4.28.2012

Say Haller to Shen-Shen


Can't wait to see you ulit with Kuya Zyric at Papa Jie! Miss yahhhh! 

This is what doobie night does to me...

Charzzz!!!

Hehehe!

Nakikinig ako sa Jam 88.3 Doobie Night Session ngayon at ako ay inspired. Naks! Waley lang!

Matagal akong nahintong shumembot ditey. Napaka-busy kasi ng March. I-bullets ko na lang ang mga kaganapan... FOR MORE!

- Nagresign na ako sa TNS noong March 2; Nagsimula sa IPSOS ng sumunod na buwan. Medyo nahaggard lang ako emotionally sa mga kabagayan at hindi nai-set masyadong mga expectations - like not getting my bonus and all that jazz. Ok pa naman ako sa bagong work bilang wala pang masyadong ginagawa - and hence, boredom! hehehe! Mas mahirap pala yung magpatay ng oras nang nagpapanggap na may ginagawa kaysa yung sobrang kabusyhan. Although, mukhang exciting naman yung mga paparating na projects. Let's see tutubi! Sadyang mas masaya lang yata talaga sa TNS dala ng marami na akong kaibigan doon at maraming flexi benefits. Pero bawal nang mag-regret, ginusto ko to eh! hahaha! may mga bagay talaga na dapat ipinapagpag sa balikat, pinangangatawanan, at chinacharge sa experience. walan namang interes yon ;-)

- 28th Birthday

- Wicked :-)

- Na-hook ako sa Hunger Games series to the point na sinira niya ang tulog ko! haha! Yung book 3, 2 days ko lang binasa. Ganung level. Haaayyzzz! Bukod sa napakarelevant lang ng story niya sa mundo, maibibigay ko kay Suzanne Collins ang di matatawaran niyang istilo sa pagsusulat. Yung tipong hindi mo na maiwan yung libro pag nasa gitna ka at pagkatapos na pagkatapos mo ng book 2, hahanapin mo tiyak ang book 3. Ganown!!! Alam niyo naman, di talaga ako masyadong fan ng pagbabasa. Nang malipat na lang talaga ako sa Jingapore tsaka ko natutong gawing libangan ang pagbabasa ng mga kung anek-anek. Teynks sa impluwensiya ni Villa Madera :-) Ok din naman yung movie. *clap*clap* Last week nga lang, napanood namin yung Battle Royal at obviously, dun kinuha ng writer yung inspirasyon at concept. May mga kaibahan din sila bukod sa pagiging mas marahas at madugo ng BR pero maghahatol ako kung alin ang mas maganda pag napanood ko na rin yung past 2 ng Japanese movie. Hhhhmmm... so judge ako? cheka lang :-D pero ang di ko matatanggap na ikumpara ang HG sa Twilight. Utang na loob!!! Gawa na lang ako ng different entry about HG. Medyo mahaba-haba yatang chever at gusto kong i-justify na dapat siyang tignan bilang isang buong series at hindi itrato ang bawat libro independently. Ang dami kasing may ayaw sa book 3. As if namang macoconvice ko ang mga tao sa pagsusulat kong iyon eh bukod sa kin, wala naman masyado nang  nagbabasa ng blog na ito. mwahaha!

- 6th Wedding Anniversary namin ni Benjtot ^_^

- Graduate na si Zyric ng Claret. Di namin inasahan na mapapasama siya sa Outstanding Students. Kakatuwa naman. Mas masarap pala yung feeling na ikaw ang nagsasabit ng medal sa anak kaysa yung sa ikaw ang sinasabitan. Natapos na rin ang exam niya sa UP IS. Sana pumasa siya para maging batang isko. Next week na lalabas yung results. *fingers-and-toes-crossed*

- Mag-6 months na si Shen-Shen sa Monday

- Napanood ko na ang mga sumusunod:
* Trainspotting
* Reservoir Dogs
* Pulp Fiction
* The Reader
* Revolutionary Road
* Good Will Hunting
* Amelie
* The Departure

Marami pa kong nasa listahan. Basically ang plano ay panoorin ang mga classic movies nung 90s at 00's. Kung meron kayong maisusuggest, please do let me know :-)

Nakalinya rin sa kin ang tapusin ang 97 episodes ng Rurouni Kenshin. It's better late than never, ika nga. Plan ko ring panoorin ang Naruto series pero sabi nga ni Berto, aabutin ako ng 10 years don. Baka next year ko na lang iproyekto.

Marami pa dapat akong isusulat, kaso lang, nakalimutan ko na! wahahaha!

pordat, hanggang dito na lang muna akey. kakaririn ko muna si Kenshin.

Hapoy Friday! \m/