hapi nu yir mga repapips!
wala lang. naisip ko lang na magsulat ng "parang" buod na 2007 ko. kasama na rito ang mga mahahalagang kaganapan at mga natutunan na rin.
january 2 - nagsimula akong magtrabaho sa rebisco. nakakatuwa din namang magtrabaho dun dahil nandun din pala ang mga former classmates ko sa stat at commres namely majo, aileen, mae, at chum. tapos manager namin sobrang bait - si ms. mai na commres grad din. yung supervisor naman namin ay "cool" at songer. hmmm... marami-rami rin akong palpak pero marami rin naman akong natutunan lalo na tungkol sa product tests. kaso, dahil sa mejo kababaang sweldo at parang dead-end na career e pinili ko na rin lumipat (2 weeks bago ako tuluyang maregular sa rebisco).
march 5 - 23rd birthday ko ito. siyaks! this year, magiging 24 na ko!!! tanda ko na rin pala.
april 9 - first wedding anniv namin ni benjie... akalain niyo
early may - tumawag ang millward brown sa akin para sa job application ko (na in-email ko sa kanila december 2006 pa). muntik ko nang hindi siputin 'to pero buti na lang at salamat talagang nagpunta ako sa exam ;-)
june 11 - 3rd anniv namin ni benjie na magkarelasyon (anong term ito?!?). mas akalain ninyo!!! hmmm... maraming ayaw syempre at hindi pagkakaunawaan pero ang mahalaga e nagkakabati rin sa bandang huli. marami kaming plans sa buhay-buhay tulad ng pag-aaral niya ulit next sem hanggang sa pagbili ng bahay (kelan naman kaya ito? after 10 years).
june 18 - nagsimula ako sa millward brown bilang research assistant. tapos, pagdating ko sa opis e wala naman akong masyadong ginagawa. wahaha! after ilang months din bago ko nagamay ang work. as of now, happy pa naman ako dito. na-meet ko rin pala dito ang ilang course-mates - pamy (suma cum laude), cean at ina. ayos naman ang mga bossing. at marami-rami rin akong natutunan pagdating sa research. kasama na rin ang pakikiharap sa mga clients. kailangang mag-ayos. hindi ako pwedeng humarap sa kanila na mukhang basura. wahaha! so ngayon, kailangan kong mag-effort sa pag-aayos sa sarili... masaya rin naman dito dahil sa mga kung saan-saang lakaran - red box (marlon's despedida), bowling chorva, EK day away, Plantation Bay day away, pseudo christmas party kila islai at kung anek-anek pa. kung saan-saan na rin ako nakakain na resto na hind ko pa nakainan. shallah sila e. ehehe! hmmm... ano pa ba? well, dito rin sa kumpaniyang ito ako mas naging seryoso sa pangangarir para sa kinabukasan pamilya. (ano ba itong sinasabi ko? basta ganun)
3rd week of august - nagka-dengue yata ako. 5 days pabalik-balik ang lagnat ko tapos nagka-rashes ako. buti na lang at hindi naman ako na-ospital.
aug. 31 - 1st bday ni zyric. buti na lang at nakalipat ako ng millward brown dahil natupad ang pinapangarap ni benjie na party para kay zyric. ginanap siya sa orosa hall. swimming galore kasama ang buong barangay.
oct 1 - debut ni benjie. 1st time niyang mag-imbita ng maraming utaw sa bahay. daming spaghetti. ehehehe! happy rin this day dahil first time kong maregular at mapromote sa trabaho at the same time. ang galing! sobrang blessing!
early november - palakpakan dahil sa panahon na ito ay unti-unti nang nakakalakad si zyric. weeehhh!!!
nov. 28 - first time kong makapunta sa Cebu (c/o MB's plantation bay day away). dami palang historical places dun. nakabili pa ko ng 3 gitara worth P15 each. sayang nga e, nabasag na ni benjie yung isa. wahaha! the best sa trip na 'to yung food lalo na sa sutukil resto. weeehhhh!!! saan kaya next year?
december - 2nd Christmas namin nila zyric at benjie
december 30 - nag-meet kami ng mga former rizal 2000 classmates sa trinoma. masayang alalahanin ang mga nakaraan namin at kamustahin ang isa't isa. almost 8 years na rin naman nung grumaduate kami from highschool. haaayzzz... ang bilis ng panahon.
hmmm... in general, masaya naman ang 2007. daming blessings! at marami ring natutunan. narereliaze ko na talagang mahirap maging nanay o pamilyadong tao na gustong mangarir para mas specific. madami pa kong gustong isulat kaso naghahabol din ako ng oras.
basta, hapi new year ulit sa ating lahat at nawa'y maging masagana at masaya ang taong 2008 para sa ating lahat.
ciao! ^_^
No comments:
Post a Comment