Few of my favorite Zyric-Shen pics :)
Ok na ok naman si Zyric. Kaka-8 niya lang last week. Yay! Mabait naman siya at masunurin. Nakaligtas nga siya sa unang tooth extraction niya nung Sep 1. "This is gonna be fun" yung sabi niya tapos nung nasilip yung karayom eh umiyak na wahahaha! Kaya nga lang eh tinamaan ako ng binato niyang wooden block sa 'kin nung same day aiyoh! Dumugo yung kaliwang talukap ng mata ko. Syempre di naman niya sadya although sabi niya eh si Shen daw dapat ang babatuhin niya dahil sinira na naman daw ni Shen yung laruan niya nyahahahaha! Award! pinagalitan syempre. Anyway, abala siya ngayon sa pag-aaral ng magpaandar ng bike na regalo namin :) Sana matuto na siya soon.
Si Shen naman, di ko pa pala nasulat na nag-aalala ko sa kaniya kasi hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita. Sana nga delayed lang yung speech niya ayon sa initial na sabi ng Pediatrician niya. Halos mag-2 years old na rin siya nung matuto siyang magkalad. Pero ang pinakawoworry ko eh kung may autism siya kasi hindi rin siya marunong makihalubilo sa ibang bata. tapos dapat kasi by this time eh nagsasalita na siya kahit phrases lang. Heniwey, ang good sign ay tumitingin naman siya kapag tinawag mo yung name niya tapos tumitingin naman siya sa camera at sa mga bagay ng "tinuturo" ng kamay. Yay! Hindi naman siya (johnny?) deaf for sure kasi mahilig naman siya kumanta at nasa tono naman siya. So pag-uwi ko sa October eh si Shen naman ang pagtutuunan ko ng pansin. Sasamahan ko na siya sa doktor niya at itatanong kung kailangang niya nang magpa-speech theraphy. Hindi naman sa minamadali ko si Shen (weh? hehehe), gusto ko lang naman ma-sure na wala siyang sakit at kung sakaling may kailangang agapan eh maayos na rin nang maaga. Cute cute pa naman niya hihihi
miss ko na tuloy kiddos. Di bale, uwi na rin ulit ako in 5 weeks.
^_^Y