Aloha milkyway!!!
Tagal ko na naman di nakapost ng chever. Busy-busyhan at usual. At lahat nung gusto kong isulat ay nakalimutan ko na.
*bravo*
heniweys, bilang tradisyon, ito na lang ang recap ng 2013 at mga bagong echos sa 2014.
2013, grabe lang yung mga pagbabagong naganap sa taong ito. I think sa lahat in general - ie, nagpalit ng pope, super laking pork scandal sa pinas, etc. Sa akin, personally, na-overwhelm din ako sa daming ups and downs sa mga nangyari sa pamilya, friends at karir.Ito yung list, sa pagkakaalala ko :D
- January: nagpunta ako sa wedding nila Grace and Jed. Nakita ko muli yung dati kong churchmates. Hindi na ko masyadong nakachika pero masaya akong nakita ko sila, si Anmarie particularly, after a decade :)
- February: First time sumali ni Zyric sa Math Quizbee and almost got a place. Sobrang proud nanay moment syempre, hindi man siya nanalo eh natutuwa ako na natural sa kaniya mag-seek ng excellence sa schoool kahit hindi namin pinupush ni Benjie :) Had a chance to see Japanese echos sa Orchard din
- March: 29th Birthday! ahehe! celebrated it with family and friends sa pinas pero syempot had some echos din sa SG :) Jollibee opened its first store in SG din! Hooray for chickenjoy! Sana lang ay magkaroon na sila ng palabok at peach mango pie soooooon! :D
- April: Graduation ni Benjie!!! Yeeeeey! Grabe sobrang tagal naming hinintay 'to. Finally!!! *tearsofjoy* Nagpunta kami sa Laiya for celebration. Gondo mag-snorkelling ^_^ Nag-1 year din pala ko sa Ipsos this month acheche!
- May: 2013 Senatorial Elections. Campaigned for Teddy C pero hindi siya nanalo. Kahit si Gordon, hindi pa rin makapasok! Ipasok si Dick!!! :D Nga pala, this month, namatay si Eddie Romero. Na-meet ko siya once sa episode ng Real Stories re National Artists, ito yung paborito kong episode. Kaka-starstruck!
- June: Dumating na si Benjie sa SG yooohoooo!!! Nagkaroon ng haze though at after non ay kumanta ako sa aking first ever gig at band (Jennifours). Check ang bucket list! :) Work related, end month ni Anita sa Ipsos at si Ate Char na ang boss ko! Char!
- July: Naghiwalay na ang balerkey. Iba-iba na rin kasi kami ng lugar ng trabaho di tulad ng dati na nasa 50 Scotts lang kami lahat. Si Juni lumipat na sa Toluna, si Michael sa isang pharma, si Pamy naman, ang aming honorary housemate ay nasa Raffles Place na banda, Incite. Si Berto na lang ang natitira sa WPP hehe! Ako naman, syempre kasama ko na si Benjie. yung napili naming lugar ay sa Bukit panjang-jang-jang with ex-churchmates. Tapos nagpunta rin pala kami sa month na ito kila Tere. Ok naman si Drich at Benjie. Uminom kami doon syempre at voila! buntis si tere for the second time! ahihihihi :D
- August: Watched E-heads for the first time!!! \m/ Nagkawork na rin si Benjie tapos Zyric turned 7 years old! Wohoho! Bday din pala ni Mommy 'to.
- September: Last month ni Carine sa Ipsos. Ahuhu! Pumalit si Pinaki. Nagkasakit naman si Bayang this time though. 1 month siyang naconfine sa hospital. May bumara daw sa utak. Buti naman at nadaan sa gamot. ahahay! Happy kami na magaling na siya pero ang downside nito ay kami ang nagbabayad ng bills hanggang mid-this year pa. har har har! pero ayun, ganun talaga. Sabi nga ni Donald Margolis sa Breaking Bad (patungkol sa pamilya), "You can't give up on them. Never." Drama... on another note, nameet din namin sila Kuya Noy (na imeemeet ko mamaya hahaha), Pastor June, Van, at sila Ate Liz ulit. May planong mag-organize ng something pero walang natuloy ahehehe! Ayos! Heniwey, another impt chenes, 2nd and last gig naman ng J4. bow.
