12.29.2008

before 2008 ends...

Aloha Milky Way!

Bago man lang magtapos ang taon, makapagsulat naman sa blogag na ito.

In fairness, maganda naman ang 2008 for me and my family in general. To recap, ito yung mga major events sa taong ito:

  • January - 100 years na ang UP!!!

  • February - nagkagulo ang Pinas dahil sa chorva ni Jun Lozada re ZTE scandal

  • March - Ang machorva kong paglipat sa Project Management dept ng MB bilang “acting head”; 24th bday (pero may kliyenteng bumati na “so how old are you, 30?”; buti di ko namura… ehehe)

  • April - American Idol si David Cook; 2nd wedding anniv

  • May - got interested in applying to work abroad

  • June - Chi-Ken’s 4th year

  • July - Got my TNS SG noodle dream

  • August - Zyric’s second birthday; Last month in MB PH

  • September - flew to TseNeS SG

  • October - Benjie’s 22nd bday

  • November - nandito na rin si Benjie

  • December - regular na ko sa TseNeS; 1st Christmas in SG but w/o Zyric L

Ayan, so ngayon, andito pa rin kami sa SG. Plan naming umuwi sa pinas sa April pero sa totoo lang, sobrang ang dami kong namimiss at ang mga iyon ay ang mga sumusunod:

  • Zyric!

  • Pagbili ng pandesal at kakanin sa umaga

  • MRT blues; so far, wala pa kong awayang nasaksihan sa loob ng MRT sa SG di katulad sa pinas na hindi buo ang araw ko kapag walang warlahang naganap. Ang mahirap lang sa SG kapag may nakatabi kang napster, mahihilo ka sa bango :D

  • UP: sunken garden & acad oval

  • SM north, shoppersville, glorietta

  • Jollijeep at pagsakay sa jeep at tricycle. Puro buses, MRT at taxi lang dito sa SG
    Krus na ligas

  • Chikahan galore kina lalah, meltot, jhoyskee, junifur, levyness, pamy, et al

  • Gay lingo

  • Pinoy ads (ang chaka ng mga commercial dito sa SG pramis!!!)

  • OPM… ano na bang uso ngayon?

  • Nikowliyala at kristsuper tuwing umaga

  • Oh yes, MB at links!

  • Videoke!!! Perya at iba pang kajologs-an

  • At higit sa lahat, si Zyric!!! Huhuhuhu

Speaking of zyric, mukhang may future naman at pinagmanahan.. ehehe!


Looking forward for more chenelyn this 2009.

Happy new year sa ating lahat!