friends nya sa FB. Taga-Inglatera kasi siya tapos syempre kumokoment sya sa FB ng mga friends nya don. Pero napansin daw nya na lagi na lang rude yung certain friends nya sa kaniya hanggang sa nabother na siya - hindi na healthy ang mga ganung usapan. So he decided to send them "thank you for the old fun times and goodbye/all the best" notes at shinunggal na nya sila sa FB friends list nya.


Kanina naman, nakita ko yung status ng isang friend ko sa FB. Kakatuwa lang din:
You can't run with people who can't make up their mind. Drop 'em, find ones that can and will run with you, and keep running. @stopandrealize 

Parang sabi nga ni Will Smith:
Don't chase people. Be yourself, do your own thing, and work hard. The right people... the ones who really belong to your life, will come to you. And stay.

***

So sa madaling salita, ang mga major kyeme sa mahabang kudang ito ay:

Free yourselves from unhealthy relationships. 

Drop toxic people from your loyf.

Accept and let go. 

Namaste.



11.12.2014

Mr. A to Z

Will see Mraz San next week. Second time to watch him perform in my loyf. Need to review his songs soon!

Chaaaar!

In line with my existential musings, just remembered this line from Details in the Fabric:

You're an island of reality in an ocean of diarrhea. 

*erase mental picture*

Limbo

After reading Sputnik Sweetheart and watching Interstellar + Cowboy Bebop, my brain and mind, as if they are different entities, seem to be floating in a "limbo" state now.

I think I know. I don't think I know. I don't think I think. - Edward Wong Hau Pepelu Tivruski IV

So many existential chorvas running through my head.

Dreamy. Dreamy. Dreamy. 

I love dreaming. 

Life is a dream. 

Maybe yes. Maybe no.



But I'm quite sad right now. I should have stopped watching Cowboy Bebop after the mushroom episode. I got hit hard by something I didn't see coming. I feel like eating dozens of hard-boiled eggs like Spike and Jet did when Ed left.



Same thing with Sputnik Sweetheart - Broken hearts. Shattered dreams.

Sad. Just sad. 

Past. Memories. Baggages. 


And I'm sad for my friends too. I can't understand why guys are like that! Why???

Anyway, there are B sides to every story. But, but, but still...

Oh well. I sometimes love being sad. We need to be sad at times. It's part of life which even Siri acknowledges.

That's a reality no one can scape from.

Speaking of which, I love this line from Nolan's first masterpiece Memento:

I have to believe in a world outside my own mind. I have to believe that my actions still have meaning, even if I can't remember them. I have to believe that when my eyes are closed, the world's still there. Do I believe the world's still there? Is it still out there?... Yeah. We all need mirrors to remind ourselves who we are. I'm no different. - Leonard Shelby 

Muy serioso ha?

Chaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar :D

*Bow*

11.04.2014

spongelab

Tagal ding walang post! ahihihi!

Daming updates pero ireserve ko na muna yan sa susunod na maayos (daw) na post :)

Ito muna ang chorva ko portoday tungkol sa hindi ko naman masyadong paboritong topic



nuninuninuninuninuninuni ^_^Y

*bow*

10.05.2014

Yogi Bear

Naaadik na ko sa yoga lately. 

Ang sarap kasi nung feeling na parang nasa ibang dimensyon ako ng isang oras. Ibang atmosphere at ambience ng kwarto kasama ang mga estranghero. Walang makikielam sayo bukod  sa teacher. Ang gagawin mo lang makinig sa instructions kung stretching, meditation at breathing exercise ba. 

Pero ang gaan ng feeling pagkatapos ng bawat session dahil hindi lang tungkol sa pagpapalakas ng pisikal mong anyo ang yoga kundi paglilinis pati ng iyong ulirat at puso kaya naman aalis ka sa studio na tila lumulutang ang iyong buong pagkatao. 



Peace, peace everywhere.

Namaste.

9.29.2014

Japan, Japan Sagot sa Kahirapan!

Ano bang meron sa Japan? Ang hiraaaaaaaaaaaaaap!!!

Gusto ko na lang matapos ang Full Metal Alchemist

Pffffffft!

9.18.2014

Trulab and other chor

Nakaka-inspire lang ang mga #yakapsul stories (ehem Pamy hahaha)

 Wala lang hihihihihi


9.09.2014

Kiddos

na-ipon lang ulit sa draft ko hehe!

Few of my favorite Zyric-Shen pics :)








Ok na ok naman si Zyric. Kaka-8 niya lang last week. Yay! Mabait naman siya at masunurin. Nakaligtas nga siya sa unang tooth extraction niya nung Sep 1. "This is gonna be fun" yung sabi niya tapos nung nasilip yung karayom eh umiyak na wahahaha! Kaya nga lang eh tinamaan ako ng binato niyang wooden block sa 'kin nung same day aiyoh! Dumugo yung kaliwang talukap ng mata ko. Syempre di naman niya sadya although sabi niya eh si Shen daw dapat ang babatuhin niya dahil sinira na naman daw ni Shen yung laruan niya nyahahahaha! Award! pinagalitan syempre. Anyway, abala siya ngayon sa pag-aaral ng magpaandar ng bike na regalo namin :) Sana matuto na siya soon.

