(ajit mode)
weird... weird talaga...
di ko na mapigilan ang sarili kong hindi magcomment sa kachorvahan ng MalacaƱang. Itigil na raw ang pamumulitika at anumang tangka para impeachment laban kay GMA (na diumano ay pangulo ng Pilipinas ngayon). Ganito ang bato ng mga loyalista ng "pangulo" sa pagharap sa isyu ng "hello garci" sa senado at bagong impeachment complaint (yes, na naman) sa kongreso buhat ng ZTE scandal.
at bakit daw?
masasayang lang daw ang oras ng mga mambabatas (as if makabuluhan ang iba nilang ginagawa) sa pagtuon sa mga isyung ito. ibaling na lang daw natin ang atensyon natin sa mga higit na importanteng bagay tulad ng paggawa ng mga programa at proyektong magpapaunlad sa bansa. ibig sabihin, keber na lang kung nandaya lang naman siya sa eleksyon, keber na lang kung sangkot na naman siya sa iskandalo ngayong inaprubahan nila ni neri, keber na lang kung wala siyang anumang ginawa kahit na alam niyang nanuhol ang kaniyang magiting na COMELEC commissioner (na sa 'di ko maintindihan dahilan ay involved sa nasabing transaksayong nabanggit dahil isa siyang COMELEC commissioner, COMELEC commissioner, COMELEC commissioner! - DI KO TALAGA MA-GETS!) ng 200M kay Neri upang maaprubahan ang kontrata ng Tsina at P'nas na may kinalaman sa IT (uulitin ko IT), at lalong keber lang kung karamihan ay sinusuka na siya at ang kaniyang administrasyon. ang mahalaga daw ay umuunlad ang bansa natin ayon sa kung anek-anek na indices at magiging 1st class na tayo pagdating ng 2020 (huh?).
weird di ba? weird talaga...
bakit?
una, kung ikaw ay matinong tao at walang ginagawang mali, hindi ka dapat matakot o mabahala sa anumang ligal na tangkang ilubog ang iyong administrasyon, o dignidad o pagkatao man lang, dahil alam mong malinis ang iyong konsensiya at magtatagumpay sa bandang huli. hindi ba't tila pag-amin na rin sa kasalanan ang tahasang pagsabi na huwag nang asikasuhin ang mga pagdinig sa mga maanumalyang isyung kinasasangkutan mo kesyo marami pang ibang mas importanteng kailangan gawin at tugunan. patunay lamang taktika lamang nila ang ganitong pagmamaganda upang iligaw ang ating atensyon at kalimutan na ang kaniyang mga dumi.
ikalawa, hindi ba't napakahalagang malaman ang katotohan sa likod ng mga isyung ito dahil boto at kaban ng bayan ang nakataya dito? naniniwala ako na sa isang demokrasya, sagrado ang boto ng mga tao dahil sa pamamagitan nito ay nakakalahok siya sa pamamahala ng bansa. isang kalapastangan ang nakawin kahit sa isa mang boto. kung mapatanuyan na si GMA ay gumawa ng milagro noong 2004 elections (na malamang naman sa hindi ay nandaya nga siya), wala siya, ni katiting na karapatang umupo sa kinasasadlakan niya ngayon.
kaugnay nito, sino ba ang totohanang nagbabayad ng buwis na siyang sasagasaan ng ZTE contract? hindi ba't ang mga karaniwang manggagawang Pilipino? ang mga guro na nagsasakrispisyo ng buhay tuwing eleksyon? ang mga factory workers na kakarampot ang sweldo? ako man, ang laki ng kinakaltas sa aking tax pero anong ginagawa nila sa pera natin? nilulustay lang habang marami pa rin ang palaboy na walang matitirhan at namamatay sa gutom, habang marami pa rin ang walang pambili ng gamot at pambayad sa hospital, habang marami pa rin ang hindi makapag-aral dahil sa mahal ng edukasyon ngayon. ngayon, hindi ba mahalagang maparusahan ang lahat ng sangkot sa ZTE chorvaness na 'yan? at pati na rin sa fertilizer scandal? at kung anek-anek pa?
panghuli, kung totoo man (at naniniwala akong totoo) na nandaya siya sa eleksyon at sangkot siya sa ZTE, hindi na dapat siya manungkulan dahil hindi (at hinding-hindi) siya dapat pagkatiwalaang maglingkod. paano tayo makakasiguradong ginagawa niya ang kaniyang tungkuling paunlarin ang bansa kung ganoon ang kaniyang gawa? baka bulsa na lang niya at ng kaniyang pamilya at mga sipsip na tuta niya.
pero, sige kung talagang ayaw niya ay huwag siyang bumaba sa pwesto niya. tutal naman, ang gusto lang talagang sabihin ni GMA ay tantanan na siya dahil hinding-hindi naman siya bababa kahit anuman pa man ang gawin ng kung sinuman. matigas ang mukha niya e. for that, huwag na nga siyang bumaba kahit kailan at ibitin na niya ang sarili niya sa kisame ng Malakanyang (yun ay kung maabot niya yon)... so bad of me :P syempre joke lang ito!
sa totoo, naniniwala pa rin ako sa karma...
naniniwala pa rin ako sa karma...
naniniwala pa rin ako sa karma...
No comments:
Post a Comment