noh?
noh?
noh?
So ito yung mga pache-pache ko lang naiisip tungkol sa mga nangyari sa pinas noong dumaan ang stronger typhoon to land, ever gotesco:
- *update*: Ito yung unang-unang point na nakalimutan kong isulat wahahaha! anyway, gusto ko lang sabihin na pruweba ang yolanda na seryosong problema na ang climate change. Idagdag pa ngayong taon ang sobrang babang temperatura sa canada at america, pati na rin paglamig sa South East Asia. Anyareeeeeee??? sana lang eh may mabago pa para maibsan ang kondisyon nating ito. har har har
- Hindi mo mababayaran ang bagyo para maisalba ang buhay mo. Sa panohon ng natural na kalamidad, walang silbi ang pera. Kahit ilang bilyon pa yan, kung binaha ka, hinangin, o natrap kung saanman, lahat yon pati buhay mo ay mawawala lang ng bula sa oras na tamaan ka ng kalamidad. Lesson: Wag igugugol ang buhay sa pagpaparami ng pera. Pagyamanin ang sarili sa ibang mga aspeto - mental, sosyal, at ispiritwal na matatangay mo hanggang sa huli. Choz.
- May tendency ang mga pinoy na isipin na ang universe (yes, hindi man lang solar system) ay umiikot sa atin ano? Yung pinoy pride kasi natin nagkalat kung saan, kahit sa mga hindi tamang lugar. Naalala ko tuloy yung isang friend ko sa FB: "Really now, slapping the logo of a news organization on a comment left by some rando. And devastation and death is a privilege. Ooookay. Sometimes it's really apparent that the proud to be Pinoy crowd is collectively missing a chromosome." wahaha! Well, di ko naman sinasabing maling maging proud, in fact, coping mechanism natin talaga yan eh - lalo na kapag ofw ka at inaapi ang lahi mo sa bansang pinagtratrabahuhan mo. Ang akin lang siguro, ilagay natin sa tamang lugar dahil hindi naman mabubuhay ang mga namatay na dahil kay Yolanda sa pamamagitan ng pagmamayabang. at wag nating kalimutang hindi lang mga pinoy ang tao sa universe ano?
- Sobrang dami ng balita, hindi mo na alam kung ano ang totoo. Yung mainstream media, grabe makasensationalize, of course dahil sa ratings. Wala ng pakundangan kung magpost man ng mga videos or photos ng mga patay which is just really not ethical. Marami pa sa mga media practioners eh kilala mong taga-UP. Mga hindi ba kayo nagsipag-comm190 ha? *galet* Tapos yung mga tao naman sa social media, share ng share ng kung anu-ano nang hindi man lang vineverify ang source. React agad ng negative. mura dito, mura doon. grabe ngayon lang ako nakatanggap ng sobrang negative energy sa aking fb newsfeed dahil sa lahat ng galit na post. Well, oo nakakadisappoint naman talaga ang gobyerno, pero bago magmura o magpost ng anuman, isipin muna kung makabuluhan o may maitutulong. Nagcre-create lang tayo ng unnecessary stress sa mga buhay natin. para tayong mga sira lahat.
- Heniwey, sana naman eh magkaroon na ng sistema sa pre and post disaster operations na i-cascade nationally ano? Di pa ba tayo nagsasawa na react lang tayo ng react sa kalamidad. Parang kulang talaga sa preparasyon eh. Sana diyan na lang igugugol ang pork money.
- At syempre feeling expert ako ano? yan din yung napansin ko sa social media lately. Biglang lahat ng mga pinoy experts. libo-libong kung anu-anong opinyon yung nababasa ko - kesyo dapat ganito, dapat ganyan, blah blah blah. Aba, kung lahat pala tayo expert eh bakit ang hirap pa rin ng bansa natin ano? eh puro kasi tayo expert sa kuda. Pag aksyunan portion na eh turuan na at kung anu-anong sh*t na pag-eexcuse na. Anyare? Eh di wala. 3rd world country pa rin tayo at nagbabadya na magkaroon ng another Marcos na presidente.
- A F R A I D Y A G U I L A R
- Light naman tayo. So nagkaroon kami ng Bayanihan donation drive sa office at nakakatuwa yung response ng mga tao. yung ramdam mo na taos sa puso talaga nila yung pagbibigay at hindi lang napilitan. Yung mga kinakainisan kong tao, nakatrabaho ko man o hindi, eh nagsipagbigay lahat. parang sila pa nga yung pinaka-generous. pordat nagpapakabait na ko sa kanila wahaha! masama talagang maging judgmental kasi. yan din yung kailnagan kong ayusin na attitude. Heniwey, ngayon lang nagkaroon ng collective action talaga ang mga pinoy sa office din kaya nakakatuwa. lahat ng tao nagbigay ng mga ideya at kontribusyon sa ilang araw na preparasyon. buti hindi na-dedmadela ang aking email para sa initiative na ito at nakiisa ang lahat. So masasabi kong successful ang event na ito hindi lang dahil marami kaming nalikom na pera kundi sa mas mataas na antas pa - commaraderie, positive spirit, compassion, etc. Naway marami kaming matulungan sa Samar at Palawan. Speaking of donations, kailangan ko pa palang ayusin yung ilang bagay mamaya. wahaha! Karir na ito!
- Tungkol sa event, kakatuwa rin kasi 2 yung nagsabi sa akin na pwede akong maging presidente ng pilipinas na talagang pangarap ko 2 decades ago. WHATIFFF???
- ISANG MALAKING TSARLOT NA ITO KAYA MATUTULOG NA KO!
Mwahahahahahahaha!
Good morning :)