6.20.2006

Wow! Isang Bilyon! Kamusta naman yon?

Maglalaan daw si Ate Glue ng isang bilyong dagdag sa budget ng mga militar para lipulin ang mga rebeldeng NPA sa loob ng dalawang taon. Kamusta naman ito?

Nakakalungkot na maliit na nga ang budget ng Pilipinas para sa mga serbisyong pampubliko, malaking bahagi sa mga ito ang kundi naibubulsa ng mga “magagaling nating pulitiko”, naitatapon lang sa mga walang kabuluhang bagay. Tsk, tsk, tsk.

At ito na nga. Si Ate Glue ay magsasayang ng P 1 Bilyon para masugpo ang mga rebelde. Di ba kalokohan?!?

Unang-una, ganoon ba kalaki at katindi ang pangangailangan para sugpuin sila? Isa ba silang napakalaking suliranin ng bansa? Para sa akin, hindi. Tumitinding kahirapan pa rin ang nangungunang problema ng mga Pilipino. Habang ang iilan ay patuloy na yumayaman, napakarami ang nalulubog sa hirap. NPA ba ang dahilan nito? Isang malaking HINDI! Kaya may mga magsasaka, manggagawa, estudyante, kababaihan na nagpupunta sa kabundukan ay dahil iyon sa malawakang suliraning sosyal at ekonomikal sa bansa na sa kanilang sapantaha ay malulutas ng pagsusulong ng kamalayang komunista. Kung gayon, ang NPA ang bunga at hindi sanhi.

Kinakampihan ko ba ang mga NPA? Ang sa akin lang naman, kung nilalaan na lang ba niya yung isang bilyon para sa mga makabuluhang problema ng pagpuksa ng ugat ng kahirapan sa bansa e di kahit papaano ay may mas marami ang nakikinabang at hindi ang iilan lang.

Pangalawa, ilang dekada na ang nakakalipas at nandiyan pa rin ang mga komunista. Anong ibig sabihin nito? Tila naman malapit sa imposible ang gustong ito ni Ate Glue. Hindi naman basta-basta lamang ang pagpuksa sa mga NPA, lalo na at nililimita niya ito sa dalawang taon. Anong balak niya? Ipamasaker kay dakilang “Palparan” at mga alagad ang lahat ng ma-sense nilang komunista? Ano na naman ito? Hindi naman, sa aking palagay, sandamakmak na bala ang sagot upang puksain ang isang salungat na prinsipyo.

Isa pa, ilang inosenteng sibilyan na naman kaya ang madadamay sa walang patutunguhang labanang ito? At ang sabi pa ng ating (in)justice secretary na si Gonzales, natural lang ang mga ganitong pagkakataon. Ito daw ang “collateral damage” na tinatawag. E ngayon pa nga lang, ilang daan na bang mga aktibista, lider manggagawa at mamamahayag ang hindi pa nabibigyan ng katarungan ang kamatayan sa rehimen ni Ate Glue? Isipin niyo na lang kung gaano kalaking “collateral damage” ang maidudulot ng “pangarap” na ito ni Ate Glue…


Panghuli, alam naman ng marami na sa mga bulsa lang ng mga heneral natin mahuhulog ang malaking bahagi ng isang bilyon na yan. E meron nga silang bakasyunan sa Boracay di ba? Talagang binubusog sila ni Ate Glue dahil sila ang kaniyang natatanging sandalan para manatili sa iskwater niya sa MalacaƱang. Kaya nga nagkaroon ng pagtatangka ng coup d’etat ang grupong Magdalo di ba?

O siya, siya, sino kaya ang sasagot sa mga katanungan ko. A alam ko na! Korni pero siya yun… “Hello, Garci?!?”

2 comments:

alwaysanxious said...

Imbes na sa educakasyon na lang ilaan ni Ate Glue (kasi masayado siyang stick sa pagsupil sa rebelde) eh di nakakatuwa pa. Ang nakakatakot nito, si Palparan, walang awa talaga kung pumatay. Ang dami ng patayan sa bulacan. Di kaya pwedeng ipapatay kay Palparan si Ate Glue? (jokejoke,,, kasi naman ganun na ba dapat ang labanan?) maling-mali

jenpot said...

ehehehe, korek ka jan! maling-mali sila. at ipategi na lang talaga si ate glue kay palparan para may magawa naman siyang matino. da vah? wokokok!