7.27.2012

Chorva ko sa SONA 2012

Di ko binoto si Noynoy Aquino pero nang marinig ko ang pangatlo niyang SONA ay tila nakuha na niya at ng kaniyang kabinete ang paniniwala ko. Nakita ko nang malinaw sa kaniyang talumpati kung ano ang bisyon niya para sa Pilipinas - maunlad 'di lang sa ekonomiya kundi pati sa sosyal na aspeto nito.

Nakakatuwang malaman na dumadami na muli ang mga investors (via BPOs) sa bansa at napakalaki ng ambag ng mga OFWs (tulad ko... woooot) sa ekonomiya ng bansa. Subalit higit diyan, mas natuwa ako dahil mahabang bahagi ng kaniyang speech ang tumukoy sa pagbuti ng social services sa bansa - Philhealth para sa mga pinakamahihirap ng Pilipino, bagong classrooms, 1:1 aklat sa mga pampublikong paaralan, mas magandang offer sa mga guro, mas malaking budget sa edukasyon, pabahay sa mga pulis at sundalo para ganahan naman sila at maiwasan na rin ang kurapsyon at kung anu-ano pa. Narinig ko nga rin sa balita dati na isasama na sa leksyon ng mga bata ang tungkol sa mga bagay na pinansyal na sa tingin ko ay kailangang matutunan ng mga Pilipino para matanggal na ang 'makaraos lang' na mentalidad. Nakatulong nang husto sa talumpati ang mga stats tungkol sa:
1. Ano ang meron dati
2. Ano na ang mga nagawa
3. Ano pa ang kailangang gawin
4. At higit sa lahat - Kailan matatapos!

Patunay lang ang lahat ng nabanggit na kung mababawasan ng malaki ang korapsyon sa bansa, may pera naman talaga tayo para sa pagpapaunlad ng nakakararaming Pilipino.

Dagdag pa sa mga nabanggit, hindi niya pinalampas ang mga usapin sa paghabol sa mga tiwali sa gobyerno at pagbibigay hustisya lalo na sa Maguindanao Massacre.

Sana nga totoo ang mga numbers na pinakita niya at matupad niya lahat ng sinabi niya at kung magkakagayon, siya siguro ang magiging pinakamahusay na pangulo sa bansa - 'malinis', makamasa at makatarungan.

Positibo ba ang tingin ko sa kaniya ngayon dala na rin ba na masyadong mababa ang expectations ko sa kaniya?

Oh well... whatever, I'm just happy sa takbo ng pamamalakad niya at nawa'y ipagpatuloy niya at ng kaniyang cabinet ang mahusay nilang trabaho. Kailangan lang pag-ibayuhin ang mga ito sa tingin ko:
- Ilayo ang isyu ng kurapsyon sa personal na atake laban kay Arroyo at mga alipores nito. (ie, mas mahusay sana kung na-convict talaga si Corona dahil sa matinding basehan at hindi lang basta ill-gotten wealth ek-ek at dahil sa kakampi siya ni Arroyo). Maging mas objective sana ang approach dito para talaga masabi ng lahat kasama si Joey de Leon na:



- Makita ang mga resulta sa lokal na lebel. Naway masupil na rin pati mga 'small time' na kurakot. Kung susumahin kasi yung mga maliliit na kinukurakot ng mga maliliit na opisyal kabilang ang mga baranggay tanod at MMDA officers, ilang bilyon din siguro yon.

- Mas maraming benepisyo at mas efficient na serbisyo para sa mga OFWs (kamusta naman kasi ang mga embassy natin sa ibang bansa?)

- Mas magandang airports na paperless ang processes, please lang!

Di naman talaga natin ma-a-achieve ang Utopia bilang isa siyang imposibleng bagay pero at least nakikita natin paunti-unti ang mga pagbabago para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Side kyeme re Red Carpet sa okasyon ito - 'Di ko alam kung ako lang nag-iisip nito pero sa tingin ko ay hindi nararapat ang pagrampa ng mga opisyal ng gobyerno sa isang seryoso at pormal na okasyon tulad nito. Para sa 'kin, ang pagmamaganda nila suot ang mga designer kyeme ay nagrereflect lamang kung paano nila gastusin ang budget ng gobyerno para sa sarili nilang imahe/kasiyahan. Pwede naman nating ipagmalaki ng bongga ang pambansa nating kasuotan sa mga star awards at kung ane-anek pang sh*t pero pwede bang patawarin nila ang SONA? Oo, sige ako na ang KJ.

Masyado na palang mahaba ang chobang ito. Basta, mas feel ko nang sabihin ngayon na It's more fun in the Philippines! Wooohooo! :-)

*bow*

No comments: