12.02.2012

Update-update nameyn dyeyn

ngayon lang pala ko ulit nakapagblog. acheche! busy-busyhan portion kasi sa panonood ng Homeland. KALORKEEEYYYYYY!!!

heniwey, some updates in the last 2 weeks:

Bamboo Gig: Nakapanood na kami ni megatron ng Bamboo gig. Magaling naman si Bamboo as usual kaya lang:
  1. 1 hour at 15 minutes lang yung gig. bitin!!! 
  2. Paos na si Bamboo after the 5th song
  3. Dahil matangkad kami ni meg, di namin masyadong nasilayan yung perpormans ni koyah. *sigh* yung mga tao naman din kasi taas ng taas ng mga fonels at camera. yun na siguro yung mahirap sa mga concerts ngayon. nirerecord na lang yung mga performance. eh paano mo pa maeenjoy yung totoong concert kung nakafocus ka sa nirerekord mo anez? syempre echoz ko lang itech. paano kaya ang mga gig ngayon sa pinas? ganun din kaya?

   Heniwey, gayunpaman, masaya naman yung gig. di ko inakalang fangurl pala itong si meg. kalerkey lang yung mga tili niya wahaha! tsaka iba pala yung feeling ng kumanta ka ng "Pinoy Ako" song kasama ng iba pang OFW. feel na feel mo lang anez. tsarlot! at syempot, taas kamao pa rin sa song na Tatsulok. Mukhang ako lang naman gumawa non sa crowd. wahahahaha! Bilang panghuli, syempre papanoorin ko pa rin naman si Bamboo muli - kalbo man siya o hindi. YESSS! ruma-rhyme! hahahaha!

Ipsos Team Building: Ang sakit ng katawan ko the day after the team building ek-ek. Kasi naman akala ko bata pa ako at kung makakarir sa mga laro eh ganun na lang. eh siguro, dala na rin ng puro lolo at lola na yung mga naging ka-group ko. how ha? Ngayon ko lang pala nalaro yung dodgeball. Kahawig pala siya ng larong-pinoy na "touch ball". Sayang nga lang hanggang semis lang kami. Masaya sana yung finals for more buwis-buhay moves. oh well, signs of aging nga naman. 

   Yung team building na rin pala yung aming year-end event. So may dinnerva bonnevie nung gabi. Yung pagka-olats ng fudams namin nung lunch at kawalang snacks nung hapon (hunger games???), binawi naman sa dinner. Daming fudams at drinks. Charap nung grilled-lamb!!! waging-wagi!!! at dahil naiwan ko pala yung aking phone sa 2nd bus nung umaga, hinintay ko siya nung gabi. buti na lang simahan ako ni Jamie :-) But no... dahil nakita kami nung aming pinakamataas ng bossing at tinanong kami kung pupunta kami sa "after-party/videoke session", sumama na rin kami dahil mukhang walang ibang taong nandoon sa videoke house. syempre yung aking unofficial talent manager na si Patrick eh binenta aketch sa mga kautawahan. Kamusta yung kumanta ako ng 'Because You Love Me' kasama yung mga lowla! Harfiness naman siya at cool kasama rin si Jamie. Muntik lang kaming ma-stranded nung pauwi habang umuulan. 

  Ang weird lang pala nung aming t-shirt. maipagpag ko lang. kasi naman, pinrint yung "Nobody's" sa harap tapos "Unpredictable" sa likod. (tamad na kong magficture wehehehe) So sa mga pictures, lahat kami ay nobody! hahahaha! at mga unpredictable kapag nakatalikod. Wenks??? napakataliwas lang sa tagline namin anez??? wahahahahahahaha!
 
Rurouni Kenshin: Sa wakassssssss!!! Wooooohoooooooo!!! Di naman kami binigo ng pelikulang itetch. Great casting, cinematography, stunts at build-up ng story. Sakto yung pasok ng mga hangin, ulan, at kung anek-anek. At walang computer-generated graphics ha! imagine sa lahat ng mga fight-scenes, nagawa nila ng katulad sa cartoons. peborit ko yung fight scenes nila ni Jinei. Gayang-gaya! Sobrang galeeeennnggg!!! Nakakalerkey sa galeeeennngg! *oa lang* 

   paminsan lang nawawala ang concentration ko dahil sa mga tili ni genie ohhh! hahaha! kilig na kilig kay Takeru haha! although ako rin naman! hahahaha! perfect lang kasi si Takeru sa role. Wala ng iba pang makakagaya kay Kenshin siguro. Siya na yon eh! Ang wish ko lang naman ay sana tumangkad pa si Sano at Saito (na masyadong mababa ang belt at pants according to Geof aka Kuya Bobby) tsaka sana mas sexy yung kinuha para kay Megumi. Yun lang nomon. Ayos din pala si Yahiko. Ang cuuuuuuuuute! Lagi lang marumi yung mukha niya sa movie. Gusto kong punasan habang sinasabing "anak, maligo ka naman..." hahaha!

   Syempot, harfiness dahil may nakuha akong poster. Wooooooohoooooooooooooo!!! Saya-saya! kung pwede lang ilagay sa kisame. *puso*puso*

   Gusto ko siyang panoorin muli sa Pinas kasama ni Ken, este Benjtot. Can't wait for part 2!