update update lang
- echos sa vice ganda issue: while i agree that we shouldn't we joking about people's physical appearances nor gang rape, i find it more bothering that people only reacted violently against vice ganda because he used Jessica Soho as subject. In other words, kung hindi naman si Jessica yon, may magmamaganda ba ng tungkol sa pagjojoke sa rape and all? seriously? Ok, guilty ako na natatawa ako sa mga jokes ni vice kasi ito ang problema natin - it's in our culture to make fun of people with physical defects. yun ang mali natin... wag nating i-zero in lang kay vice. not that I'm a fan pero katulad niya, can we just take things with a mature mind all the time??? (yes, lasing na naman ako hahaha)
- pinayagan na akong magjoin sa banda... with a press release na proxy lang hehe! hinay-hinay lang muna. anyway, umaapila pa ko na baguhin yung band name kaso mukhang decided na yung mga mokong kong kasama T_T so how??? gusto ko sana talaga yung Gray Joy eh. XD heniwey, excited na rin ako sa gig kahit feeling ko hindi pa ako handa talaga listening to our first rehearsal's recordings. sakit sa utak ng decode version namin. que horror!!!
- bothered pa rin ako sa Red Wedding. as in... hindi ako makatulog at minsan natutulala ako sa trabaho dahil naalala ko yung patayan portion. Siguro bilang nanay din, sobrang ramdam ko si catelyn stark... sana manalo siya ng award sa acting niyang yon. sobrang galing... at sobrang nakakabother talaga yung episode na yan. si robb naman kasi, inuna pa paglalandi. nadeds tuloy siya T_T although, sabi pala ng author, automatic pala na kailangang mamatay ni robb dahil ineexpect ng lahat na magtatagumpay siya sa revenge niya sa pagkamatay ng tatay niyang si ned - yung actor being a walking spoiler! hahahaha!!! at i kinda agree rin sa sinabi niya - na kailangan pag may pinatay na character sa isang show or book, kailangang maapektuhan yung audience. otherwise, isa lang siyang superficial experience. ayaw natin ng superficial experiences! hehehe! kabagot kaya yung mga show na yung audience yung mamimili ng ending. nagshow ka pa? walang paninindigan??? charzzz
- natapos ko na rin yung main decks ko for next week hence I'm declaring that I'm not working this weekend. praktis-praktis at linis muna ng bahay ang peg. darating na rin si benjie next week. excited ako although syempre may lungkot factor din dahil less lakwacha with friends... har har!
oh well towel. hanggang sa muliiiiiiii ^_^