9.25.2012

TC5

I feel that this band is underrated. They have good and catchy songs. Bonus na lang ang gwapings na vocalist.


Yung abbreviation ng band name nila though reminds me of Leithold's TC7. Nerd lang ang peg. :D

9.24.2012

Sa Pag-Gunita ng Martial Law

Late na post na ito...

Simple lang naman ang punto ko sa entry na ito - ang pangangailangan natin sa accountability. 

Marapat lang naman talaga na alalahanin natin ang kaganapan tulad ng dekalarasyon sa Martial Law - ang mga dahilan, horror stories, at ang paglabas ng mga tao upang kondenahin at tanggalin ang pamahalaang nagdeklara nito. Sa ganang ganito, naibalik natin ang demokrasya subalit pagkatapos ano nang nangyari sa atin? Ngayon isa pa rin tayo sa pinaka-corrupt na bansa sa mundo. Mula sa pinakamataas na lebel hanggang sa mga baranggay tanod at MMDA - talamak lang ang korupsyon. Bakit? Dahil WALA NAMANG TOTOONG NAPARUSAHAN sa kasong ito. Although ngayon, naaresto na si Arroyo at sana nga mapatawan siya ng kinauukulang kaparusahan, parang normal lang sa atin na hingin ang resignation ng isang opisyal sa oras na may mapabalitang anumalya itong nagawa. Katulad na lang ng kaso ni Erap. Oo, napatalsik siya sa pwesto pero naisip niyo ba na muntik na naman natin siyang naging pangulo noong 2010? At bakit ganoon? At bakit din ba may senador tayong Estrada at Marcos? Bakit? 

Isa lang... HINDI TAYO NATUTUTO mula sa ating kasaysayan. Dahil wala namang napatunayang maling nagawa, may mga tao pa ring naloloko sa kanilang 'ka-inosentehan'.

Ang nakakalungkot pa rito, yung mga kilala kong aktibista ay ganoon din ang pag-iisip. Wala naman akong nakikitang masama sa pagrarally pero para pababain na lang ang kahit sinong may 'mali' ng wala naman tayong napapatunayan, ano yon? Eh di wala na naman tayong napatunayan? Parang yung kay Mercedita Guttierez... eh di nakatakas lang siya ng accountability?

So bottom line, hangga't hindi tayo natututo na parusahan ang kahit sinong nagkasala sa pamahalaan, mababa man o mataas ang posisyon, huwag tayong magtaka kung bakit umuulit lang ang ating kasaysayan... wag naman sanang umabot sa punto na magkaroon na naman tayo ng pangulo na Estrada o Marcos. it's just... 

* s   i   g   h   *