5.29.2006

mukhang ewan...


Mukhang ewan talaga ako kanina. Ewan ko ba! Kasi paggising ko, parang akong depressed na hindi ko malaman. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako. Tapos, ayun nga, naiyak nga ako nung nagpapaalam na labidabi ko na papasok na siya.

*bleep*bleep*

Hindi ko napigil yung luha ko. Tuloy-tuloy lang siyang pumatak. Para akong bata na iiwan ng magulang. Well, maiiwan naman talaga akong mag-isa pag-alis niya pero hindi naman siguro dahilan 'yon para umiyak ng ganun. Nang tinanong ako kung bakit ako umiiyak, ang sabi ko: "aalis ka na kasi e". Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit ako umiyak kanina. Basta yun na lang ang nasabi ko.

Buti na lang, mukhang maganda naman ang mood ni labidabs. Pinatahan muna ako bago siya umalis. At nagpatawa pa bago nakalagpas na eskinita namin. Umutot sabay aktong lilipad na parang si Superman. Wahahaha! Namimiss ko na tuloy 'yon.

*bleep*bleep* (ulit ^_^)

Haaayzzz... Nga pala, sa June 11, 2 years na kami. Waaah... 2 years! Akalain niyo 'yon?!? Ilang beses na rin kaming dapat naghiwalay pero eto, magkasama pa rin at madaragdagan pa, ng baby. Kahit mukhang maikling panahon lang dalawang taon, para sa amin, matagal na rin 'yon, tila dalawang dekada ng pakikibaka at walang katiyakan. Naks! Ang lalim.

Haaay... excited na nga kaming makita ang baby namin.

Tsaka ko na lang siguro ikwekwento ang kahindik-hindik (ahahaha) na istorya namin. Balak kong gumawa ng entry para sa aming anibersaryo. Yung tipong maiiyak ako at ang mga mambabasa. Wehehe ^_^ Echusa lang. Para lang may something special... May ganun pang nalamaman e no?!?

Ciao!

Iba naman sana...


Noong nakaraang linggo, hindi ko matanggap sa limang araw, lunes hanggang biyernes, microwaved Peri-Peri chicken ang ulam namin sa tanghalian dito sa opisina. har har har... Isipin niyo naman 'yon. Pinipilit ko na nga lang kumain para sa baby ko. ahuhuhuhuhu...

echos! tama na ang drama! ehehe. Pero sana naman, ngayong araw na 'to, iba naman ang ulam namin.