10.24.2010

randomness 101

some random chorva:
- kakapost ko lang kanina pero ayun, mahal ko ang ulan at kung anumang mga may kinalaman sa tubig
- ako ay agnostic
- gusto ko ang pula bilang kulay ng sneakers, wallet at payong
- gusto ko ang pakiramdam ng maong na ilang beses nang naisuot pero di pa nalalabhan.
- sobrang paborito ko ang eraserheads pero never ko silang napanood gu-mig. as in, kahit yung reunion 1/2 concerts. wichikels! @@
- gusto kong magsulat pero mga kalokohan lang
- parang gusto kong maging teacher pero di ko sure if I'm capable to be one
- gusto kong maging dubber
- nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil hinayaan nila akong maglaro sa kalsada para maranasan ang kaligayang dulot ng paglalaro ng piko, chinese garter, syato, langit-lupa, tagu-taguan, ten-twenty, foot ball, mataya-taya, teks, pog, agawan base, (ano ba yung pinapalsik mo yung rubber band?) at kung anek anek pa.
- dati akong "aktibista"
- di ako morning person
- paborito ko ang mga shades ng asul at berde
- masaya lang minsan magpuyat sa mga walang kawawaang bagay
- masayang mainlab (sabi nga kay sarap ng may minamahal)
- gusto ko ang kahit anong bagay na related sa Japan. siguro dahil sila ang pinakaprogresibong bansa sa Asya at sadyang defined ang kanilang kultura. lab na lab ko ang anime. gusto kong naririnig ang Japanese na lenggwahe. basta,gusto ko ang Japanese chorva!
- di ako naniniwala sa chorva ni ratatouille na "anyone can cook". ang pagluluto ay talento lang din. may formula pero iba ang finish product kung sadyang talentado ka sa larangan na yon.
- gusto kong vumideoke
- laking saya ko na kapag nakakanta o nakatugtog ako sa isang gig other than company event
- paborito kong lab movie ang eternal sunshine of the spotless mind
- keso ako kung keso
- ako ay trying hard na artsy fartsy
- masaya ang rugged na porma. kahit siguro tumanda na ko yung pa rin ang pipiliin ko
- sadyang mahal ko ang musika. noong bata ako, tagal ko ring naging member ng lyre and drum band. kaligayan ko non ang pagtugtog, pagsunod sa rhythm.
- gusto ko ulit matutong tumugtog ng piano
- gusto kong gumaling sa gitara
- sadyang di ako fan ng mamahaling brands
- gusto ko ng lumiit tyan ko
- namimiss ko na ang dekaron sea at mga kaibigan ko 'don
- gusto ko camera na may malufet na lente pero naknakan naman ng mahal
- gusto ko rin ang dumadagundong na speakers. yung nakakabasag ng eardrums hanggang sa dumugo na yung tenga =))
- gusto ko si johnny depp at ely buendia
- pinaka-hate kong parte ng katawan ang mga binti ko bilang ang lalaki lang nila
- masayang mag-ice cream at chocolate
- mabuhay ang himig ng dekada nobenta at mga Tagalized Cartoons noong erang ito (ceddie, sailormoon, ghostfighter, atbp)
- mas nasiyahan ako sa high school
- miss ko na magsulat ng nutri at math jingles
- komportable ang buhay sa singapore dahil convenient lang lahat. mamamatay ka lang sa kaburyungan kapag wala kang internet.
- pag-iinternet at kuryente lang ang bisyo ko
- miss ko na si zyric. sana yung mga di ko nagagawa ngayon, magawa nya in the future. nawa'y maging mabuti at talentado syang tao.
- mahal ko ang unibersidad ng pilipinas. naiinis ako sa mga isko/iska na walang pagmamahal sa bayang nagpaaral sa kanila ng kolehiyo. yung mga tipong ipagpapalit ang Pinas passport nila kapalit ng convenient na pagtravel sa ibang bansa. HELLO???
-mahal ko ang Pilipinas. kahit na gaano ka-corrupt ang gobyerno at kahit gaanong nakakasuka ang sistema nito, marami pa ring dahilan para ipagmalaki ko ang bansa ko at mga kapwa ko
- boring ang mundo kapag wala ang Pilipinas sa mapa nito. sige, imagine nyo.
- naniniwala akong may pag-asa pa ang Pilipinas kapag bawat Pilipino mag-iisip ng ganito --> "ako ang simula ng pagbabago"
- ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. pag-aralin mo ang mamamayan mo at tiyak na uunlad ito. tigilan ang komersyalisasyon ng edukasyon.
- laging may rason para maging masaya. sabi nga, always look at the bright side of the story. kahit pa dot lang ito.
- parang gusto kong bumalik sa TV work
- pangarap kong makapunta sa paris at rome
- di ko masyadong bet ang mga outer space adventure
- wala akong talent sa sports
- never pa kong nakapunta sa mang jimmy's kung saan bottomless ang rice
- masaya lang mahiga habang nagsousoundtrip. yung tipong wala kang iisiping iba, makikinig ka lang sa kanta at musika.
- masayang manood ng pelikula sa sine
- gusto ko ang keso
- walang sinabi ang Ovaltine sa Milo
- di ako mahilig sa kape. di ko lang talaga sya trip lalo na't di kaya ng sikmura ko ang asido nito. wirdo non kasi 2 cans ng Coke sa isang araw, di pa sumusumpong hyper-acidity ko. kalahating tasa lang ng kape, ayan na sya @@
- di ako fan ng gatas
- betty mae ko ang Ceres Whispers of Summer
- sadyang makulit ako sa chat
- sadyang masaya lang chumika
- haller sa mundo ng cyber-stalking. salamat sa fezbuk!
- wala na ko maisip ngayon. o tinatamad na ko magsulat?

bow.