Tagal ko na pinag-iisipan kung anong gagawin ko sa bday ko. Saan kakain and all that jazz pero hanggang ngayon wala pa rin ako mapagdesisyunan (as if sobrang malapit na hahaha). Heniwey, wala naman talaga kong gustong gawin. dinner-dinner-an lang with friends and sir chief, as usual, so hindi ko na siya dapat isipin... Ano daw?
Wahaha!
***
Nasa hospital pala si lola. Medyo ok na siya at least may mga gamot na and inaalagaan naman siya. Di ko nga lang alam kung matatawa ako or maiinis or ewan ko sa dahilan ng aksidente nya. May senior citizens' party kasi sa baranggay namin. Nagpalaro sila ng pabitin. Ano namang klase yon??? Eh ayun nagkagulo yung matatatanda sa pabitin at nadaganan si lola. Nabali ang balakang. Aiyoh! Pwede daw di operahan si lola kasi medyo delikado yung mataas na bo niya kaya lang di na siya makakalakad. Wheelchair na lang. Hay. Gusto ko pa naman ipasyal pa si lola. Oh well, loyf. Basta maging ok na siya.
Naalala ko pala yung lola sa magnifico. Nahulog dahil kinuha ang saranggola sa bubong ng bahay. Di na ko mag-j-jaywalk.
***
Ang daming kaganapan this year. Mukhang uuwi na yata si villa sa pinas. Si genie manganganak na. Yung isa ko ring kapatid manganganak. Mag-30 na ko. Shocks 30! (Eh ano naman? Whaha). At sa nakaraang 2 months. Dami ko ring travel for work. Hay...
Sana ok naman ang karir this year. Kalungkot lang yung nagresign agad si bossing. Hay ewan. Bahala na muna si batman (sorry bruce).
***
Natapos ko ang The Rosie Project in a week! Woohooo! Kakatuwa siya. Story ng nerd na na-inlababo. Mukha kong shunga na tumatawa mag-isa sa bus habang nagbabasa. Kebs. Mwahahaha! Si tom hanks pala ang naiisip kong actor if ever na gawin siyang movie at ngayon, narealize ko na gusto ko pala si tom hanks. Isama na rin si hugh grant. (Anong koneksyon? Dont know leh hahaha)so bet ko sila kasama nila robert downey, joseph gl, johnny depp, ewan mcgregor, mark ruffalo, michael fassbender, christian bale, james franco... At ely buendia. Huh?
BOOM!
Yung Cloud Atlas naman ay natapos ko rin last week and love ko rin siya (thanks ulit pamy). May mga major changes pala na ginawa sa movie. Well, actually sa sonmi story mostly at syempre mas maganda yung book as usual hehe! At magaling ang style niya. 6 different chapters sa iba-ibang panahon pero magkakatugma. Ang galing ng paggamit ng wika nung writer. Di naman nakakapagtaka na required reading siya ngayon sa brit lit classes. At syempre, bet ko yung mga philosophical choba. Feelingera lang. Wehehe!
Next... How To Kill a Mockingbird, Imitation of Christ, Killing Jesus, The Unbearable Lightness of Being and hopefully, ravi Zacharias' books to answer my questions. Of course nagsesearch pa rin ako pero di ganun ka-"fired up". Kailangang isulat lahat ng questions. May notebook na ako. Ako na lang hinihintay ;)
***
Ritual namin ni benjie ngayon ang panonood ng mga popular and underrated movies. Kakaadik magbrowse sa Taste of Cinema eh. Kakapanood lang namin ng Trainspotting nung isang gabi. Bukod sa love ko si ewan eh ibang klase talaga ang cinematography at editing ng movie na yan. Patok syempre yung pag-mock sa "normal" life (choose life in Scottish accent). Narerelate ko sa kaniya yung Breaking Bad. Yung mga POV shots ng BB pala ay hawig sa Trainspotting pero higher level. Syempre dapat may isang entry ako about BB. Sa ibang panahon na lang. Ang hirap magpindot sa phone hehe! Pero ngayon, trip na trip ko itong playlist na itey sa Spotify. Gusto kong ihug yung nagcompile ng
playlist na ito. Char.
O zsazsa, magdodownload muna ko ng movies.
Peace out yo!!! \m/