- Weekend: na-hospitalize ako nung Sunday night due to chest pain. Pasalamat naman ako at hindi nama related sa 'literal' na puso. Pasalamat din ako at puro pinoy mga doktor sa Tan Tock Seng. Di na ko nahirapang magpaliwanag masyado kung anong nararamdaman ko. Inisip ko pa kasi kung paano ipaliwanag yung "kumikirot". At syempre, na-dextrose na naman ako with blood test - meaning... karayom!!! Sakeettt! but no, wala naman akong nagawa don. although nakatulog naman ako dun sa tinurok (ano daw?) sa kin nung Sunday night. Speaking of karayom pala, na-injection-an din ako nung Saturday dahil nagpa-root canal ako. Napaiyak ako dun sa injection... WOOOOTTT! Sakit kaya! wahahahaha! Keri naman yung aking Singaporean doctor. Mabait naman siya at di na niya nirereco na mag-braces pa ko dahil ok naman itsura ko. Nakakabother lang kasi na puro ngipin ko yung una kong nakikita sa mga pictures ko! HAHAHAHAHAHA!
- Hair: Ang haba na ng buhok ko at iniisip ko kung papagupit ko na o papakulayan ko ba o hintayin kong humaba tapos pakulot ko o itali ko na lang o... o... o... TSEH! Gulo ko! hahaha!
- AMALAYER: Sa panahon na namamayagpag ang social media, dalawang bagong kultura ang tila umusbong 1. Cyber-bullying 2. at kultura nang wagas na pagmamalinis - wagas as in wala na bang bukas??? Choz! Hindi na siguro ako sasasama sa bandwagon ng pagmamaganda ng kung ano pang pagsusuri dahil nakakasuya na! hahaha! Quote ko na lang yung professor ko dati sa college:
"By all means, engage in constructive criticism. But don't ever, ever claim that a person deserves to be ridiculed, vilified, demonized and cyber-bullied. No matter how wrong she may be, she does not deserve what she is going through right now. This is not just an issue of media ethics. This is plain common sense."
- I'm confusing me: In relation to my ka-adik-an sa The Avatar: Last Air Bender, Legend of Korra, V for Vendetta, Hunger Games, The Matrix, Dark Knight, Samurai X and the like, there's seriously something wrong with my fascination of revolutions and adherence of due process at the same time. How ha? Ano ba talaga ate? Kailangan ko yatang mamili lang ng isa don. O siguro, depende sa sitwasyon ano? yay!
- Warla: In relation to the above, sana hindi na lumaki ang gulo sa Middle East. Make love; not war! - Robin Padilla.
- Ako na ang pans: May 2 kaabang-abang na events this weekend - 18th Bamboo Gig + 29th Rurouni Kenshin showing. Masaya yung laging may 'something to look forward to', especially bago magpasko :-)
O Zsazsa Zaturnah, meme mode muna. Next time nomon. Happy Friday Slide :-)