Si Shen naman, di ko pa pala nasulat na nag-aalala ko sa kaniya kasi hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita. Sana nga delayed lang yung speech niya ayon sa initial na sabi ng Pediatrician niya. Halos mag-2 years old na rin siya nung matuto siyang magkalad. Pero ang pinakawoworry ko eh kung may autism siya kasi hindi rin siya marunong makihalubilo sa ibang bata. tapos dapat kasi by this time eh nagsasalita na siya kahit phrases lang. Heniwey, ang good sign ay tumitingin naman siya kapag tinawag mo yung name niya tapos tumitingin naman siya sa camera at sa mga bagay ng "tinuturo" ng kamay. Yay! Hindi naman siya (johnny?) deaf for sure kasi mahilig naman siya kumanta at nasa tono naman siya. So pag-uwi ko sa October eh si Shen naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Sasamahan ko na siya sa doktor niya at itatanong kung kailangang niya nang magpa-speech theraphy. Hindi naman sa minamadali ko si Shen (weh? hehehe), gusto ko lang naman ma-sure na wala siyang sakit at kung sakaling may kailangang agapan eh maayos na rin nang maaga. Cute cute pa naman niya hihihi

miss ko na tuloy kiddos. Di bale, uwi na rin ulit ako in 5 weeks. 

^_^Y

Diveyn, Comedy?

*late post - supposedly nung day na pumanaw si Robin Williams (RIP) - na-imbak na sa draft ko*

Nakita ko kagabi sa teasers ng Cinema One si Dolphy. Bigla kong narealize na yumao na nga pala siya at nalungkot lang ako bigla na para bang ngayon lang nag-sink-in sa 'kin na wala na siya. Parang ang weird lang ng feeling na makita siya sa TV, nagpapatawa as usual at parang walang nangyari.

Pero syempre si Dolphy naman ay may edad at namatay dahil sa sakit. Ipapalagay ko na mapayapa naman siyang lumisan sa mundo.

Ngayong umaga naman, binulaga tayo ng balitang namatay na si Robin Williams. Nakakashock ang balitang 'yan lalo na dahil sa paraan ng pagpanaw niya. Although hindi naman siya ang unang komedyanteng kumitil sa sarili niyang buhay, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa kaniya 'yon - isang napakagaling na aktor na hindi lang maraming napatawa kundi na-touch ang buhay sa mga pelikula niya tulad ng Patch Adams at Dead Poet Society, naniniwala akong he deserved better.

Y'un yun eh... actually hanggang ngayon to some extent ay bothered pa rin ako kahit di naman ako super fan. Parang baket? Baket Robin Williams?

Pero ang sagot sa tanong na 'yan syempre ay siya lang ang may alam at sigurado akong malalim ang kaniyang pinaghuhugutan.

Sa kabilang banda, syempre, issue ko na naman yung biglang ang daming tributes sa kaniya nung nawala na siya samantalang nung nag-fade na yung career niya eh inalagaan ba siya ng mga tao talaga sa paligid niya? For sure syempre may mga taong genuine yung care sa kaniya pero yung sa mga tributes kasi parang biglang lahat ng tao may pakielam.

But of course, kung totoo man o hindi yung concern nila, hindi ko naman talaga dapat pinapakielaman 'yon. Nalulungkot lang ako for Robin Williams. Again, I think, feel and believe that he deserved better.

So kung nasaan ka man, Robin Williams, may you truly rest in peace.



PS: Ang insidenteng ito ay syempre reminder sa ating lahat na alalayan ang ating mga mahal sa buhay. Alagaan at mahalin natin sila hangga't may oras pa :)

Perstaymer

Sa Breaking Bad (na humakot ng Emmys this year) Peg pa rin, ang dami ko palang na-try na bagay this year pordaperstaym! Mailista ko lang para di malimutan:

  • Mag-celebrate ng New Year tapos after a few hours eh lipad na sa airport 
  • Maka-experience ng winter (although walang snow). Nabuhay naman ako sa 7 degrees Celsius. Pero 'teh, haggard ito sa balat! hahaha!
  • Makapaglibot ng Hong Kong :) Buti na lang sinamahan ako ng friend ko that time.
  • Maka-attend ng international MR conference nung birthday ko pa! Sakto :D
  • Makapagpa-facial. Salamat sa libreng birthday voucher ng Singtel. Pero syempre may catch yan anez. Nakabili pa ako ng isang session. Pero nice naman siya at nakakachillax. Kailangang i-justify hahaha
  • Mag-attend ng formal counselling session. Thanks to my housemate Vida hihihi! Nakatulong naman siya ng bongga!
  • Magpakulay ng hair sa totoong salon. although hindi gaanong kumapit yung color sa hair ko eh at least maayos naman kahit papaano ang kinalabasan wahaha
  • Yoga!!! Grabe parang naaadik na nga ako sa Yoga hahaha! Pinili ko itey over gym or iba pang sports kasi hindi lang siya physical activity. May sort of spiritual din, sige na nga psychological and to some extent emotional. Nakakatulong siya nang malaki sa akin overall. CHAROT!
  • Madala si Shen sa SG hihihi! 1st time din naming mag-Legoland. Oks naman siya pero medyo madumi na yung mga legos. Pero yung waterpark eh masaya naman ;)
  • This year din pala yung pinakamatagal naming uwi sa pinas! halos 9 months din na gap
ano pa ba? wala na kong maalala hehe! Sulat na lang ulit next toym ;)