2.25.2016

Deadpool-ing

Play This --> Shoop

***

Gusto ko lang sabihin ulit na sobrang ganda ng Deadpool. Effects, script, acting, lahaaat! ibang klaseng experience siya. as in orgasmic ang panonood - yung hindi bastos  :P

At ang pinakanakakalokang discovery for me ay... nakakatawa pala si Ryan Reynolds!!! wahaha! Ngayon ko lang siya din napansin talaga bilang actor. Well, nadala naman nya yung Buried pero ibang klase siya sa Deadpool. Isa siyang Class S kung sa Ghostfighter at One Punch Man. Tapos, bukod sa swerte niya sa pagkita sa Deadpool, naka-Scarjo na siya, naka-Blake Lively pa. Anak ng #!@$&*(#%!!! hindi naman siya masyadong pinagpala. SIYA NAAA!!! wahahaha

Anyway, bukod sa pagpuri sa Deadpool, gusto gusto ko lang magpakawitty (minus all the cussin') sa post na ito. 

CHAROT.

Maiba lang ng kaunti. Speaking of pagiging witty, I think si Brod Pete ang dabest sa pinas. Witty rin si Remz Sarita ng Show Time pero puro siya tungkol sa drugs eh. Parang... dude, sige na, ikaw na adik wahaha! Si Brod Pete kasi, ibang level. Ang snappy at ang talino ng mga jokes. Best din sa paglalaro ng mga salita. At siya lang siguro yung talagang nakakatawa pero hindi kailangang manlait or manakit ng ibang tao. Hindi niya rin kailangang maging bastos although syempre minsan bastos siya wahaha! So ayun, idol ko talaga sa kalokohan si Brod Pete.

So ito na ang attempt kong magpakawitty or sige na, listahan lang 'to ng mga walang kwenta kong naisip. Excuse ko lang sila Deadpool at Brod Pete hahaha!

- Zacapa: Ito yung brand ng alkohol na iniinom ng mga nanay kapag feel nilang mangdamay kapag galit sila.
- Hublot: Ang brand na kinukuha ng pwersahan
- Tissot: Ang brand kapag nadapa ka
- Dhaml: Wag kang Dhamol (yeah, Andrew E :P)
- Kung merong amoy-araw, bakit walang amoy-gabi? o kaya'y amoy buwan? 
- Ilang litrato na kaya ang naphotobomb ko? Nakakatawa kaya ako?
- Ilang beses ko na kaya nagawa yung tatawa na lang ako kapag di ko naintindihan yung kausap kong iba ang lahi?
- Bakit nga ba dun sa Oscar's, mga itim lang yung may reklamo na puro puti lang yung na-nominate? Eh wala namang reklamo mga Asyano, Latino, at iba pang lahi. Chika lang itey *peace*
- Nung sinulat ba ng Sugar Free ang Hari ng Sablay, si Mar Roxas kaya ang nasa isip nila? #howinspiring #oknasanakasonagingbatopa #sanbagalingmgahiritmo #waleytalagamar

But no, nawala na 'yung iba kong nakakatawang naisip (kung nakakatawa man sila) so itutuloy ko na lang next toym ang walang kwentang listahang ito. Wahahahahaha!

#epicfail

Hanggang sa muli :D




2.22.2016

#PilipinasDebate2016

Napanood namin kagabi yung debate na hinost ng GMA 7. Ito ang aking mga kuru-kuro tungkol dito.

