ang dami na pala nilang lumipad na...
tinignan-tignan ko ang mga profiles ng mga ka-friendster ko lately at may napansin akong trend. marami na sa kanila ang lumipad na upang mangibang-bayan. Kung hindi nasa Amerika, nasa Dubai ang mga ka-utawan. pangunahing dahilan marahil ang hanapbuhay dahil kumpara dito sa Pilipinas, mas malaki (di hamak) ang kita sa ibang bansa.
hindi naman masama, para sa akin, ang pangingibang-bansa lalo na kung ang layunin mo ay umunlad ang pamumuhay at makatulong sa pamilya. ako man, minsan ay natutuksong lumipad at magtrabaho sa ibang bansa para makapagpatayo ng sariling bahay at mag-invest para sa kinabukasan ng pamilya.
kaso, may problema sa ganoong pag-iisip.
karamihan na sa mga Pilipino ang gustong lumipad at subukan ang kanilang kapalaran sa abroad. sabi nga dun sa pelikulang "can this be love", darating ang panahon na ang matitirang tao na lang dito ay mga matatanda kasi lahat na lang gusto umalis ng Pilipinas. Hindi ba’t hindi na siguro kasi maganda (at hindi ba kaala-alarma na rin?) kung ang mga mamamayan mo ay ayaw sayo? na sa kabila ng pag-subsidyo mo sa kanilang pag-aaral ng highschool at kolehiyo ay plano pala nilang lumipad sa ibang lupalop ng mundo para maging nurse, teacher, engineer at kung anu-ano pa pagka-graduate nila?
e kung lumipad na lang kaya tayong lahat papuntang ibang bansa tapos ibenta na lang natin ang Pilipinas?
isa iyong malaking joke!!!
wala lang... nakakalungkot kasi lalo na kung malalaman mo na yung ibang masagana na sa ibang bansa ay kinalimutan na ang pagka-Piliipino nila at pinakamalala na ang dautin ang sarili nilang lahi. kamusta naman di ba? well, kahit anong gawin nila, kahit magpapalit pa sila ng kulay ng balat, buhok at mata (o kung magpapalit man sila ng dugo), Pilipino pa rin sila. so sinong dinadaot nila?
haaayzz... siguro kung ako si bonifacio o si ninoy at makikita ko ang sitwasyon ng bansa (isama mo na ang maduming pulitika), parang mapapa-isip ako e, "are the Filipinos really worth dying for?” hmmm...
pero siguro, hindi lang naman ako ang ganitong mag-isip. mayroon pa ring mga umaasa para sa pag-ahon ng bansa, ng mga karaniwang magsasaka, mangingisda, tindera, guro, estudyante... karaniwang Pilipino. kaya naman ang sagot ko sa tanong ko kanina:
yes, the Filipinos are still worth dying for.