To write something. Ahihi :D
7pm pa naman yung dinner so chorva muna aketch.
Syempre hindi ko na nagawa ang 2012 re-cap dahil nakalimutan ko na yung mga gusto kong isulat. ang dami ko actually gustong isulat kaso either walang time or walang inspirasyon dala ng kapaguran. Overall naman, siya ang umaatikabong taon. Lumipat ako ng company with halong drama hahaha! Nag-isang taon na si Shen-Shen; 6 naman si Zyric. Nag-100 months na rin kami ni benjie together (at least in spirit char!). At ano pa ba? napanood ko na si Jason Mraz at Rurouni Kenshin Live Movie. Natapos ko na rin ang Legend of Korra at Rurouni Kenshin Series. Nag-adik din sa Hunger Games, Homeland at Tales From the Friend Zone. Hhhhmmm... Ano pa ba? Ok naman sa Ipsos pero parang feeling ko di ko namamaximize yung opportunities ko kaya iniisip kong lumipat. Although, sa totoo lang, ayoko na talaga rin ng market research. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ano. Ayokong lumipas ang araw ko na gumagawa ng charts o nagsusulat tungkol sa brands all my life. Anyway, yung ka-eklatang kong yan ay sa ibang post ko na lang isusunod. Masyadong hahaba itetch. I think yun yung mga nangyari sa kin. Although sa 2012 din, maraming heartbreaks at mga away sa mga kaibigan. Hahaha! Nakakalerkey lang pero syempre alalay mode muna ko sa mga friendship bilang yun yata ang role ko talaga dito sa Singapore. That makes me fulfilled and happy din naman kahit nakaka-stress at times... CHARRR ^_^
This year naman, napagdesisyunan ko nang magpabangs. Natapos ko na rin ang Huck Finn book SA WAKAS!!! haha! Ang kulet ni Tom Sawyer. Para silang Patrick Star at Spongebob actually. Si Huck si Spongebob tapos si Patrick si Tom bilang panggulo lang siya parati. Pero sa totoo, malalim ang mga constructs na nahapyawan sa book - issue ng slavery, revenge, deception, at kung anu-ano pa. Nabasa ko na rin ang book ni Master Ramon Baustista na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo: At iba pang technique para maka-move on sa wasak na puso. Parang loko-loko lang din pagkakasulat pero marami rin siyang sinabi tungkol sa life in general, di lang tungkol sa relasyon. Dahil sa kawalan ng oras, di ako makahanap ng saktong quote na gustong i-share bukod sa "there's more to life than love" :-) At syempre, ang latest kong kinalokohan courtesy of Juni ay ang Silver Linings Playbook (book) ni Matthew Quick. Isa siyang mature na atake tungkol sa relasyon, self-acceptance, friendship, pagmamahal sa pamilya, theraphy at syempre walang kamatayang pagmamahal in general. Gusto ko ngang maging psychiatrist after mabasa ang libro. Feeling ko ay bagay lang ang personalidad, mental capacity, patience levels at mission-sa-life ko sa propesyon na yan. Bakit ba kasi hindi ko naisipan yan 15 years ago??? Oh well, towel. Moving on, dahil sa libro na yan, naging paborito ko na ang Total Eclipse of the Heart. As in paulit-ulit ko lang siya pinapatugtog samantalang dati eh ayaw ko siyang naririnig sa videoke o kung saan man. Saktong-sakto pala kasi siya para sa wasak na puso at ramdam ko yung paghihirap ng main characters (Pat at Tiffany) sa contempo na dance nila na inimagine kong ganito sana sa movie:
So You Think You Can Dance Total Eclipse of the Heart Routine
But no, hindi yan nagawa sa movie kaya na-disappoint ako :-( Pero overall, oks lang yung movie. Di naman pangit. Masyado lang naging mataas ang expectation ko na papantay siya sa 500 Days of Summer pero bigo! Well, ganun yata talaga. Hindi dapat kinukumpara ang libro at movie kasi cannot be namang magawa lahat ng elements ng libro sa movie. Kaya actually, ayoko sanang mabasa yung libro bago manood. Pero wala na. Nabasa ko na siya hahaha! Anyway, I strongly recommend Silver Linings Playbook lalo na sa married couples :-)
O zsazsa padilla! Kailangan ko nang maghanda papunta sa dinnerva bonnevie for Vicki.
Special thanks at live ang Jam 88.3 ngayon sa USTREAM. Nakapag-slide din ako after a month :-)
Ciao! ^_^
No comments:
Post a Comment