- Format: Marahil ay hindi 'yon ang best na format kaya hindi umaatikabo ang debate. Well, debate nga kasi siya dapat. Siguro rin, hindi "combat mode" ang mga presidentiables. Pero dahil idol din natin si Sir Monico, positibo tayong tumingin. Marami pa rin naman tayong nakuhang impormasyon para kilatisin ang mga kandidato.
- Panalo: Kung pipili ng iisang panalo, ibibigay ko ng lahat ng rounds kay Senator Poe. Klaro. Confident. Detalyado. Handa. May mga datos. May kongretong plataporma. Positibo. Hindi naninira. Walang bahid ng anumalya. Special mention sa pagbanggit niya sa kanta ni Gloc 9 - kayo pong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo, upang makita niyo ang tunay na kalagayan ko. *clap*clap* Ang tanong na lang ay - kaya ba niyang ideliver kaya lahat ng sinabi niya? Tungkol naman sa nationality niya, feeling ko, natural born siya eh. Alangan naman nanggaling pa siya sa ibang bansa bago siya inampon nila FPJ. Well, posible naman yon. Pero parang wala lang sense na hindi siya natural born. At in fernezz, bilang hindi naman siya corrupt, ano bang makukuha niya ring benepisyo kung magiging pangulo siya. Feeling ko, bukal naman sa loob niya ang maglingkod. Well, feeling ko lang naman yan dahil sa mga sagot niya sa debate. Although, ang problema ko rin sa kaniya ay may panganib na maging trapo siya. Let's see
- Iba pa:
- Mar Roxas: Sabi nga ni Pat Evangelista, Mar Roxas was at his best last night. Sumasang-ayon ako doon. Magaling siyang magsalita. Matalino. May plataporma at mukhang malinis din ang hangarin niya para sa bayan. Gusto ko yung end speech niya. Kung tutuusin, siya naman talaga ang pinaka-competent sa position ni Noy. Pero ang problema talaga ay, wala siyang karisma. Walang x-factor. Alam mo yung makita mo palang siya eh magtataaas ka na agad ng kilay o kaya eh sasapakin mo na lang dahil nakakaasar siya sa hindi mo masabing kadahilanan. Ang solution sana dyan ay kung nakapareha niya si Grace Poe. That could have been the best tandem para sa bansa. Kaya lang hindi na yan mangyayare so waley talaga eh. Pero malay naman naten.
- Duterte: Gusto kong magtumbling sa comment niya "Actually, it is biology." Ano hoooo??? wahahaha! anyway, I think ang best niyang nasagot ay yung sa issue sa Mindanao. Kung mayroon mang nakakaunawa sa kalagayan ng Mindanao ay siya yon. Although ineexpect ko na mas fierce siya pero kere lang.
- Miriam: I think lahat magsasabi na she wasn't her usual self kagabi. May nakain yata sila ni Mike Enriquez at medyo sabog sila. Of course may sense mga pinagsasabi niya pero parang nawalan ng pangil ba na parang she wasn't in it to win it. Tapos nakipagkampihan kay Duterte. Anyareeee? So mukhang 3 na lang pagpipilian ko - Poe, Roxas, Duterte.
- Binay: Trapong-trapo. Siya ang TNT - Tunay na Trapo. Sayang sa oras ang pakikinig sa kaniya pero ang nakakatakot ay alam kong alam niya kung paano targetin ang nakakararaming botanteng masa. Wag naman sana siya ang manalo. Juicecolored!

Sana mas exciting ang mga susunod na debate. Pilipinas, galingan naten!!!


PS: Sure na kong Robredo ako sa VP.

Scariest Political Ad Ever

Naengganyo ako sa isang TV ad. Ang ganda ng pagkakagawa. Disente ang produksyon. Ang peg mga simpleng mamamayan na isa-isang nagsasabi na "hindi ako ang nakaraan". Ang ganda nga naman ng pangako ng clean slate. Panibagong simulang walang bahid.

Pero namutla yata ako nung makita ko sa huli kung sinong pulitiko ang iniendorso ng patalastas na ito. #juicecolored

Nakakapanlinlang ang ad na yon. Nakakakilabot. At gusto mong paulit-ulit na sabihin na #neveragain

Ang buhay natin ay hindi dapat madiktahan ng nakaraan pero may dahilan kung bakit nag-aaral tayo ng kasaysayan. Ito sana ay sa hangad na hindi na maulit ang mga kabalintunaan ng nakalipas na panahon para sa mas magandang kinabukasan.

Malaki ang problema kung gusto mong burahin ang nakaraan na parang walang nangyare. At kung ganito nga ang gusto niyang mangyare, talaga namang walang bahid ng pagsisisi tayong makikita sa kaniya. Wala namang masamang nangyare eh. Walang remorse. Walang apology.

Cannot V. Hindi talaga maari. Hindi tayo papayag.

