Hindi naman kami close ni Marlon bilang nagresign siya nung dumating ako sa MB kaya di ko na siya na-experience maging boss. Ang alam ko lang magaling siyang kumanta lalo na nang 80s and 90s na love songs (buma-balladeer) dahil nagvideoke kami nung farewell niya tapos sinabihan niya ko na pang-sisiw yung buhok nung nagpakulay ako (sa stress sa paglipat sa PM! hahaha). Anyway, mayroon lang isang espesyal na encounter ako with Marlon nung bago pa kami magkita. Gusto ko lang isulat para hindi ko malimutan.
Nakareceive ako ng offer (call) from Karen para sa RA position. Ang salary na inoffer nila ay 17k which is 70% higher kumpara sa nakukuha ko sa Rebisco that time - that time na baby pa si Zyric at mahal ang gatas and all that jazz! So for me, game na ako dun. Choosy pa ba ako? Maganda naman din ang company at first time ko na mag-MR agency. So ayun, kinuha ko na agad yung offer syempre bilang ako naman ay atat talagang nilalang na mababa ang EQ. CHAR! So anyway, siguro mga 30 minutes after Karen's call, may tumawag sa 'kin ulit. Mukhang MB number pero iba yung last 3 digits. Si Marlon! Sinabihan niya ko na narinig niya yung usapan namin ni Karen at hindi naman daw fair kung 17k lang yung sweldo ko bilang hindi naman ako fresh grad. Tawaran ko raw ng 20k. Luckily, pumayag nga si Karen na taasan yung sweldo ko hooooraaaayyy!!!
Anyway, ang point ko lang naman ay I'd always remember that kind gesture from Marlon whom I barely know that time. Malaking bagay na for me ang 3k at bukod doon ay na-appreciate ko yung concern ni Marlon sa 'kin bilang siguro may pamilya kami parehas. Palagay ko nga rin pinush niya rin ang promotion ko to RE after 3 months sa MB dahil nakatulong ako 'dun sa isang questionnaire (parang yun yata ang dahilan... basta ganoon).
So ayan... I may not know Marlon fully but I'd always remember how he touched me, kahit sa simpleng paraan.
May you rest in peace Marlon Ilag. We'll pray for you and your family.