Haller madlang pipolll!!!
(akala maraming nagbabasa ng blog... lol!)
heniwey, long time no post so it's time to update this kachorvahan ;-)
matagal na natengga ang kyeme kong ito bilang ako ay najontis at naging busy-busyhan sa workaloo. at dahil sa stress drilon, premature kong naipanganak ang aming second junakis na si Shen-shen. buti na lang at malusog siyang bata. So far di pa naman siya nagkakasakit *salamat*.
di nga lang namin siya agad nakasama dahil na-incubator siya for 4 days pero keri na rin.
haggardo versoza rin dahil na-CS ako. pramis, mas mahirap siya ng di hamak sa normal delivery. Pag normal kasi, magaling na magaling ka na after 1-2 weeks. Sa CS, dahil nga na-operahan ka and all that jazz, minimum ang 2 buwan para makagalaw-galaw na ng maayos. after nyan, bawal ng gumawa ng mga kyemeng masyadong pisikal. medyo ok na rin naman ako ngayon at back to work na. in fact, nagtratrabaho na ng weekend at holidays. wahahaha! lekat na projects yan.
another work-related chorva, di ako masyadong nasiyahan sa appraisals ko dahil parang ang dating ay hadlang ang aking matagal na maternity leave sa pagtaas ng sahod at promotion. kasalanan kong majontis? *bitter ocampo* and haller??? tatlong taon na kong waley promotion T_T although... sobogoy, pasalamat pa rin ako dapat na may stable akong trabaho at above average na sweldo kaya... ayun. bow. hehe! naghahanap-hanap din akong work pero kuntento pa naman ako. tignan na lang natin ang mga susunod na kabanata.
mabalik tayo kay Shen-shen. Sobrang nakakatuwa siya dahil sobrang taba niya na ngayon di katulad nung kakapanganak ko palang sa kaniya :-s tapos si zyric, kinakarir ang pagiging kuya. hihi! mas excited pa kaysa sa 'min ni Shaider. ajejejeje! kakalungkot lang ngayon dahil iniwan ko sila. medyo di pa kasi kaya ng finances. hopefully sa april or may ay madala ko sila ditey sa jingapore para makasama ko sila ng matagal-tagal. haaayyyzz buhay-OFW :-s di bale, 1 year na lang at gragraduate na si Shaider. akalain niyo yon may graduate na ko? ehehehehe :-D plan namin sa singapore na muna mag-stay para makapag-pundar na ng bahay, negosyo, mapa-aral ang mga kapatid, and all that jazz. haggardooo pero syempre mas masaya naman ang tumutulong sa mga mahal sa buhay. hay buhay :-D
tapos this year pala ay lumipat na kami ni juni sa flat nila berto at mikey. happy naman pormor katipiran at riot! ilang beses kaya kami mapapapulis? =))
hhhmmm... ano pa ba? marami-rami na ring naganap sa pulitika. sulat ako about that sa ibang pagkakataon. magbabasa muna ko ng The Catcher in the Rye habang nakikinig sa Jam 88.3 ^_^
hanggang sa muli! ^_^