Sa aking palagay, ang pagkatao mo ngayon ay bunga ng nakaraan. Nasasayo na lang yon kung paano mo gagamitin ang iyong mga karanasan at karunungan para sa kinabukasan.

Ngayon 2016, bumoto ng wasto. Magsaliksik at mag-aral.

#nevergain


Biebs*

Steve Murphy at Pacman. Parehas na malalaking pangalan pero hindi immune sa pagkakamali. Ang pagkakaiba siguro nilang 2 ay hindi sinasadya ng nauna yung pagkakamali niya. Yung isa naman, ang panget lang talaga ng mga ginamit na salita para magbigay ng opinyon sa isang super sensitive na paksa. 

Parehas din silang humingi ng paumanhin pero hindi napawi ng mga sorry nila ang galit ng maraming tao. Kaya naman mapapaisip ka - minsan, kahit gaano karaming magandang ginawa ka sa mundo, pwedeng mawala dahil sa isang pagkakamali - sinasadya man o hindi. Of course may mga taong mananatili ang pagsuporta sayo pero marami ang madali kang ihuhulog at wawarlahin ng bongga. 

Yung kay Steve nga, ilang segundo lang ang pagitan ng pagsorry niya pero grabe yung level ng damage na nagawa. Yung kay Pacman, ang daming kembot sa social media at may mga nasunog na sapatos dahil sa gulong kinasabwatan niya. Putol pala yung video clip ng interview niya pero huli na ang lahat para i-save pa ang basag na niyang reputasyon. 

After ng ilang taong ng pakikiboxing sa ngalan ng bansa mo, pagkatapos ng ilang championships ay ganun lang kabilis. Waley ka na agad. 

Honestly, naaawa ako sa kaniya pero san ba niya kasi nakuha yung salita na 'yon? I mean kung sa opinyon niya ay hindi nararapat ang same-sex marriage eh wala namang kaso. Opinyon niya yun eh. Pero syempre, para ikumpara niya yon sa mga hayop at sabihing mas mababa pa yon sa hayop, kahit pa akto lang ang tinutukoy niya ay below the belt na hirit talaga. Nagsorry naman na siya at sinabi niyang he's not condemning people from the LGBT community pero grabe yung kontrobersiya na nagawa dito. 

Iniisip ko nga kasi siguro iba talaga yung impact dahil si Pacman yung nagsabi. Eh halos ituring na natin siyang pambansang bayani. Ang hirap lang tanggapin na magbibigay siya ng ganong statement tapos tatakbo pa siya sa senado. Hayz Pacman.

Pero ang hindi naman din magandang sagot kay Pacman ay yung pagtawag sa kaniya ng bobo at kung anu-ano pang masasakit na salita. Magbigay na kayo ng mala-nobelang posts sa social media pero wala na sana bitawan pa ng masasakit na salita. 

Respeto mga paps. Respeto.

Sa ganitong pagkakataon, mahirap maging rasyunal. Pero best pa rin nga na magpakita ng accountability at humility.

Yun lang poes. Ay tenkyubow.


*Biebs dahil sa kanta niyang Is It Too Late to Say I'm Sorry :D

Babush 2015, Heller 2016

Bilang naka-MC ako ng 2 weeks para magpagaling mula sa laparoscopic cystectomy last Friday (take note - 8cm na cyst haggard!!!), may panahon at inspirasyon na rin akong magsulat sa wakas. :D

So para sa entry na itey, gusto ko lang magpaalam sa 2015. Nakakaloka ka bilang taon bilang tinest mo lahat na yata ng dimensyon na buhay ko. Chaaar! Wag na nateng idetalye pero ang masasabi ko na lang ay muntik na talaga akong malerkey pero buti na lang ay nakabawi na rin sa tulong ni Benjie, friends and colleagues. Yay! I'm just happy kung nasaan man ako ngayon (like nakaupo, nagtytype at nanonood ng TV wehehe).

