9.13.2013

Skyfall


Pwedeng nakakainis ka lang sa 3 dimensyon, Paolo? Gggrrr...

Anyway, gusto ko lang sabihin na sana manalo ka sa The Voice of the Philippines. Cheers! :)

Happy Friday!


#blockednomore
#bakitakohumahashtagsablogger

9.11.2013

LightHouse Family

Pampa-good vibes.

*cue background music*

Got this card last month from a good friend. Katuwa lang kasi ngayon lang yata ako nakakuha ng card na na pinadaan sa post hindi galing sa FW supplier. Uso pa pala. Ahehe!

Merci Mon Ami! :)




pahinging pasencia biscuits

seriously, i'm getting tired of all the hashtagseseses. gusto ko na lang matapos na itong echos na ito soon.

*pagoda jones*

9.09.2013

Ode to J4 atb pang Naunsyameng Bagay-Bagay

Kanta para sa naunsyameng banda - Almost Lover bilang ang bigat pero magaan at the same time ang pakikipaghiwalay dito. Parang jowa lang. CHAR! well, naalala ko lang din ang song na ito at gusto ko siyang kantahin ahihi!

Anyway, may naudlot pala kong post nung ako ay masaya last month. bakit nga ba di ko napost? kabusyhan hahaha!

Ang title niya dapat ay The Emancipation of Me-Me

Happy mood noon dahil sa mga sumusunod:
- may work na si Benjie *hooray*
- Long weekend: Selamat Hari Raya at Singapore National Day
- lipat bahay sa bukit panjang with happy housemates, kwarto at atmosphere in general kaya keri lang kahit what a journey everyday. katuwa kasi di na masyadong kailangang mag-adjust kasama yung mga bago naming housemates na members ngayon ng dati kong church which will bring me to my 2nd naunsyameng post mamaya
- Napanood ko na rin ang Eheads! yahoooo! Ako lang yata yung self-confessed fan na ngayon lang sila napanood. anyare? Pero related pala yung pagbibigay sa akin ni benjie para mapanood sila Ely sa aking susunod na point.
- Nakapagdecide na rin ako sa wakas (well, for my sanity's sake) na iwan na muna na J4 bilang white flag na ko sa warlahan portions. May last gig na lang kami sa 28, rakrakan for Relief para sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo. at least may maicontribute naman ako sa lipunan kahit sa huling sandali ng pagbabanda. CHAAAR! kailangan ko ng kabisaduhin ang songs at karirin talaga. Todo na 'to!!!

Speaking of warlahan pala, paano ba matatapos ang warlahan sa Syria, Middle East at Mindanao? Ang dapat kasing i-address ay ang ugat nito. Hindi ito matatapos sa pamamagitan ng mga baril, granada at bomba. pero sa ngayon, dasal na lang muna ang magagawa ko para sa mga biktima ng digmaan.

Mapunta tayo sa dasal at another naunsyameng post - Confessions of a Confused Soul

So ganito yan, di ko alam kung anong meron sa taong ito pero lahat ng passion ko sa buhay noong unang panahon ay umaatikabong nagbabalik sa layp ko ngayon.

Una, pagbabanda. Naalala ko pala, kumanta na rin ako sa dating church kasama si Lolo Jesse. Nakalimutan ko kung anong name ng banda namin basta kasama namin si Lyn ahaha! Well, supposedly love songs ang kakantahin pero nagmaganda kaming tinugtog at kinanta at Spolarium. Bakit nga ba? Di ko na rin maalala. So nung January yata or Feb, si Macky nagpost na naghahanap ng drummer nga ba o vocalist so nagmaganda ako (na naman) kung pwede kakong mag-audition. All-girls daw na banda. Ka-excite. Tapos yung bahista namin, tinanong kung pwede akong mahiram nung isa niyang banda sa jamming session - kahit pa di niya ko narinig kumanta ever. So ayun, nagpunta ko doon at naki-echos sa kanila. Di ko akalaing ok ako sa kanila eh. dami naming pag-uulit kasi original songs. Well, kahit yung mga cover songs, di naman din talaga ako ok kasi di naman talaga ko nagpraktis. ahehe! Tapos 1 or 2 months after, nagtext si bahista. ask niya kung gusto ko pa ring magbanda. So sagot ko - proxy lang ba o jam? sige, game ako. Tapos, di na siya nagreply. Tapos after a month yata ulit, nagtext siya. Jam daw kami nila koyah (akala ko same band na pinroxyhan ko). Suggest daw akong songs. Pagdating ko, iba pala yung drummer tapos wala pala kaming lead guitarist pa. Eh di kere lang. jam lang. enjoy naman :) sayang nga nadelete ko yung videos toinks! tapos biglang, nagset na sila ng gig! tapos nagkaroon na kami ng whatsapp group na nakapangalan sa 'kin. sobrang bilis ng pangyayari, di nag-sink-in agad sa 'kin. At magquiquit talaga ko dapat dahil alam kong di ako papayagan. pero nagmatigas ang ako ng ulo. naisip ko kasi, dahil nakapangalan sa 'kin yung band, baka para sa akin talaga 'to. so huma-haze na and all, muntik na kaming maging mutant dito sa singapore, eh sumige pa rin ng first gig. nyahaha! tapos ayon, eh dahil sa mga away, quit lang din naman ako. pero nakakasar lang kasi inunahan ako ni bart. ahehehe! well, sabi nga ni anlyn, at least pag binalikan ko ang bagay na ito eh maging proud naman ako sa sarili ko (char) na kinaya ko talagang maging bokalista *vindicated* nakakapanghinayang lang talaga but oh well... sabi nga ni batas, baka naman magkaroon ng panahon ng awakening si Sir Chief. Wag daw muna naming isara ang J4. So let's see how leh?

