Hindi... At hindi naman mangyayari ang bagay 'yan lalo na sa lahi nating tila natural ang pagkahilig at pagkagaling sa musika. Marahil yung nagsulat ng artikulo ay may ibsng depinisyon ng opm kaya niya nasabi ang bagay na yan.
Actually, maihahambing ang temang ito sa peg ng Midnight in Paris kung saan sinasabing ang golden age na itinuturing ng mga tao sa kasalukuyan ay laging yung nakaraang (mga) dekada.
Sa kaso ng opm or Original Pilipino/Pinoy Music, parating sinasabing sa 90s pinakamayabong ang eksena. Di mawawala rito ang pagbanggit sa Eraserheads at mga kasabayang banda. Kung ganito nga naman ang batayan ng mga tao ngayon, lalo na kung isasama sa klasipikasyon ng tagumpay ang dami ng plakang naibebenta, talagang malayo ang estado ng mga music artists. Kahit naman da lifetime ko ay wala sigurong makakapantay sa tagumpay na nalasap ng eheads. Pero syempre eksaheradong claim lang ito.
Kahit naman hindi mabenta ang mga plaka ngayon, di naman maikakaila na buhay ang musika sa mga gigs, telebisyon at lalong lalo na, sa paligid. Napakaraming mga mang-aawit na pinoy, king hindi man banda na buhay sa panahong ito. M2m (many too mention... Slumbook???) nga lang sila. Nandyan pa rin ang parokya, up dharma down, bamboo, pupil, kamikazee, radio active sago, dong abay at mga bagong bands tulad ng tanya markova, typecast, valley of chrome, etc. marami pa ring solohista at paborito ko nga ang asap sessionistas. Sa dami ng mga singing contests ngayon, pwede ba tayong maubusan ng original talent at style? Dagdag pa diyan ang mga advancements sa teknolohiya kung saan pwede kang makagawa h quality records kahit hindi ginawa sa manahaling studio.
Ano veh???
Well, Oo, aminin nating may pagkopya o paghalaw sa western style minsan ang mga tugtugin pero ang lahat naman ay nag-eevolve. Kaniya-kaniyang style lang yan siguro kada panahon.
Bow.
No comments:
Post a Comment