5.09.2011

para sa okasyon ngayong araw na ito

maglilimang taon na ang anak ko pero kung susumahin, siguro wala pa sa tatlong taon ko lang talaga siya nakasama at naalagaan bilang ina. nasa ibang bansa kasi ako para kumita ng mas “disenteng” halaga para sa aming pamilya. maikling panahon lang yon kung tutuusin at sa totoo lang, hanggang ngayon, palagay ko, di ko nararamdaman/nararanasan ng buong-buo kung paano maging ina - yung mag-alala ng anak (lalo na kapag may sakit), magturo ng assignments, magkulay, magbasa, magsulat, magluto, at iba pa. kaya naman sa araw na ito, may pag-aalinlangan ako sa pagsali sa sarili ko sa pagbating “Happy Mother’s Day”.

hhhhaaayyyzzz…

di bale, babawi rin naman ako, pramis. malapit na ring matapos sa pag-aaral yung tatay niya at babalik na rin ako, dapat, para gampanan yung tungkuling dapat ginagawa ko simula pa noong ika-31 ng Agosto taong 2006. kailangan yan dahil naniniwala ako na malaking bahagi ng pagkatao natin ay mula sa pagpapalaki ng ating mga magulang. ayokong mamiss pa ‘yong pagkakataon/obligasyon na yon sa aking junakis.

*side comment*

maiba ako. batid ko ang napakahalagang papel ng mga ina sa lipunang Pilipino (at sa buong mundo). pero bakit kaya ang mga sikat na mura sa anumang wika (yata) ay may kinalaman sa “ina/mother”? guilty rin naman ako sa ilang pagkakataon sa pagbanggit sa naturang mura pero, kung pakalilimiin, kailangan bang tumawag tayo ng “putang” ina sa tuwing galit at bad trip tayo? unfair naman yata yon. mahirap maging ina.

*balik sa topic*

heniwey, bilang biktima ng diaspora, marami-raming tapang, pasensiya at balde-baldeng sipag ang kinailangan ko para lumipad ditong mag-isa, magtrabaho at maging malayo sa pamilya para sa mabuting layunin. kaya sige na nga, pagbibigyan ko na rin ang sarili ko…

maligayang araw ng ina sa ‘kin, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan, mga kakilala kong nanay at sa mga ina ninyong lahat.

bow.

No comments: