6.18.2011

trulab

May nakita kong pinost na article sa FB. Sulat ng isang religious writer. Ang title niya, "how to find your true love". Naisip ko lang, eh may formula ba sa paghanap ng tunay na pagmamahal? Kung meron siguro, eh di sinundan na nating lahat yon kaysa patrial-trial-and-error tayo at paulit-ulit na masaktan. O baka naman... mahina tayo sa Math? hhhmmm... ewan. Syempre ako lang 'to :D

***

Another KJ kyeme of me...

***

Nakita ko rin yung kumakalat na video ngayon entitled "Best proposal in the world/Best proposal ever". Na-curious ako at pinanood pero di naman ako kinilig o na-impress. Nasa ka-engradehan pa ng proposal ma-eeskima ang kalidad nito? Engrande nga, ang daming taong involved pero inayos lang naman ito ng isang TV program para sayo, best na yon? Hhhhmmm.... baka KJ lang ulit ako pero hihiramin ko ulit yung paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro". Kung mukhang wala naman sa loob nung nagpropropose yung higanteng sorpresa niya sa jowa niya, waley lang yon para sa 'kin. aksaya lang sa pera at effort ng mga tao. pero syempot, di naman ako yung jowa. natuwa naman yung gerlash. so ba't naman ako nakiki-elam eh kasiyahan nila yon?

waley lang.

It's just me and my utopic view of lab...


*nahawa na yata kasi ako kay Michael Ostique XD*

L e k a t XD

6.12.2011

kalayaan daw

ika-12 ng Hunyo ngayon. sa mga aklat ng kasaysayan, ito di-umano ang araw ng kalayaan ng Pilipinas, partikular mula sa kapangyarihan ng Espanya. Subalit ilang taon matapos nito, sinakop naman ang bansa ng mga Amerikano at mga Hapon. So, ang unang tanong, ito nga ba talaga ay masasabing araw ng kalayaan?

pangalawang tanong: tunay na bang malaya ang mga Pilipino mula sa mga dayuhan? palagay ko, ang sagot diyan ay ang paboritong kataga ng kaibigan kong si Berto - "hindi siguro".

sa isang bansang ang malaking bahagi ng kultura ay naiimpluwensiyahan ng banyagang mga elemento, pano mo masasabing malaya na talaga tayo? oo, wala na ang mga base militar ng Amerika sa Subic, pero nananatili pa rin sa marami ang "American Dream". oo, di na tayo kolonya ng kung alinmang bansa, pero ang pag-asa ng masang naghihirap ay nasa pangingibang bansa dahil walang makitang disente sa sarili niyang bayan dala ng socio-economic structure nito na di naman nakadisenyo sa pag-unlad ng nakararami.

gusto ko sanang batiin ang mga kapwa kong Pilipino ng mapagpalayang araw ngayon, pero di ko na trip. lalo na nang nalaman kong gumasta ang gobyerno ng sampung milyong piso para ipagdaos ang araw na ito. nagsayang na naman tayo ng pera.

tsk.