Anyway, may napagtanto pala ko sa bagay na yan. nakakapressure din palang magbanda. kailangan ng commitment, pag-aaral ng kanta at pagbubuti sa talento. Seryoso siyang bagay. paminsan, kapag naman masyadong seryoso, nawawala yung fun. ganon yata kapag nagiging "career". Choz

Pangalawa - Church. Nakakalerkey kasi yung mga housemates ko ngayon ay leaders sa dati kong church. di ba naman nakakapressure yon na mag-isip tungkol sa pagbabalik. ahehe! although nakakatuwa rin kasi di naman dahil lang sa church kaya kami nagkakaunawaan. may chemistry rin talaga mga kwentuhan namin lalo na tuwing almusal. laugh trip parati sa umaga. mabalik sa topic, so ayun. parang "searching" mode kami ngayon ni benjie ng church. Ok pala yung pinupuntahan din naming mass sa Good Shepherd tuwing 6pm ng Sunday. Malalim yung approach niya sa homily. Pang-"kristiyano" talaga. Tapos nag-attend din kami sa Hope. Parang kapamilya na rin kasi turing namin sa Timothy kahit di kami active. Sila kaya yung masugid na nagpray para magkawork si Benjie. So ayun, naka-attend na rin pala kami sa central christian church twice tapos ok din yung preacher. kakatuwa namang mag-aral ulit ng bible. Kaya lang may bagay pa talaga akong kailangan iresolve about free will and all that jazz. Pero katulad nung unang punto, let's see how leh. Ayokong madiliin ang mga bagay-bagay. kung babalik man ako sa church or kung anuman, dapat yung 100% na ramdam ko talaga. walang halong pag-aalinlangan.

Pangatlo - Aktibismo. itong taon rin, may nilapit sa akin si Lyn na taga-HK daw na "kasama". mineet namin siya nung nakaraang buwan lang. nakakatuwa naman din itong si Kuya Noy. Ang kenkoy lang - Diliman humor - pero alam mong seryoso sa pakikibaka. So ang eching namin ay tumulong sa pag-organize ng mga DH dito sa Singapore. Syempre mahirap siya pero ok din doon kasi sa church kami nakatoka. so tutulungan daw namin si pastor Jun. protestant naman ito. di ba naman ako maguluhan? ahahaha! So sabi namin, kung tungkol sa mga national issues eh walang problema. tutulong talaga kami. bakit naman hindi. tsaka maganda rin kasi may mga educational discussions din kami so matututo kaming 2 ni benjie. pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi na ako ayon sa idea ng *bleep*bleep* - mahirap na baka mahuli haha! Dahil after all, ako ay naniniwala na "the means doesn't justify the end". magtagumpay man ang rebo, ano ang garantiya na magtatagal ito kung hindi naman nag-aagree ang lahat? ang K ay mangyayari laman sa isang ideal na mundo kung saan lahat ay pare-parehas mag-isip (parang sa movie na The Invasion) at mag-emote. Pero alam naman natin ang ating nature bilang tao. Kailan ba talaga nagkaroon ng consensus sa mga bagay-bagay? laing may mga puwersang nagsasalungat dahil at the end of the day, iba-iba naman kasi talaga tayo. So ayon ang aking palagay diyan. Maganda naman ang layunin ng K, pantay-pantay lahat ng tao, pero our nature as human beings will definitely fail us. Ngayon nga may dilawan. At sa kilusan mismo, maraming iba-ibang version ng mga kachorvahan. So ganon. Pero di ko naman sinasabing wag kumilos. Marami namang anyo ng aktibismo. Hindi lang siya sa paraan na K. Basta naghahangad at gumagawa ka ng bagay na makabubuti sa nakararami, sa paningin mo at least.

So ayan, ang haba ng nobela na ito ha. halatang di ako busy sa jupisiners ngayon. pero paparating na ang busy days. soooo... babush na muna. tapusin na ang magulong kaechosang ito. pasensiya na, wala ng edit-edit. go na lang ng go!

bow.

PS: Go Paolo Onesa! Sfyfaaaaaaall unlimited.