- October: 27th Bday ni Benjie. Happy celebration naman with couple friends Tere and Drich, Ipsos, Balerkey, TNS, ang Timothy. Ang dami ring nagcelebrate ng buwang ito at ginawa namin ang Umbrella dance kila Teena wahahaha! Napunta rin pala kami sa Hello Kitty Land with Tere and family :) Kulit ni Faye! ahehehehe! at panghuli sa buwan na ito, 2nd bday ni Shen-Shen. Di kami nakauwi though dahil nga sa dami ng gastos pero binigyan na lang namin siya ng piano hehehe!
- November: Nagkasakuna sa Pinas dahil kay Yolanda. Naging busy kami sa fund-raising sa office. First time na nag-kaisa ang mga pinoy sa office for one purpose. Ang galing! This time though, i think na-iistress ako ng todo sa bagong director ng grupo kay nakikipag-usap na ako sa Toluna. I resigned this month din.
- December: Stress drilon sa GSK presentations, nagtrabaho pa ko hanggang Dec 24 anez! Pumanaw yung natitirang kapatid ni Daddy na si Tito Benny. Hindi man kami ganoon ka-close eh malungkot pa rin. Wala na kasing natitirang buhay na kapatid si Daddy. layp. Anyway, nashock din kami sa buwang ito dahil nalaman naming 8-month buntis si Karen tapos after a week na nalaman namin ay nanganak na siya! nyahahahaha! nakauwi naman kami sa pinas para magpasko. actually, lumipad kami nung pasko mismo hehehe! miss ko na ang mga bata har har har
Maiba lang, notable chenes for this year para sa 'kin:
Fave artists this year: Daft Punk, Arctic Monkeys, Alt J, Up Dharma Down, Imago
Books read: The Adventures of Huckelberry Finn, The Westing Games, Silver Linings Playbook, Bloodline
Fave Movies: Trance, Warm Bodies, Cloud Atlas, Lincoln, Hunger Games Catching Fire, Before Midnight, Frozen, World War Z, Monsters Inc, Cloudy with a Chance of Meatballs Part 2, Despicable Me Part 2, The Conjuring, Way Way Back, etc
TV Series: GOT Red Wedding, Breaking Bad (susulat ako ng entry dito dapaaaat!!! :D)
oh 2014 naman! ngayong bagong taon, ang tema ko ay Go For Gold, hindi lang sa karir or financial chenes, kundi sa lahat ng dimensyon ng buhay - spiritual, physical, mental, emotional and all that jazz. Panahon na rin siguro para pagbigyan at mahalin ko naman ang aking self (char). Hopefully, with this new journey sa Toluna, support from family and friends ay maisakatuparan ko ang mga kaechosan ko sa layp.
Actually, nandito ko sa HK at namamasyal, nagmumuni-muni rin habang nagtraitraining. Hopefully, maganda naman ang 2014 for everyone :)
sobrang dami ko pang ibang pictures sa Fb ahaha!
heniwey, masabi ko lang, not that I'm gonna "break bad" like Walter White, but I just feel that... it's my time.
Let's DOH it! ^_^Y
2 comments:
Awww...what a year that year (2013)! And in such a very good way. :D
Super happy for all the milestones--lalo na ang pagtatapos ni Benjie and the grand reunion in Singapore :)
Nakaktuwa rin i-summarize lahat in one go. :) So many memories of the "best year ever", but the best is yet to come. ;)
Amen, it's your time to shine Jen! You can do it!
>Pamy
yay! super salamat sa encouraging message at pagiging number 1 fan ng blog na itey, Pamy :) i super agree with you sa "the best is yet to come :) looking forward to more "biking", videoke, dinner and movie dates with you sa 2014. Cheers :)
Post a Comment