echos!
isang malaking panghihinayang na hindi kami nakaabot kahit man lang sa fireworks display ng kick-off chenes ng UP para sa kaniyang ika-100 taon.
na-excite pa naman ako nang todo at kasama pa namin si zyric. but no! pagdating namin sa vinzons e tila nag-uuwian na ang mga utaw. at tama nga. huhuhu...
sayang, sayang, sayang. kaso tapos na kaya walang wentang manghinayang. ganda pa naman ng kwento ng mga naka-attend. touching at nakakaiyak daw lalo na yung pagkanta ng UP Naming Mahal. at akalain niyong merong 100-year-old UP grad na alive pa sa kasalukuyan?!?
por dat, dahil hindi na kami nakaabot, namasyal-masyal na lang kami sa acad oval dahil maraming tiangge. natakaw mata pa ko dun sa choco shake na iniinom ng mga students. sa Coffee Drive ko yun nabili, parang starbucks na pang-masa ang presyo. P30 na large double dutch shake. mura! pero nung natikman ko. pang P30 nga lang talaga siya :P
oh well, advanced pasasalamat kay ms. aggy dahil reregaluhan niya ng centennial planner ang lahat ng UP grads sa opis. weeeeehhh!!!
bow.
pahabol: nood na lang kayo sa youtube sa mga naging kaganapan last tuesday ;-)
1 comment:
Hay, na-miss ko rin. Although alam ko na ring 'di ko aabutin, thanks to OT :). Til the next 100 years then. Haha!
Post a Comment