Holiday kahapon pero nagwork ako. Ngayon, work pa rin. Natapos ko naman yung 2 topline reports, script set-up at nakapolish ng isa pang report. But no, meron akong kailangang gawin topline sa Lunes na kailangang ipasa sa Martes. Di ko magawa dahil wala pa yung data.At sa susunod na 2 weeks, 3 full reports yung kailangan kong ideliver plus 1 project set-up at charity work (walang bayad) para sa isang global fmcg company. Isama na rin yung pending discussion dun sa 2 dips. Di ko alam kung paano ako makakasurvive lalo na paparating na rin si sir chief ditey sa sg. How ha??? How do I, how do I, how do I liiiiiiiiive....???
TSARLOT!
Times like deeezzz... iniisip ko kung ano ba 'tong ginagawa ko sa sarili ko... kasunod na niyan ang katamaran at kawalang gana sa work. gusto ko na lang manood ng movie sa unofficial auditorium. iniisip ko pa kung anong papanoorin ko habang nagsusulat at tinatapos ang walang kwentang Immortals (bawi lang sila sa visuals at wagas na blood spills). hehehe!
On a serious note, I firmly believe na hindi talaga ito ang calling ko. biglang nagdrama??? hahaha!ACHOOOOCHOOOO :D
Anyway, yung calling ko naman eh ilang beses ko nang nasabi sa mga entries ko - kung tama ako ng pagkakaalala.
Pero actually, kung ikukumpara ko sa dami ng projects sa dami kong company, di hamak na mas marami akong hawak dati pero nakakasurvive naman ako nang maayos. Ewan ko ba ngayon kung dahil lahat kasi talaga ako - from set-up to dp to charting to reporting to... to... to... choz! O siguro napapagod na lang talaga ko dahil hello??? hindi naman na ako bumabata. Grade 1 na nga si Zyric sa pasukan. ahehe :D
Ma-relate ko lang sa calling, nakasama pala ko sa rehearsal ng isang band dito sa SG. pangalawa ko kahapon at syempre, hindi na naman ako nagpaalam kay si chief. mwahahaha! akala ko naman kasi jam-jam-an lang para makatugtog sila. but noooo :D nagulat na alng ako nag-sked sila ng gig sa June 22 at hindi naman ako makahindi. hindi ko na alam kung anong gagawin ko... kung magpapaalam ba ko at mag-aaway kami dahil hindi naman talaga ko papayagan o maghahanap na lang ako ng proxy sa kin o... hindi ko alam. amfzzz T_T' Tina-try ko palang i-upload dito or sa youtube yung aming rehearsal kaso fail nang fail eh. try ko na lang ulit some other toym.
o zsazsa padilla, inom ko na lang muna itetch at pupunta na sa audi hehe! a bientot! ^_^
No comments:
Post a Comment