nanood ako noong nakaraang linggo ng "the eye 2" at meron akong napansin tungkol sa mga horror movies...
madalas sa mga ito, asian horror movies sa partikular, ang mga scenes kung saan magpapakita ang mumu sa mga may third-eye na karakter kapag nasa elevator sila. at take note, madalas nasisira ang elevator o kaya naman ay pupundi-pundi ang ilaw nito kapag malapit nang magpakita ang mumu.
sabagay, sa elevator kasi, wala kang matatakbuhang iba kapag nasa loob ka na nito at nakasara na ang pinto. wala kang magagawa kung hindi ikeber ang mumu o harapin ito kaya naman nakakatakot di ba? isipin mo kayang nakulong ka sa elevator kasama ng mumu... katakot! eeeehhh...
isa pa, merong suspense factor sa ganitong mga senaryo dahil hihintayin ang manonood, habang kabado, ang pagbukas ng pinto nito na siyang pag-asa ng aktor/aktres na makatakas mula sa mumu.
buti na lang at kahit matatakutin ako, hindi ako nakakakita ng mumu... kahit pa kasama ko siya sa elevator :p ayos! apir!
3 comments:
sinong kasama mu sa elevator?
yung mumu :p ehehehe! baka may kasama na akong mumu di ko pa alam. pero mas ayos na yon kaysa makita ko siya :D
nyahahhaa kaw tlga!
Post a Comment