6.22.2007

After 10 years...

sa maniwala man kayo o hindi, totoo ito! ako'y nagbalik after 10 years....

kamusta naman di ba?

sa sobrang tagal ko ngang hindi nag-blog, may mga naglagay ng mga bagong komento (partikular sa entry kong "di biro"). take note, hindi ko kilala ang mga nagbigay ng komento... akalain mo
yon?!? nyahaha!

some updates tungkol sa 'kin:
  • una, kakalipat ko lang ng work (na naman?!?). oo, tama ka! lumipat na naman ako - mula sa pagawaan ng biskwit sa caloocan, sa research agency naman. kaya nga sa halos dalawang taon kong pagtratrabaho, hindi pa ko naging regular sa kumpaniya sa kakalipat ko. ehehehe! pero pramis! gusto ko na talagang pumirme ng trabaho. wish ko lang ay ok na ko sa millward. super haggard lang ang pagsakay sa MRT, as in!
  • pangalawa, si zyric ay nag-aaral nang tumayo at maglakad mag-isa. siguro isang buwan pa at matututo na rin siya. haaayzzz... parang kailan lang babyng-baby pa siya... malapit na pala bertdey niya (August 31). kailangan nang mag-ipon-ipon. wokokok!
  • pangatlo, hindi ako makapag-blog sa office dahil (for some unknown reasons) chinese ang default language ng blogger.com don 'pag ino-open ko... for that, hindi ko alam kung kelan ako makakapag-update ulit :D
oh well, sana lang makasulat ako ulit. minsan kasi ala ako sa mood (o tinatamad for short).

ciao!

3 comments:

alwaysanxious said...

Una, iyong mga nagcomment sa entry mo na hindi kakilala ay tinatawag na spammers. :) Sa tagal mo po kasing hindi nag-update, ayan may mga computer-aided chuvaloo na dumadali sa blog mo.

Ikalawa, well nanay ka na talaga at may anak ka ng naglalakad. Soon, mag-aaral na ito, matututo, mangangarap. In short, kakailanganin niya nang matinong guidance.

Pangatlo, i-memorize mo ang layout ng blogger para maayos mo ang settings nito pag na sa office ka na. :)

Pang-apat, masaya ako para sa'yo. Iyon lang period. hehehe

jenpot said...

wahahaha! spammers pala ang mga iyon, anak ng pating! wokokok! ang tagal na rin kasi talaga akong hindi nag-blog... as in 6 months or 1/2 year, ahehehe! hay naker... at unti-unti ko ngang narerealize na mahirap talagang maging nanay. tinatamad ako magmemorize nung time na nag-update ako. sa susunod siguro... at panghuli... basta masaya tayo para sa isa't isa. hapiness! apir! ;)

Anonymous said...

Jen! Nahanap ko rin ang blog mo. Madalas ka rin pala mag-update :) Siyempre, nahirapan nga lang ako sa kaiisip ng tamang spelling ng 'potchipotch'. Sa Friendster ko nakita. Haha!