10.26.2007

happiness factory


pagkatapos ng ka-ajitan, share ko naman ang ilang happy moments (sa millward brown in particular)...

hapi kasi first time ok yung report na ginawa ko and it was appreciated ng mga bossing. although, syempot, pa-humble efek pa rin at totoo naman na hindi mahirap i-analyze yung study dahil consistent naman at hindi problematic ang data. basta hapi siya. well, hapi naman ako talaga kapag napapansin ang trabahong pinag-hirapan - sa karir man o kung saan

hapi rin kasi so far (sabi ko nga kay pamy kagabi), ayos pa naman ako sa MB at wala pa akong balak umalis. biruin mo yon! wahaha! rekord ito dahil usually, naiisip ko nang iwan ang trabaho in a few months kapag hindi ako satisfied. so sa kasalukuyan, 4 1/2 na halos ako dito sa opis. wokokok!

at hapi rin talaga dito dahil dito ako unang naregularize at na-promote (although i still don't feel that I "really" deserve the promotion dahil parang hilaw pa ako) :-)

isa pa, isang masigabong palakpakan dahil naglalakad na si zyric. yipeeeee!!! after 1 year and two months. wahaha! pero syempot hindi pa siya ganoon katatag kapag naglalakad. patumba-tumba pa dahil tabachoy. wehehe!

panghuli, malamig na tuwing umaga at gabi... magpapasko na! wala lang :P

o zsazsa zaturnnah... hanggang sa muli. ciao!

malaya na siya...

so malaya na si erap...

e kulang na lang i-legalize na rito sa Pilipinas ang kurapsyon a! kunwaring ikukulong ng ilang taon dahil napatunayang may sala tapos sa isang iglap lang e lalaya ka na dahil sa pardon mula sa isang naghihingalong administrasyon (naghihingalo dahil sa sandamakmak na eskandalong kinasasangkutan nito).

well,of course, malamang e sinamantala ito ni GMA dahil kailangan niyang magpa"pogi" sa dami ng kalokohan niyang nabubulatlat sa ngayon. at kung tutuusin e dahil sa ginawa nilang pamumudmud ng pera sa MalacaƱang e dapat nasa kalaboso na rin siya no! ggrrrr!!!!

anak ng ewan! ke aga-aga ajit ako.