11.26.2013

Walang kamatayang pork

*Late upload*

Matagal na pala kong di nakapagsulat ng may kinalaman sa pulitika (define matagal? Not in the past 3 months? :D) so here yah go... My thoughts on pork barrel:

Lahat naman (ng mga hindi pulitiko o at least hindi kaanak ng pulitiko) ay pabor para sa pag-scrap ng pork. Wala ng karagdagang argumento pang kailangan para ijustify ang pagtanggal dito. Tignan niyo na lang pictures ng lifestyle ng mga napoles or your local politicians for that matter para sa instant na pagtaas ng inyong blood pressure di ba? Kamusta yon? Pure evil lang talaga. 

Bow.

Pero ang tanong ko diyan, bukod sa panawagan na yan, may kongkreto na ba tayong plano kung saan mapupunta yung nakalaang budget sa pork? Mantakin ninyo ang daming pera non!!! So how? Don't think the president has addressed this already. Well sabi niya tatanggalin na raw at nakulong na si "MA'AM" (ma'am daw eh! Wow!) Janet. Pero anyare na? He could have addressed this issue in detail during his press release 2 weeks ago but no... Nag-self defense lang siya. At syempre ang ginamit na pera sa pagbayad ng pinang-ere ng self-defense speech? Pera ng taong bayan! Tenen!!! Heniwey, di naman ako anti-Aquino. Nakakaasar lang dahil puro siya self-defense these days.

*recent chenes*

So naideklara na pala ng Supreme Court na illegal ang pork barrel... AFTER SO MANY YEARS??? BAKEEET? Divams? Kung hindi pa dahil dyan sa issue ni Napoles eh di go lang ng go mga tongresman at senador sa pangungurakot ano? So sa susunod na eleksyon, sana di na tumakbo yung mga gusto lang gawing negosyo ang supposedly na paglilingkod sa bayan.

Speaking of Napoles, sana naman eh hindi mapunta sa wala yung kaso niya at managot ang dapat managot. Wag nating kalimutan katulad ng kaso ng mga Ampatuan. Di natin pwedeng sagutin yan ng "Di ko po maalala", "di ko po alam", "wala po akong alam". Anyare? Bawal ang pork, ang beans, ang... ano nga ba?

wahaha! (nakuha pang tumawa)

Anyway, yun lang. Sana may direksyong tunay na matuwid ang patunguhan ng lahat ng mga pangyayaring ito ano?

bow. 

No comments: