8.30.2007

ayos!

mukhang ligtas naman ako sa dengue ayon sa doktor ko sa Capitol. Pero papa-platelet count pa ko lit bukas para sigurado. ;-)

pero bukas ay isang mahalagang araw dahil... unang kaarawan na ni zyric. haaayzzz... akalain niyo yon?!? meron na 'kong isang taong anak.
oh well, maligayang kaarawan zyric!!!

8.29.2007

hala!


ayokong takutin ang sarili ko pero nakakainis kasi 'tong mga rashes ko e, ang kati! grrr...

posible kayang may dengue ako?

simula kasi nung thursday ng hapon, nilagnat na ko with matching pananakit ng katawan. gumagaling naman pag pinawisan ako pero ilang oras lang, lalagnatin na naman ako. ang laki na nga ng kinita ng bioman este bioflu at alaxan sa 'kin dahil sa pabalik-balik kong lagnat. hindi ko naman inisip na dengue siya kasi wala namang ibang symptoms - hindi naman ako nagka-rashes, hindi naman ako nasusuka, hindi naman sobrang sakit ng ulo at mga laman-laman ko at hindi naman dumugo ang ilong ko. hanggang sa wakas, kahapon ng hapon, natapos ang paghihirap ko sa pabalik-balik na lagnat at sakit ng katawan kaya naman hindi na ako nag-abala pang magpakonsulta sa doktor.

but no! kaninang umaga. habang nakasakay na ako ng jeep papasok sa office, may napansin ako sa mga braso ko... rashes!!! grrr!!! pati sa binti ko ngayon meron na. sabi ng mister ko, baka kasi ngayon lang ako naligo after 5 days. wehehe! as in! parang peluka na yung buhok ko kahapon.

nang nai-kwento ko kay lalah ang kalagayan ko (naks! consultant ko yang si lalah e... apir!), possible pa rin na dengue ito dahil on/off ang naturang sakit. syempot natakot din ako, hindi naman biro ang dengue. mas natakot pa ako nang nabasa ko ito:

"When a child has a high fever for 2-7 days and develops skin rashes, these are symptoms of dengue," says Francisco Duque, Secretary, Philippine Department of Health. "

waaaahhhh!!!! kamusta naman di ba? scary!!!

for that, kailangan ko na yata talagang magpatest ng dugo. pasaway kasi e! problema ko na lang kung saan may bukas na laboratory sa gabi. meron nga ba? :p