bang!
bang!
bang!
kainis, maghapon kong LSS. amf!
4.19.2011
waley
Q: Paano 'pag wala na ako?
A: Eh di wala ka na! Ano pa bang ine-expect mo eh wala ka na nga? Alangan namang meron pa eh wala na nga! wala! wala! wala! Tseeeeehhhh!!!
^_^Y
A: Eh di wala ka na! Ano pa bang ine-expect mo eh wala ka na nga? Alangan namang meron pa eh wala na nga! wala! wala! wala! Tseeeeehhhh!!!
^_^Y
muni-muni...
"Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… "
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisa at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
Bob Ong, Stainless Longganisa
Naalala ko ang mga quotes na iyan ni pareng Bob (yes, close kami?) bilang napapagod na ko sa konsepto ng pagtratrabaho at pagkita ng pera. Ganito na nga lang ba ang buhay? Ang araw-araw ay tungkol na lang ba sa pagkita ng pera? Paulit-ulit na eksena sa opisina, trabaho, konsumisyon at kung anu-ano pa para lang makuha ang buwanang sweldo. Parang nakakasuka na at napag-isip ako... Eh ano na nga bang pangarap ko? Wala sa listahan ko, noong bata ako, ang maging alipin ng mga malalaking korporasyon. malayo 'yan noon sa pangarap ko. nag-aral ba ko sa marangal na unibersidad para lang maging sunod-sunuran sa mga kliyenteng walang konsiderasyon?
syempre hinde!
XD
pero, ano ba pangarap ko?
ilang linggo din siguro ko nag-isip. parang nakalimutan ko na kase kung ano nga bang gusto kong gawin sa buhay dala nang mga sitwasyong di inaasahan. nakonsumo na ko ng pagkita ng pera. pero kung lahat na lang ay tungkol sa pera, di na yata buhay ang tawag don.
pordat, matapos ko lang talaga yung bagay na dapat kong tapusin, babalik ako ng Pilipinas dahil isa lang naman gustong gawin - maging makabuluhan na mamamayan. Gusto kong maging guro at manunulat. Nais ko ring ibahagi ang aking talento sa musika. at syempre, maging mabuting ina at kapamilya :-)
target ko, sa 2015, dapat ma-achieve ko na ang mga ganitong kyeme ko sa buhay.
sa ngayon, ipon-ipon muna. ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon-ipon...
may kaniya-kaniyang panahon naman ang mga bagay-bagay. basta, pangako ko sa sarili ko, tutuparin ko yang mga pangarap ko.
taga ko yan... sa blog ko :-D
4.17.2011
Tugunks!
Nagsusulat ako dito sa kwarto habang patay ang ilaw. Natural, madilim. Naalala ko, nakaharap nga pala ako sa salamin. Bigla kong tinignan ang sarili ko.
Natakot ako nang makita ko ang repleksyon ng mga mata ko habang bakas ang ngiti.
Toinks!
Toinks!
Toinks!
Tapos, dali-dali kong binuksan ang aking lampara at tinawanan ang sarili sa katimangang ito.
mwahahahahahahahaha!
Parang gago lang.
Back to my regular adiktus programming ;-)
V.T.S.
Malapit ko nang matapos ang panonood ko ng Trigun - isa marahil sa pinakamalalim at makabuluhang anime sa sangkalupaan. Pero bago ko tuluyang wakasan ang nalalabi pang anim na episodes, gusto ko munang magpasalamat sayo, Vash The Stampede, dahil kahit alam kong cartoon character ka lang (oo, matino pa rin ako kahit papaano bilang alam kong cartoon character lang siya XD), tinuturuan mo ako kung paanong dapat kong mahalin ang sarili at buhay ko. Kaya naman, kahit alam kong napakadali lang gawin yung "pakikipagsapalaran sa Sagada" sa bukas kong bintana dito sa ika-labing dalawang palapag ng aming block, inonood ko na lang ng Trigun ang lahat ng mga kung anu-anong sh*t ko sa buhay.
Ito ay dahil sa sabi mo nga...
"After all, the world is made of LOVE and PEACE! LOVE and PEACE! LOVE and Peace!"
Mabuhay ka, Vash The Stampede! ^_^Y
Subscribe to:
Posts (Atom)