nabasa ko sa bulletin ng friendster ko noong isang taon na may malubhang sakit si sir monico atienza, pangulo ng First Quarter Storm Movement at isang pinagpipitagang guro ng Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas. ni-repost ko ito dahil nangangailangan siya ng malaking tulong pinansyal para sa kaniyang pagpapagamot. nagtanong ako sa ilang kakilala pero hindi rin daw nila sigurado ang totoong lagay ng guro. pero naaalala ko, si greg ang nagpost nito - si greg na hari ng ipis at asteeg na tibak kaya malamang ay totoo ito.
lumipas ang panahon... hanggang sa noong ika-28 ng Setyembre ngayong taon, napag-alaman ko ang kasalukuyan niyang kalagayan sa pamamagitan ng palabas ni Jessica Soho sa GMA 7. Comatose na pala siya - nakakadilat pa pero wala nang malay at hindi na makakilos - tila na siya isang gulay. Buto't balat na rin ang kaniyang pangangatawan; humihinga sa butas sa kaniyang lalamunan at kumakain sa pamamagitan ng tubong nakakonekta sa kaniyang bituka.
sa isang iglap ay nagkaganoon siya. dahil sa atake sa puso, nawalan ng oxygen sa utak sa loob ng 15 minutes. bukod pa roon ay huli na rin nang napag-alamang kumalat na ang kaniyang cancer sa lalamunan.
hindi ko napigilang lumuha sa mga unang sandali palang na nakita ko siya. unang-una, hindi handa ang sarili ko, hindi ko alam na isa siya sa mga subjects. nakita ko lang bago mag-commercial break na ang susunod na segment at tungkol sa mga naka-comatose. pero nung ipinakita na sa ang mga tibak noong 70s na sumisigaw sa mendiola, kinutuban na ko... si sir monico yata ito - at siya nga.
naluha rin ako dahil isa siyang dakilang tao para igupo lamang ng sakit. hindi, hindi siya ang sir monico na naging guro ko... yun na lamang ang iniisip ko pero wala namang saysay ang pag-deny. kailangang tanggapin ang katotohan ganoon na ang kaniyang kalagayan. bakit kasi hindi na lang yung mga taong tulad ni GMA ang nacomatose? o kaya si Abalos? o kaya si de Venecia? at kung sinu-sinong pang alipores niya at mga taong naknakan ng sama ang budhi...
oh well...
pero, alam ko, sa kabila ng kaniyang kalagayan, buhay na buhay pa rin ang kaniyang presensiya, ala-ala at mga pangaral lalo na sa aming mga estudyante. Tunay siyang makabayan sa puso't isipan. Bawat salita niya ay talaga namang may laman, makabuluhan. Naaalala ko, sabi niya, positibo akong tumingin e, patungkol sa posisyon niya sa kabanihan ni Rizal. Positibo nga talaga siyang tumingin, isang siyang enlightening na tao.
alam kong hindi sapat ang kung anumang maisusulat ko ngayon upang magpugay para kay Sir Monico o kay "Ka Togs" para sa mga kasamahan niya sa 1st Quarter Storm movement. haaaayzzz...
basta, sir monico, maraming salamat sa iyo at isang mapagpalayang paglalakbay!
--> Ganito ko gustong maalala si Sir Monico - maganda ang pangangatawan, pa-speech-speech at tumatakbo-takbo kasama ng sangkatibakan... ;-)