8.08.2012
May tama si Lourd
May point si Lourd de Veyra sa latest article niya sa spot.ph. Aanhin nga ba natin ang clean government kung mabubura lang tayo sa globo dahil sa malakas na ulan. Namiss ko rin ang puntong iyon sa sinulat ko nung nakaraan tungkol da SONA. Nawa'y magising na, as in ngayon na, ang mga kinauukulan na kailangan ng KAAGARANG solusyon sa mga baha. Ayusin na ang sewage system at mga daan sa lalo'ta madaling panahon. Sa pagtupad niyan, sana naman din ay mahiya yung mga 'public servants' na naturingan na ilagay ang mga mukha nila sa mga aayusin nilang bagay. Utang na loob!!! Ipasa na ang anti-epal bill na yan!!!
Nakakainis lang pala na may mga taong sadyang paurong mag-isip at nirerelate ang kalamidad sa call para ipasa ang rh bill. Di na siya nakakatuwa... Disturbing!!! Una, hindi lang tungkol sa safe sex ang rh bill, reproductive health nga eh! Pangalawa, hindi natin dapat itinuturing na investment/resources ang mga anak dahil hindi natin sila pag--aari. Meron ba namang nagpost na sa mga walang anak daw, walang tutulong sa kanilang maglinis pagkatapos ng baha. Ano yon??? Ang sakit sa utak.
Panghuli, panatag na ang loob ko na ligtas na yung pamilya ko sa bulacan. Bilang lumaki ako doon st dumanas lumusong sa hanggang leeg na baha, alam ko kung gasno kahirap ng kalagayan nila. Buti na rin at mataas ang second floor namin. Hay layp.
Until next choba.
8.06.2012
tumpak!
There's more to life than love.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi sweet, cheesy at huma-happy ending katulad ng mga napapanood mo sa sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at mapait.
Bottomline: Maging tanga, responsibly.
- Tales from the Friend Zone hosted by Ramon Bautista
Subscribe to:
Posts (Atom)