echos!
isang malaking panghihinayang na hindi kami nakaabot kahit man lang sa fireworks display ng kick-off chenes ng UP para sa kaniyang ika-100 taon.
na-excite pa naman ako nang todo at kasama pa namin si zyric. but no! pagdating namin sa vinzons e tila nag-uuwian na ang mga utaw. at tama nga. huhuhu...
sayang, sayang, sayang. kaso tapos na kaya walang wentang manghinayang. ganda pa naman ng kwento ng mga naka-attend. touching at nakakaiyak daw lalo na yung pagkanta ng UP Naming Mahal. at akalain niyong merong 100-year-old UP grad na alive pa sa kasalukuyan?!?
por dat, dahil hindi na kami nakaabot, namasyal-masyal na lang kami sa acad oval dahil maraming tiangge. natakaw mata pa ko dun sa choco shake na iniinom ng mga students. sa Coffee Drive ko yun nabili, parang starbucks na pang-masa ang presyo. P30 na large double dutch shake. mura! pero nung natikman ko. pang P30 nga lang talaga siya :P
oh well, advanced pasasalamat kay ms. aggy dahil reregaluhan niya ng centennial planner ang lahat ng UP grads sa opis. weeeeehhh!!!
bow.
pahabol: nood na lang kayo sa youtube sa mga naging kaganapan last tuesday ;-)
1.12.2008
1.07.2008
adik sa detektib komang*
sobrang antok at tamad ako ngayon araw na ito. tapusin daw ba ang hanggang episode 12 ng detective conan hanggang madaling araw e?!? adik! ehehehe!
pero seryoso, fixated ako ngayon sa anime series na 'yon. kung hindi nga lang ako papasok ngayon e tinapos ko na siguro hanggang sa huling episode na laman ng 2 CDs (na sabi ng may-ari ay hindi pa naglalaman ng ending).
naaaliw kasi ako dahil kakaiba siya. dahil detektib ang bida, bawat episode ay may sinosolve na kaso. at amazing (oo, amazing talaga!) kung paano ginagamit ni conan ang kaniyang deduction method para malutas ang mga kaso. yung tipong hindi mo inaakalang tao pala yung totoong salarin. ang galing talaga! (hindi naman sa masyado akong adik no?!?). ang twist pa dun e dating binatilyo itong si Conan - siya talaga si kudo sinichi na (totoong) sikat na detektib. kaso, meron siyang sinundan dati na sindikato at nakita siya. pinainom siya ng gamot na dapat na papatay sa kaniya. kaya lang, imbes na mategi siya e, lumiit siya at naging 6 yo bata. so main mission niya ang hanapin ang mga nagtangkang patayin siya upang bumalik sa dati niyang katauhan at para gawin yun e nakitira siya sa kaniyang childhood friend (na love interets din niya at the same time) na si Ran dahil detektib din ang tatay nun. nga pala, yung detektib na tatay ni Ran e palpak naman kaya si Conan din ang (totoong) nagsosolve ng mga kaso. Kung paano siya dumiskarte para malutas ang kaso e panoorin niyo na lang dahil nakakaaliw.
ang nakakatuwa pa pala e may halong comedy rin ito, lalo na yung love story ni shinichi at ran. wahaha! apir!
ang pinaka-kinaku-curiosan ko e kung makakabalik pa ba si sinichi sa tunay niyang anyo at paano. gusto ko silang magkatuluyan ni ran!!! hmmm...
o siya, siya, panoorin niyo na lang at ang gulo ng mga pinagsusulat ko.
Ciao!
*detektib komang ang tawag ni benjie e. mahilig siyang magbago ng mga tawag sa kung anu-ano at kung sinu-sino. tulad ng spongekulangot (sponge cola) at kung anu-ano pa. peace tayo benjie!!! labyu :P

Subscribe to:
Posts (Atom)