Maraming challenges sa 2015 pero marami ring mga masasayang nangyare like Incubus at Up Dharma Down concerts, mga kalokohan sa TNS, Puerto Galera trip although ang concern ko pala don ay super lamig ng tubig kaya di ko siya masyadong na-enjoy pero kere naman, usual inuman and dinnervas with CCDs and Pamy, movie and inuman sessions din with Tere, Drich at Prens, Yishun Block partey kung saan nagkaroon kami ng ex-celebrity na bisita hahaha, bagong friends sa church at  trabaho, magagandang movies (notable ones - Kingsman, Cinderella, Man From U.N.C.L.E, The Little Prince, Spectre), series (Better Call Saul, House of Cards, My Love from Another Star), anime (Attack on Titan, Death Note, Baccano, One Punch Man) at kung anek-anek pa. Konti lang pala nabasa kong books (10 lang - Gone Girl, Strange Library, The Book of Laughter and Forgetting, Birthday Stories, Thick Face Black Heart, What the Dog Saw, Black Order, Outliers, Good Enough Parenting, Stupid is Forever) so habol na lang this year :D

Anyway, baunin naten sa 2016 ang mga aral ng 2015.

Ngayon taon, ang pinaka-inspirasyon ko ay si Pia Wurtzbach. Yezzz hahaha! Siya ang epitome ng positive na example ng taong may Thick Face, Black Heart. Siya ang may true grit. Never sumuko hanggang sa makuha niya ang talagang pangarap niya sa loyf habang nananatili siya sa pagiging humble. Ang positive lang ng aura niya talaga so ayun, siya ang gusto kong tuluran 'di lang this year pero hanggang sa mga susunod pang taon. naks! :D Feeling ko kasi, nawala ko na yung part of me na talagang gagawin lahat para makuha lang ang pangarap tulad nung college pa ako. Actually, whenever I feel down, masarap balikan yung college - sobrang purita zobel pero kung anu-anong pinaggagawa ko para lang makatapos wahaha! lahat na ng scholarships ay pinasahan ko hanggang sa nakapasa rin, lahat na rin ng part time jobs ay pinatos ko at sa kabila ng lahat ng yan, maganda pa rin ang standing ko sa acads. #yabang #buhatbangko hahaha! pero seriously, pasensiya na sa yabang pero proud lang ako talaga na nagawa ko lahat yan. CHAROT!

But of course, sabi nga sa Outliers ni Gladwell, 'wag masyadong mayabang dahil ikaw ay hindi lang produkto ng sarili mong mga efforts. Ikaw ay produkto ng iyong panahon, lugar, pamilya, kaibigan, teknolohiya, lipunan at samahan mo na rin ng swerte. Hindi mo kayang umangat ng mag-isa lang :D

Pero gayunpaman, gusto ko lang ding bumawi at maging determined ulit sa karir at loyf in general. Feeling ko naman papunta na ko sa daan na yan lalo na at positive ang reviews ko sa rotten tomatoes este trabaho lalo na nung sinabihan ako ni Astro na presensiya ko palang daw ay malaking bagay na sa grupo. Gusto kong maiyak at yakapin siya sa tuwa pero syempre di ko naman ginawa yon hahaha! For the first time, masasabi kong masaya talaga ako sa trabaho at gusto kong maging useful para sa team. Aja aja!

Kung susumahin nga sa kanta, ito ang pakiramdam ko para sa taong ito - like, kasama si Snoop and all that jazz - Clint Eastwood.

Sana tuloy-tuloy lang talaga ang positivity this year. Nakatapos na ko ng 2 books - Blink at Kafka on The Shore. Ang ganda lang nila parehas. Yung una, maraming aral tungkol sa buhay in general at yung pangalawa naman, nakakabaliw as usual pero may aral ng forgiveness sa huli. Ang positive lang ng mga endings. At marami rin akong napulot na iba pang pop culture mula sa kanila like Kenna, Radiohead Kid A, opera music, at kung anek-anek pa. Di ko alam na ang ganda pala ng albums ng Radiohead. In Rainbows siguro yung the best pero lahat sila ay IMBA ang pagkakagawa.

Latest na kinakabaliwan ko naman ngayon ay Deadpool. Grabe ang ganda lang. Siya na yata ang best Marvel superhero for me. At ngayon ko lang din naappreciate si Ryan Reynolds. Ang galing niya!

Ok. OA na ko haha!

Basta yun na yon afir!

#rakenrol