4.02.2016

Lola


Matagal ko ng gustong sumulat tungkol sayo lola. Kaya lang, maisip ko lang yon, naluluha na ko agad (hanggang ngayon pa rin naman). Nalulungkot lang ako kasi feeling ko, hindi ko pa nabigay lahat sayo. Hindi pa ko nakabawi sa lahat ng tulong na naibigay mo sa 'kin. Sana naipagamot pa kita, sana naipasyal pa kita, Sana nabigyan pa kita ng mas magandang buhay. Sorry, lola. 

Kung pwede ko lang ibalik ang panahon. Sana hindi ka na lang naaksidente. Sana hindi ka na nahirapan at dumanas ng sobrang sakit. 

Pero lola, sa huli, gusto ko lang maalala yung mga panahong masiyahin ka at malusog ka pa. Alam ko naman lola na nagawa mo na ang lahat para sa pamilya at mga apo mo. Ikaw ang modelo ko ng mabuting tao na handang tumulong kahit kanino. Na minsan, kahit wala na, bigay ka pa rin ng bigay kasi sobrang laki ng puso mo lola. Ni hindi ka nagagalit. Lagi ka lang positibo. Laging nakangiti.

Kung tutuusin, kung wala ka, 'di ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Ikaw ang nagpuno sa lahat ng kakulangan ng mga magulang ko. You were always there. You never turned me down. Hindi ko 'yon malilimutan sa habang panahon.

Lola, you're the most beautiful person in the world. inside and out. Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, tulong at gabay.

Sana payapa at masaya ka sa piling ni lolo ngayon.

Paalam Lola. Mahal na mahal kita.

Mga walang kwentang kuro-kuro tungkol sa Batman vs Superman

'Di ako masyadong nakaconcentrate sa panonood ng Batman vs Superman bilang ang dami kong hanash wahaha!

Ito yung mga walang kwenta kong opinyon:
- Ilang beses ba kailangang mamamatay sila Mr. and Mrs. Wayne sa movies. Naaawa na ko sa kanila. Pagpahingahin na naten sila please....
- Nahirapan ako sa umpisa na tanggaping si Ben Affleck si Bruce Wayne. Si Nick Dune pa rin ang nakita ko nung umpisa nyahaha!
- Bakit masyadong baliw-baliwan portion si Lex? Mukha siyang meth head na nerd. Tapos parang sa dark knight yung conflict sa dulo. Pero si Superman naman ang mamimili tapos si Lex yung joker.
- Sa scale na 1-10, gaano kapani-paniwala ang mga abs ni Henry Cavill?
- Mabuhay si Tyang Amy!
- Bakit yung kapa ni Superman, nagwawave tulad ng Kapa ni Leonidas sa 300? (Alam naman naten kung bakit)
- Eh yung magkatabi lang naman pala ang Gotham City at Metropolis?
- Nung sumakay si Gal Gadot sa mabilis na kotse ni Bruce, eh di Fast & Furious na yon :P
- Bakit ginawang powder ni Batman yung kryptonite? Tapos mawawala rin bisa. Wenks.
- Tapos dahil lang sa magkaparehas na Martha yung mga mudrakels nila Batman at Superman, besties na sila agad? Nyahaha!
- at bakit kailangan ng dream within a dream. Inception na yon.
- At higit sa lahat, bakit kumuha sila ng artista para kay Alfred na mukhang matandang Robert Downey Jr tapos kung umakting ay parang si Jarvis. Bakeeeeeet?

wahahaha!

Kidding aside, may mga parts naman na ok yung movie. Like yung mga philosopical na linya at superb din siya visually. Kung tutuusin, maganda siyang sequel for Man of Steel. Magaling din si Ben Affleck pero syempre ibang-ibang brand na ng Batman kumpara sa Dark Knight series. Kaya naman pala malungkot siya na masama ang reviews T_T Naappreciate ko rin na strong yung women characters lang yung senator, si tyang Amy, 2 Marthas at syemps si Wonder Woman na sobrang galing dun sa fight scenes.

Bilang pagtatapos, gustong-gusto ko rin yung positive choba ni Batman sa huli ng movie - Men are still good. Gusto kong isipin yan kapag nakakapanlumo yung mga balita tungkol sa suicide bombers at kung anu-ano pang mga walang kwentang patayan at mga warlahan. Sabi nga dun sa isa kong nabasa na di ko na maalala kung sinong nagsabi, mas marami pa ring mga mabubuting tao sa mundo. Kasi kung hindi, dapat natapos na ang lahi naten.

Kaya naten 'to! :)